Chapter Twenty-Three - Hinala
"SI KYLIE?" balik ng mga mata ni Stacey kay Renante nang hindi nahanap ng mga mata ang babae.
"Nakapila na," lagpas ng tingin ng binata sa kanya kaya sinundan niya at natanaw na nakapila nga sa lane ng bilihan si Kylie. Hiwalay kasi iyon sa cashier ng café.
"Oh," balik sa harap ng tingin niya at napatingin sa staff na nag-assist sa kanya. "Thank you," aniya nang paalis na ito bitbit ang mga tray.
Inayos ni Renante ang mga pagkain at drinks habang paupo na siya.
"Stace," mahigpit nitong wika kaya natigilan siya sa tangkang umupo.
She lifted her eyes and carefully studied him. "Yes?"
"Dito ka," anito, nasa pagsasalansan pa rin ng mga pagkain ang atensyon.
"Saan—"
Renante lifted his eyes and caught her gaze. "Dito," hilig nito ng ulo para ituro ang iniwang upuan ni Kylie, "sa tabi ko."
"Ah," iwas agad ng mga mata niya rito.
Gusto ako katabi ni Renante, usog niya sa upuan para lumipat sa tabi ng binata.
As she pulled the chair close to the table, Renante placed her food closer to her. Kasunod niyon ang Salted Caramel Milk Tea. Ito na rin ang nag-punch-in ng straw sa cup niya.
"Salamat," nakaw niya ng tingin dito habang dinadampot ang inumin.
She was still sipping her drink as her eyes waited for Renante's response.
Hindi siya nito tinapunan ng tingin, nanatiling seryoso. Kahit kailan talaga may pagkasuplado ang lalaki sa pakikitungo sa kanya. Hindi na nakaka-offend dahil nakasanayan na niya iyon.
Binaba niya sa mesa ang inumin at pinasadahan ng tingin ang fries at clubhouse sandwhich sa kanyang harapan. Then she shifted her eyes on Renante's plate that contained an aesthetically-pleasing arranged penne pasta with white creamy sauce. Binubdburan iyon ng berdeng herbs, keso at may tatlong hipon sa pinakatuktok. Ang in-order niyang inumin para dito ay isang tall glass ng orange juice.
"Well..." here she was, initiating another conversation between them, as usual. "Ang tagal mo kasing bumalik at ang daming nakapila kaya..." Stacey shrugged. "Okay lang ba 'yung mga in-order ko?"
Nilingon siya nito. "Yeah. I like it."
Mag-aalangan pa sana siya pero inunahan na siya ng malamlam nitong ngiti. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito. Stacey took in a deep breath. Mas pinagaan niya ang tinig.
"God! Ang dami ng clubhouse sandwich nila!" pag ningning ng mga mata niya sa anim na clubhouse sandwiches sa kaharap niyang pinggan.
"You should be happy. Matakaw ka naman, eh," maluwag nitong ngisi.
Inirapan niya si Renante. "Joke ba na naman iyan?" ganti niya sa pamamagitan ng pagtira sa malabnaw na sense of humor ng binata.
"Mukha ba akong nagbibiro, Ms. Vauergard?" dampot na nito ng tinidor. His eyes smugly gazed at her.
"Tse," she scoffed at him. "Palibhasa 'yung mga type mo kasi hindi matatakaw. 'Yung mga may strict diet."
Sabay dinosaur bite ni Stacey sa hawak na clubhouse sandwich.
Renante stifled a chuckle. "I don't like where this conversation is going," patong nito ng pulsuhan sa sulok ng mesa para manatiling nakaangat ang kamay nitong may hawak ng tinidor. "We should be talking about you."
Ngumunguya pa si Stacey nang lingunin ito. Hindi nakahuma nang malingunang malapit na pala ang mukha ng binata sa kanya. Parang na-stuck sa bibig niya ang pagkain, tumigil siya sa pag nguya. Renante lifted a corner of his lip.
"What happened to you in the past three years, Stace?" tanong nito sa mababang tono bago napunta ang tingin sa mga labi niya.
Naalala tuloy ni Stacey ang nginunguyang pagkain. Wala sa loob na lumunok siya. Mauubo siya kaya nilayo ang mukha sa binata bago iyon nilabas. Renante immediately dropped his fork. Pumihit ito ng pagkakaupo paharap sa kanya. He rubbed her back and immediately handed her her drink.
