Chapter Fifty-One - Priority
"SUNDAY? You mean, the Sunday tomorrow or Sunday next week?" kalmado na paninigurado ni Renante ngunit kunot na kunot na ang noo nito. Halos magkasala-salabit na rin ang mga kilay ng lalaki.
"Wednesday na ang flight niya, so obviously, she meant tomorrow," she confirmed drily.
Nakaupo sila sa maliit na table set na ipinuwesto nila sa harap ng makitid na balkonahe ng condo na kasalukuyang tinitirahan nila ni Renante. It was already seven in the evening, and their eyes were focused on the view before them—the lights of the metro. The twinkling lights moved back and forth because they came from the cars all lined up in the streets. The steady studs of lights could be seen from distant buildings and light posts. A few of them were bigger, for they were emitted from giant billboards and LED screens. Madilim ang kalangitan—itim na itim—pero hindi maaninag ang mga bituin dahil tinalo ang mga ito ng liwanag ng siyudad.
When Renante kept his silence, Stacey turned and looked at him. He seemed very pensive. She was assuming that he thought of something else, something not related with her mother's request. Napilitan tuloy siyang ibahin ang topic. Ibinalik ni Stacey ang tingin sa view na nasa kanilang harapan bago nagsalita.
"Will you still go to your favorite restaurant? The one by the rooftop?"
"Bakit mo naman naitanong iyan?" naguguluhang lingon nito sa kanya. Kaya nang sulyapan niya ang binata ay nagtama ang kanilang mga mata.
"Kasi, abot-kamay mo na rito sa unit na ito ang favorite view mo. Hindi ba, kinakainan mo lang naman ang restaurant na 'yon dahil sa ganitong view roon?"
Pinasadahan ni Renante ng tingin ang nagkikislapang mga ilaw sa ibaba ng gusali kung nasaan sila. A hint of smile appeared on his face that was touched by the soft yellow light from the nearby floor lampshade.
"Ayaw mo bang nagpupunta ako roon dahil naaalala mo na dinadala ko dati roon si Sonny?"
Wala siyang naramdamang kahit ano nang banggitin iyon ni Renante. For the very first time, she did not feel bitter by the thought that it had always been Sondra who he brings to that place before her.
"Not really. I am just wondering, gusto ko lang kasi malaman kung alin sa dalawang view ng siyudad ang mas nagagandahan ka."
"I really don't mind. They look the same," buntonghininga nito kahit magaan ang tono ng pananalita. "Both views represent Manila's finest. That's why I find it hard to leave this place, no matter how bustling and chaotic it is. You never see this kind of view in the province."
Nahihiwagahang napatitig siya rito.
"It's no different with how I feel for you. No matter how busy I get, or how chaotic life becomes. . ." He glanced at her and his eyes softened. They reflected the twinkling lights of the city that instantly made her hold her breath. "It doesn't matter from which perspective I look at you, I just can't get away from you. In any angle, you are still the most breathtaking view."
Stacey lowered her eyes and smiled. Ang tatanda na namin bumabanat pa itong si Nanting. Ang tatanda na namin pero kinikilig pa rin ako sa hinayupak na 'to . . .
She heard his suppresed chuckle. Napatingin tuloy siya rito.
"What?" natatawa niyang tanong. Bahagya siyang tumawa para bagayan ang ginagawa nitong pagtawa.
"Iyang ngiti mo kasi," nasa himig na nito ang panunukso, "halatang kinikilig ka."
Kahit may nakapagitan sa kanilang lamesa, inabot niya talaga ang lalaki para malutong na masampal sa braso.
"Aray!" layo agad nito sa kanya, halos sumiksik pa sa kabilang dulo ng upuan nito. "Boo!"
Umayos siya ng pagkakaupo sa silya niya at hinawakan ng dalawang kamay ang bote ng malamig na softdrinks na iniinuman.
"Nang-aasar ka kasi, eh!"
"Ano'ng nang-aasar? Sinagot ko lang ang tanong mo!"
"Ang sagutin mo, iyong tanong ko kanina, tungkol sa request ng nanay ko!"
He smiled softly at her. "She has a point. Kaya pagbigyan na natin ang request niya."
Nag-init ang kanyang mga pisngi. Ano ang ibig sabihin ni Renante sa 'may point' ang nanay niya? Na tama lang na maganap ang family dinner dahil may punto ang katwiran nito na baka sa muling pagbabalik nito galing ibang bansa ay kasal na sila ni Renante?
