Chapter Four - The Exes
SUMILIP SI STACEY SA KWARTO. Ilang oras na silang hindi nagpapansinan ni Renante dahil sa naging pagtatalo nila nung tanghali. There he was. Sitting on that study table. Bukas ang laptop.
Kahit weekends, VVatch pa rin ang inaasikaso niya.
Napahawak siya sa gilid ng bukas na pinto. Malaya niyang pinagmasdan ang binata.
Is this the reason why? Kaya binibida niya kanina sa Dad niya na may negosyo ako? Is it because for the Villaluz family they put a high regard on people who runs businesses and corporations?
Nalungkot ang kanyang mga mata. Kahit matapang ang natural na porma ng kanyang mukha— the so-called resting bitch face— Stacey’s eyes could vividly mirror the sadness from within her soul. Her heart.
Kapag ba… hindi ganoon ka-successful ang isang tao, patapon na lang ba iyon sa mga Villaluz?
She lowered her eyes.
Is Renante’s family… the kind of family I wanted to get myself into?
Nang ibalik niya ang tingin sa binata, walang nabago sa posisyon nito. Imbes na maunang magbaba ng pride tulad ng lagi niyang ginagawa nung una pa lang, nagbago ngayon ang isip ni Stacey.
This time, she won’t be the first one to apologize or something.
Tatanungin niya sana si Renante kung ano ang gusto nitong merienda. Kung gusto ba nito magpa-deliver na lang sila o magluto o kumain na lang sa labas.
Stacey drew in a deep breath and entered her bedroom. She flung the wardrobe doors open. Swiped her hand past each hanger until she found the right dress to wear.
Sinama niya sa banyo ang mga bihisan.
After a quick shower and prepping, Stacey was already ready to go. Her dark hair was still damp and wavy, tips poking her collar bones as she strode out of the bedroom. Magaan ang tapik sa sahig ng kanyang peep-toe high heels. Komportable siya sa short-sleeved blouse na suot. It was in a light shade of pastel blue with a skirt that reached the upper half of her long legs.
Malapit na si Stacey sa pinto nang lumingon sa direksyon ng silid ng kanyang Tito Manuel. Sa silid na inookupa na ngayon ni Renante.
Talagang paninindigan niya ang ‘di pamamansin sa akin, salubong ng kanyang mga kilay bago lumabas ng bahay.
.
.
NAG-UNAT SI RENANTE mula sa pagkakaupo. Medyo nangalay siya matapos ang pag isa-isa sa mga files na natanggap sa email.
Siyang dampot niya ng cellphone mula sa pagkakapatong sa tabi ng laptop. He dialed a number and waited for his call to be answered.
“Ronnie,” kontrolado niya ang boses. “Bakit naman delayed na naman ang shipment nung in-order namin sa inyo na stainless steel?”
Is this what you called me for? On a weekend?
There was a hint of gust on Ronnie’s background.
“Just answer the damn question,” timpi niya.
Alam mo namang ino-order lang namin ‘yong srainless steel na nire-rebrand ng kompanya natin— namin, Ronnie spoke in a rushed voice.
“So, may delay rin sa deliveries ninyo?” kumpirma niya.
Obviously. Ronnie seemed impatient, eager to get out of this conversation. But Renante won’t be letting up so easily.
“Gaano katagal ang hihintayin natin?”
How would I know? Call the Purchasing Department.
“It’s Saturday,” he muttered.
Oh, yeah… Right.
“You seemed out of your element, Ronnie,” panghuhuli ni Renante sa kapatid. Gusot ang mukha na pinasadahan niya ulit ng tingin ang mga disenyong nakalantad sa monitor ng laptop.
Yes, dahil wala ako sa trabaho ngayon pinatatatanong mo ako ng mga bagay na hindi na sakop ng trabaho ko.
“Yeah, right CEO,” Renante groaned.
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Ronnie ang kanyang patagong daing. Daing na humihingi ng saklolo.