"Iubo mo iyan. Then drink this," he murmured, calm against the tension.
Nalunok din niya ng buo ang pagkain, pero medyo masakit sa lalamunan ang naging proseso. Nanginginig ang kamay na tinanggap niya ang inaabot ni Renante na tissue. She covered her mouth and continued to cough. Nang mahimasmasan, pagkababa pa lang ng tissue ay dinikit na ni Renante ang straw sa labi niya.
She instinctively sipped some drink before slowly drewing back.
Unti-unti nang bumalik sa normal ang paghinga niya. Kaunti na lang ang panunulas ng paghingal bago napatingin sa lalaki. Nakita niyang nilalapag na nito sa mesa ang cup niya bago siya muling sinipat.
"You're okay?"
Stacey nodded. Damn. That was so embarrassing. She should have handled that on her own. Para siyang bata kanina na inalalayan pa ng ganoon ni Renante.
"Hi," bati ni Kylie na bumalik na sa table nila dala ang resibo nito. She occupied the seat across them, the one that Stacey left earlier to be beside Renante.
"Ano? Nag-order ka na rin ba ng lunch mo?" sunggab agad ni Stacey sa pagkakataon para ma-distract siya at si Renante mula sa nangyari kanina.
"Lunch?" inosenteng tanong ni Kylie sa kanya.
"Oo," tuwid niya ng upo. "You can join us, since you're already here, Kylie." Nilingon niya si Renante. "Okay lang naman, 'di ba?"
Hindi niya nagustuhan ang tiim ng titig ni Renante kay Kylie. She knew that kind of stare. He only does that when he was feeling something intense. And the only time she saw Renante stare intensely like that was when he's aroused or lusting...
Or maybe this is another mystery. Isa na naman ito sa mga gugulo sa isip niya para lang alamin kung ano ang kahulugan ng titig na iyon. Mas nagpabigat pa rito ay ang pananahimik ng binata.
"Renante?" pukaw niya rito.
"It's okay," titig pa rin nito kay Kylie bago binalik ang atensyon sa pagkain nito.
Stacey returned her eyes on Kylie. "See?"
Hindi niya alam kung bakit mas tumamlay ang tinig niya.
"Oh, no thanks," matamis nitong ngiti. "Ayoko namang makasira sa moment ninyo."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Baka kung ano pa ang ma-reveal nitong si Kylie kung hindi niya bibigyan ng hint na mag-ingat sa binibitawang mga termino.
Magaan itong tumawa. "Isa pa, I originally went here to take-out a drink. So," she shrugged. "I'll do just that. Baka magtaka rin si Mama kung bakit hindi ako sumabay ng lunch sa kanila, eh."
Kontentong ngumiti si Stacey. "Well then..." At nilingon niya ang tahimik na si Renante. "So," kunwari composed na siya at balewala ang nangyaring pagkabulon kanina, "you're asking me earlier what happened to me in the past three years?"
Renante glanced at her and nodded. At saka lang nito sinubo ang nakatusok na pasta sa tinidor nito. Pinagmasdan niya saglit si Renante. He was really refined with his every move. Pormal ang postura ng pagkakaupo. There was something delicate and gentlemanly with the way he handled his fork and chew his food. Mukhang matinding pagdidisiplina talaga ang kinalakihan ng binata.
"Ah, like what I said to Kylie," nakaw niya saglit ng tingin sa dalaga bago binalik iyon kay Renante, "I've been in Italy for three years."
"No wonder no one can find you here," Renante murmured. "Of all the places, why Italy?"
"Well," tingin niya sa kawalan, "because I trust and love you."
Nagsalubong ang mga kilay ni Renante sa sinabi niya.
Stacey laughed. "You know? I.T.A.L.Y! I trust and love you?" at naging alanganin na lang ang tawa niya dahil walang natawa kina Kylie at Renante.
"Mas malala pa pala ang sense of humor mo kaysa sa akin, eh," supladong tuloy nito sa pagkain.
"Excuse mio!" harap niya ng pagkakaupo rito. "My punchline is funny! Pinagkaisahan niyo lang yata ako ni Kylie, eh!"
She caught Kylie's small smile before she checked her receipt. Narinig niya ang pag-atras ng upuan nito.
