Chapter Thirty-Eight - It Must Be A Sign
"RONALD—" a voice chimed in coming from the door that just opened.
Gulat na napasinghap si Stacey nang malingunang nakasilip doon si Luz. At nanigas siya sa takot nang biglang sumulpot sa tabi ng matandang babae si Renante.
"Mom, what happ—" naputol ang sasabihin ni Renante nang itinutok nito ang mga mata sa kanya at kay Ronnie.
He's already here!
Napahinto si Ronnie sa ginagawa nito nang makita ang dalawa sa pinto. Hindi man lang ito nagbahalang suotin uli ang damit o ibutones uli ang pantalon. Hapit din naman ang pantalon sa mga balakang at hita ng lalaki, kaya hindi ito lumawlaw o tuluyang nahubad.
Lumapit si Ronnie sa dalawa at itinaas nito ang dalawang kamay.
"Let me explain," he told them cooly. "Ipapakita ko lang kay Stacey ang tattoo ko."
Namilog ang mga mata ni Stacey.
T-Tattoo?
Salubong ang mga kilay ni Renante habang nakikinig. Nang matapos sa pagsasalita si Ronnie, inilipat nito ang tingin sa kanya.
Napalunok si Stacey. Nababasa niya sa mga mata ni Renante kung ano ang nais nitong ipahiwatig.
"Look," she said before nervously clearing her throat, "Ronnie should have just told me na may tattoo siya ng Rosa Cobra design!"
"Baka hindi ka maniwala, kaya ipapakita ko sa'yo," paniningkit ng mga mata nito sa kanya habang seryoso at kalmado ang tono ng pananalita.
Napatingin sila kay Ronnie nang ibaba nito ang kaliwang side ng pantalon nito. He exposed his left pelvis where a tattoo similar with Pierre's was present.
"Bakit interesado ka sa tattoo ni Kuya?" malumanay ngunit mabigat ang tono na tanong ni Renante sa kanya.
Stacey took in a deep breath. Natagalan si Ronnie sa kanyang pagsagot kaya ito na ang nagpaliwanag.
"I don't know with your girlfriend, Renante. But I have a guess that she saw Pierre's tattoo on his right pelvis and is accusing Paige of cheating on me with him because he have the same tattoo as the Rosa Cobra design."
"A tattoo on his right pelvis?" Renante murmured before throwing a suspecting look at her.
Naguguluhang nagsalubong ang mga kilay ni Stacey bago niya napagtanto kung ano ang posibleng tumatakbo sa isip ni Renante. Galit na pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"I guess, it's time for all of you to know now," patuloy ni Ronnie sa pagpapaliwanag. "You're all aware that Pierre and I used to be best friends way back in college. What you're about to know is that, we had this matching tattoo." At pasimple nitong tinapik ng mga daliri ang tattoo na nasa naka-expose nitong kaliwang side ng pelvis.
"You confronted Ronnie about this because you're worried that Paige might be cheating on him?" nag-aalala at tila walang kamalay-malay na paninigurado ni Tita Luz sa kanya.
Dahil sa sinabi ng nanay nina Ronnie at Renante, parang binuhusan si Stacey ng malamig na tubig. She just realized, na napakababaw ng rason niya para kulitin si Ronnie at humantong sila sa punto na kailangan nitong ipakita ang pinakatatagong tattoo sa kanya.
But Stacey, as always, was brave enough to face every consequences of her actions.
"Yes," mahina niyang sagot at inisa-isa ng tingin ang tatlong kasama niya. Huling na-landing-an ng kanyang mga mata si Renante.
.
.
DAHIL SA NAKAKAHIYANG PANGYAYARI, hindi natuloy ang midnight dinner. Sigurado kasi sila na magiging awkward iyon lalo na at katatapos lang ng nangyaring misunderstanding sa pagitan nina Stacey, Tita Luz, Ronnie at Renante.
Naunang pumasok sa bakuran ng tinitirahan nilang bungalow ang kotse ni Stacey. Renante's car followed shortly. Dumeretso sa loob ng bahay si Stacey, habang si Renante naman ay ini-lock muna ang gate bago sumunod.
Kahit nakauwi na sila, hindi pa rin sila nag-iimikan. Stacey just didn't know what to say. Hindi niya kasi mabasa kung ano ngayon ang tumatakbo sa isipan ni Renante. Was he already thinking that she had been so stupid for what she did earlier?
Umupo si Stacey sa sofa at inilapag sa kanyang tabi ang bag. Pagkatapos, itinukod niya ang tig-isang kamay sa magkabila niyang tuhod.
