Chapter Fifty-Four - Spilled Secrets

NAUNANG umalis ng condo unit sina Luz, Ronaldo at Ronnie. Pagkatapos gumamit ng banyo ni Artemia, pinaupo muna ito ni Stacey sa sofa sa living room. Pinagbukas na rin ito ni Renante ng TV para malibang habang magkatulong nilang nilinis ang mesa. Pagkatapos, magkatuwang din nilang hinugasan ang mga ginamit na pinggan at baso. There was nothing but silence between them and the occassional clinking of glasses and utensils.

It was Stacey who noticed it first. Napalingon tuloy siya kay Renante na naka-focus sa pagbabanlaw ng mga hugasin. Siya kasi ang taga-sabon sa kanilang dalawa. Pagkatapos banlawan ng dalawang beses ang mga kubyertos ay inilalapag ito ng lalaki sa katabing counter. May nakaabang doon na kitchen towel na kanyang gagamitin pangtuyo pagkatapos niyang magsabon. Siya ang magiging tagatuyo dahil mauuna naman siyang matapos sa gawain nila.

Huminto saglit ang kanyang paghinga nang mahuli siya ni Renante na nakatitig. He gave her a gentle smile.

"Yes?" he asked.

Ibinalik na niya ang paningin sa ginagawa. "Tonight turned out pretty well, right?"

Mahinang natawa ang lalaki at itinutok na rin nito ang mga mata sa binabanlawan. "See what we can do together?"

Napangiti siya nang maliit. "I saw it first, boo. I already knew how good things will be when we work on it together."

"Anak?"

Alertong napalingon sila sa pintuan kung saan nakasilip mula sa dining area si Artemia. Suot pa rin nito ang makintab na damit pero tinanggal na nito kanina pa ang make-up sa mukha.

"'Ma?" kunot-noo niya.

"I should go," nahihiya nitong ngiti sa kanya. Sumimple din ito ng sulyap kay Renante na nakatingin lang dito.

"Saglit na lang 'to, 'Ma. Ako na ang maghahatid sa 'yo at mahirap na'ng maghanap ng masasakyan ng ganitong oras."

"I'll be fine, Stacey. I have an app too, where I can get a ride—"

"Ma," she groaned. "Please."

Artemia lowered her eyes then, nodded. "Okay. I'll wait."

Nang umalis ito, ibinalik nila ang tingin sa ginagawa. Dama niya ang panakaw-nakaw na tingin ng binata bago ito nagkaroon ng lakas ng loob magsalita.

"Gusto mo talaga siyang ihatid?"

"Sabi mo nga kanina, 'di ba? I might as well grab this opportunity tonight to clear the air between me and mom," aniya sa hininaan na boses para hindi maulinigan ni Artemia.

He smiled softly. "I hope it turns out well too."

She took in a deep breath. "Will this help me get ready?"

"Get ready?" lingon nito sa kanya sabay tigil sa ginagawa.

"You see," hinto rin niya sa ginagawa para salubungin ang mapang-unawa nitong mga mata, "you told me before that we are not yet ready for marriage. Ikaw, dahil nagi-guilty ka sa ginawa mo noon sa akin. At ako naman... I am starting to realize why I am not yet ready."

"At paano mo nasasabi ngayon na hindi ka pa ready?" mahinahon nitong tanong. He didn't seem shocked by this. He didn't sound like he expect her to say this, either. Para bang natural na para sa lalaki ang pag-amin niyang ito.

Nagbaba siya ng tingin. Natatakot kasi siya sa ekspresiyon na maaaring gumuhit sa mga mata ni Renante, lalo na at ganitong hindi niya mapin-point kung ano talaga ang naiisip o nararamdaman ng lalaki tungkol sa kanilang pinag-uusapan. Baka lamunin ng takot ang lakas ng kanyang loob para magpakatotoo rito kaya nanatiling nakaiwas dito ang kanyang mga mata.

"Because I haven't sorted out my relationships yet... with my friends, with my parents..." She took in a deep breath. "Am I qualified to build a new relationship if I will leave those that I had still unsettled?"