"Excuse mio din, guys," anito. "Pupunta na ako sa kuhanan ng orders kasi malapit nang tawagin ang number ko."
"Oh... well," ngayon lang nanuot ang pagkapahiya kay Stacey. Pakiramdam niya sumama ang loob ni Kylie. Bukod kasi sa pinalalayo niya ang kaibigan para sa kaligtasan nito, parang pinapakita pa niyang nag-eenjoy siya na wala ito kasi kasama naman niya si Renante.
Ngumiti lang ang kaibigan. Alam niyang pinagtatakpan lang ni Kylie ang tunay na nararamdaman. Tumayo na ito.
"See you around, guys, and Stace," titig nito sa kanya, "if you need me, just let me know. Okay? I'll do what you want kasi ayokong mag-worry ka para sa akin. But if you really need me..." her eyes were urging her to reply after she trailed off.
Ngumiti lang si Stacey.
"Sige," tango nito at tinungo na ang counter ng café na iyon.
Nakasunod pa rin kay Kylie ang mga mata ni Stacey.
"Stace—" wika ni Renante.
"Mamaya na," tayo niya para sundan si Kylie.
Gusto lang niyang siguraduhin na nagkakaintindihan sila nito. Na malinaw sa kaibigan niya ang gusto niyang mangyari. Nagulat ito nang sumulpot siya sa tabi nito.
"Oh, Stacey," bulalas nito.
"Kylie," salo niya sa gulat nitong mga mata, "no hard feelings, ha?"
"Hard feelings for what?" harap na nito ng pagkakatayo sa kanya.
Tinatagan niya ang sarili. "I know you. You can be really pretty sensitive." Damn, she was being so straightforward again. "Huwag ka sanang magtampo kung si Renante ang kasa-kasama ko ngayon. Okay?"
She shrugged. "Well, ano ba ang magagawa ko, Stace? Renante is a man. He can surely protect himself even if he's hanging around you. Meanwhile, I'm just a girl. And when you're a girl, people think you can't defend yourself."
"Come on," she groaned. Sabi na nga ba at sumama ang loob ni Kylie sa kanya. "That's not it, Kylie. Gusto ko lang na maging safe ka."
"What about Renante? Don't you want him to be safe too?"
Naguguluhang napatitig siya rito.
.
.
WHILE STACEY WAS BUSY TALKING TO KYLIE, Renante checked his phone. He found an unread text message and read it. Dahil importante, tinanaw muna ng binata sila Stacey. Nang masiguradong malayo pa rin ang mga ito at abala, tumawag ito.
"Hello," ani Renante sa mababang tono habang palihim na nakamatyag sa dalawang babae. "Magkano ang tinanggap nilang amount?"
He listened to the reply on the other line.
Nanatiling kampante ang lalaki. "I am glad you did not offer bigger than that amount. Sinigurado mo rin bang wala silang ibang pagbibigyan ng impormasyon? Ng videos?"
Another silence before he confidently straightened in his seat.
"Good," at nilapag ni Renante ang cellphone sa gilid ng mesa.
His eyes returned on Stacey and Kylie, who were still talking.
.
.
NAPABUNTONG-HININGA SI KYLIE. "Stacey," balik ng mga mata nito sa kaya, "hindi naman sa ano. You know that I've always wanted you and Renante to reconcile... To be friends again. I am hoping that will help bring back the barkada together. Kapag nagkaayos na kayo ni Renante, ibig sabihin malaki na ang chance na magkabati kayo ni Sonny at maging okay na ang lahat." Kylie cocked her head to the side. "Pero sa sitwasyon mo ngayon, manganganib din ang buhay ni Renante."
Kylie was right. But Stacey remained firm. Hindi naman kasi sa dahilang mas kayang ipagtanggol ni Renante ang sarili kaya hinahayaan niyang umaligid sa kanya ang lalaki. She needed Renante to lure her stalker out, to make her stalker jealous.
And also... she just want him by her side through everything that's been going on lately...
"I've always known that you're a strong person, Stace," maamo nitong patuloy. "Can't you just handle this stalker problem on your own? Or call the police. Maso-solve agad itong issues mo kung magha-hire ka ng bodyguard at hihingi ng tulong sa mga pulis."
