CHAPTER 010 - Crossing Paths Again


Hindi alam ni Rome kung itutuloy ang pagpasok sa gate ng MIC o tatalikod at lumayas na lang sa kanila. Kanina pa parang tinataga ang dibdib niya sa sobrang kaba habang pina-practice ang mga sasabihin sa mama at papa niya tungkol sa gradong hindi naipasa at kung papaano sasabihin sa mga ito na hindi siya pasok sa sampung graduating students na tatanggap ng parangal.

Tatlong araw na ang lumipas matapos niyang matanggap ang result ng make-up exam niya sa Physics— at sa kasamaang palad, ay mababa pa rin ang naging score niya. The good news was— there will be no red mark on her card. Dahil hindi na seventy-two ang magiging grade niya sa Physics, kung hindi seventy-six. Nagiging pula lang ang marka sa card kapag below seventy-five ang grado— that, at least, was the best thing.

Magkaganoon pa man ay hindi pa rin niya alam kung papaano magsasabi sa mga magulang. At sa sobrang takot niya sa magiging reaksyon ng mga ito ay nag-isip na siyang maglayas na lang, magtago sa bahay nina Jiggy hanggang sa makonsensya ang mama at papa niya sa pagiging mahigpit ng mga ito at suyuin siyang umuwi na.

Sana ganoon nga ang mangyari... Tulad ng sa mga teleserye.

Ang problema, wala siya sa teleserye. Kailangan niyang harapin ang disappointment at sermon ng mga magulang niya. Sigurado namang kakayanin niya iyon. Sanay na siya. Hindi na lang niya dadamdamin, pasok sa isang tenga at labas sa kabila— ganoon lang ang sekreto. Ang gusto lang niyang iwasan ay ang hindi makarating sa mga tiyahin ang balita tungkol sa palakol niya, dahil siguradong may dagdag sermon. At kung anu-anong paghahambing na naman ang marinig niya sa mga ito, lalo sa Tita Marites at Tita Maureen niya. Okay lang sa Tita Maya at Tita Marife niya, kasi naka-i-intindi ang mga itong hangin at kabulastugan lang ang laman ng utak niya.

Muli ay huminga siya ng malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa puting envelop kung saan doon nakatago ang mahiwagang card niya.

Iyon ang huling araw na kailangan niyang ipakita sa mga magulang ang card upang mapirmahan ng mga ito. Kinabukasan kasi ay kailangan na iyong mai-pasa pabalik sa teacher niya nang sagayon ay magawan siya ng certificate of completion na tatanggapin niya sa araw ng graduation.

Ilang araw na lang at graduation na kaya kailangan na nilang maibalik ang card na may pirma ng mga magulang. Tatlong araw na rin sa kaniya ang card na iyon pero sa takot ay hindi niya kaagad na naipakita, kaya hinintay niya ang huling araw.

Kung tutuusin ay pwedeng si Connie ang pumirma niyon para sa kaniya, pero hindi rin maaari dahil unang-una, kilala ng advisor niya ang mga magulang niya at alam nito ang pirma ng mga iyon. Pangalawa, hahanapin din ng mga magulang niya ang report card sa quarter na iyon. Ano'ng sasabihin niya sa mga ito kapag nakitang may pirma na ni Connie ang card? Eh 'di nadamay pa ang ate niya sa kalokohan niya?

Nag-angat siya ng tingin at sinulayapan ang school building ng MIC (Montemayor International Colleges). Kailangan niyang dalhin ang card sa mga magulang sa mga oras na iyon mismo para maibalik na niya sa advisor niya sa hapon ring iyon.

Muli siyang huminga ng malalim at saka sinulyapan ang oras sa relo.

Exactly three in the afternoon. Break time na ng mga staff at teachers, siguradong magkasama ang mga magulang niya na nagme-meryenda sa opisina ng papa niya.

Inayos niya ang pagkakasukbit ng backpack sa kaniyang mga balikat bago humakbang papasok. Binati niya ang mga guro na nakakasalubong niya na nakakakilala sa kaniya at nginingitian ang mga estudyanteng nakakakilala rin sa kaniya. Hanggang sa makarating siya sa loob ng school building ay doon siya muling inatake ng matinding kaba.

Dumiretso siya sa accounting office para silipin doon ang ama, subalit pagdating niya roon ay nagulat siya nang makitang maraming estudyante ang mga nakapila sa harap ng accounting booth. Ang iba ay sumisilip pa sa loob, habang nagbubulungan at naghahagikhikan, at ang iba nama'y nakatayo lang sa gilid ng pinto at tila may inaabangang lumabas.

She frowned. Karamihan sa mga estudyanteng naroon ay mga babae, at iba ay kilala niyang mga estudyante ng mga tiyahin at mama niya.

She excused herself in the middle of the crowd. Kailangan niyang makausap ang ama habang breaktime pa nito, dahil sa dami ng estudyanteng nakapila, baka maging abala na ang papa niya mamaya.

"Hindi ba kapatid ka ni Connie?"

Nahinto siya at nilingon ang babaeng estudyante na nagtanong. She smiled when she recognized her as one of Connie's classmates. "Ako nga."

Nakita niyang lumingon ito sa likuran ng mga nagsisiksikang estudyante sa gilid ng pinto. "Narito lang iyon kanina eh, magdadala sana ng meryenda nina Mr. and Mrs. Cinco."

Hinanap niya rin ng tingin ang kapatid, "Bakit hindi pa siya pumasok sa loob?"

Muli siyang hinarap ng ka-klase ni Connie. "May meeting pa kasi sa loob, at—" Hindi nito naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng accounting office na sinundan ng malakas na bulungan at hagikhikan ng mga estudyante.

Napalingon siya roon at dahil nasa harap siya mismo ng pinto ay nagulantang siya sa unang nakita.

Kasabay ng panlalaki ng mga mata niya ay ang pag-atras niya. Hindi siya makapaniwalang impyerno ang nasa kabilang bahagi ng pinto— dahil ang naroon at nagbukas niyon ay ang demonyo!

Nang magtama ang mga mata nila ng lalaking nagbukas ng pinto ay muli siyang napa-atras, saka nawalan ng panimbang nang may maapakang estudyante na nakatayo sa kaniyang likuran— dahilan upang matumba siya sa tiled floor.

Subalit hindi niya ininda ang pagkakatumba— hindi rin niya pinutol ang pagkakatitig niya sa lalaki. Kahit ito ay napahinto at napako rin ang tingin sa kaniya.

Ang mga estudyanteng nasa paligid na kanina ay nagsisipagbulungan ay natahimik sa pagkakatumba niya. Lahat ay nakatingin sa kaniya, nagtatanong ang mga mata kung bakit hindi pa siya tumatayo.

Gustohin man niyang tumayo ay tila nawalan siya ng lakas. Paano, may demonyo sa harapan niya na tila humihigop sa lahat ng enerhiyang mayroon siya sa kaniyang katawan!

Caligh Carson Montemayor! Sa dinami-rami ng araw at oras, bakit ngayon pa?!


▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️

SCHEDULE OF UPDATE

Wattpad: Friday, Saturday, and Sunday

Facebook VIP: Completed / Paid Membership

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top