Tumango-tango ang binata at saglit na iniwas ang tingin sa kanya kahit nakaharap pa rin ito sa kanyang direksiyon. Surprisingly, he did not question her like the way he used to. "Ano ang gusto mong ayusin? Do you want me to help?"

"For now, there's no need for you to help," she said, finally meeting his gaze. "I'll just deal with my mother first."

Renante stared at her. Nababasa niya sa mga mata nito na nag-aalala ito para sa kanya kaya naman para bigyan ito ng assurance ay nginitian niya ito.

"I'll be fine," paninigurado pa niya rito. "We'll be fine."

Pagkatapos maghugas ng mga pinggan at linisin ang kusina't dining area, nagpaalam na sina Stacey at Artemia kay Renante. Naunang tumalikod si Artemia at tahakin ang pasilyo kaya mabilis na hinablot ni Stacey sa braso si Renante para mapalapit sa kanya. She clasped his nape to bring his face down to hers and kissed his lips. He immediately kissed her back, grabbing the small of her waist to make their bodies press against each other. Then, they lowered their eyes as Stacey wrapped her arms around him for a tight hug.

"Drive safely. I love you," Renante murmured then kissed the top of her head.

"I love you too," aniya at tila gumaan ang kanyang loob nang bigkasin ang mga katagang iyon.

Nalingunan niyang nakatanaw sa kanila si Artemia kaya bumitiw na siya sa nobyo. Both of them chuckled lowly, a little shy because they were caught in an intimate act by her mother. Nagmamadaling nilapitan ni Stacey ang ina na kinawayan pa si Renante bago sila sabay na naglakad patungo sa elevator. They pressed the 'down' button and in as short as two minutes, they were able to get inside it.

Hindi sila nag-imikan ng kanyang ina sa loob ng elevator. Stacey was not yet feeling tensed as well, although the truth was, she wasn't prepared yet... She didn't know how to settle things between her and her mother. Wala pa siyang ideya kung anong isyu sa pagitan nilang dalawa ang uunahin niyang i-topic kapag kinausap na niya ito sa loob ng kotse. Wala rin siyang impression pa kung ano ang posibleng i-react ng kanyang nanay sa balak niyang ayusin ang relasyon nila.

Nasa ground floor na sila ng building nang mag-ring ang cell phone na nasa loob ng bag ni Stacey. She pulled it out and saw Renante's caller ID. Mabilis niyang sinagot ang tawag habang naglalakad pa rin sila ni Artemia palabas.

"Boo?" she answered.

"I think these are your mom's. May mga gamit na naiwan dito sa banyo. A tissue paper sachet, 'tapos sa ilalim, isang key card para sa pinto?"

Napalunok siya. "Wait," paalam niya kay Renante. Huminto siya ng paglakad habang walang malay namang nagpatuloy si Artemia. "Ma," tawag niya sa ina kaya naguguluhang napalingon ito. "May naiwan ka sa restroom. Keycard."

Kumunot ang noo nito. Pagkatapos, nagmamadaling hinalungkat nito ang maliit na bag. Kitang-kita ang gulat sa mukha ng ginang nang hindi mahagilap dito ang keycard.

"Hindi ko naman nilabas ang keycard na 'yon, paano'ng naiwan sa banyo?" naguguluhang balik ng ginang sa kanya.

"It's okay," sagot niya rito. "Dumeretso ka na sa kotse ko sa parking. You'll find it easily, alam mo naman hitsura n'on. Babalikan ko lang sa unit ni Renante iyong keycard mo."

"Okay. Thank you," nahihiya nitong ngiti sa kanya bago sila mabilis na naghiwalay ng landas.

.

.