Itinuon uli ni Stacey ang tingin sa nagkikislapang mga ilaw. Nailapit na niya ang nguso ng bote ng softdrinks sa kanyang mga labi bago naapuhap ang sasabihin.
"Gawin kaya nating Monday night? Para maagang matapos?"
Bahagyang tumamlay ang boses nito. "Bakit naman gusto mong matapos agad?"
"Mabuti na rin iyon. Para wala na silang time mag-away. Because what you said before was right, Renante." Sumimsim siya ng kaunting softdrink bago nagpatuloy. "Your mom is unpredictable. And so is my mother. Baka imbes na magkaayos pa tayo, masira ang lahat dahil sa away nila."
"Now, you're acknowledging how important they are in our relationship?"
Stacey groaned. "Oo na. Tama ka na." She gave him a sidelong glance. "Happy?"
"Don't be upset now. Hindi naman mahalaga kung sino ang tama o mali sa atin. What's important is, we are finally starting to understand each other's point-of-view. It doesn't matter if we agree or not, basta nagkakaintindihan tayo."
Napanguso tuloy siya at ibinalik sa harap ang tingin. "Let's make the preparations simple then."
"Okay," Renante agreed. Inabot nito ang smart phone na nakapatong malapit sa sarili nitong bote ng root beer. May hinanap ito sa internet. "Should I make reservations in a restaurant? O sa bahay na lang namin gaganapin ang dinner?"
"What about, dito mismo sa condo mo ganapin ang dinner?"
"Why here?" lingon nito sa kanya.
Stacey met his gaze. "Territory ng parents mo iyong bahay n'yo, eh. Kung dito magmi-meet ang lahat, nasa neutral mode sila. Mas maliit ang chance na mag-away ang mga nanay natin."
"How come it works that way?"
Hindi makasagot si Stacey. Wala naman kasi siya masyadong alam sa psychology at wala rin siyang research and back-up data na puwedeng gawing basehan ng mga pinagsasasabi niya. It just simply came from her own reasoning and logic. Dahil doon, kibit-balikat na lang ang isinagot niya kay Renante.
"What you said makes sense though. They are not in their comfort zone, so they'll be more cautious with their behavior. Let's have the family dinner here then," he agreed before resuming his search on the internet.
Napatitig si Stacey sa lalaki. Sa sobrang dalas naming magdebate, I never knew there will be a day where I'll see that he gets me... that he gets me, after all.
.
.
.
***
.
.
.
SUNDAY NIGHT. Ang bawat isa na imbitado sa dinner ay abala sa kani-kanilang preparasyon.
Sa tahanan ng mga Villaluz, nakaupo sa harap ng dresser table nito si Luz. She discreetly watched her husband's every move through his reflection in the dresser table's mirror. He kept on pacing back and forth, quiet throughout his preparation. Naunang maligo si Luz, pero naunahan pa ito ng asawa nito makapagbihis. Ronaldo stood behind her chair to look at himself in her mirror as he adjusted the collar of his button-down shirt. Napapatungan ang maputlang asul na shirt ng puting blazer. Maayos na nakasuklay paitaas ang maikling buhok ng ginoo. Makintab ang brown leather shoes nitong suot at dark navy blue ang pants nito.
Nang matapos ang ginoo sa ginagawa ay lumipat ang tingin nito sa repleksiyon ni Luz sa salamin.
"Mauna na ako sa sala. Hintayin ko kayo roon ni Ronnie."
She was slightly surprised. "Sasabay sa atin si Ronnie? May sarili siyang kotse, 'di ba?"
"Sasabay na lang daw siya sa atin. Hindi naman daw makakasama sa dinner si Paige."
"Oh." Luz picked up her red lipstick and gently applied it on her lips.
Pinagmasdan pa ito saglit ni Ronaldo kaya itinigil nito ang ginagawa. Magkasalubong ang mga kilay na tinitigan nito ang repleksiyon ng asawa sa salamin.
"Yes?"
Bumagsak ang mga balikat nito. Doon na ipinakita ng lalaki sa mukha nito ang pag-aalala.
"Are you sure that you're okay with this?"
"Of course, I am. Kaya nga pumayag ako, 'di ba?"
He sighed and lowered his head. "Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo. Puwedeng ako na lang ang pumunta roon."
"No way. It's an important night for our son, that's why I should be there," deretsong titig ni Luz sa sarili nitong repleksiyon sa pagkakataong ito. Pagkatapos ay ipinagpatuloy ng ginang ang pagli-lipstick.
