Chapter Twenty-Six - Piccollo

NILATAG NI STACEY ANG KUMOT SA KAMA. Nilagay niya ang mga kamay sa bewang at tinitigan ang bagong ayos na higaan.

"There," she panted.

Tapos na rin siyang maligo. Nakasuot na lang siya ngayon ng itim na bralette at sleeping shorts na kapwa gawa sa kulay maroon na satin. She tossed back her blowdried hair that hung over her shoulder. Pagkatapos, inikot niya ang mata sa silid. Nasa isang sulok na lang niyon ang pinagpatong-patong na mga canvas ng paintings ng kanyang Tito Manuel. Naiwan sa dresser table ang laptop ni Renante.

She could feel her tightening chest.

Should she check his laptop?

Bakit? Napapaniwala na ba siya ni Marty na posibleng may kinalaman si Renante sa panggugulo ng stalker niya ngayon? After all these years of being on hiatus?

Umiling siya. Itatabi na lang niya ang laptop nito sa drawer. Lumapit siya sa dresser table, hinila iyon pabukas at tumambad ang laman ng drawer— puno iyon ng mga garapon at tubes ng oil paints. She shoved it close.

"Okay na ito," lingon niya ulit sa kamang tutulugan ni Renante habang naglalakad patungo sa pinto.

She smiled and closed the door as she got out.

Pagbalik ng kwarto, naghihintay na sa kama ang nakabukas niyang laptop. Nakalapag malapit doon ang manila envelope kung nasaan ang mga flashdrives. Dumapa siya roon, binuhos ang laman ng manila envelope at inisa-isa ang mga flashdrives.

She picked one and inserted it on her laptop's USB port.

Pagkatapos, nasapo niya ang noo. Her hand ran from her forehead up to her hair. Kasabay niyon ang pagyuko ni Stacey, kumurtina tuloy ang ilang hibla ng kanyang buhok patakip sa kanyang mukha.

Her eyes softened.

Ano'ng oras na, magkasama pa rin si Renante at Kylie?

"Aahhh..." she groaned. Sinubsob na niya ang mukha sa kama, malapit sa kanyang laptop.

Keeping her feelings for Renante should have already trained her to be unaffected at times like this. Pero nagpapabalik-balik sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Kylie kanina sa milk tea café na iyon.

She obviously cared for Renante more than me, ahon ng ulo niya.

Stacey stared blankly at nowhere. Nang maka-recover, umayos siya ng pagkakadapa sa kama at binalik ang atensyon sa papanooring CCTV video.

Then she remembered something.

Nagmamadaling lumabas siya ng bahay. She was already draped in her robe. Hinihigpitan niya ang pagkakatali niyon sa kanyang bewang habang tinatahak ang bakuran. Paglabas ng gate, pumihit siya paharap doon. Ginala niya ang paningin hanggang sa makita ang CCTV na nasa poste malapit doon.

Kailangan kong magrequest ng kopya ng video ng CCTV dito, she thought.

Papasok na dapat siya ng gate nang biglang may tumakip sa kanyang mga mata at bibig.

.

.

RENANTE HALTED THE CAR. Nilingon niya si Kylie na katabi lang niya ng upuan. Parang nagulat pa ito kung bakit tumigil ang kotse. Sumilip ito sa bintana sa side niya, doon kasi kita ang bahay ng dalaga. Then she managed a sweet smile.

"Oh, we're already here," alanganin nitong tawa.

He just gave her a nod.

"Thank you, Renante," ngiti nito.

"Sure," he just shrugged.

Parang may hinintay pa ito bago nerbyos na tumawa. "Oh, well, bababa na ako," paalam nito.

Pinanood lang niya ang pagbukas nito ng pinto. Naglabas na ng paa si Kylie pero hindi pa umaalis sa upuan nito. Bigla itong pumihit paharap sa kanyang direksyon.

