CHAPTER 006 - Avenging Her Love



HINDI kilala ni Rome sa hitsura ang Cayson Montemayor na iyon, subalit marami na rin siyang naririnig tungkol dito sa pamamagitan ni Dudz. Hindi niya inasahang ito ang mayamang manliligaw ni Precilla noon— ang lalaking siyang dahilan kung bakit niya isinuko ang nararamdaman para kay Precilla dahil nalaman niyang may gusto rin ito sa lalaki.

Ang mga Montemayor ay isa sa mga mayayamang pamilya sa lungsod. Ang lola ni Cayson, the matriarch, ang nagmamay-ari ng pinakamalaki at prestihiyosong kolehiyo sa lungsod, kung saan nagta-trabaho ang mga magulang at mga tiyahin niya.

Maliban pa roon, ay nagmamay-ari rin ng isang transport service business ang pamilya. At dahil si Cayson lang ang nag-iisang apo ay ito lamang ang nag-iisang tagapag-mana ni Mrs. Althea Montemayor.

Ayon sa pinsan niyang si Dudz, na ngayon ay nag-aaral ng kolehiyo sa Montemayor International Colleges sa kursong accounting, ay ulila nang lubos si Cayson. Namatay ang ina nito noong ito'y ipinanganak habang ang ama nito'y namatay sa aksidente noong sampung taong gulang ito. So, being the only heir and the next successor of Montemayor's business, natural na maraming babae ang maghabol dito.

Ang narinig pa niya kay Dudz ay katatapos lang sa kolehiyo ni Cayson Montemayor. Sa Estados Unidos ito nag-aral ayon sa kagustuhan nito, at tatlong beses sa isang taon umuuwi sa bansa upang dalawin ang lola. At sa tuwing naroon sa bansa ay wala itong ginawa kung hindi maghanap ng babaeng paglalaruan ng ilang linggo, at iiwanan na durog ang puso bago bumalik sa America.

Isa na nga roon sa mga nabiktima ay si Precilla.

Buti na lang talaga at nakinig siya sa mga kwento ni Dudz tungkol sa mga tropa nito at kasama sa basketball team.

Apat na taon ang tanda sa kaniya ng pinsang si Dudz pero mas malapit ito sa kaniya kompara kay Connie. Iyon ay dahil asal-lalaki siya at nasasakyan niya ang mga trip nito. At dahil sa iisang compound lang sila nakatira ng buong pamilya, ay gabi-gabing nasa kanila si Dudz upang makipag-kulitan sa kaniya.

Dudz also shared that Caligh Carson (Cayson) Montemayor had a million-dollar-face, kung anuman ang ibig sabihin niyon ay wala siyang pake. Ayon pa rito, sa edad pa lang daw na beinte anyos ay ilang babae na ang pina-iyak ni Cayson.

Dudz was sharing storied about the man with amusement in his eyes, at kung wala marahil syota ang pinsan niya ay baka isipin niyang bakla ito at nagkakagusto sa lalaking ikinu-kwento nito. And she only listened to Dudz's stories because she was bored— ngayon ay nagpapasalamat siyang pinakinggan niya ang lahat ng iyon. Dahil alam na niya kung papaano hahanapin ang lalaking nagpa-iyak kay Precilla!

Binilisan niya ang pag-pedal ng bisikleta hanggang sa marating niya ang sports complex kung saan alam niyang nagpa-practice ang team nila Dudz. Pero wala ang mga ito roon, kaya nagtanong siya sa mga tambay at hinanap ang team ng pinsan. Nang sabihin ng napagtanungan niya na umalis ang buong grupo para mag-meryenda ay alam na niya kung saan ang pupuntahan ang mga ito. Sa isang sikat na coffee shop hindi kalayuan sa sports complex.

Muli niyang pinasibad ang bisikleta patungo sa lugar na iyon.

Ilang sandali pa'y natanaw na niya ang sikat na coffee-shop-for-the-rich— iyon ang tawag niya sa lugar na iyon. Hindi pa man tuluyang humihinto ang bisikleta ay tumalon na siya at hinayaan iyong sumalampak sa gilid ng kalsada. Dali-dali siyang pumasok at hinayon ng mga mata ang paligid.

Nang makita niya si Dudz na naka-upo sa mahabang couch sa sulok ng shop kasama ang mga ka-grupo ay mabilis siyang naglakad sa direksyong iyon.

Si Dudz nang makita siyang papalapit ay kinunutan ng noo. "Rosenda Marie, ano'ng ginagawa mo rito?"

Hindi siya sumagot. Nang tuluyang makalapit ay sinuyod niya ng tingin ang walong mga lalaking kasama ng pinsan. They were all wearing their jerseys with their names on it. Kahit wala ang mga pangalan ng mga ito sa suot ay makikilala rin niya dahil mga taga-roon lang din naman sa kanila.

Well, maliban sa isa na pinagigitnaan ng mga ito.