Pinagmasdan pa ito ni Ronaldo na tila naghihintay na magbago ang isip ng ginang. Sa huli, ay sumuko rin ito at tuluyan nang nilisan ang silid.
Isa pa, kasalanan ko kaya nagkaroon ng problema ang anak ko kay Stacey. Kailangan kong makabawi dahil hindi dapat nadadamay ang mga bata sa galit ko sa Artemia na 'yon.
Nang makapag-make up ay isinuot na ni Luz ang puti nitong dress na may maikling manggas at scoop neckline. Humakab ang damit sa bilugang hulma ng katawan ng ginang. Pagkatapos ay maayos nitong sinuklay ang buhok. Masyado itong maikli kaya low bun lang ang kinayang estilo ng pagkakatali rito. After a few spritz of perfume and sliding into her pair of shiny red high heels, Luz carried her white leather clutch bag and left the room.
Nang marating ng ginang ang sala, si Ronnie lang ang nadatnan nito roon.
"Where's your dad?" tanong ni Luz habang nasa kalagitnaan ng pagbaba sa hagdan.
"Nasa labas. Tsinetsek iyong kotse na gagamitin," lapit ni Ronnie sa ina at inabangan na marating nito ang nalalabing tatlong hakbang ng hagdan para ilahad ang kamay at alalayan ito.
Napairap lang si Luz at tinabig ang kamay ng anak. "Kaya ko pang bumaba ng hagdan, Ronnie. Stop that."
He just sighed then pocketed his hands. For this evening, Ronnie wore a brown long-sleeved shirt with dark blue and sage green stripes. Kulay puti ang jeans nito at ankle boots na gawa sa makintab na brown leather ang suot. His shiny, short jet black hair was styled tastefully in a side-part with a few strands kissing his forehead.
Nagpatiuna sa pagtungo sa pinto ang ginang. Naisipan nitong tanungin ang anak kung bakit last minute na nagsabi si Paige na hindi ito makasasama sa dinner. But when she turned, she saw that her son was left some steps away from behind. Paano kasi, nakatitig na ito sa smart phone, tila may binabasang text message.
Tinitigan ito ng ginang hanggang sa makaramdam ang anak at mag-angat ng tingin dito.
"What is it?" she asked him regarding the text message. "Hanggang ngayon ba naman, trabaho pa rin? Can't you mute your phone?"
Ronnie took one more glance at the phone before sliding it in his back pocket. Nilakihan nito ang mga hakbang para masabayan siya sa paglakad palabas ng bahay. "Mom, it's Paige."
"What is her excuse this time?"
"Don't be too hard on her, mom. Biglaan naman kasi itong family dinner na 'to, kaya we can't expect her to be available right away."
"But it's a Sunday!"
"Not everyone is free on a Sunday, mom," he groaned.
Napailing lang si Luz.
"She even texted that she's hoping we'll enjoy this evening. Iniisip nga niya na baka magpo-propose na si Renante kaya may pa-dinner pa na ganito."
Parang nabulunan si Luz sa narinig.
That's the goal, but if Renante's going to do that tonight, isn't that too soon? Kawawa naman si Artemia kung ganoon. Hindi siya makaa-attend sa kasal ng anak niya.
Luz looked so guilty, but after a few minutes a realization struck her which made her mischievously smile.
Isn't that sweet? Artemia being unable to come to the wedding? Mamamatay siya sa inggit sa akin!
She even mentally laughed wickedly at the very thought of that.
Paglabas ng dalawa mula sa bahay, saktong naghihintay na sa harapan nila ang isang puting sasakyan. Ronaldo was in the middle of talking to the driver before he turned to face them.
"Are we ready to go?" Ronnie asked.
"Yes. You take the front seat," ani Ronaldo bago mabilis na pinagbuksan ng pinto sa back seat si Luz. Samantala, pinagbuksan naman ng driver si Ronnie ng pinto sa shotgun seat ng kotse.
.
.
ARTEMIA left the condominium unit she was renting. Napapatingin sa ginang ang ilan sa mga taong nakasasalubong o nadadaanan nito. Paano kasi, sa binabagtas niyang mga pasilyo at maging sa loob ng elevator ay lutang na lutang ang pagka-burgundy ng suot nitong one shoulder dress na pinarisan ng puting thigh-high boots. Her short, layered fly-away hair is also daring-enough for a hairstyle. Her lips were bright red and she put on a smoky eyeshadow. With her every step, the black hand bag she was holding wildly swayed to and fro.