NAKAHIHIYA. Dahil sa rito, babalik pa tuloy ang anak nitong si Stacey sa condo unit ni Renante para kunin ang naiwang keycard doon. Importante ang keycard dahil iyon ang gamit na susi ni Artemia para sa condo unit na kasalukuyang tinutuluyan sa maikli nitong bakasyon sa Pilipinas. Sa totoo lang, sa bungalow sana ito noon manunuluyan kung hindi lang nito nadatnang magka-live in na pala roon sina Stacey at ang nobyong si Renante. Artemia had no complaint about it though, napunta lang doon ang takbo ng isip ng ginang habang nagmamadaling naglalakad patungo sa parking lot.

Inisa-isa ni Artemia ang mga kotseng nakaparada. Bumabagal ang hakbang nito sa tuwing tinititigan nang mabuti ang kotse kapag kulay pula iyon. Kapag napagtantong hindi iyon ang hinahanap na pulang Corvette ay nagpapatuloy uli ito sa paglakad. Hindi pa nito nararating ang kotse ni Stacey ay bumungad na rito si Ronaldo.

Nasa likuran nito ang asawang si Luz. Nakapagtataka namang hindi nila kasama ang anak na si Ronnie. Their car was also nowhere in sight. Sa tingin ni Artemia ay nagkaroon ng last-minute decision si Ronaldo at naisipang balikan ito para komprontahin.

"Artemia," galit nitong wika nang harangin ang nanay ni Stacey.

Nanatili itong matatag at kalmado. "Yes, Ronaldo?"

Naningkit ang mga mata nito. "What is this all about?"

"What do you mean?" Artemia was really genuinely curious, bothered rather.

"Ronaldo..." mahinahong awat ni Luz pero patalikod lang na tinabig ng lalaki ang kamay ng asawa na aabot sana sa braso nito.

"Bakit ka nag-request ng dinner na ito? Bakit gusto mo kaming makita? Ano na naman ang balak mong gawin para pasakitan ang asawa ko?" sunod-sunod na nagpupuyos nitong tanong kay Artemia.

Artemia was stunned. Natulala ito saglit sa lalaki. Her mind went blank for a few seconds, leaving her speechless.

"Are you checking if we're fine?" Ronaldo continued. "And what comes next after seeing that we—especially, my wife—are already doing fine? Guguluhin mo na naman kami?"

Artemia kept a straight face, but her eyes looked down. "Ronaldo, I requested this dinner only for my daughter. Ang gusto ko lang namang makita ay kung welcome ba siya sa pamilya ninyo kahitgalit kayo sa akin."

Nanlisik lang ang mga mata nito. "Of course, she's welcome. But you?" He paused to scoff at her arrogantly before answering the question. "Never."

Artemia didn't know why she felt like something stabbed her deep in the chest. She was almost breathless, the reason why it took her some time to speak.

"That's what I saw too. That's all I need to know, Ronaldo," angat nito ng tingin dito nang makapag-ipon na uli ng lakas ng loob para harapin ito. "Salamat sa pagtanggap sa anak ko."

"Wala na tayo sa harap ng mga bata. You can stop pretending to be a nice little bitch," he hissed.

"Ano ba, Ronaldo," muling pigil ni Luz sa asawa sa natural na mahinahon nitong boses kahit may bahid na iyon ng pag-aalala. "Stop that already. Let's go—"

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Artemia dahil sa tinuran ni Ronaldo. Her rebellious streak was brought back to life. No one—not a single mouth—is ever allowed to call her a 'bitch!'

"What's your problem, Ronaldo?" gigil nang wika ni Artemia rito. "Why can't this evening just end well?"

"End well?" hasik nito, bahagya nang tumataas ang boses. "Nothing will ever end well, Artemia! I will never forget what you did to my wife!"

"So, what about it? What can you do about it? Paghiwalayin ang mga bata dahil lang sa nabubuwisit ka sa akin?" Artemia put her chin up and proudly scoffed. "And guess what? You should go and ask your wife. Bati na kami."

"What?" galit pa rin pero naguguluhang tinaliman ni Ronaldo ang tingin kay Artemia bago nagtatakang sinulyapan si Luz. "Ano'ng bati na?"

Nahihiya at natatakot na nagbaba ng tingin si Luz. "Ronaldo—"

"You're forgiving this bitch, Luz? After everything that this—" duro nito kay Artemia habang nakatingin sa asawa, "—bitch has ever done to you?"