She placed a hand on Kylie's shoulders. "I know you mean well, Kylie. Gusto mong matapos na agad itong problema ko. Pero—"
"Pero ano?" anito sa maliit na tinig. "Bakit ayaw mong humingi ng tulong sa mga taong mas makakatulong? Ano ba ang matutulong sa iyo ni Renante?"
Naalala niya ang klase ng tingin na pinukol ng binata kay Kylie kanina. Gayundin ang natanaw niya kanina sa salaming pader ng café, nung nasa pila siya at lumingon saglit para tanawin kung tapos na ba ang phone call ni Renante. Nakita niya roon si Kylie, hawak ang nakabenda nitong kamay. Nag-aalala habang tsinetsek ang napuruhang kamay ni Renante.
Tila nanikip ang dibdib niya sa namumuong konklusyon sa kanyang isip.
"You're so concerned with Renante, Kylie," nanghihina niyang wika.
Kylie's eyes grew worried.
Inalis ni Stacey ang kamay sa balikat ng kaibigan.
"I care for all my friends," sa wakas ay sagot ni Kylie. But she sounded more calm and toned down this time.
"Even I?" tinago niya ang hinanakit.
Kumunot ang noo nito, parang hindi makapaniwala na tinatanong pa niya iyon. "Of course! Kaya nga gusto kong ma-solve na agad ang problema mo, Stacey."
Umatras siya ng kaunti. She managed a small smile and could not exert more effort than that with all the uncertainties brewing within her chest.
"Salamat," aniya rito. "I am considering your suggestions, Kylie. Thank you."
Nag-aalala pa rin ito nang tanguhan siya. "Enjoy the date," anito. "And be home safe later."
Ah, hindi nga pala alam ni Kylie na magkasama na sila ni Renante sa iisang bahay. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman iyon?
Moreover, Stacey had been gone for three years. May nangyari ba kina Kylie at Renante na wala siyang kaalam-alam?
Nag-aassume lang ba siya dahil sa malikot niyang imahinasyon?
Hindi niya namalayang nakabalik na siya sa upuan, sa tabi ni Renante.
Hindi rin niya napansin ang tiim ng titig nito sa kanya. He observed her, and was a little bothered by her silence getting longer.
"Stace."
Napapiksi siya sa pagtawag nito. Then she cleared her throat and put on a composed façade to appear alright.
"Yes, Renante?" salo niya sa nagtatanong nitong mga mata.
"Are you alright?"
"I am," may bahid pa ng pagyayabang sa kanyang tinig bago niya hinarap ang pagkain. "Tara, kumain na tayo."
Dama niya ang titig ni Renante, pinapanood ang bawat pagkilos at kagat niya sa sandwich na naiwan kanina. She kept stealing glances at him while chewing. Hindi nito inalis ang mga mata sa kanya.
"Ano ang pinag-usapan ninyo ni Kylie?" seryoso nitong tanong.
"May dapat ba kaming pag-usapan, aside sa nagpaalamanan lang kaming dalawa?" she looked her him with her chin resting a bit on her shoulder. "Hinabol ko lang siya para siguraduhing hindi masama ang loob niya na hindi kami makakapag-bonding masyado. It's for her safety."
"Ikaw nga itong mas nanganganib ang buhay, safety pa rin ng iba ang inaalala mo," balik nito ng tingin sa pagkain nito.
Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. "Bakit hindi? Hindi naman dapat madamay ang kahit sino sa problema ko. Kahit ikaw..." her eyes gazed at Renante. "Ayokong mapahamak ka nang dahil lang sa akin."
"If that will help me make it up to you," he coolly shrugged, "then let me be in danger."
Napailing siya. "Pag-aawayan na naman ba natin ito?"
"I am not arguing with you, Stacey," his worried eyes found hers. "I am just saying, kasi pakiramdam ko, ipipilit mo na naman iyang gusto mo na layuan ka para hindi ako madamay sa pinagdadaanan mong iyan."
"Why do you have to be so kind?" she sighed. "Kaya lalo akong—" she cut off her next words with a frustrated groan. Napatingala na lang siya bago hinarap ulit ang pagkain.
"Just eat a lot now, Ms. Vauergard," Renante softly smiled, seemingly enjoying the fact that she cannot contradict him now. "May importante tayong aasikasuhin mamaya."
Namilog ang mga mata niya nang lingunin ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top