Ibinalik na ni Artemia ang nirerentang kotse nitong Biyernes lang kaya naman nagtiyaga ito sa pagkaway nang paulit-ulit hanggang sa hintuan ng isang taxi. Nagpahatid ang ginang sa condominium building na tinitirahan ni Renante.
Habang nakaupo sa back seat, inilabat ni Artemia ang smart phone at tsinek ang inbox. May isa itong na-receive na text message mula kay Luz. Walang karea-reaksiyon na binasa nito iyon.
Luz:
Papunta na kami.
Artemia released a frustrated sigh. Kinontrol nito ang sarili para hindi mapansin ng driver ang kanyang ginawa.
My goodness, Luz. You could've just texted 'OTW' which means 'On the way!'
.
.
STACEY was already inside her red Corvette. Habang nagmamaneho, hindi niya mapigilan ang mataranta. Sa gabing ito kasi niya makikita sa kauna-unahang pagkakataon ang paghaharap nina Luz at Artemia. Was their fight really as bad as they think it is? O baka overreaction lang ni Renante ang ginawa nito noon sa kanya bilang kapalit ng pang-aapi ng nanay niya noon sa nanay nito? Would she finally see tonight if what he did to her was really worth it for him during that time? That time when he doesn't love her yet?
Humigpit tuloy ang kapit niya sa manibela.
Ma... what are you trying to do? Bakit gusto mong makipagkita sa pamilya ni Renante? Para ba talaga ito sa ikabubuti ko?
Stacey arrived at the condominium building. Dumeretso siya sa parking slot para sa mga bisita na may hourly rate. Nagmamadaling bumaba siya mula sa kotse bitbit ang isang may kalakihang knapsack. Isang strap lang nito ang kanyang isinukbit sa balikat at hinayaan ang isang gilid ng bag na nakalaylay lang.
Pagkapasok sa unit ni Renante, sinalubong na agad siya ng bango ng niluluto nito mula sa kusina. Dumeretso muna siya roon para ipaalam saglit dito na kadarating lang niya. Dinaanan niya ang dining area kung saan naka-set na ang table. Nang makitang nakaayos na ang mga kubyertos doon ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Sa tingin niya kasi ay ayos na ang lahat, na ready na sila para sa gaganaping salo-salo...
"Renante—" Napatigil siya nang humarap sa kanyang direksiyon ang binata na nakasuot na ng itim na slacks at puting button-down shirt. Its sleeves were folded neatly up to his elbows. Napapatungan ang kasuotan nito ng isang navy blue na apron.
He gave her a soft smile. "Hi."
"Let me help you," baba niya sa bag sa isang upuan sa dining table.
Ibinalik ni Renante ang tingin sa niluluto nito. Kalalapit lang niya sa lababo para maghugas ng kamay nang marinig ang pag-ring ng kanyang cell phone.
"Wait," paalam niya habang naglalakad na pabalik sa dining area. She quickly fished out her phone from the bag. Inasahan niyang si Artemia ang tumatawag para magpatulong sa pag-locate sa condo unit ni Renante, pero nagkamali siya.
Pangalan ni Kylie ang nabasa niya sa screen.
Sinagot niya agad ang tawag.
"Kylie?"
She heard her friend sniffling on the other line, before she managed to speak in a voice struggling to swallow.
"S-Stace..."
Is she crying? pag-aalala niya habang mapagpasensiyang hinihintay na matapos ni Kylie ang sasabihin.
"C-Can... Can I see you?"
Nanatili siyang kalmado. "When? Where?"
"Now? Is it possible?"
May kinalaman ba ito kay Piccollo? Nakasama ba para kay Kylie ang ginawa kong pagtaboy sa kanya?
"Nasaan ka?" matatag niyang tanong sa kaibigan.
"I'm... I'm inside my car. Parked outside our house. A-Ayoko pumasok kasi—" Tumigil ito sa pagsasalita nang mahalatang gumagaralgal na ang boses nito. "Baka kasi makita ako nina mom."
Stacey sighed. "I understand. Do you want us to meet somewhere?"
"In a café? Basta huwag lang sa Sondra's, p-please—" It was followed by a gasp abruptly stopped. She could already imagine Kylie covering her mouth to hide the fact that her voice was shaking and she was crying in her car.