Nanatili siyang nakatulala sa kawalan nang umupo si Renante sa kabilang dulo ng sofa. Nagpakawala ito ng mabigat na buntonghininga bago siya nito nilingon.
"You shouldn't have done that," he groaned lazily and sighed lighter this time.
"Done what?" lingon niya rito.
"Ano ba ang pumasok sa isip mo? Bakit nakikialam ka sa relasyon nang may relasyon?"
"Look, some things just happened that lead me to this nagging feeling na baka may namamagitan kina Paige at Pierre at mahal pa rin niya si Pierre, kaya kailangan kong bigyan ng heads' up si Ronnie."
"Why would you even do that?" Frustration was in his voice. "Kailan ka pa naging concerned sa kapatid ko? So what if Paige is cheating on him or not? Hindi mo responsibilidad ang isaalang-alang ang feelings ni Kuya!"
Nagbaba si Stacey ng tingin. She saw her hands still pressed against her knees.
"Pero kapag... kapag naging parte na ako ng pamilya mo, hindi ba dapat na ganoon ang gawin ko?"
Bahagyang lumambot ang mukha ni Renante. Sadly, he didn't became pleased with what her heard, he grew worried instead.
"Hindi ba dapat, maging concerned ako sa kanila? Sa kapatid mo? Sa parents mo?" Nasasaktan na siya nang lingunin niya rito. Pakiramdam niya, may unti-unting bumabaon na patalim sa kanyang dibdib. Bakit ba kinukwestiyon ni Renante ang ginagawa niya? Hindi ba siya nito mahal? Hindi ba siya nito pinagkakatiwalaan?
Ayaw ba nitong matuto siyang alagaan ang pamilya nito dahil wala itong plano na gawin siyang parte nito?
"Then be concerned. Pero maging genuine ka naman."
Lalo siyang nasaktan sa narinig. She could not help inhaling sharply because of what he just said.
"You're not really concerned with Kuya. You actually don't like him because he thinks you always lie and that's reasonable. Kaya bakit mo babaguhin 'yon dahil lang sa pamilya kami? Dahil lang sa kapatid ko siya?"
Hindi siya makaimik. Napatitig lang si Stacey kay Renante habang nagbabaga ang mga sulok ng kanyang mga mata.
"You don't have to force yourself to love my family."
"I am not forcing myself, Renante. I am trying my best to get to their good side. I am trying! I am trying because I want to do this! I want your family to learn to love me now!" she said defensively.
"And why?"
"Why not?" she hurled back at him in a strained voice. Nagpipigil kasi siyang maiyak. Nagpipigil siyang mapasigaw.
Nang hindi nakasagot si Renante, disappointed siyang tumango-tango.
"I know, I know, I get it." Napailing siya at mapait na napangiti. "Natatakot ka na dalhin sa next level ang relasyon natin dahil baka may gawin si Tita Luz sa akin. Dahil magkaaway pa rin sila ng nanay ko at bakay may gawin siya na hindi maganda para hindi tayo magkatuluyan. Gusto mo na maging maingat muna tayo sa mga plano natin for this relationship dahil ayaw mong i-risk na mawala ako sa'yo uli. Pero hindi ba pwedeng tumulong ako? Hindi ba pwedeng gumawa ako ng paraan para magustuhan ako ni Tita Luz? Because I want her to like me to that point that it will make her set aside whatever kind of hate she feels for my mother!"
Napayuko siya saglit. Kailangan niya kasing itago muna ang kanyang mukha sa likod ng kumurtina niyang buhok dito habang panay ang mariin na pikit at pagkurap ng mga mata. Pinipigilan niya kasi ang mapaluha o ang gumaralgal ang boses. Nang maihanda ni Stacey ang sarili, muli siyang nagsalita.
"But..." she continued, slowly lifting her head to be able to gaze pleadingly into his eyes, "how long will you be on defense? How long will you keep on protecting me?" She paused to take in a deep breath for courage. Then she weakly murmured. "When will you stop your playing safe attitude? When will you fight for me?"
"You like the idea of putting me through danger because of my playing safe personality, isn't it? Because you think, being able to change a man is an achievement and the only way you can show-off to everyone that I love you this much because I changed for you. And now that you cannot change me, it becomes my fault, because if I can't change into someone you wanted me to be, for you it will mean I don't love you. When did changing someone become a factor for true love?"
