Chapter Twenty-Five - Annabel Lee

NANATILING NAKADAPA SA KAMA SI STACEY. Sa ibang direksyon nakaharap ang mukha niya. Nagbibihis si Renante, nakatayo sa kabilang tabi ng kama kung saan hindi niya ito nakikita.

"How are you, Stace?" may paghingal sa tanong ng binata na nagbubutones ng pantalon nito. "Feeling better?"

Hindi siya nakaimik agad.

"Natanggal na ba ang stress mo?"

Here he goes again, reminding her what this is all for.

"Kung hindi tumalab, we can do it again..."

"It's so good, Renante," paos niyang sagot nang makakuha ng enerhiya na ibuka ang bibig.

It was true. It was good. The muscle pains she was enduring right now was worth it. She felt so thouroughly filled in and warm.

Lumubog ang parte ng kama sa likuran niya. Nilunok niya ang singhap nang humagod ang isa nitong kamay sa kanyang braso. Renante gently massaged. Stacey closed her eyes a bit, feeling an inexplicable comfort with the way he touched her.

"You're so quiet there," masuyo nitong saad. "Are you worried?"

Yes. You're right, Renante.

Pero hindi. Hindi niya maisaboses iyon. Bakit pa? Alam na naman niya kung ano ang nararamdaman ni Renante. The sex they were having were either out of their physical need or his obligation to make it up to her. At para kay Renante, dapat naiintindihan niya iyon at hindi siya dapat mag-assume ng anupaman. They had a proper talk like adults, so they should understand their situation.

Yet, her whole being remained in love with him.

So in love, she was blinded from his bad sides by the good things he does.

He gave her shoulder a gentle squeeze.

"Nandito na ang mga damit mo pala," patuloy nito. "Tulog ka nung dinala rito ng laundry service. Do you need help in getting dressed?"

"No, thank you," aniya at pinilit na ibangon ang sarili kahit namimigat pa rin ang kanyang katawan.

She had never been this sore between the thighs. Her legs shook as she stood up and walked. Sinundan siya ng mga mata ni Renante. Nakalapit na siya sa abot-tanaw na dresser table nang umusog ito sa gilid ng kama para makababa at masundan siya.

Habang nilalabas niya mula sa laundry bag ang mga damit, humagod ang isang kamay ni Renante sa kanyang braso. Stacey glanced and watched their reflection. His soulful eyes trailed from her arm to her bare shoulders.

"While you are sleeping, tinawagan na rin ako nung sa car repair," patuloy nito sa mas masuyong boses. Direkta nang nakatitig sa repleksyon nila sa salamin sa dresser table si Renante. "May cost estimate na. Around two hundred thousand."

Napalunok siya. Yes, Stacey has all the money. Pero hindi pa siya gumagastos ng ganoong kalaki sa pagpapagawa lang ng kotse. 'Yung nasira nga niyang kotse, dinispatsa na lang niya para umiwas sa ganoong gastos...

Renante's arm embraced her neck. Siyang patong ng baba nito sa ibabaw ng braso nitong nakayakap sa kanya. His eyes still stared at her reflection.

"Kaya ba?" tanong nito.

"Oo," baba ng mga mata niya para ilabas ang pantalon na naiwan sa laundry bag. "I can pay for all of that. I just need to contact Marty and let him know about the papers. Dadaanan ko bukas 'yung forms. Then I will meet Marty."

Nakaharap na ang mukha ni Renante sa kanya. "Make sure you're with me when you meet Marty."

"Renante, kaya ko na ito," mahigpit niyang wika at inalis ang nakayakap nitong braso sa leeg niya para makapagbihis na.

"I know you can. You can always manage," nood nito sa pagbibihis niya. "But just to make sure, Stace. Alam mo namang pinagtitripan nung stalker mo si Marty, 'di ba? Paano kung may mangyari na naman at madamay ka?"

Hindi siya nito binigyan ng pagkakataong makapagdahilan.

"Oo, sasabihin mo, stalker mo siya kaya hindi ka niya masasaktan. But, Stace, that is not always the case. Kanina lang nag-search ako," seryoso nitong patuloy. "Pumapatay din ang stalker. At kasama sa pinapatay nila yung mismong tao na ini-stalk nila."

She faced him, now in her bra and panties. "Why would he kill me? Gusto niya ako, Renante. For sure, he would spare my life or else, he won't have me when I'm dead!"

"That's the scary thing," titig nito sa mga mata niya, humakbang pa palapit. "It's either he'll have you or no one else will."

