Chapter Thirty-Five - This Is Not Only For Me
"SHE'S PROBABLY BACK HOME," sara nito ng libro at nilapag sa kandungan nito. "But the thing is, she brought you back here. You, your car and all your stuff."
He had no time to lose. Renante was about to leave but stopped before turning his back on his father. Napansin din iyon ng ama kaya natigilan sa pagbuklat muli ng binabasa nitong aklat.
"Para linawin ko sa iyo," tuluyan niyang harap muli sa ama, " what I am doing is not rebelling. Gusto ko lang umalis sa isang bahay na puno ng mga taong nagdi-discourage sa aking gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Mga taong tulad mo na imbes tulungan ako, hinahatak pa ako pababa. For what? For me to stay dependent on you?"
At hindi na niya hinintay pa ang isasagot ng ama. Tumalikod na siya agad at iniwanan ito.
.
.
"OH, FINALLY, YOU'RE AWAKE!" masiglang wika ni Sondra.
Nakatayo ito sa tabi ng kinauupuan ng anak na si Sandy. She was beaming with hopeful eyes as she carefully lifted her daughter and put her down on the floor. Natawa ang babae dahil inunahan pa ito ng anak sa paglapit kay Piccollo.
Piccollo weakly smiled. Dahan-dahan itong kumilos para makaupo, dahilan ng pagmamadali ng mga hakban ni Sondra.
"Hey, we can recline this bed," maingat na balik nito kay Piccollo sa pagkakahiga.
Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi nito dahil sa pag-aasikaso ng pinsan. Yumuko si Sondra at hinanap sa gilid ng kama ang buton para itaas ang recliner ng kama. When Piccollo was finally in a half-sit position, he glanced at the table.
"Flowers," matamlay ang boses nito, taliwas sa kislap ng mga mata.
"Ah, yes," ikot ni Sondra sa kama para lapitan ang mga bulaklak. Siyang sampa naman ng anak nito sa kama kaya pinanlakihan ng mga mata. "Sandy, don't climb there! Baka magalaw mo ang dextrose ni Tito Picco mo!"
Nakuha pa ng batang babae magpacute habang binababa ang sinampang paa sa kama.
"And you're wearing shoes oh," iling niya sakay pinihit ang basket ng bulaklak paharap kay Piccollo. Hinarap ni Sondra ang parte niyon kung saan nakasilip ang maliit na white envelope at ang ring ng keychain na nilagay ni Stacey. "Dumaan daw kagabi dito sila Stacey. And they left these flowers. Nasa mini fridge dito 'yung fruits na dala nila. Nilagay ko doon para fresh pa rin kapag kinain mo."
Mas nakitaan si Piccollo ng pagkabuhay ng loob. "Oh, isn't she sweet, Sonny?"
Napangiti ito. "Yes, she is."
"What happened, Sonny?" kuha nito sa basket nung envelope. "The doctor just asked me questions, about what I ate last night and, kung kamusta na ako. But they never told me what happened to me yet." His eyes searched in Sondra's.
Hindi malaman ng babae ang gagawin. Natatakot ito sa kung ano ang pwedeng isipin ni Piccollo kapag sinabi niyang sa chocolate cake ito nalason. She baked that cake and had no bad intentions for giving it to Piccollo. Maximillian has assured her last night that they would find out the root of all this.
Pero sa ngayon, paano nito ipapaliwanag ito kay Piccollo?
"I vomited a hell lot. Is that nausea? Am I already pregnant?" nakuha pa nitong magbiro, napansin yata ang pag-aalinlangan ni Sondra.
"Look, Picco," upo ni Sondra sa gilid ng kama, siyang yakap naman ni Sandy sa bewang ng ina bago pinatong ang mga braso sa kandungan nito, "inalam ng mga doktor kung ano ang mga kinain mo kagabi kasi, nalason ka raw."
His eyes grew concerned. "Really? How about the guests? Kayo? You ate at the party too. Kamusta kayo?"
She took in a deep breath. "Everyone is okay, Picco. Wala naman kasing problema sa mga pagkain sa buffet."
Kumunot ang noo nito. "Kung ganoon..."
"Nasa cake ko raw," malungkot nitong saad, "doon daw posible nanggaling 'yung lason. Binase nila sa time interval mula nung kumain ka hanggang sa pag-epekto nung lason."
Napayuko si Piccollo. Kapwa sila natahimik.
"Piccollo, I..."
He softly smiled. "I know you didn't mean it, Sonny. You're my cousin. Wala rin naman tayong problema sa isa't isa. Someone could have just snuck in the refrigerator, put something in the cake or... or the ingredients. May hindi ka lang siguro napansin."
Parang pinipiga ang puso ng babae sa pang-unawang pinakita ng pinsan nito.
"We'll get to the root of this, okay, Picco?"