"I am not trying to change you! What I want you to do is act like you love me! Hindi iyong, dine-delay mo ang lahat. Hindi iyong, mas takot ka pa sa kayang gawin ng nanay mo kaysa sa panindigan ang pagmamahal mo para sa akin!"
His frustration grew. Kinokontrol na lang ni Renante ang emosyon. "What do you really want from me, Stacey?"
"Marry me already!" she blurted.
Natigagal si Renante at napatitig sa kanya nang matagal. Habang tumatagal ang pagkakatitig nito, mas tumitindi ang sakit na pumipiga sa kanyang dibdib.
Renante took Staceys hands, looked pleadingly into her eyes and spoke gently.
"I love you, Stacey, but please, wait a little longer. We will get married in time. Just... wait for awhile, okay?"
Stacey lowered her eyes and looked at Renante's hands that grasped hers.
"But, I've been waiting for so long... for almost all my life, Renante..." nanghihina niyang bulong.
Tears began filming his eyes because for him, it's too painful to watch the pain writ on her eyes and her tears rimming. He took in a sharp inhale, in sad harmony with her staggering breathing.
"Is this still about your mother hating my mother?" mariin niyang pikit kasi ito na lang ang natitirang paraan na kanyang naisip para pigilan ang pagpatak ng mga luha.
Stacey took in a deep breath as she waited for Renante's answer. Sa halip, mas humigpit lang ang pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay.
"I just have to make sure, that my mother won't do anything—"
"What else can she do? What else can she say to ruin our relationship?" she blurted, this time with her teary eyes open.
Mabilis na iniwas ni Renante ang mga mata nito sa kanya.
"Renante, please..." she begged.
Hinarap siya uli nito sabay hawak sa kanyang pisngi. He almost cupped the right side of her jaws as he pulled her face close to him so he could kiss her. It was a kiss so slow, something that expressed his desperate pleading. Ilang minuto lang ay tumugon si Stacey sa pangungusap ng paraan ng paghalik ni Renante. She was also begging him to clarify what's really going on. Pero mas nilaliman lang nito ang paghalik sa kanya hanggang sa naglikot na ang isa nitong kamay at humagod sa kanyang hita.
Stacey didn't know if Renante pushed her or if she voluntarily laid down and he just followed her body. Basta na lang niya natagpuan ang sarili na nakahiga sa sofa at pinapaimbabawan na ni Renante.
He toyed her mouth and tongue with his own tongue then sucked her lips dry before he parted. Tumuwid siya ng pagkakaluhod sa sofa at mabilis na ibinuka ang kanyang mga hita. And with two hands he stroked her left leg until they reached her thigh. Inabante ni Renante ang kaliwa niyang kamay para sumugod sa pagitan ng kanyang mga hita pero nang magtama ang kanilang mga mata, nagising sa katotohanan si Stacey.
Bumangon siya agad at umatras para makalayo kay Renante. She only stopped moving back when her lower back hit the side of the sofa's armrest.
"Not tonight," she shuddered before she locked herself up inside her own bedroom.
.
.
.
***
.
.
.
"I LITERALLY PROPOSED TO HIM!" iyak ni Stacey sabay subo ng isang kutsara ng halo-halo sa kanyang bibig.
It was an early Sunday morning. Halos wala pang customers sa Sondra's. Nakaupo sa upuan katabi ng balkonahe sa second floor ng café si Stacey. She wore a pair of blue jeans and a red puffer jacket that hid her white tank top. She only took a few bites from the clubhouse sandwich that Sondra personally prepared for her. Pagkatapos, kinain na niya ang halo-halo na kasama nito sa table kaya mas nauna itong mangalahati sa kinalalagyan na yellow transparent dessert glass.
Meanwhile, Sondra seated on the other side of the table, wearing a pastel yellow dress ribbed on the chest part and had small off-shoulder puff sleeves. Nakalugay ang unat at itim nitong buhok na bagong gupit kaya lagpas-balikat na ang haba nito.
"So," Sondra remained gentle and understanding, "did you come here and told me all of these to blame me for—"
"No! Not today, Sonny. You are out of this!" wagayway niya sa kutsara bago ito ginamit pangkuha ng halo-halo.
Sondra stifled a laugh, so she appeared to be grinning.
"Then, what is this all about?"
Galit niya itong pinanlakihan ng mga mata. "Nakikinig ka ba sa ikinuwento ko kanina?"
Nanatili itong kalmado. "Yes, I did. Sinabi naman ni Renante na mahal ka niya, at maayos naman siyang nakiusap sa'yo na maghintay ka pa kaunti. He didn't not reject your proposal. He's just delaying it."