Ano? Kaya mo pa? Talagang papanindigan mong magtatayo ka ng sarili mong kompanya?
Napabuntong-hininga na lang siya.
There was now a hint of smile in Ronnie’s voice.
Ano? Akala mo ‘pag CEO paupo-upo lang during start-up? May himig din ng panunukso mula sa kanyang kapatid.
“Of course, I already expected this. Bago pa lang ang VVatch kaya talagang expected na kadalasan akong hands-on sa mga operations.”
Good. For a moment, I thought your groaning in complaint.
Napailing na lang si Renante. “Why the fuck your shipping has to be delayed—”
Nagkaroon ng pandemic, get it? Kahit resolved na ang lahat, may paghihigpit pa rin pagdating sa shipments—
“I know, I know,” pagod niyang sandal sa kinauupuan. “It’s just a rhetorical question.” Nasapo niya ang noo. “Bye, Ronnie.”
Bye.
Binaba agad ni Renante ang cellphone.
Hay, kainis.
The last time he had been this upset and frustrated was when Sondra married Maximillian.
At nung mga panahong iyon, sa sex niya nalalabas ang kinikimkim na init ng ulo. At ang napagbubuntunan niya niyon— si Stacey.
He took in deep breaths.
He shouldn’t. He shouldn’t go back to those destructive habits.
Mahal niya si Stacey. Mahal na mahal.
He loves her now in a new level. Something beyond attraction and physical. This time, he came to a point where he could not treat her that wildly ever again. At this point in time, all he wanted is to treat her gently. To treat her right. To treat her in an intensity bearable for her.
Wala na ‘yung dati na binabalibag lang niya ito sa kama. Minamarkahan. Inaangkin nang basta-basta sa takot maisipan ng babaeng umatras at iwanan siyang bitin at nag-iisa kahit hindi naman iyon ginawa ni Stacey noon.
Things are different now. He had proven not just to her, but to himself too, that he loves her to the extent of going through dangers untold just for her.
And if that is the case, bakit pinapatagal pa niya itong tampuhan nila?
Renante stretched his arms forward along with his legs right under the desk. He grunted as he stretched out before pushing himself off the seat.
Nasulyapan niyang alas-tres na ng hapon sa orasan ng laptop monitor. Kinatok ni Renante ang pinid na pinto ng silid ni Stacey.
“Stace?” Nanainga siya saglit bago kumatok ulit. “Tara. Magmerienda tayo.”
Naghintay siya pero walang nagbukas ng pinto. Kahit ilang beses pa siyang kumatok. He tried to open it, but it was locked as well. Nagsalubong ang mga kilay niya.
Kalmado pero tahimik na inikot ni Renante ang bahay. Sa huli, sumilip siya sa bintana. Natanaw niyang nawawala sa harapang-bakuran ang pulang Corvette ni Stacey.
.
.
RAINDROPS BULLETED ON THE WINDOW. Bawat patak tutuldok muna sa salamin bago rumolyo pababa. Hanggang sa dumami. Nagsunod-sunod.
At tuluyan nang bumuhos ang ulan.
Stacey sighed in relief as the cars ahead pulled away. Siyang start niya ng sasakyan at pinaandar iyon pababa sa basement parking. She paid for the ticket before resuming her drive. Dumaan sa pataas na pasirku-sirkong daan bago nakahanap ng available na parking sa ikatlong palapag ng parking building.
Para mawala ang badtrip kay Renante, naglibot-libot siya sa mall. Inaliw niya ang sarili sa mga display at designer items. She did not buy any. Hindi naman kasi shopping ang nakakatulong sa kanyang makalimot sa stress o init ng ulo.
Alak.
Sex.
Renante.
Stacey sighed in resignation. She was already cornered upon stopping by the mall’s restobar. Siguro iinom siya ng kaunti bago umuwi. Isa pa, hindi pa siya nagmemerienda.