Caligh Carson Montemayor.

*

*

*

ANG lalaking hindi pamilyar sa kaniya na naka-suot ng itim na sando at may mahabang buhok na naka-man bun ay naka-sandal sa couch at salubong ang mga kilay na patingin din sa kaniya. Ang isang braso nito'y nakapatong sa sandalan habang ang isang kamay ay may hawak na malaking mug ng frappucino. Pinagigitnaan ito ng lahat na tila hari.

"Ikaw ba si Caligh Carson Montemayor?"

"You can call me Cayson," anito, hindi nagbabago ang anyo."What do you need from me, kid?"

Kid? Katorse na ako, tarantado! Niyuko niya ang sarili. Mukha ba akong bata sa— At doon ay natigilan siya nang makita ang suot.

Dahil sa pagmamadali niya at bugso ng damdamin ay hindi na siya nag-abalang suriin ang suot bago umalis. She was wearing a white sando and blue pajamas. Pambahay talaga. At dahil wala siyang boobs sa edad na iyon, ay talagang nagmukha siyang bata.

Inis niyang muling binalingan si Cayson. "Wala kang karapatang saktan si Precilla!"

Nakita niya kung paanong muling kunutan ng noo ang lalaki matapos marinig ang pangalang binanggit niya.

Si Dudz ay tumayo at lumapit sa kaniya. "Huy, Rosenda, ano bang pinagsasasabi mo?" Hinawakan siya nito sa braso at hinila. "Hali ka na nga at umuwi ka na, baka—"

Marahas niyang binawi ang braso mula kay Dudz at muling hinarap si Cayson. "Hindi por que ang pamilya mo ay isa sa pinaka-mayaman sa lungsod ay may karapatan ka nang umasta na akala mo'y pagmamay-ari mo lahat ng babae rito! Hindi mo ito kaharian! Don't act as if you have a harem in this town! Wala kang karapatang saktan si Precilla! You have no right to break her heart!"

Si Cayson ay bagot na nagpakawala ng malalim na paghinga saka ipinatong ang hawak na mug sa ibabaw ng mesa bago tumayo.

Doon ay bigla siyang natigilan at sinundan ng tingin ang unti-unting pag-angat ng katawan ng lalaki. Lihim siyang napa-singhap nang makita kung gaano ito ka-tangkad at ka-laki— para siyang nakaharap sa Eiffel Tower! O baka dahil pandak lang siya? No, matangkad lang talaga ang lalaki.

Hula niya'y anim na talampakan ang taas nito at matipuno ang pangangatawan. Bumaba ang tingin niya sa maskulado nitong braso at hindi niya alam kung bakit siya napalunok. Hindi niya pwedeng hamunin ng bakbakan ang lalaki, baka magpulot siya ng mga ngipin niya kung saka-sakali.

Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Cayson at nakita niya ang patuloy na pagsalubong ng makapal nitong mga kilay.

"Humingi ka ng sorry kay Precilla," aniya sa seryosong tinig.

Humalukipkip ito, "Why would I do that? Humihingi lang ng sorry ang taong may kasalanan. And as far as I could remember, wala akong naging kasalanan kay Precy. Kinausap ko siya ng maayos."

Ikinuyom niya ang mga palad sa narinig na rason nito. "Sinaktan mo siya!"

"I did not."

"Kung hindi, bakit naroon siya sa bahay namin at umiiyak? Malaki ang pagkakagusto sa iyo ni Precilla at kahit masakit sa akin na isuko ang nararamdaman ko'y nagpaubaya ako! Tapos ito ang gagawin mo? Iiwan mo rin siya?"

"And who are you in her life?"

Itinaas niya ang mukha at taas noong sinagot ang katanungan nito. "Ako lang naman ang tanging nagmamahal sa kaniya nang tunay."

Sandaling natigilan si Cayson sa sinabi niya bago ito bumulalas ng tawa. He was laughing so hard it made her lose her temper more. Lalong nag-init ang ulo niya. Gusto niya itong sapakin pero baka hindi umabot ang maiksi niyang braso sa panga nito kaya ipinako niya ang sarili at pilit na huminahon.

"You are a funny kid," sabi ng lalaki makalipas ang ilang sandali. Yumuyugyog pa ang mga balikat nito sa pinipigil na tawa. Muli itong bumalik sa pagkakaupo at sumandal. "Hindi ba dapat ay maging masaya ka dahil naghiwalay na kami? Magkakaroon ka na ulit ng pagkakataong suyuin siya. Malay mo, kayo talaga ang nakatadhana, hindi ba?" Ngumisi ito na ikina-pikon niya lalo.

Si Dudz ay muli siyang hinawakan sa braso. "Tumigil ka na nga Rosenda, at umuwi ka na. Isusumbong kita sa mama mo kapag hindi ka pa umalis. Hindi ka pa nga yata naghihilamos eh, 'no?"