Tinampal siya ng katotohanang iyon.

"Si Marty ang una niyang target, Stace. Ako sigurado ang susunod," pagdidilim ng anyo ng binata. "At may ideya ako kung bakit hindi niya ako makanti."

Nag-alala siya. "At bakit?"

"Because you'll hate him for it. He doesn't want that. If you hate him, he can't have you, right?"

"But how will I know who to hate?" her voice shook. "Ni hindi ko pa nga nalalaman kung sino iyon!"

Kinabig siya ni Renante. Niyakap. "Mamaya na natin ituloy ito." Then the man distanced himself from her. "For now, get dressed. Let's have dinner. Doon na natin pag-usapan ulit ito."

At iniwan siya ni Renante para suotin ang v-neck shirt nito. Stacey sighed. Siya ang nahihirapan kapag pinapanood ang pagbibihis ng binata. Dahil nakabenda ang isa nitong kamay, medyo challenging ang pagsusuot nito ng shirt. Lumapit siya rito at inagaw ang t-shirt.

"Stace," saway nito.

"Hands up," mahigpit niyang wika.

His eyes narrowed. "Stacey," he warned.

Ah, kailan ba siya nagpatalo kay Renante? "Hands. Up."

His jaws tensed. Napipilitang nagtaas ito ng mga kamay.

Nang masuotan ito ng damit, nagtama ang mga mata nila. In that moment, Stacey felt a little scared. Pakiramdam niya, lalo siyang nahuhulog. She wasn't denying her own feelings, but it would not make Renante stay. So it was no use to talk about it or confess it.

A soft smile appeared on his lips. "Thank you, Stace."

Sana hindi siya pinamumulahan ng mukha ngayon. Tumuwid siya agad ng tayo at iniwan ito. Binalikan niya ang sariling mga damit para suotin iyon. Tumayo si Renante, lalapit sana pero huminto sa gitna ng silid. Pinanood na lang nito ang pagbibihis niya. Naghihila na siya ng pantalon pataas. She fitted the waist band around her shape properly. At tinaas na niya ang zipper niyon.

.

.

NAKASAKAY NA SA KOTSE SI STACEY. Katatapos lang nila maghapunan ni Renante sa nadaanang restaurant. Nagtaka siya dahil nanatiling nakatayo ang binata sa tapat ng pinto ng driver's seat. Nasilip niyang hawak nito ang cellphone. Nagbasa ito ng text message bago pumasok.

He nonchalantly placed his cellphone on the dashboard, slammed the door close and started the car.

"Ihahatid kita, Stace," anito habang paalis na sa parking ang sasakyan. "At aalis lang ako saglit."

"Saan ka pupunta?" titig niya rito.

"Kylie wants to see me."

Oh... At this time of night?

Binalik niya sa harap ang tingin.

"Bakit daw?" kunwari hindi siya apektado.

"She wants to talk to me. Ayaw sabihin kung tungkol saan. But I am sure this is going to be about you?"

Oh, really? You think she's really innocent and sweet, don't you, Renante? malungkot na sulyap niya sa lalaki na nasa daan lang ang tingin. For once, I thought Kylie really cares about me. Pero dahil sa nangyari kanina, malakas ang kutob ko na... ikaw... ikaw lang ang concern niya.

Stacey sighed. Siguro iisipin lang ni Renante na pagod siya kaya ginawa niya iyon.

"Anong oras na. Kailangan ba talaga na ngayon pa kayo magkita ni Kylie?"

"Ayaw mo ba?" sulyap nito sa kanya. "Are you scared to be alone tonight?"

Of course, Stacey won't admit that. Matapang siyang tao, for God's sake. Kahit takot siya, kaya naman niyang tiisin iyon. At hindi na siya bata para makiusap kay Renante na huwag makipagkita kay Kylie kasi natatakot siyang maiwang mag-isa sa bahay.

"I can always manage, Mr. Villaluz. Kaya ko rin ipagtanggol ang sarili ko."

"I believe you," nasa daan na ang mga mata ng lalaki. "Saglit lang kami mag-uusap. Huwag kang mag-alala."

Hindi na siya umimik pa. Her heart almost melted when he said he believes her, yet it sank again by repeating that he was really going to see Kylie tonight.

Hindi ko nakumbinsi si Renante na layuan ako para hindi madamay sa problema ko. Siguro, si Kylie... mas makukumbinsi niya si Renante.

.

.

.

***

.

.

.