As soon as she entered the low-lit restobar, Stacey looked around for a vacant table. Siyang lapit ng isang staff sa kanya para asistehin siya. Giniya siya nito sa mesa malapit sa bar counter at inabutan ng menu card.
“I’ll just call you kapag may o-order-in na ako,” tipid niyang saad at hindi umupo hangga’t hindi iniiwan ng staff.
Stacey cradled the menu card in her hands while her small white pouch hung on her wrist. Nilibot niya muna ang tingin sa paligid hanggang sa mahagip ng paningin ang isang pamilyar na babae.
A teasing smile formed on Stacey’s lips.
Dala pa rin niya ang menu card nang palihim na sinundan ang babae— si Kylie na naka-blue highwaisted jeans at puting puffed sleeved croptop blouse. Her voluminous blonde-dyed hair was tied in a high ponytail.
Nung maaabutan na niya ang kaibigan, tinapik ito ni Stacey sa balikat. Gulay na nilingon siya ni Kylie.
“Oh my God, Stace!” panlalaki ng mga mata nito sa kanya.
“Look who’s here,” panunukso niya rito. “I don’t expect to see you in a place like this…” Stacey trailed off. Saktong napagawi kasi ang kanyang tingin sa mga nakaupo sa table na nasa kanilang tapat.
Nakaupo roon ang kanyang dating mga kaibigan— si Fritzie, Cynthia at si Sondra.
Oh, of course. Sa dinami ng taon na nakasama niya si Kylie, nakabisado na niya ang babae. Kylie never liked drinking and going to bars. Kylie only does that when she’s invited by people she trusts.
Her friends.
The friends that used to be her friends too.
Her exes. Her ex-friends.
Hindi malaman ni Stacey kung ano ang mararamdaman. Saglit na nawala ang festive spirit sa mesang ikupado nila Sondra. Ramdam ni Stacey ang bigat ng tingin ng mga ito sa kanya.
At natatakot siya. Natatakot dahil ngayon, alam na ng mga ito na siya ang ligaw na ahas sa kanilang pagkakaibigan noon.
Na sa isang iglap, tinapon niya lahat ng mabubuting bagay na ginawa nila para sa kanya. Tinapon nang dahil lang sa isang lalaki.
Nang dahil kay Renante.
She tried. Stacey really tried her best to keep a straight face.
“I thought she needs company. I am sorry—” tatalikod na sana siya nang marinig ang pagtawag ni Sondra.
Hindi siya dapat nagpapigil. Pero heto at nakaabang na ang kanyang mga mata sa kanya.
“We’ll go clubbing after this. Gusto mo sumama?” anyaya nito.
Why?
Why does she have to do this?
Out of pity?
Dahil ayaw nitong mapahiya siya sa harap nila Kylie, Fritzie at Cynthia?
Bakit?
Stacey could not help a pained smile.
Hanggang ngayon ba naman, siya pa rin ang taga-salo ng lahat ng awa ni Sondra? Awa noon dahil ito ang gusto ni Renante at hindi siya? Tapos ngayon ano? Naaawa dahil heto siya at mag-isa?
Walang sariling kaibigan?
Na ultimo kaibigan na katulad ni Kylie kailangan pa niyang hiramin kay Sondra?
Napatingin sila Cynthia at Fritzie kay Sondra, may pagpo-protesta sa mga mata at paglaglag ng panga ng mga ito. Samantala, palipat-lipat ang tingin ni Kylie sa kanya at sa grupo nila Sondra. Her round eyes were hopeful and expectant.
“Ayoko makaabala. Salamat.”
Fritzie and Cynthia looked relieved.
“If you’ve got company, okay lang sa amin na isama mo siya,” pakikipagkompromiso ni Sondra sa malumanay na boses.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
“Look, Sondra.” Right. After being a snake to her and their friends, Stacey decided to not call Sondra by her nickname— Sonny— anymore. “I’m good. You and the girls—” madaliang pasada niya ng tingin sa mga kasama nito, “—have fun tonight.”