"Thank you, Renante," pagseseryoso nito. "Through all these years, kahit si Sondra naman talaga ang friend mo noon... dahil kaibigan namin siya, tinuring mo na rin kaming kaibigan mo. Thank you for taking care of Stacey too."

Tango lang ang sinagot niya rito.

Kylie shyly lowered her eyes. Contemplative for a moment before staring back into his eyes.

"Mag-iingat ka, ha?" she murmured in a small voice.

Renante grew to feel strange about Kylie. Pero nilihim lang niya iyon.

"Of course."

She was being a coy now. Her eyes showed that she was hesitating but chose to say this anyway, "Sa totoo lang, ayokong nagdididikit ka kay Stacey. Baka mapahamak ka, maging target ka ng stalker niya... But..." Sinikap nitong ngumiti. "Naniniwala ako na kaya mo namang utakan kung sino man ang lokong iyon, 'di ba?"

He just stared. Hindi niya intensyong takutin ito, but his gaze was naturally brooding it could be intimidating sometimes.

Kylie nervously laughed. "I'll call you on my free time. Talk about Stacey and have some coffee, maybe?"

Tumango na lang siya para bumaba na ito ng sasakyan. Kylie smiled, it did not reach her eyes though. Bumaba na ito ng kotse at maingat na sinara ang pinto.

.

.

SINIKO NI STACEY ANG NASA LIKURAN NIYA. Lumuwag ang pagkakatakip nito sa bibig at mata niya kaya tinabig ng mga kamay niya ang mga braso nito. As soon as she was free, she skipped to a distance and wildly turned to face her attacker.

Pagsayad ng mga mata ni Stacey, humalakhak na ang lalaki.

Her eyes blinked, trying to recognize the curly haired man with the sides of his hair razored to give him that broccoli-like hairstyle.

"Whoa, the she-tiger is mad!" tumatawang lahad nito ng mga braso.

"Bullshit! Picollo!" she hissed. Sinugod niya ito at galit na pinalo sa braso. Nahuli na ang pagsalag nito ng mga braso. "You're not funny!"

"Masyado ka namang nagagalit! Easy, will you, Stace?"

"Hmph!" pamewang niya. Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang lalaking naka-draw string cotton shorts at fitting shirt na pang-football shirt ang kulay at estilo. "Anong ginagawa mo rito?"

"Well, I'm already back here weeks ago, Stacey. Ikaw nga ang una kong hinanap," maluwag nitong ngisi.

God. Isn't this kiddo already over her? Ilang taon na ba itong nasa ibang bansa?

"Bakit hindi na kayo magkaibigan ni Sondra? What happened?" pa-cute pa nito.

"Alam mo, mapagkakamalan akong cradle snatcher dahil sa'yo," anas niya rito. "Umuwi ka na nga!" talikod niya rito para bumalik na ng bahay.

"Stacey naman," sunod nito, nagmamakaawa. "I told you, magtatapos lang ako. Tapos babalikan kita."

"Bakit ba trip na trip niyo ako? Because I am a challenge?" harap niya ulit sa binata.

Natulala ito saglit bago mababang tumawa. "What? Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo, let's just be friends like what we once were."

Lumipat ang tingin niya sa papalapit na kotse. Tumama kasi malapit sa kanila ni Piccollo ang headlights niyon. Huminto ang kotse sa tapat nila. Piccolo carefully moved aside to wait for the driver to step down from the car.

Renante's brooding gaze fell on them. Una itong tumingin sa kanya, tapos sa lalaki.

"Renante!" masiglang bati ni Piccollo nang makilala ito. "Man! Ano'ng ginagawa mo rito?"

Lumapit si Piccollo kay Renante at nag-alok ng low five na tinanggap nito. Renante held his hand firmly and pulled him close.

"What are you doing here?"

"Oh," masayang atras nito. "Just giving my dream girl a visit."

"What dream girl?"

"Duh? Sta-cey!" turo ng ulo nito sa kanya. Napaekis na lang tuloy siya ng mga braso habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.

