CHAPTER 007 - Forced Apology
"KAILANGAN mong humingi ng pasensya sa ginawa mo sa apo ni Mrs. Montemayor!"
Napauklo sa kinauupuan si Rome nang muling suminghal ang Papa niya. Singhal na halos sumakop sa buong compound. Singhal na kasing lakas ng kulog. Singhal na nanunuot sa buong kalamnan niya. Kanina pa siya nito sine-sermunan at nag-uumpisa na siyang ma-bingi— literal— sa tindi ng pagsinghal nito.
Si Dudz ay mabilis pa sa alas-sinco kung makapag-sumbong sa mga magulang niya! She was in her room then, staring at her test papers with a heavy heart when she heard her father shouted out her name. Halos magkanda-dulas-dulas siya sa pagbaba ng hagdan. Kapag ganoon ang tono ng ama ay nanginginig na ang mga tuhod niya. Pagdating sa ibaba ay naghihintay na ang mga magulang at ang Ate Connie niya. Their parents were all looking so cranky.
Bakit hindi? Binuhusan lang naman niya ng kape ang lalaking magiging boss ng mga ito sa susunod na mga taon. Maliit na bagay.
Napalunok siya at tumikhim bago sinagot ang sinabi ng ama. "Bakit kailangan kong humingi ng pasensya sa lalaking iyon, Pa? Kasalanan naman niya kung bakit ko ginawa iyon, eh. Masyadong mayabang ang Cayson na iyon, in-insulto at pinagtawanan niya ako. Hinding-hindi ko gagawin ang sinabi ninyo."
Ayaw niyang humingi ng pasensya sa Cayson na iyon kaya tatanggapin na lang niya ang parusa ng mga magulang sa kaniya.
Nakita niya kung paanong namula nang husto ang mukha ng papa niya sa kaniyang naging sagot. Ang mama naman niya na nasa likuran lang nito ay naka-halukipkip at masama rin ang tingin sa kaniya.
"Rosensa Marie..." Huminga ng malalim ang papa niya at pilit na pinigilan ang galit. "Buong buhay ko ay wala akong ibang inisip kung hindi bigyan kayo ni Connie ng maayos na buhay at palakihin kayo ng may pag-galang sa kapwa at takot sa Diyos. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang ang pagbabago mo simula nang mag-high school ka. Pinilit kitang intindihin, pilit na tinanggap ang pag-pili mong ibahin ang iyong sekswalidad. Pero ang pagiging suwail na anak? Hindi ko kailanman kukunsintihin iyon. Kaya pumili ka. Pupunta ka sa Lunes sa school at hihingi ng pasensya kay Cayson Montemayor o ipadadala kita sa probinsiya, doon sa mga lola at lolo mo, para doon mag-aral hanggang kolehiyo?"
Probinsya? Iu-uwi siya ng mga magulang sa Iloilo?
NO!
Oh, mahal niya ang lolo't lola niya, she would die protecting them. Pero hindi niya kayang tumira sa probinsya! Kahit ang dalawang linggong bakasyon doon ay halos ikamatay na niya, ano pa kaya ang manirahan doon sa loob ng ilang taon? She loved the city life, the skyscrapers, the neon lights at night, the busy road, the traffic jam. Lumaki na siya at nagkaisip sa Parañaque, kung saan biente cuatro oras na buhay ang mundo. She couldn't live in the province with all those damned trees, grass, and the sea? Ang kayumanggi niyang balat ay baka tuluyang mangitim kung naroon siya!
Ohhh!
Her father surely knew how to play the game!
Akma na sana siyang sasagot nang mula sa pinto ay lumusot ang mga kapatid ng Mama niya. Puro mga seryoso ang mukha at mukhang may dala-dalang mga sermon.
Oh, no! Mukhang seryoso ang pinasok kong gulo!
"So, matapos mong manligaw ng kapwa babae ay binastos mo naman ang apo ng may-ari ng school na pinagta-trabahuan namin?" tanong ng Tita Marites niya nang makalapit. "Ano pa'ng kahihiyan ang ibibigay mo sa pamilyang ito, Rosenda Marie?"