RENANTE WAS FAMILIAR WITH THE PLACE. Ilang beses na ba niyaya si Sondra ng mga kaibigan nito sa café na iyon? Minsan, nagkikita rin sila roon ni Sondra. Tulad na lang noong napag-usapan nila ang tungkol sa arranged marriage nila. Dito nangyari iyon sa mismong café na ito.

He saw Kylie already sitting by the counter that faced the glass wall. Her long blonde-dyed hair fell in thick curls on her back. She wore a patterned cloth headband, tight skirt and a hanging blouse.

Lumingon ito sa direksyon niya at napasinghap nang makita siya.

Habang palapit siya, patayo na ito mula sa kinauupuan.

"Renante," salubong ng babae sa kanya at sinabayan siya sa paglapit sa isa sa mga upuan. "Please, have a seat."

Halos sabay silang nakaupo. He noticed a cup of Iced Café Americana on Kylie's side of the table. Napuna rin nito na wala siyang bitbit na kahit ano, kundi ang cellphone niya na nilapag sa mesa.

"Um-order ka muna ng kape," tipid nitong ngiti.

"No, thanks. Hindi rin naman ako magtatagal dito."

Napayuko na lang ito. "Okay. Well... I guess, you want me to be straight to the point."

"Yes. Because I have to be back at Stacey's house after this."

She stared at him, as if worried. "At Stacey's house?"

"Yeah," aniya. "What do you want to talk about?"

May ideya na si Renante na tungkol kay Stacey ang sadya ng pakikipagkita ni Kylie, pero baka maalarma ito kung ipapaalam niya agad ang asumpsyon sa dalaga.

"I just want to ask you how I can help Stacey," baba ng mga mata nito. "Kita mo naman, pinipilit ako ni Stacey na lumayo sa kanya. Kaya, sa iyo na lang ako makikipag-usap tungkol dito."

"Why me? You already know what I think about you, Kylie," pagdilim ng kanyang anyo.

"Na ano?" Kylie still looked sweet despite the obvious upset on her face. "Na ginagamit ko lang si Stace? What do I care? I know myself better than you."

So, Kylie was still in denial, hm?

Eh, 'di sasakyan na lang niya ang trip nito.

He needed information, and he would not set aside any chance to have some.

"At ano naman sa tingin mo ang pwede mong gawin para makatulong?"

"Lagi kaming magkasama nung college," ani Kylie. "It means, makakatulong ako mag-trackdown sa stalker niya. I may have observed some things that will help you connect the dots."

Kylie's suggestion made sense. Kasi simula pa nung college daw ini-stalk si Stacey ng kung sino mang Poncio Pilato iyon. Pero, may relevance pa ba ang outdated information na mabibigay ni Kylie tungkol sa stalker? And how reliable was it?

As far as he knows, ngayon lang din nalaman ni Kylie na may stalker si Stacey nung college.

Most of her info could be based on assumptions.

"Give me one example, Kylie. Then I'll decide if your info is reliable," he coldly stated as his eyes began scanning and analyzing Kylie's movements.

Inekis nito ang mga hita. Bahagyang tumalilis ang paldang suot nito, pero nasa mukha ni Kylie ang mga mata ni Renante. He had a hunch that internally, Kylie was preparing herself. Napahawak ito sa cup ng iced coffee nito.

"The stalker could be Marty," she said in her natural small voice, yet matter-of-factly tone.

His eyes narrowed. Matagal na niyang pinagsususpetsahan si Marty pero hindi siya pwedeng tuluyang maniwala por que dalawa na sila ngayon ni Kylie na nagdududa sa lalaki.

"How come it's Marty?" he asked with a blank face.

"Well, try to recall our class during college. Lapit ng lapit si Marty kay Stacey kahit hindi naman sila close," and Kylie made sure she'll look cute when she sipped her coffee through the straw, her eyes giving Renante an underlook.

.

.

"FOR OUR HUMANITIES PROJECT," angat ni Marty ng tingin sa kanila bago binalik iyon sa binabasa, "we will have to do a role play."

Sabay harap nito ng nabunot na papel sa kanila. May nakasulat doon na Role Play.

Nakapaikot ang mga upuan dahil naggu-group meeting sila. Para sa nalalabing mga araw ng klase bago ang summer vacation, pinasya ng prof nila na ilaan ang mga iyon sa paghahanda at present ng kanilang final project. At kinabukasan ng presentation ay final exams naman nila.