"See? He's delaying it! For what? At this rate, dapat naiisip na rin niyang magpakasal sa akin!"
Sondra lowered her eyes and fell deep in thought. Sunod-sunod namang nagsubo ng halo-halo si Stacey. Hirap na hirap na siyang makakita dahil kagabi pa siya nag-iiiyak kaya sa oras na ito, sobrang maga na ang kanyang mga mata.
"Do you need my point of view on this?" mahinang wika ni Sondra matapos ang ilang sandali ng pananahimik.
"Say whatever you want," she mumbled. Suminghot pa siya dahil naiiyak na naman siya bago sumubo ng halo-halo.
Sondra gave her a concerned look. "You see, marriage doesn't just happen. It's a very serious matter and this kind of commitment will completely change your lives."
"I know," Stacey murmured while rolling her eyes. Hindi nga lang halata dahil namamaga ang mga mata niya.
"Siguro, hirap lang si Renante i-word out ito, pero kailangan ng mahaba-habang preparasyon bago magpakasal ang isang magkarelasyon."
Pinaningkita niya ng mga mata si Sondra at dahil maga ang mga mata niya, halos hindi na makita ang eye lens niya sa kanyang ginawa.
"I think Renante just wants you to wait because he needs to sort things out, he needs to make sure that everything is already settled bago kayo mag-transition sa panibagong chapter ng buhay ninyo." Hindi alam ni Stacey ang isasagot dito kaya nagpatuloy si Sondra sa pagsasalita. "Kilala natin si Renante. He always likes to play safe. Sa tingin ko, gusto lang niya makasigurado na hindi kayo magkakaroon ng problema kapag naging mag-asawa na kayo."
"Let me remind you, Sondra," tuwid ni Stacey ng upo. "Our only problem is our mothers. Magkaaway ang mga nanay namin pero para sa amin, it doesn't matter. In our age, pwede kami magpakasal without our parents' signature or something. Bubukod din naman kami, kaya napakababaw ng reason na dahil lang sa mga nanay namin kaya ayaw pa niya magpakasal?"
"But Stacey—"
"Plus, I came up with a solution to that, Sondra!" pinangunahan na niya ito. "Gumagawa na ako ng paraan para magustuhan ako ng mom ni Renante. Sa katunayan, kagabi, kasama ko si Tita Luz, si Kylie, at 'yong girlfriend ni Ronnie na si Paige—"
"Yes, nakwento mo na iyan kanina," komento ni Sondra.
Hindi naman napansin ni Stacey na may sinabi ang babae. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "—at nagbonding kami at feeling ko, napasaya ko roon si Tita Luz kasi in-invite pa niya ako magtagal sa bahay nila para mag midnight dinner!" gigil na nagtaas ng boses si Stacey sa huling mga sinabi.
"Okay! Okay!" natatawang taas ni Sondra ng dalawang kamay para awatin siya.
"And Renante doesn't approve of it! Ayaw niya akong makipag-close sa family niya lalo na kung napipilitan lang daw ako. Hindi naman daw importante na maging close kami ni Tita Luz, o magustuhan niya ako, kaya paano naging valid reason na takot siya sa pwedeng gawin ni Tita Luz sa akin kaya pinaghihintay niya ako nang ganito?" Napailing siya at paulit-ulit na sinaksak ng kutsara ang halo-halo para madurog ang natitirang buo pang yelo nito. "Kagabi, napaisip ako at na-realize ko na baka pinapaikot-ikot lang ako ni Renante dahil hindi lang niya masabi nang deretsahan na ayaw pa niyang magpakasal."
"What matters the most Stacey? The fact that Renante says he loves you or the fact that he says you have to wait a little longer before getting married?"
Napatitig si Stacey kay Sondra.
"Hindi biro ang pagpapakasal. Once you enter the married life, you have to make sure that you enter ot without carrying baggages from your singlehood with you. I think that's one thing that Renante is working on. He's making sure na settled na ang lahat ng kailangan niyang ayusin para hindi na niya ito dala-dala sa buhay niyo bilang mag-asawa."
Sondra sounded so smart when she said that. It impressed Stacey.
