CHAPTER 012 - First Lover
MAKALIPAS pa ang ilang taon at nanatili pa rin ang galit sa puso ni Rome para kay Cayson Montemayor. Ni minsan ay hindi iyon nawala.
Pinilit ng dalagang kalimutan pero sa maraming pagkakataon ay bumabalik pa rin sa alaala nito ang mga nangyari sa dalawang beses na nagkita sila na siyang naging dahilan kung bakit itinuring siyang 'espesyal' ng pamilya.
Naging mahigpit ang mga ito sa kaniya, bantay-sarado siya na tila kriminal. Sa tuwing nasa paligid siya ay alerto ang mga mata sa kaniya ng buong pamilya, watching her every move, her every step. Kapag nagsasalita siya'y nakabantay din ang mga ito— na tila may sekreto siyang ibubunyag tungkol sa gobyerno.
Ang mga magulang niya ay lalong naging mahigpit sa kaniya. Kahit ang mga kaibigan niya'y ine-interoga ng mga ito at inaalam muna ang background para malaman kung magiging mabuting impluwensya sa kaniya. Kapag hindi pumasa sa pamantayan ng mga ito ang mga taong madalas niyang kasama ay pinagsasabihan siyang umiwas o h'wag masyadong makipag-close. Kasama sa mga naapektuhan ay si Jiggy— na noong una'y nagdamdam pero kalaunan ay naka-intindi.
Sa kabila ng pagtutol niya ay sa MIC pa rin siya nag-kolehiyo. As much as possible, she didn't want to study in that school, for two reasons:
First, her whole family was there, which she knew would be a big headache. Kahit paghinga niya ay siguradong babantayan ng mga ito.
Secondly— ayaw niyang makadaupang palad muli ang demonyong si Cayson Montemayor.
She wasn't wrong about her first reason— because she was indeed controlled by her family twenty-four-seven. Pakiramdam niya ay para siyang isang robot na naka-program at kikilos lang ayon sa setting na ginawa ng manufacturer. She was forced to wear clothes her family thought were best for her. Blusa at palda o slacks. Estudyante pa lang siya pero nagmukha na siyang manang na teacher. Kahit ang mag-make-up ay ipinilit sa kaniya— na bagaman light lang ay hindi pa rin niya nagustuhan. Kahit ang lugar na pagtatambayan niya sa loob ng campus ay kontrolado rin ng pamilya— she could only stay at the library, or at the faculty room, or in her classroom. Bawal siya sa gymnasium unless may game o event na kailangang naroon silang mga estudyante para manood at sumuporta, o sa open field kung saan maraming tumatambay na mga estudyante tuwing vacant hours. Sa canteen ay maaari lang siyang pumunta kung bibili, pero kapag kakain sa tanghali ay kasabay niya ang mga magulang at mga tiyahin sa faculty room. Kahit sa pagpasok at pag-uwi ay kasabay niya ang mga magulang.
It was overboard, yes. Pero sinanay na niya ang sarili. She has no choice— she was born in a strict family that had a name to protect.
Naiinggit lang siya sa pinsang si Dudz at sa ate Connie niya, dahil hindi naranasan ng mga ito ang sobrang paghihigpit ng pamilya. Siguro dahil lalaki si Dudz at magalang sa lahat, samantalang si Connie naman ay mabait at matalino— a lady who could never do or go wrong.
Nasa huling taon na rin siya sa kolehiyo. Si Connie ay nagta-trabaho bilang part-time teacher sa private Montessori habang naghihintay ng result ng board exam. Si Dudz naman ay nagta-trabaho na bilang isang operations manager sa Montemayor Traveller's, ang transport service business ng mga Montemayor na pinapalakad ng demonyo.
Oh! Buti na lang at sa loob ng apat na taong pag-aaral niya sa MIC ay hindi na sila muling nagkita ni Cayson. Of course, alam niyang dalawang beses sa isang linggo ay naroon ang lalaki para dumalaw, and to attend general meetings alongside his grandmother. Kapag nangyayari iyon ay sadya siyang iniiwas ng mga magulang— para walang kahihiyang mangyari. Iyon lang ang lihim niyang ipinapasalamat— ayaw na rin naman niyang bigyan ng kahihiyan ang pamilya niya dahil sa mga actions niya, kaya pabor sa kaniya ang ginagawa ng mga ito sa tuwing nasa campus ang demonyo.
She only wished her family would let her decide on her own sometimes. At na sana, dumating ang araw na lumaya na rin siya sa pangongontrol ng mga ito. She wanted to experience how to be free again— away from her family's radar. Iyong makapagsuot siya ng damit na gusto niya. Oh, how she longed to wear those hanging blouses and off-shoulder dresses na nakikita niya sa mga malls.
Hiling lang niya ay magkaroon na rin siya ng kalayaan kapag nagtapos na siya. And it wouldn't be long— dahil ilang linggo na lang ay magtatapos na siya.
"Rome, naririnig mo ba ang sinasabi ko?"
Napa-igtad siya mula sa pagkakasandal sa pader ng banyo sa school at ibinalik ang pansin sa kausap sa cellphone. Doon siya sa CR nagtatago kapag kausap ang kaibigan.
Jiggy studied in a different university, pero madalas pa rin silang magkita at mag-usap nang palihim. As if they were having a taboo relationship. Magtatapos na rin ito sa kursong Business Management at ini-imbitahan siyang dumalo sa completion party nito. Mas maaga ang schedule ng pagtatapos nito kompara sa kaniya.