Nilabas na ni Picco ang card na laman ng maliit na puting envelope. Ngumiti lang it okay Sondra bago binalik ang mata sa puting card. All that's in there were Stacey's handwriting. Tila, sinikap ng dalaga na liitan ang pagkakasulat para magkasaya ang gusto nitong sabihin.
Picco, Happy 25th birthday! It's your silver anniversary. And I want you to know that silver reflects energy, just like you. You are a silver that reflects good energy on everyone. You're a happy person and that many people in your party just shows how many you've reflected that happiness on.
I think I am this sort of a pebble who even though been reflected at by your love and kindness, can never reflect it back to you. Because I am just a pebble, my surfaces are rough. I am sorry.
I left a keychain for you. It's the Las Vegas one that you gave me on your 3rd vacation in PH. I know having this back will make you happy because of the fact that all this time, I kept your first pasalubong for me.
Thank you, Picco. And I am sorry if this will be the last time we'll meet again.
You're there because of me. Of the person I don't know who's hurting every man I get close with. A stalker. I'll leave for now and someday, find him and make him stop from hurting people like what he did to you. This is not only for me, but for you. For everyone.
Stace
.
.
NILAGAY NI STACEY ANG HULING GAMIT SA BACKSEAT NG KOTSE. Pagkatapos, nilingon niya ang family driver ng mga Vauergard na si Artemio. She gave him a satisfied thumbs up.
"Okay na ito," aniya. "Pakisabi na lang kina Papa, salamat."
Bago sumakay, tumingin-tingin pa siya sa paligid. Mukhang wala namang nakasunod sa kanya. At sino bang makakasunod sa kanya sa ganitong kaagang oras? Alas sais ng umaga? Inabot na siya ng alas-sais dahil pagkatapos iwanan si Renante, ang sasakyan at mga gamit nito sa mga Villaluz, nagtiyaga siyang mag-commute. Tapos mahaba-haba pa ang nilakad niya pagpasok ng subdivision.
She was drunk, never had any sleep and a little dizzy. But if she would stay in the bungalow to grab some rest, something might happen again. Kailangan niyang kumilos. Magpalipat-lipat ng lugar hangga't nasa Maynila siya.
She began driving. Huminto siya sa isang hotel para doon matulog. For some reason, she felt safer in unfamiliar places. Places where her stalker would have no idea that she was there.
Lagpas tanghali na siya nagising. Naligo at kumain siya bago nag-check out.
Pagkalabas ng hotel, sinuot niya agad ang hood ng kanyang hoodie jacket. Hinanap niya ang kinapaparadahan ng kotseng hiniram sa ama bago umalis. Ni hindi man lang nagtanong ang mga magulang niya kung para saan pero hindi na siya nanibago pa roon. Mula pagkabata pa lang kasi, sanay na si Stacey sa mga magulang na binibigay na lang ang gusto niya, mapatahimik lang siya. Para lang hindi kulitin ang mga ito o abalahin sa mga importante nilang mga negosyo o ginagawa.
After five hours, she was finally swept with relief. Narating na niya ang pagtataguang probinsya. Binaba niya agad ang bintana ng kotse nang padaan na siya sa pritil niyon. Humampas ang hangin, nanuot sa kanya ang amoy ng lawing nadadaanan. It wasn't long before she reached the covered dock, where people ride motorboats to reach the other islands nearby. Mayroon ding mga mangingisdang bumababa mula sa mga bangka nila at mga nagbebentahan ng bagong huling isda.
Stacey smiled at the sight. The town was very busy, but once she reached the residential area of this province, it would be really peaceful and quiet. Tinuloy niya ang pagmamaneho, may nalagpasang palengke, simbahan, mga paaralan at dumaan sa patarik na sementadong daan. Then she made a quick swerve to her right where the road slowly drops sliding her car down. May isa na naman pritil siyang dinaanan, bago pinarada ang kotse sa tabi ng sementong bakod. Sa kabila ng bakod ay ang karugtong ng malaking lawa na pinaiikutan ng bayang iyon.
Bumaba na siya ng kotse at nilipat sa kabilang direksyon ang tingin. Mataas ang nakatindig na kabundukan na may mga bahay-bahay. May isang lote roon ang mga Vauergard na caretaker lang ang nakatira. Sa sobrang dami ng lupain ng pamilya nila, isa ito sa mga hindi na masyadong napag-uukulan ng mga magulang niya ng pansin.
But not her.
Kailangan niya ng tutulong sa pagbitbit sa mga gamit niya kaya pupuntahan muna niya ang bahay.
Sinara niya ang pinto at ni-lock ang sasakyan. Lumagpas saglit ang tingin niya rito at napunta sa katubigan. All of a sudden, she grew a little sentimental. Inalala niya ang mga nangyari nito lang— ang pagkaka-ospital ni Piccollo, ang pagpaparamdam ng kanyang stalker, ang huling gabi na nakasama niya si Renante.