"Sige. Pumunta ka na kung saan mo tayo gusto magmeet up. 'Tapos, i-text mo sa akin kung saang café iyon. Okay?"
"H-Hindi ba puwedeng sa... sa bahay mo na lang?"
"Puwede naman. Pero wala kasi ako roon sa ngayon. Nasa kondisyon ka pa ba mag-drive papunta roon?"
Natatakot kasi si Stacey na baka nakainom na ang kaibigan. Hindi niya malaman kung ano ang kalagayan nito, kung normal na pag-iyak lang ba ang ginagawa o dahil nakainom kaya emosyonal.
"Y-Yes. I can still drive, Stace. I am not drunk or anything..."
"Make sure your tears won't cloud your vision. Park in front of my gate and wait inside your car, okay? Pupuntahan kita."
"S-Sige—"
Lumingon si Stacey sa kusina para tanawin si Renante at laking gulat niya nang makitang nakatayo na pala ito sa likuran niya. Hindi na tuloy niya naunawaan pa ang iba pang sinabi ni Kylie. Na-distract siya lalo na sa sobrang lapit ng mukha nila ni Renante sa isa't isa.
Stacey immediately returned to the conversation on her phone.
"Sige, Kylie. Bye."
Kabababa lang niya ng cell phone ay mahigpit nang nagsalita si Renante.
"We have dinner tonight with our families."
Napayuko siya at napatitig sa hawak na cell phone. "I know."
"So, paano mo mapupuntahan si Kylie?"
"Bakit ka nakikinig sa conversation ng iba?"
"I got worried, lalo na nang nagtanong ka kung saan kayo magkikita niyang kausap mo."
"Si Kylie ang katatagpuin ko," harap niya rito kasabay ng matalim na titig sa malamig na mga mata ni Renante. "Hindi kung sino-sino."
"Alam ko. What I'm saying is, you already made your commitment here, Stace. Ano, ipo-postpone ba natin itong family dinner para mapuntahan mo siya?"
Naningkit lalo ang mga mata niya. He spoke so calmly yet his tone was so heavy. Nakapanghihina tuloy.
"Of course not. It will take her some time to get to my place. And she can wait for a while in her car. Ang mangyayari lang naman, kailangan nating masiguradong maagang matatapos itong dinner natin."
Nag-iwas ng tingin ang lalaki. Tumanaw sa malayo na tila ba nagising ito sa katotohanan kaya bahagyang tumango-tango at namewang gamit ang dalawang kamay. She watched him, waited for his reaction before he finally released a sigh.
Hinarap uli siya nito. "I have been bottling all the guilt I felt for what I did to you years ago. And ever since I got it all out of my chest, ever since I asked for your forgiveness, and you gave me a chance to make things work again between us... I felt liberated. Dahil sa ginawa mo kasi, nakita ko na... kaya mo akong unawain at patawarin sa mga pagkakamali ko."
He stared deeply into her eyes as he paused. Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ito.
"It's very vital in marriage, you know... that you are able to forgive your spouse for their mistakes. If you can forgive a person over and over again, then you can spend the rest of your life with them. Because, believe it or not, it is human nature to keep on making mistakes, no matter how big or small... no matter how many times... no matter if you have already made that same mistake before and learned your lessons." He lowered his eyes and pulled a sad smile. "And I am very grateful for that same kind of love that you are giving me."
"Ganoon ka rin naman sa akin, 'di ba?" mahina niyang usal dito. She was trying to catch his eyes, but he never lifted his eyes on her. "I've lied to you so many times. You found out that I tried to sabotage Sondra a lot of times before so you'll stop loving her... and yet..." Napalunoks siya at nagbaba ng tingin. "You forgave me for those things. Ibinaon mo pa nga sa limot ang mga nagawa kong iyon."
"Yes. And because of this family dinner, I thought, we already passed through those tests." He sadly shook his head. "But I think there will be more tests to go through."
Kumunot ang noo niya. "What do you mean more tests?"
"You have to figure out your priorities too, Stace," titig nito sa kanyang mga mata. "I know, friends are important in our life. Pero kapag ikinasal na tayo, the friendships we have can't be the same anymore. We have to prioritize our marriage, and let our friends learn to stand on their own."
"That doesn't sound right. Being married is not enough reason for you toabandon your friends. That's... that's wrong."
Napahugot ito ng malalim na paghinga at napatingala saglit. Then he gazed blankly to his left.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top