Stacey turned away and made it final by briskly walking away, smoothly passing by every table. Hinagilap niya ang iniwanang mesa para ilapag doon ang menu card. Nagbago na ang isip niya. Sa ibang lugar na lang siya siguro mag-iinom.
“Stace,” abot ni Kylie sa kanyang braso.
Gulat na hinarap niya ito, binawi ang sariling braso mula sa pagkakahawak nito.
“Bakit mo ako sinundan? Baka hanapin ka nila Sondra.” At inunahan niya ito. “You don’t have to leave them just to accompany me. May usapan kayong magkikita today. Tayo wala kaya—”
“We never know kung kailan ulit tayo magkakaroon ng chance magsama-sama ng ganito,” ani Kylie. “Ngayon lang nagka-free time si Sonny makaalis ng bahay at iwanan ang mga kids niya. Hanggang this month na lang din available sila Cybthia at Fritzie kasi luluwag na ang restrictions at mago-open na naman daw ng mga fashion events. They’ll be modeling and stuff so…”
Kylie intentionally trailed off to make her fill in the rest of the details in her mind. Umaasa na naman ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
“Are you suggesting that we all just act like nothing happened? Na hindi ko sinira ang friendship nating lahat nang dahil sa letseng pagmamahal ko kay Renante?”
Nalungkot ito. “Did Renante do something to you? Did he hurt you?”
Nagtaas-noo lang siya. “I’m going.”
Hinablot na naman siya nito sa braso. “Come on. Sumama ka na sa amin.”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?” lapit niya ng mukha sa kaibigan dahil ayaw niyang magtaas ng boses at lumikha ng eskandalo. “I ruined our friendship. Why would you and Sondra want me on that table with all of you?”
“Maybe because… we’re your truest friends?” Paling ang pa-cute na ngiti ni Kylie sa kanya. “I mean, ang totoong magkakaibigan, nagpapatawaran kapag nagkasakitan, right?”
Napatitig siya kay Kylie. Hindi talaga maganda ang kutob niya sa gusto nitong ipagawa sa kanya. Lalo na at basang-basa niya ang reaksyon nila Fritzie at Cynthia. They still have bad feelings about what happened between her and Sondra before. About how she ditched her friendship with Sondra just to pursue her feelings for Renante. About how she made it clear that she only used Sondra and her friends to get close to Renante.
But on top of it all, it was guilt.
She had been the biggest snake in town.
Kahit siya, hirap patawarin ang sarili sa nagawa sa kanila. Hirap na hirap. Sobrang hirap. Kaya ganito. Kaya wala siyang mukhang maiharap sa kanila.
Lalo na kay Sondra.
Tapos ngayon, lalapit na naman siya sa kanila. At malalaman pa ng mga ito na namomoroblema siya kay Renante? Ano na lang ang iisipin nila?
Na lumalapit lang siya sa mga ito kapag kailangan niya ng tulong pagdating kay Renante?
“Just give it a try, Stace,” maingat na tangay sa kanya ni Kylie pabalik sa mesa nila Sondra. “What can I do to make it comfortable for you? Sabihin ko ba sa kanila na never pag-usapan ngayong gabi ang kahit ano na related sa nakaraan? Mute topic ba natin si Renante?”
Kylie’s encouraging smile got the best of her.
Stacey groaned in surrender.
“Sasama ako kung pagkakain at inom natin, diretso clubbing tayo.”
Dahil kung magka-club sila, sapat na ang ingay at party doon para makaiwas siyang makipag-usap sa mga makakasama.
Masayang napasinghap si Kylie. Umalon ang raso niyang hawak nito dahil medyo napatalon pa sa tuwa.
“I’m sure papayag sila! That’s actually the plan! Yie!” masayang hila nito sa kanya at binilisa ang pagdala sa kanya kina Sondra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top