"And since he's making you wait, why not wait proactively? Why don't you do the same thing, Stacey? You know, clear all the baggages you still have right now. Tanggalin mo na o tapusin lahat ng ayaw mo nang dalhin at problemahin sa oras na pasukin mo ang married life. Gawin mo na ang lahat ng bagay na gusto mong gawin habang magagawa mo pa dahil kapag ikinasal na kayo, for sure, you won't be able to do some of those things again. Do it all, Stace, para prepared talaga kayo sa bagong phase ng buhay na papasukin n'yo ni Renante nang magkasama. Preparation is the key."
Naningkit na naman ang mga mata ni Stacey sa kaibigan. Sondra just sighed dreamily while saying those words, at wala siyang tiwala sa ganoong expression ng babae. Minsan kasi malayo sa reyalidad ang mga daydream nito. Stacey knows because she had been Sondra's friend since they were teenagers!
"Says the woman who gets a surprise wedding inside a helicopter!" sarkasmo niya.
Pinanlakihan siya ng mga mata ni Sondra. Mabilis din itong pinamulahan ng mukha.
"Mine is a different case, Stacey! You should be even thankful that that surprise wedding happened!"
"Why should I? Invited ba ako ro'n? Si Kylie lang ang niyaya mong maging witness! At saka 'yong caretaker ng island mansion n'yo!"
"Well, if that wedding did not happen, baka kay Renante na ako ikinasal!" sabi ni Sondra at nakalolokong nginisihan siya.
"As if, I'll let that happen!" ganti niya rito. "Pagkatapos ng kasal mo sa helicopter magbibigay-bigay ka sa akin ng advice na maging prepared, maghintay ng matagal bago magpakasal! Why don't you take your own advice?"
"I wish I did," mapagkumbabang ngiti ni Sondra. "I am telling you these habang maaga pa kasi ako, kung noon ko pa na-realize ito, eh 'di sana ginawa ko na rin ito noon. I prepared myself before getting married as well."
Medyo kumalma si Stacey. Hindi niya kasi inaasahan ang mga sinabi ni Sondra.
"Nakita mo naman siguro ang nangyari noong umpisa sa married life namin ni Millian. Naging magulo. Imbes na masaya kaming nagha-honeymoon, we are worried at the back of our minds. Ni hindi na namin namalayang buntis na pala ako dahil puro problema ang iniisip namin. Paanong hindi kami mamomoroblema? Nagpakasal agad kami nang hindi naaayos ang mga problema namin pagdating sa trabaho, sa pamilya... at sa mga kaibigan namin."
Nahihiyang nagbaba ng tingin si Stacey. Nakita niya ang pagsasabaw ng kanyang halo-halo. It looked like a pastel purple.
"What about you, Stace? Don't you want to do some things that you won't be able to do once you get married? Wala ka n--"
"Na-try ko na lahat ng gusto kong ma-try sa buhay, Sonny," walang gana niyang sagot dito kahit hindi pa ito tapos magsalita.
Sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi nito. "Wala ka na bang kailangang ayusin?"
Pasubo na siya ng halo-halo nang matigilan. Tumaas ang isa niyang kilay at interesadong nakinig dito pagkababa ng kanyang kutsara sa dessert glass.
"I think it's a sign para makipag-ayos ka na sa mom mo?" ngiti pa rin ni Sondra.
"Pakiusap, Sonny--"
"Come on, baka kaya ayaw ni Renante na makipag-close ka sa mom niya kasi ang dapat mong gawin ay makipag-ayos kay Tita Artemia!"
"Sonny. Hindi," mariin niyang saad habang kinukutsara uli ang halo-halo niya.
Pero patuloy lang ito sa pagsasalita. "Maybe, Renante's plan is, siya na ang bahala sa family niya na matutunang tanggapin ka! At ang dapat mong pag-focus-an ay ang makuha ang good side ni Tita Artemia."
"If that's what he really wants he could have said so!"
"If he said that to you, gagawin mo ba?"
Natigilan si Stacey. She already imagined arguing with Renante dahil ayaw niyang makipag-close sa kanyang nanay. Ibinalik niya ang kutsara sa dessert bowl at binitawan ito.
"Kasi naman, what is the use? Aalis din naman ang nanay ko ng Pilipinas! She'll be MIA for like, forever! I bet she won't even attend our wedding! So, it's useless!"
Sondra just smiled at her while slightly shaking her head.
"Oh, damn! Bakit kung magsalita ka parang siguradong-sigurado ka na iyan nga ang iniisip ni Renante?"
"What?" Then Sondra shrugged nonchalantly and gave her beautiful yet smug smile. "We've been friends since our childhood years!"
"Nakakairita ka talaga!"
She really meant nakakainggit pero ayaw lang ito aminin ni Stacey!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top