Payuko niyang sinulyapan ang tiyahin na lalong naging katakut-takot ang anyo. Ang Tita Marites niya ang panganay sa magkakapatid at siyang pinaka-istrikto sa lahat. Lagi siyang takot dito at naiilang. Nakasuot ito ng salamin at may katabaan ng kaunti ang katawan.
"Cayson Montemayor is going to be the future School Director." Nalipat ang pansin niya nang marinig na nagsalita ang isa pang kapatid ng Mama niya, ang Tita Maureen niya. "Ano ang pumasok sa kukote mo para gawin iyon sa kaniya, ha, Rosenda?"
Bumuntonghininga siya at akmang sasagot nang magsalita rin ang isa pa niyang tiyahin— ang Tita Marife niya. "And to think that he's done nothing to you?"
Napalabi siya sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay nasa courthouse siya na binibigyang hatol sa kasalanang ginawa. Nasa harapan niya ang mga ito, nakatayo at nakahalukipkip, ang mga noo ay pawang mga nakasalubong. All her aunts were strict when it came to their students and their job, but they're the sweetest when it came to the family. Subalit ngayon ay iba ang aura ng mga ito. They looked like a pack of wolves ready to devour their prey.
"Sinabi ni Dudz na bigla ka na lang sumugod at sinigaw-sigawan si Cayson Montemayor," anang isa pa sa mga tita niya, ang Tita Maya nila. "Iyon ba ang itinuro namin sa iyo, Rosenda Marie? Ang maging bastos?"
Umiling siya. "No, but—"
"Habang lumalaki kayo ni Connie ay hindi kami nagkulang na pangaralan kayo, maliban pa sa pangangaral at disiplinang natatanggap ninyo sa Mama at Papa ninyo," patuloy na sermon ng Tita Maureen niya. "Ginabayan namin kayo para sa ikaayos ninyo pero bakit kailangang bigyan mo kami ng kahihiyan? Nagkulang ba kami sa iyo?"
Muli siyang umiling. She felt so helpless.
"Maiintindihan namin kung may ginawang masama sa iyo si Cayson Montemayor at ipinagtanggol mo lang ang iyong sarili," pahayag muli ng Tita Marites niya. "Subalit naging saksi si Dudz sa ginawa mo. Nakita niya at narinig ang lahat. He asked you to say sorry but you ran away instead."
"You don't understand, Tita—"
"What is there to understand, Rosenda Marie?" sabi naman ng Mama niya na kanina pa tahimik. "Nang dahil sa pagkahumaling mo sa kapwa babae ay nagawa mong ipahiya ang pamilya natin. Walang ginawang masama sa iyo si Cayson Montemayor para mauwi sa pambabastos ang lahat, Rosenda. Lagi kong sinasabi sa iyo, sa inyong magkapatid, na ang lahat ng problema at gulo ay nare-resolba sa mapayapang usapan."
Napayuko siya. May punto ang mga ito at inaamin niyang may mali siya pero huli na para pagsisihan niya ang ginawa. Tama naman ang mga itong napaka-babaw lang ng dahilan niya para gawin iyon at masyado lang siyang nagpadala sa init ng ulo. Pero ano't ano pa man ay hindi siya hihingi ng dispensa sa lalaking iyon!
Dahil nagseselos siya kay Caligh Carson Montemayor for taking Precilla's heart.
Dahil nagagalit siya kay Caligh Carson Montemayor, for breaking Precilla's heart and for making her cry.
At dahil naiinis siya sa kayabangan nito! Kung maliitin siya'y ganoon nalang!
"Sa Lunes ay pumunta ka sa school upang humingi ng dispensya kay Cayson at kay Mrs. Montemayor," sabi ng Papa niya na ngayon ay mahinahon na. Subalit nasa mukha pa rin nito ang kontroladong galit.
Hindi na siya sumagot pa. What is there to say anyway? She was cornered, preached, and blamed. Kahit anong sabihin niya, wala siya sa tamang rason at walang makikinig sa kaniya.
She felt so defeated. Damn that Caligh Carson Montemayor...