"Nah. Go home. Anong oras na," bitaw ni Renante sa kamay nito.

"What no? Bakit ikaw?"

Pumuwesto na ang binata sa likod ng pinto ng kotse. "What me? I live here."

"What?" bulalas nito.

Renante turned to her. "Stace, yung gate."

Iyan, nautusan pa siya. Tumalikod na lang siya para pagbuksan ng gate ang lalaki. Siyang pasok naman ni Renante sa kotse para imaneho papasok ng bakuran.

Pagbaba ng binata ng kotse, lumapit pa ito sa gate para itaboy si Piccollo.

"Go home! Bukas ka na bumisita rito!" anito at tinulungan siya ng binata isara ang gate.

Umatras ang binata, tila ayaw pa umalis at pinapanood sila.

"Uwi! Bukas na!" ulit ni Renante at hinawakan siya nito sa siko. He lowered his voice. "Let's go, Stace."

Sinara lang niya ang pinto nang matanaw na umalis na rin ang binata. Nagtaka siya kung paano ito nakapunta sa bahay niya nang walang dalang kotse o motor.

May tinitirahan ba ito malapit lang dito? O tinutuluyan?

Iniwan na niya ang pinto. Renante was already dressed in his shorts and fitting shirt. Kakalabas lang nito ng pinto.

"Kailan pa raw nakabalik ng Pinas iyang si Piccollo?" busangot nitong tanong.

"Bakit naman tinaboy mo ng ganoon 'yung tao," nakapamewang na lapit niya rito.

"Anong oras na. Baka mamaya niyang mapag-trip-an siya ng stalker mo. As much as possible we can't let too many people get close to you, okay?" matalim nitong sulyap sa kanya bago dumeretso sa kusina.

Nagsalin lang ito ng malamig na tubig mula sa pitsel sa tall glass na nilapag nito sa counter.

Lumapit siya sa kabilang panig ng counter table, nakapatong ang braso doon. She cocked her head to the side and gave Renante an intent look.

"Iyon na nga iyon, eh. Gabi na. Hinayaan pa nating umalis si Piccollo nang mag-isa lang. If we just let him stay here for the night."

Uminom ito ng kaunti bago tinutok ang mga mata sa kanya. "I'm sorry. I just got nervous."

Nagsalin na naman ito ng tubig sa baso.

"Kamusta ang pagkikita ninyo ni Kylie?"

Binaba nito ang pitsel. Napatitig sa baso bago nag-angat ng tingin sa kanya.

"We have the same suspicion, Stace. Pareho naming iniisip na si Marty ang stalker mo."

"Si Marty?" pagak niyang tawa. "Pati si Kylie, iniisip si Marty ang stalker ko? Akala ko ba, siya ang kinukulit ni Marty? O baka naman sinasabi lang niya iyon para tulungan mo siyang ilayo sa kanya si Marty?"

He seemed amused, in utter disbelief. "You're thinking that?"

"She's a friend to me," Stacey gritted. "Tinuring ko siyang kaibigan nung nagkita ulit kami sa café at pinaramdam niya sa akin na sa kanila ni Sondra, siya lang talaga ang may pakialam at concern sa akin. Pero kanina sa café, nagbago ang isip ko tungkol sa kanya, Renante."

"What do you mean?" ikot nito mula sa counter para mas makalapit sa kanya. "Paanong nagbago ang isip mo?"

"Oh, nothing," lagpas niya sa lalaki. "Babalik na ako sa kwarto."

"Are we suspecting the same thing about Kylie?"

Natigilan siya sa sinabi ng binata. She glanced at him over her shoulder. "Ano ang suspetsa mo sa kanya?"

Nakaharap na si Renante sa direksyon niya. "Na may gusto siya sa akin."

Naningkit ang mga mata niya. "Ang lakas talaga ng radar mo. Tapos magkukunwari kang walang idea."

Tumaas ang sulok ng labi nito. Kumpirmasyon na iyon na tama ang mga sinabi niya at aminado sa mga iyon ang lalaki.