"Ronaldo, we have to get past this already. Ayoko namang maapektuhan ang mga bata dahil sa amin ni Artemia—" malambot na pangangatuwiran ni Luz.

"The kids got nothing to do with this! They can go and marry! They can go and have their own family, have kids, have their own house! But we will never, ever, forgive this woman just because she's the mother of our son's girlfriend!" nanenermon na litanya ng galit na lalaki rito.

Then, Ronaldo returned his furious eyes on Artemia. "Hindi puwedeng palagpasin ang ginawa mo sa asawa ko, Artemia! You and your vicious lies at the cost of her peace of mind! Inisip ng buong alta sociedad nitong Maynila na masamang babae si Luz! That she's a cheater! That I only married her because I got her pregnant! That she left Manuel as quick as a snap because I got her pregnant while she's still in a relationship him! That he killed himself because Luz made a fool out of him and left him! You made everyone fucking believe that my wife is a horrible woman!"

"Hindi ba iyon totoo?" hasik ni Artemia. "Hindi pa sila hiwalay ni Kuya Manuel! 'Tapos, mababalitaan na lang namin na ikinasal na kayong dalawa?"

Ronaldo turned to Luz. "Come on! Say something! Basagin mo na ang ilusyon ng baliw na babaeng ito! Para magising siya sa katotohanan na walang kapatawaran ang ginawa niyang paninira sa 'yo!"

Luz kept her head low. She smiled bitterly.

"Ano pa ba ang magagawa ng mga sasabihin ko? Lumipas na ang panahon. The rumors about me were only relevant to us because we are the ones involved in it, but for the others? It matters so little because it was only a form of entertainment for them." Nang mag-angat ito ng tingin, ginawaran nito ng matamis na ngiti si Ronaldo habang mamasa-masa ang mga mata. "Ronaldo, let's go home."

"Shit," he hissed, this time, his voice weakened. "There you go with those weepy eyes again."

Hindi inalis ni Luz ang tingin at ngiti sa asawa kaya naman tuluyan nang lumambot ang anyo ni Ronaldo.

He sighed in surrender. "Fine, we're going."

Tinapunan nito ng huling tingin si Artemia. She could see that he looked at her not just with contempt, but also with disgust before he turned to his wife. Pinanood ni Artemia ang paghawak ni Ronaldo sa siko ni Luz habang inaalalayan ito sa paglakad palayo rito.

It felt like that was only the time when Artemia managed to breathe. She breathed out to release all the tension that weighed down on her because of Ronaldo's harsh words. Then, she lowered her eyes.

Hindi ko aaminin na ginawa ko iyon hindi lang para ipaghiganti si Kuya Manuel. You won't know that... I used to be in love with you, Ronaldo.

She lifted her eyes again. This time, she only saw their silhouttes from afar, still walking away from her. May isa pang anino mula sa isang humahangos na lalaki na sumalubong sa dalawa. Sa tingin ni Artemia ay si Ronnie na iyon.

During that time, I was in love and heartbroken too.

During that time, all I cared about is my pain.

All I cared about is how hurt I was for losing two of the men that I love... at that point in time.

.

.

STACEY stood hidden by the shadows. Nadatnan niyang sinisigawan si Artemia sa parking lot. Her first response was to stop their fight and be on her mother's defense, pero habang palapit na siya sa mga ito ay unti-unting bumagal ang kanyang mga hakbang.

She figured that maybe, she should stand back.

Nauunawaan niya na sa dinner nila kanina ay nagtitimpi ang mga matatanda. Pinagbigyan ng mga ito ang kagustuhan nila ni Renante na maging civil sila sa isa't isa, kaya naman, ayaw niyang ipagkait sa mga ito ang maliit na pagkakataon na nahanap ng mga ito para mailabas ang tunay na saloobin ng mga ito sa isa't isa. Kahit medyo eskandaloso pa ang dating dahil sa parking lot pa naisipan ng mga ito magtalo.