*
*
*
NANG dumating ang Lunes ay nagtungo siya sa kolehiyo na pag-aari ng mga Montemayor. Umaga siyang nagpunta roon dahil sa hapon pa ang klase niya. Ang sabi ng Papa niya ay sasamahan siya nito sa opisina ng School Director, kaya makikipagkita na muna siya sa opisina nito.
Ilang beses na rin siyang nakapunta sa school na iyon kaya hindi mahirap sa kaniyang hanapin ang daan patungo sa nais niyang puntahan. She used to ran around the solar when she was a kid, noong mga panahong dinadala siya ng mga magulang doon. She used to play in the school gymnasium, in the library, at the corridors. She smiled when she remembered those times. Sana ay bata lang siya. Para kahit nagkamali siya ay kakausapin lang siya ng mahinahon ng mga magulang at iintindihin. Hindi iyong sisigawan at sesermunan sa harap ng lahat.
Ugh!
How she hated what happened last Saturday night! Noong sermunan siya ng mga magulang at mga tiyahin! It was the first time at nagulantang siya sa nakitang galit sa mga mata ng mga ito.
Parang naligo lang sa frappe ang diablo na iyon eh... ginawa nang malaking bagay, bulong niya habang patuloy pa rin sa paglalakad.
Pagpasok niya sa school building ay may iilan siyang mga estudyante na naka-salubong at kunot-noong hinahagod siya ng tingin. Ang iba ay nagbulungan pa at sa talas ng pandinig niya ay hindi iyon nakalagpas sa kaniya.
"That's Mrs. Cinco's daughter," anang babaeng estudyante.
"Oh, she's the one who confronted Caligh Carson Montemayor? Ano'ng karapatan niyang bastusin ng ganoon ang future School Director?"
"Obviously, hindi siya nag-iisip."
"Baka ganoon siya pinalaki ng mga magulang niya?"
Naghagikhikan ang mga ito. Nais niyang huminto at harapin ang mga ito pero pinigilan niya ang sarili. Hindi siya pwedeng magtapang-tapangan sa lugar na iyon at baka lalo niyang pahiyain ang sarili at ang pamilya niya.
Hindi niya akalaing kalat na sa school ang tungkol sa nangyari. Kilala rin siya ng mga ito at alam kung sino siya— bakit hindi? Anim na miyembro ng pamilya nila ay doon nagta-trabaho. Kilala siya ng mga estudyante ng mama niya at ng mga tiyahin, kaya siguradong narinig na ng mga ito ang buong pangyayari, lalo at pawang mga estudyante ng Montemayor International Colleges ang mga kasama ni Casyon noong araw na iyon. Hindi malayong kumalat ang issue sa buong campus— at ngayon niya naiintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagputok ng butse ng mga magulang at mga tiyahin niya. Iniisip marahil ng mga estudyanteng hindi siya pinalaki ng maayos ng mga magulang kaya ganoon ang inasta niya.
Napayuko siya. Nadamay ang buong pamilya niya sa kahihiyang ginawa niya.
Binilisan niya ang paglalakad. Nang marating ang Accounting Office ay nakita niya ang tatay niyang abala sa ginagawa. Ang mga kasama nitong empleyado ng unibersidad na kung dati ay binabati siya ay bahaw lang siyang nginitian at tinanguan. May hinala siyang nakarating na rin sa mga ito ang ginawa niya at hindi rin nagustuhan ang balita.
Nang mapansin siya ng ama ay tumayo ito at lumapit sa kaniya. Walang salita itong naunang naglakad patungo sa School Director's office. Alam niyang mainit pa rin ang ulo nito sa ginawa niya. Kahapon ay buong araw siya nitong hindi pinansin at kahit ang mama niya ay pahapyaw lang siyang kinausap. Connie was the only person who spoke to her and made her feel that she still belonged in the family. Pakiramdam niya kasi ay itinakwil na siya ng buong pamilya.
Pagkarating sa School Director's office ay doon siya nakaramdam ng kaba. Iyon ang unang pagkakataong makakaharap niya si Mrs. Althea Montemayor, kaya inihanda niya ang sarili.
TO BE CONTINUED...
▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
SCHEDULE OF UPDATE
Wattpad: Friday, Saturday, and Sunday
Facebook VIP: Completed / Paid Membership
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top