Muli niyang binawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Dudz saka ito tinapunan ng masamang tingin. Mainit na mainit ang ulo niya. At kung hindi niya susundin ang sinabi ng pinsan ay baka mauwi lang siya sa paghahamon ng suntukan—which she knew was a very stupid idea. Dahil alam niyang wala siyang laban, kahit ano pa ang gawin niya.

Ibinalik niya ang tingin sa nakangising si Cayson. Muli niyang initaas ang mukha at nagsalita. "Naipahatid ko na ang gusto kong sabihin sa iyo, Caligh Carson Montemayor. Kung hindi ka manghihingi ng pasensya sa pananakit mo sa damdamin niya ay h'wag ka na lang magpapakita pa para hindi na siya lalong masaktan." Mabilis na siyang tumalikod at nag-martsya palayo.

Subalit nasa kalagitnaan pa lang siya ng paglalakad ay muli niyang narinig ang boses nito.

"Sino ang bubwit na iyon?"

"Pinsan ko," sagot ni Dudz. "Malaki ang pagkakagusto niya kay Precilla kaya pasensya ka na, pare."

Narinig niya ang malutong na tawa ni Cayson, "Don't worry about it. Nasa critical stage na ang batang iyan kaya kailangan niyong tutukan nang maigi bago pa mag-umpisang mag-rebelde. By the way, is that a she or a he?"

"Ewan ko ba sa batang 'yan, dating she pero nagpupumilit maging he" sagot ni Dudz. "Pero hayaan mo't isusumbong ko iyon sa mga magulang niya para mapag-sabihan siya."

She heard the evil man chuckle again.

"She looks so pathetic. Sabihin mo sa kaniyang tigilan na ang pagpapantasya niya."

Huminto siya nang marinig ang huling sinabi nito.

That's it.

Bago pa niya napigilan ang sarili ay bumalik siya sa kinaroroonan ng grupo at nang makalapit ay walang salitang dinampot ang mug na may lamang frappe sa ibabaw ng mesa saka iyon ibinuhos kay Cayson bago pa siya napigilan ni Dudz.

Malakas na singhap at mura ang narinig niya sa mga kasama ng lalaki pero wala roon ang pansin niya. Hawak pa rin niya sa kamay ang mug na wala nang laman habang nagbabaga pa rin ang mga matang nakatunghay sa lalaking naligo sa frappucino. Napa-pikit ito at sandaling natigilan, subalit malinaw rin niyang nakita kung papaanong umigting ang mga bagang nito sa kontroladong galit.

Bahagya na niyang narinig ang bulung-bulungan mula sa ibang mga customers ng coffee shop na noon lang niya napansin. They were all staring at her, wondering who she might be. Ang iba sa mga iyon ay natatawa at ang iba'y nang-gatong pa at nag-cheer ng 'SUNTUKAN NA 'YAN'.

Ibinalik niya ang pansin sa lalaking naligo ng frappe at akmang pagsasalitaan pa ng masama nang bigla siyang hablutin sa braso ni Dudz at pakaladkad na inilabas sa shop. Pagdating sa labas ay halos itulak siya nito.

"Ano sa tingin mo iyong ginawa mong 'yon, Rosensa?" galit na singhal nito sa kaniya. Ang malaki nitong mga mata'y lalong nanlaki sa sobrang galit. "Wala na sa lugar iyang kalokohan mo—"

"Masyadong mayabang iyong kaibigan mo, Dudz! Hindi por que mayaman siya ay pwede na niyang pagtawanan at isultuhin ang isang katulad ko? Sinaktan niya si Precilla at anong malay natin kung sinu-sino pang mga babae ang niloko niya?"

"Wala ka nang pakealam doon! At kahit ano pa ang sabihin mo ay mali pa rin ang ginawa mo sa kaniya! Kapag nalaman ito ng mga magulang mo, ano sa tingin mo ang gagawin nila sa iyo?"

Inis niyang itinulak ang pinsan. Nararamdaman na niya ang pag-iinit ng magkabila niyang mga pisngi sa sobrang pagka-inis. "Sige, isumbong mo ako! D'yan ka naman magaling eh!"

"Talagang isusumbong kita para maturuan ka ng leksyon!" Muli siya nitong hinila pabalik sa loob, "Pero kung ayaw mong gawin ko iyon ay humingi ka ng pasensya kay Cayson sa ginawa mo—"

Marahas niyang binawi ang braso. "Ayoko! Kahit anong mangyari ay hindi ako hihingi ng pasensya sa mayabang na tarantadong iyon!" Mabilis siyang tumakbo palayo sa pinsan at pabalik sa nakatumba niyang bike. Sumampa siya roon at walang lingon-likod na pinasibad iyon palayo.


TO BE CONTINUED...


▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️

SCHEDULE OF UPDATE

Wattpad: Friday, Saturday, and Sunday

GoodNovel: Completed / Paid Story

Facebook VIP: Completed / Paid Membership

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top