Magkatabi noon si Marty at Stacey. Nakaupo naman sa gilid ng arm chair ni Stacey si Renante. Nakatukod ang isa niyang kamay sa backrest ng inuupuan ng dalaga. Nakaupo naman sa upuan katabi nung kay Stacey si Kylie. In a sense, parang nakapagitan na rin si Renante kay Stacey at Marty dahil sa pagkakaupo niya. Sinadya niyang sumingit doon para mapakinggan ng mabuti ang mga sasabihin ni Marty.

During that time, when it comes to academics, Marty was his competition.

And as usual, Renante's preferred tactic to bring down a nemesis is to bring them closer.

But Marty seemed to have a hunch about it. O baka dahil kumpetisyon talaga ang tingin nito sa kanya sa klase, kaya ito ang nagkukusang lumayo-layo sa kanya kapag may pagkakataon ito.

"Role Play?" bulalas ni Stacey. "Alin naman sa mga literary pieces na pagpipilian ang iro-role play natin?" Sumandal ito sa kinauupuan. "Ang unfair naman. Sa atin 'yung mas mabigat na project, eh! Eh 'di sa ibang group na napunta 'yung dance interpretation, song interpretation at puppeting projects?" simangot nito.

"Puro ka reklamo," saway ni Renante dito bago binalik kay Marty ang atensyon. "So, anong tula ang pipiliin natin for this role play?"

"Don't worry, Stacey, kaya natin ito," ngiti ni Marty kay Stacey.

Renante internally groaned. Nagpaubaya na nga siya sa lalaking ito na maging leader ng group nila, masama pa rin ang loob nito sa kanya?

Then Marty scanned the group with his eyes. "Sa tingin ko, maganda kung Annabel Lee ang iro-role play natin." At napunta na naman kay Stacey ang mga mata nito. "At ikaw! Ikaw ang magiging Annabel Lee!"

Renante rolled his eyes. "I bet you'll be the lover."

"Of course!" tingala ni Marty sa kanya. "Baka naman kasi isipin niyo na puro brains lang ako at walang talent."

"Ipaga-Annabell Lee mo ito," tukoy niya kay Stacey, "eh hindi nga niya makabisado 'yung Invictus!"

Napamulagat siya nang mahampas ni Stacey sa binti. Tiningala siya ng babae.

"Hindi lang ako prepared n'un!" At napunta ang tingin nito kay Marty. "Sige, ako si Annabel Lee."

"At ikaw, Kylie," patuloy ni Marty, "ang galing mo sa mga drawing-drawing, kaya ikaw ang maglead sa paggawa ng props."

Nagliwanag ang mukha ni Kylie. "Sige! Sige!"

Renante internally sighed. Saan naman kaya siya ia-assign ni Marty? Iniisip niya na kaya gusto nitong umarte ay para mas magpasikat sa prof nila. Siyempre, ngayong mas in-control si Marty sa kanya, tiyak niyang ilalagay siya nito sa task na hindi masyadong mapapansin ng prof nila ang partisipasyon niya.

Sunod-sunod na ang naging pag-assign ni Marty sa mga kagrupo nila ng gagawin. Naglabas pa ito ng libro na may kopya ng Annabel Lee ni Edgar Allan Poe para i-scan ang mga karakter doon. Nananadya talaga ang lalaki na ihuli siya para maramdaman yata niya saglit na para rito, non-existent siya.

"Renante, ikaw naman ang magdi-direct."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Aba, malaking parte ang pagiging direktor ng role play nila! He could not believe Marty would assign that to him.

"Okay," Renante shrugged. "Just give me two days to study the poem. Tapos groupings ulit tayo sa Friday."

Marty was speechless for a while. Nilihim nito ang paghanga dahil mukhang walang pag-aalinlangan si Renante sa pagtanggap sa in-assign nito na gawain.

.

.

"IMAGINE," putol ni Kylie sa pagbabalik-tanaw ni Renante, hawak ang cup nitong nakapatong sa mesa, "siya mismo ang nag-assign sa sarili niya na maging partner ni Stacey. Tapos nung mismong presentation na 'di ba, tinotoo niya 'yung kiss?"

His eyes narrowed. "I actually forgot all about that. Must be my selective amnesia on the roll," dinampot na niya ang cellphone at tsinek kung may text siyang natanggap bago tiningnan ang oras. "It's getting late," baba niya ng cellphone at binalik ang mga mata kay Kylie. "Ihatid na kita sa bahay mo bago ako umuwi kay Stacey."

"Umuwi kay Stacey?" kunot-noo nito.

Tumayo na siya kaya hindi narinigang pagkukwestiyon ng dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top