She knew that Luz and Artemia hated each other. That was why she was utterly surprised when she found out that it was Ronaldo who was arguing with her mother. Naunawaan na tuloy ni Stacey kung bakit kakaiba ang kilos ng ginoo kanina. Kakaiba dahil tuwing nakakasama ito ni Stacey ay masigla ang matandang lalaki at palangiti.

"The kids got nothing to do with this! They can go and marry! They can go and have their own family, have kids, have their own house! But we will never, ever, forgive this woman just because she's the mother of our son's girlfriend!"

Iyon ang naabutan niya sa pagtatalo ng mga ito. At matapos marinig ang lahat ay nanatiling nakapako si Stacey sa kinatatayuan. Nakatanaw lang si Artemia sa mga ito, hindi siguro makalakad para hanapin ang kotse dahil sa takot na baka balikan ni Ronaldo para awayin.

Stacey took in a deep breath. Kahit tila nangangatog ang kanyang mga tuhod, naglakad na siya palapit sa ina.

"Is that my car?" kunwari ay wala siyang kaalam-alam sa naganap.

Napalingon ito sa kanya. "Oh—" Artemia glanced at the parked car near them then back to her. Nakuha pa nitong ngitian siya kahit iyon umaabot sa mga mata nito. "Oh, of course not." She even cleared her throat. Kaya naman mas matatag at malinaw na ang boses nito nang magsalita uli. "Napatigil lang ako sa paglalakad kasi may naalala lang ako."

"Bakit? May naiwan ka pa ba sa condo bukod dito?" nakangiting taas niya sa hawak na keycard.

Artemia smiled wider and gently took the keycard from her. "Akala ko meron pa. Pero mukhang wala na naman." Mabilis nitong isinilid sa bag ang keycard. Then, Artemia lifted her head and smiled at her. "Thank you, anak."

Sabay at magkatabi silang naglakad. Habang hinahanap nila ang kanyang kotse, panay ang nakaw niya ng sulyap sa ina.

She just had an argument with Tito Ronaldo. Mukhang hindi yata magandang timing kung usisain ko siya mamaya. Stacey put her eyes to the front. Pero kung hindi ngayon, kailan ko uli siya personal na makakausap? Kailan ang perfect timing para pag-usapan ang relationship namin bilang mag-ina?

Before they found her car, one of the parked cars already pulled away from the parking lot. Instinct told her that it was the one owned by the Villaluz family. Nilagpasan sila ng sasakyan at naunawaan naman niya kung bakit. Tiyak niyang ayaw ng mga matatanda na magka-ideya siya na may nangyaring pagtatalo sa pagitan nila kani-kanina lamang, kaya mabuting iwasan na lang muna nila ang isa't isa sa kanyang presensiya. Ni hindi niya sinundan ng tingin ang kotse para magkunwaring hindi niya inakalang sasakyan iyon ng mga Villaluz.

Pagkasakay sa kanyang kotse, ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa pagitan nina Stacey at Artemia. Those minutes may be few, but dragged on to what felt like forever. It was Stacey who spoke first, asking her mother the direction to the condominium building where they would be staying for the night. Mabilis ang andar ng sasakyan dahil alas-onse na at mangilan-ngilan na lang ang mga kotse sa kalsada. Napapahinto lamang sila ng maliit na traffic na sanhi ng pag-ipon ng mga sasakyan tuwing may stoplight o intersection. Nag-stop over din sila sa convenience store na isang tawid ang distansiya mula sa condominium building na tinutuluyan ng ina para makabili siya ng toothbrush.