Nung una, iniwan niya si Renante para sa sarili niyang ikabubuti.
But this time it's not for me... it's for you, and for everyone, she thought.
Narinig niya ang pagtunog ng ringtone ng kanyang cellphone.
Si Aurora ang tumatawag.
"Hello?" mabilis niyang sagot.
Nung nakaraang linggo, nung nagkataong nagkita ulit sila ni Aurora sa opisina ni Renante, nakipagpalitan siya ng cellphone number sa babae. Ginawa lang niya iyon sa kagustuhang makilala ng mabuti ang babae. Kung maganda ba talaga ang intensyon nito sa pakikipaglapit kay Renante.
Sabi ni Renante, ama nito ang may gustong magkamabutihan sila ni Aurora, parang tulad lang ng sitwasyon nila ni Sondra noon. Pero may kutob siya na hindi magi-initiate ng ganito ang dalaga kung sinet-up lang talaga. Aurora probably likes Renante already.
Nasaan ka? tila nagtitimpi nitong tanong.
"Bakit? Should we meet? Is this something important?"
Yes. We should see each other. This is important.
Stacey sighed. "Itetext ko sa'yo 'yung address, Aurora."
Matapos itext ang babae, inakyat na niya ang bundok papunta sa bahay na titirahan niya. Napahinto siya sa paglalakad nang makatanggap na naman ng tawag mula sa babae.
Are you kidding me? Saan ito? Ang layo nito!
Napaka-exaggerated naman ni Aurora. Mga five hours lang naman ang bibiyahein papunta rito sa pagtataguan niya.
"Ano? Makikipagkita ka pa?"
You can just simply tell me on the phone! As if naman mag-e-effort akong puntahan ka sa ganito kalayong lugar.
"Exactly," matapang niyang saad. "Pwede mo namang sabihin sa akin sa phone na lang ang gusto mong sabihin, 'di ba?"
Nai-imagine na niya ang may pina-igting na pagpapasensya ng babae sa kanya.
Fine. Gusto ko lang malaman kung inaahas mo ba sa akin si Renante?
She remained unfazed and continued walking. "No. Why would I do that?"
Oh, really? I don't believe you.
"Then, ask Renante. Kapag siya naman siguro ang nagsabi sa iyo, maniniwala ka, 'di ba?"
Binabaan siya nito ng tawag. Rude.
Wala siyang takot na i-text ang totoong lokasyon niya kay Aurora, sigurado naman siyang hindi sasabihin iyon ng babae kay Renante. Tulad na lang nitong huli nilang pag-uusap, dama naman niyang gagawin nito ang lahat para mailayo siya sa lalaki.
Stacey stopped in front of a gate. Tumanaw siya sa sementadong bahay. Isa lang ang palapag niyon at ang ikalawa ay rooftop na sementado ang pagkakabubong. Her eyes admired the small vegetable garden, the detailed and systematic fencing around the plants to protect them. Nakita rin niya ang pamamasyal ng mga manok sa masukal na lupa. Kahit maganda pa ang maliit na bahay na pinagawa ng mga magulang niya at sementado ang bakod, kita sa klase ng mga pananim at mga alaga na simple ang pamumuhay ng naninirahang caretaker doon.
Napapitlag siya nang may naglitawang mga aso mula sa loob ng gate. They began barking at her.
Inobserbahan muna niya ang dalawang askal. Hindi sila sumugod sa gate pero alerto at tila binabantaan siyang huwag gagawa ng hindi maganda.
As she lifted her eyes, she saw someone step down out of the house. Bumaba ito sa hagdan na inukit mula sa gilid ng bundok kung saan nakatayo ang bahay. Sinaway nito ang nadaanang mga aso at lumapit sa gate.
Masigla ang ngiti ni Mang Lito. "Ikaw na ba si Stacey?"
Her smile turned polite. "Opo."
Magkano ba ang binabayad ng mga magulang niya kay Mang Lito para magbantay sa lupa nila rito? Bakit hindi sapat para mapalitan ang suot nito ngayong kupas at mantsadong pantalon na tinabas hanggang tuhod para maging short. Maluwag, malaki at gawa sa manipis na tela ang t-shirt nito na nangungupas na ang tatak. Sa tantya niya'y nasa 60's na ang matanda. Namumuti ang ilang hibla ng buhok nito, payat ngunit siksik ang katawan, senyales na talagang nagbabanat ng buto.
"Ah, tuloy ka," bukas nito sa gate at napansin ang pagsilip niya sa mga kumakahol na aso. "Huwag kang matakot, hindi nangangagat ang mga iyan."
Yes. That's what every dog-owner says. Pigil niya ang matawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top