"Come here, Stacey."

"Heh! May gagawin pa ako!" talikod niya rito at papunta na sa kwarto.

"Ahh..." mayabang na taas-noo nito habang swabe ang mga hakbang na nakasunod sa kanya, "kaya siguro ayaw mo kami magkita kanina."

"Look," she fiercely faced him. She almost bumped his chest because he was already close when she turned around. "Wala akong sinabing ayokong magkita kayo."

"Stace," hawak ng maayos nitong kamay sa braso niya para hilain siya. Her breasts pressed against him in a way that made her heart skip. Her eyes frantically searched where to look— should she admire his hard chest? His strong arms? The intricate sculpt of his neck?

"No one can change my mind," matiim na salubong ng mga mata nito sa kanyang sulyap. "I'll stay here, okay?"

"So, iyon ang pinag-usapan ninyo. Gusto niyang lumayo ka sa akin."

Nakaramdam siya ng panghihina sa isiping iyon.

"She's scared that I might get in trouble for this."

"Of course..." she murmured and looked away.

Nahihiya siya dahil pareho lang naman sila ng concern ni Kylie— ang kaligtasan ni Renante.

She shuddered lightly as his hand caressed the side of her face. Stacey needed to snap out of this.

"What are you doing?" layo niya sa binata.

He seemed fazed at the change of her tone. Once soft, now defiant and defensive.

"Just trying to make you feel better," mahina nitong sagot.

"Matulog ka na," atras niya. Ayaw pa niyang alisin ang mga mata rito pero kailangan. Tumalikod na siya at mabilis na sinara ang pinto nang makapasok sa kwarto.

Doon lang nakapaghabol ng hininga si Stacey. Nanlalambot na napasandal na lang siya sa pinid na pinto. She could feel her cheeks tingling with a mild burn and her heart pounding more intense than it ever did before.

No one can change my mind... I'll stay here okay?

Nanuot na naman sa kanya kung gaano kalambing at kababa ang boses ni Renante nang sabihin ang mga iyon sa kanya. Napayuko si Stacey, gusto niyang sawayin ang sarili pero paano kung kay Renante na naman nakatuon ang isip niya?

She shoved in a deep breath. Kabado pero lumabas na naman siya ng kwarto. Nadatnan niya sa kusina ang binata, kakabalik lang nito ng pitsel ng tubig doon. Gulat na napaangat ito ng tingin sa kanya.

"Renante, thank you!" she blurted.

Nagtatakang nagsalubong ang mga kilay nito. "You're welcome?" lito nitong sagot.

Damn, she wanted to hug him so much.

"Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko na hindi ka mapapahamak sa pagtulong sa akin."

He pulled a soft smile. "It should not be your concern. Remember, bumabawi lang ako sa mga nagawa ko noon sa iyo na hindi maganda."

Lumapit ito sa kanya.

"Because you don't deserve to be treated the way I did to you before, Stacey."

Shit, ayaw niyang maluha. Bakit nata-touch siya sa mga pinagsasasabi nito? Why was she even sensitive? Kailan pa siya naging ganito ka-sensitive? She immediately recollected herself and returned her eyes on him.

"Sorry kung tinotopak ako minsan."

"It's okay. Naiintindihan ko naman na defense mechanism mo lang iyon."

Patalikod na sana siya pero pinigilan ng mga sinabi ni Renante. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"Ano'ng defense mechanism?" gisa niya rito.

Mahina itong tumawa. He stepped close and surprised her with a quick kiss on her forehead. Umatras ito at mataman siyang pinagmasdan. "Go to sleep. I'll guard you, Stace. So have no fear."

Bwisit na lalaki. Lalongnagkalabo-labo na tuloy ang utak niya. Delikado ang brain cells niya. Patiblood pressure. Pati heart rate. Mataray na tinalikuran niya ito. Hindi natalaga siya lalabas ulit ng kwarto! Bukas na lang ng umaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top