"Yes, I heard you," sagot niya sa kaibigan. "Ano'ng oras ba ang graduation mo? Gagamitin ko na naman kasi si Connie para makatakas."
Isa pa iyon. Sa tuwing nakikipagkita siya sa kaibigan ay kailangang kasama niya si Connie para payagan siya ng mga magulang at hindi na mang-usisa pa. Madalas ay sinasabi nilang sa mall lang sila pupunta o may kaibigan lang si Connie na nang-imbitang magkape— pero ang totoo ay si Jiggy ang kausap nila at kikitain.
"Yes, I know. Sa susunod na linggo na ang graduation ko, magkita tayo sa event center malapit sa subdivision namin. Uuwi ang Dad at nag-organisa sila ni Mom ng party."
"Okay, ibo-book ko na si Connie," aniya na ikina-tawa ni Jiggy. "By the way, I have something to tell you... and this is a secret kaya kahit kay Connie ay h'wag kang maingay."
"Shoot. Ano'ng sekreto 'yan?"
"I have a boyfriend."
"Hoy, seryoso?"
"Shush!" Napalingon siya sa pinto ng banyo nang bumukas iyon at may pumasok na dalawang estudyanteng babae.
"Akala ko ba ay ipinagbawal sa'yo ng mga magulang mo na magpaligaw ka? Didn't you tell me na hindi ka rin tatanggap ng manliligaw hanggang sa makapagtaops ka?" tanong ni Jiggy na halata pa rin ang pagkagulat sa tinig.
"I know, I know. Pero hindi ko naiwasan— tinamaan eh."
"Maryosep, Rosenda Marie. Kapag nahuli ka'y lalong maghihigpit sa'yo ang mga magulang mo— no, ang buong pamilya mo."
"Alam ko naman," aniya saka bumuntonghininga. "Pero nakahanda naman si Baron na maghintay hanggang sa makapag-tapos ako bago ko siya ipakilala kina Papa at Mama."
"Baron? Sinong—" Malakas na singhap ni Jiggy ang sunod niyang narinig. Ilang sandali pa'y bumulalas ito. "Iyon ba ang Baron na nakilala natin noong namasyal tayo sa mall kasama si Connie?! Iyong nanghingi ng number mo noong umalis saglit si Connie para pumunta sa CR?"
Napa-ngiwi siya. Ang talas talaga ng memorya ni Jiggy samantalang kalahating taon na ang lumipas nang mangyari iyon.
"Yes, siya nga—"
"Gaano na kayo ka-tagal? Pinatulan mo ang 'punk' na iyon?"
Muli siyang nagpakawala ng buntonhininga. Naiintindihan niya kung bakit ganoon ang reaksyon ng kaibigan.
Baron was... someone her family wouldn't approve, that's for sure— due to his appearance. Kung si Jiggy nga na sekswalidad lang ang rason ay inilayo sa kaniya, ano pa kaya kay Baron?
He was a punk— totoo ang sinabi ni Jiggy. Baron sported long, blond-dyed hair, with piercing on his lower lip and a few more on his ears. He wore black clothes and had tattoos on his body. He was tall and fair— thanks to his Spanish genes— and he was very, very handsome— despite the punkiness.
Sa kabila ng physical look ni Baron ay napaka-sweet at thoughtful nito, dahilan upang mahulog siya rito. He was a musician and was part of the band playing music in some events— at iyon ang pinagkikitaan nito. He was two years older and was living on his own already.
He met him when she, Jiggy, and Connie were in a cafe shop inside the mall. Napansin niya ang malagkit nitong mga tingin noong nakaupo sila at nang umalis sandali si Connie para mag-CR ay lumapit ito at nakipag-usap. He asked for her number, na kaagad niyang ibinigay. Jiggy's eyebrows went up when she did, but she only did that because it was the first time someone had the guts to approach her—at kinilig siya.
Sa campus ay ilag sa kaniya ang mga estudyante, lalo at kilala siya at ang pamilya niya. Kaya naman buong college years ay wala siyang naging manliligaw— until six months ago, when Baron started texting her. At upang hindi siya mapansin ng mga tao sa bahay ay iniba niya ang pangalan ni Baron— making it Brianna. At simula noon ay madalas na sila nitong mag-usap sa gabi.
He was really, really sweet and she liked him a lot. She eventually fell in love with him and she thought he was the one. Ang problema ay hindi niya alam kung papaano ihaharap si Baron sa pamilya. Hindi niya ito ikinahihiya, dahil kung tutuusin ay malinis itong magdamit at gwapo, ang problema ay ang total appearance nito na siguradong ikaha-highblood ng papa niya at ikahihimatay ng mama niya.
Isa pa, malinaw na sinabi sa kaniya ng mga magulang na bawal pa siyang makipag-relasyon kapag hindi pa siya tapos mag-aral. Kaya naman nagplano siyang ipakilala si Baron kapag naka-graduate na siya sa kolehiyo. Pag-aayusin niya ito nang matino para hindi sila magka-problema sa mga magulang.
"Isang linggo pa lang kami," sagot niya sa tanong ni Jiggy.
"Hay naku, Rosenda Marie. Just make sure your parents won't find out."
"Of course, I am careful," sagot niya. Ilang sandali pa'y nagpaalam na siya sa kaibigan at nagsabing magkikita na lang sila ulit sa graduation party nito.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top