CHAPTER 020 - Past Love
Nakangising bumalik si Rome sa table nila ni Dudz, subalit nang makitang wala na roon ang pinsan ay natigilan ang dalaga.
"Nasaan na ang tukmol na 'yon?" tanong niya sa sarili saka kunot-noong sinuyod ng tingin ang paligid.
Sa gitna ng event center kung saan nagtitipun-tipon ang mga bisita ay doon niya ito nakita, nakikipag-usap sa mga kakilala kasama si Cayson Monetmayor.
Napa-ismid siya bago itinuloy ang paglapit sa mesa. Naupo siya roon at nakangising binalingan ang mga cupcakes na ini-lagay niya sa plato. Uubusin lang niya ang mga iyon saka yayain na talaga niya si Dudz na umuwi. Kung ayaw naman nitong umalis pa'y magpapahatid na lang siya sa crossing at mula roo'y maari na siyang sumakay ng jeep. But knowing her cousin, hindi siya nito hahayaang bumiyahe mag-isa sa dis oras ng gabi.
Habang magana niyang kinakain ang Pineapple Malibu cupcakes ay napalingon siyang muli sa direksyon kung saan naroon ang pinsan kasama ang lalaking matagal na niyang ini-sumpang mapadpad sana sa impyerno.
The guys were laughing while sharing stories, they were obviously having fun. Cayson Montemayor had a beautiful, classy woman beside him. Naka-akbay ang animal sa babaeng nakangiti ngayon pero siguradong iiyak na bukas.
Muli siyang napa-ismid.
People never changed. Sigurado siyang ang ginawa ni Cayson noon kay Precilla ay patuloy pa rin nitong ginagawa sa mga babaeng kasalukuyang dini-date nito.
Pero ano nga ba ang pakealam niya sa ginagawa nito? They were not friends, not even a nodding acquaintance.
Kahit siya sa sarili niya ay hindi maintindihan kung bakit ang lahat ay ini-sisi niya kay Cayson Montemayor. Kung mag-init ang ulo niya rito'y ganoon na lang. Hindi naman siya ang sinaktan.
But, he hurt Precilla. He hurt the lady she used to like so much. Nakita niya noon kung papaanong araw-araw na umiyak si Precilla dahil sa kalokohan nito. He jilted Precilla after he got bored, and then he went back to the States without even saying sorry to her.
Kung hindi nasaktan noon si Precilla ay baka hindi ito sumama sa mga magulang na lumipat sa ibang bayan. Precilla liked their town, marami itong naging kaibigan doon.
Bagaman alam niyang hindi pa rin siya papatulan ni Precilla kahit nanatili ito, marahil ay naging matalik din silang magkaibigan kung hindi ito umalis.
Isa pa, kung hindi rin dahil sa Cayson Montemayor na 'yan ay baka hindi naging big deal sa buong pamilya ang kasarian niya noon, at hindi sana siya naging bantay-sarado hanggang ngayon.
Nang dahil sa lalaking 'yan ay nakatutok ang pansin ng pamilya sa akin. Kulang na lang, pati mali sa lesson plan ko ay punain nila!
She lost her freedom after what she did to Cayson Montemayor. Hindi siya naging malayang ipahayag ang damdamin at opininyon sa iba dahil natakot na siyang ang salita niya'y maging sanhi ng kahihiyan ng buong pamilya. Hindi na rin niya nagawang ipahayag ang sariling pagkatao sa iba. She wanted to wear loose shirts and jeans and sneakers, but she was afraid people would start judging her which would greatly affect her family.
She did her best to excell in school. She graduated cum laude from college. Sa kabila ng pagtanggi niya'y sa Saint Barbara Academy siya pinag-aral ng mga magulang sa kolehiyo, at lalo siyang na-sakal doon. Pero dahil ayaw niyang makapagbigay ng kahihiyan sa pamilya, lalo at kilala sila roon, ay nagpakabait siya at hindi gumawa ng kahit na anong bagay na ikapupuna ng iba.
She dressed like a normal lady. Dahil sa hilig niya sa mga maluluwag na shirts at jeans ay may mga pagkakataon noong kolehiyo siya na halos hindi na siya makahinga sa uniporme niya na bagaman hindi naman masikip at medyo hapit sa katawan.
Gusto niyang sumali sa mga debate sa school upang ipahayag ang damdamin, pero dahil alam niyang pilosopa siya at walang preno ang bibig lalo kung alam niyang siya ang tama, ay hindi na niya initutuloy. Baka kung ano pa ang masabi niya't ipahiya na naman niya ang pamilya.
She was very careful in the last ten years not to make any mistakes, so she could not give shame to the family. Kinaiinggitan niya si Dudz, dahil lalaki ito at hindi gaanong istrikto ang pamilya nila rito. At dahil tatlo lang silang mga pamangkin ay sa kanilang tatlo lang din umikot ang mundo ng buong pamilya nila. Lalo na sa kaniya, na siyang gumawa ng pagkakamali noon. At upang bumawi sa mga ito ay iniba niya ang sarili. Para siyang nakulong sa isang katauhang hindi niya kilala.
Alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya katulad ng mga tiyahin at ng Ate Connie niya. Prim and proper type--she was never like that. She was more on the boyish side. Kaya nga close sila ni Dudz, eh.
Alam niyang naiiba siya, pero hindi niya magawang ilabas ang kaibahan niya sa lahat dahil sa mataas na ekspektasyon ng pamilya niya sa kaniya.
At dahil wala siyang ibang mapagbuntungan ng inis sa sitwasyon ng pamilya nila ay naghanap siya ng outlet para roon ibuhos ang lahat ng iritasyon. At sino pa ba ang pwede niyang sisihin kung bakit laong naging mahigpit ang pamilya nila sa kaniya kung hindi sa Cayson Montemayor na iyon?
Yeah, it was all his fault. Ang pagkakabilanggo ko sa mata ng pamilya ko ay kasalanang lahat ng lalaking 'yon
Hindi niya namalayan na habang nagsi-sintemiyento siya sa isip ay unti-unti na pala niyang nauubos ang apat na cupcake na inilagay niya sa plato. She was eating them with gusto, while her eyes were dangerously glaring at Cayson. Kung nakamamatay lang ang mga tinging ipinu-pukol niya rito ay baka kanina pa ito nangisay.
Bumukol ang magkabilang pisngi niya nang sinubo niya ang huling hati ng cupcake, habang ang mga mata'y matalim pa ring sinusundan ang walang kaide-ideyang si Cayson.
Pero mukhang nakaramdam na ito, dahil habang namumukol ang pisngi niya sa pagnguya ay saka naman ito napatingin sa direksyon niya. Doon nagtama ang kanilang mga mata. Sandali itong kinunutan ng noo saka bahagyang tumawa.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya sa pang-uuyam. Lalong naningkit ang mga mata niya. Akma sana siyang si-senyas na humanda ito mamaya kung hindi lang siya biglang nabilaukan.
Sunud-sunod siyang naubo. Nang may makita siyang waiter na dumaan sa tabi niya at may bitbit na tray kung saan may mga nakapatong na kopita ng white wine at sinenyasan niya itong bigyan siya ng isa. The waiter did, at mabilis niya iyong nilagok.
Hindi bago sa kaniya ang mga wine, dahil madalas silang uminom niyon kasama ang buong pamilya tuwing Christmas at New Year. Subalit hindi sumapat ang isang kopita sa kaniya, she asked for another goblet. At katulad ng nauna ay nilagok niya ang laman niyon hanggang sa maubos.
Ang waiter ay nanlaki lang ang mga mata sa sunud-sunod niyang pagtungga ng wine.
Nagpasalamat na siya sa waiter. Matapos iyon ay umalis na ito at muli siyang naiwang mag-isa. Doon niya muling sinulyapan ang direksyon ng kinaiinisang lalaki, at doon ay nakita niyang nakatingin pa rin ito sa kaniya. Nasa mga labi ang nakalolokong ngisi.
Of course, siguradong nakita nito kung papaano siyang nabilaukan!
Gusto niya itong tapunan muli ng masamang tingin, pero nalipat ang tingin niya kay Dudz na nasa tabi nito, nakatingin din sa kaniya. May sinabi ito kay Cayson dahilan upang ang ngisi nito'y napalitan ng pagtawa.
Mamaya ka lang talaga, Dudz. Kanina ka pa! pagbabanta niya sa isip.
Tumayo siya upang lapitan ang dalawa, sisitahin niya ang magaling niyang pinsan.
Subalit pagkatayong-pagkatayo pa lang niya ay napakapit siya bigla sa mesa nang makaramdam ng bahagyang pagkahilo.
Sandali siyang natigilan bago dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo. She frowned at herself.
Ano'ng... nangyayari?
Sandali niyang pinakiramdaman ang sarili. Dalawang kopita lang ng red wine ang nilagok niya pero daig pa niya ang tumira ng isang bote! Humugot siya ng malalim na pahinga. Kung gaano siya ka-tagal sa ganoon ayos ay wala siyang ideya. Sa muli niyang pag-angat ng tingin ay hindi na niya mahagilap si Dudz at mga kasama nito. Napansin din niyang papaunti na nang papaunti ang mga bisita.
"Rome, is that you?"
Umangat ang tingin niya sa nagsalita, at sa pag-angat niya ng ulo ay muli na naman siyang sinalikay ng hilo. May matangkad na lalaking nakatayo sa gilid niya, at dahil tumatama ang ilaw sa paningin niya ay hindi niya kaagad nakita ang mukha nito.
The man was holding a guitar in his hands, nakasuot ito ng puting long sleeve polo na naka-rolyo hanggang siko at naka-tucked in sa suot na puting pantalon. The length of his legs was so mesmerizing she couldn't help herself but stare at them. Muling umangat ang tingin niya sa mukha ng lalaki. Sa pagkakataong iyon ay may napansin siya. Ang lalaki ay may suot na mga hikaw sa magkabilang tenga, at ang buhok na naka-brush up at ponytail ay kulay blonde.
Bahagyang yumuko ang lalaki dahilan upang makita niya nang tuluyan ang mukha nito. Sandali siyang napatitig dito, hanggang sa unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata.
"It's nice to see you again, Rome. How have you been?"
"B—Baron...?"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top