Finally, they arrived at Artemia's temporary home. Stacey was still carrying her knapsack as she stepped inside the a studio-type condominium unit. Ang makitid na daanan ang bubungad pagbukas ng pinto kung saan may naghihintay na shoe rack at drawer na nakasandal sa isang pader. Sa kabila naman nito ay bukas ang isang pinto na patungo sa may kaliitang banyo. Stacey walked ahead while Artemia closed and locked the door before following her. Sa kanyang paglalakad, huminto siya sa isang open space kung saan kayang ikutin ng kanyang mga mata mula sa kinatatayuan ang bawat bahagi ng unit. Mula sa kanyang kaliwa ay makikita ang L-shaped kitchen counter na kompleto sa mga gamit kasama ang isang may kalakihang refrigerator. Katapat nito ang pader kung saan patagilid na nakasandal ang isang pang-dalawahang dining table set kung saan bilugan ang lamesa. Katabi ng kitchen counter ang isang divider na sapat ang liit para masilip ang double-sized bed na naroon. Katapat ng kama at katabi ng dining table naman ang isang TV set. Sa pader katabi ng kama, may isang sliding door na magbibigay access sa makitid na balkonahe kung nasaan ang isang reclining chair. Stacey also noticed Artemia's travelling bags neatly arranged against the divider between the kitchen and the bedroom. Her mother squatted in front of them and unzipped one of the sports bags.

"Ikaw muna ang gumamit ng banyo," anito habang naghahanap ng susuotin mula sa isa sa mga bag. "Mamimili pa ako ng susuotin."

"Thanks," she replied. Hinubad muna niya ang high heels at maingat na inilagay iyon sa paanan ng shoe rack malapit sa pinto. Then, she headed to the bathroom.

"Nasa banyo ang toothpaste at liquid soap. Puwede mo gamitin," pahabol ng kanyang nanay.

Hindi niya na sinagot ang ina, pero sa tingin niya ay gets naman nitong narinig niya ang mga sinabi nito. Pagkatapos mag-toothbrush at maghilamos, sinuot uli ni Stacey ang kanyang tank top. She did not bother taking another shower. Bukas na lang pagkauwi niya sa bungalow.

After she freshened up, it was Artemia's turn to use the bathroom. Her mother left her boots beside her travelling bags. Umupo si Stacey sa reclining chair sa balkonahe para damahin doon ang hangin. It was already midnight, yet the lights in the rooms of their buildings were still soft and twinkling in yellow. Palagay niya ay mga outdoor at balcony lights iyon, iniwang bukas para sa ikararamdam ng security ng mga naninirahan doon. Stacey turned when she heard the bathroom door click open. Kahit maliit na tunog ay dinig na dinig dahil sa sobrang tahimik ng paligid at maliit lang naman ang unit. Artemia reappeared, this time, wearing a pair of dark blue cotton shorts and loose white T-shirt.

"Do you want anything? Water? Snacks?" nakangiti nitong saad.

Pumasok na siya sa loob ng unit at iniwanang bukas ang sliding door ng balkonahe. "I guess, I'll have some water before I sleep. Half-glass lang, 'Ma."

"Okay," anito at sumaglit sa kitchen area.

Umupo naman siya sa table set at pinanood ang ina hanggang sa makabalik ito sa kanya bitbit ang isang baso na may lamang half-glass na tubig.

Pagkatapos uminom, magkatabi silang humiga sa kama. The lights were already dim. Every door and window were closed. All Stacey could hear was the soft whirring coming from the air-conditioner. Nanatili silang tahimik, pero ramdam niya at nakikita na rin sa gilid ng mata na nakatulala lang si Artemia sa kisame.

Stacey took in a deep breath.

"Ma?"

"Yes?"

It's now or never, she thought before mustering up all the courage to keep going. "Remember what you said earlier? About the lifestyle you chose. About the choices you've made in the past. Na sa ganitong paraan mo lang kaya maging mabuting ina sa akin..."

She trailed off, expecting her mother to cut her off or say to talk about it some other time. But to her surprise, Artemia remained still. Ni hindi ito umimik kahit na natahimik na siya. Sa tingin niya ay hinihintay siya nitong magpatuloy sa pagsasalita.

"Can we talk about them now? If..." she stole a glance at her before returning her eyes on the ceiling. "If that's okay."

Artemia took in a deep breath, softly... subtly.She seemed to have already expected this, yet still nervous. "I'll start withthose few weeks after I gave birth to you. That's where I'll start the story."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top