Chapter Thirty-Eight - Boomer
KANINA PA NAKAALIS SILA MANG LITO. Mag-isa na lang ngayon sa bahay si Stacey. She wore a pair of denim shorts and a spaghetti-strapped top as she sat on the floor. Nakasandal siya sa gilid ng kama, nakaharap sa malaking glass wall ng kwarto. Sinadya niyang nakapatay ang ilaw sa kwarto. Hinayaan niyang ang liwanag ng buwan ang humalili sa mga ilaw. She stared at the vista framed by the dipping and lifting motion of the bamboo trees. Maitim ang tubig sa lawa, bahagyang nahahalikan ng liwanag ng buwan. Pero habang palayo ng palayo ang kanyang tingin, padilim iyon ng padilim. At the far end was the horizon, studded with the city's lights.
Pakiramdam niya, nasa kabilang mundo na siya. Malayo sa dating buhay.
Kinapa niya ang bote ng alak na katabi. Her fingers wrapped on the cold body of the bottle.
At least, ligtas na silang lahat. Wala nang manggugulo sa kanila.
She took in a deep breath, remembering the things she told Sondra before.
I'm meant to be strong enough to be alone... and remain alone...
Tears rolled down her cheeks. Pero hindi siya natinag sa kinauupuan. Ni hindi nagtangkang punasan ang sariling mga luha. Malungkot pala ang mag-isa. Malungkot pala kapag wala kang tunay na kaibigan. Malungkot pala kapag walang nagmamahal sa iyo.
Malungkot pala maging matatag.
She tipped her head high to be able to chug down her liquor. Drops dripped from her lips down to her chin and neck as she put down the bottle. Doon na kumawala ang mahihinang mga hikbi mula sa kanyang mga labi.
.
.
.
***
.
.
.
NASA HAPAG NA ANG MGA VILLALUZ. Renante postponed his search for a new place to stay in. Iyon ay dahil kailangan niyang pumunta sa VVatch ng maaga. Siguro, sa weekend na lang siya maghahanap. Tahimik ang hapag. Dama niyang naninimbang ang mga kasalo sa kanya. His presence were dark and intimidating. He wasn't also trying to hide his dislike of being here.
"Oh, Renante," basag ng kanyang ina sa katahimikan. "Kahapon nga pala, we've seen Stacey. You know, 'yung naghatid sa iyo dito. Is she really just a friend of yours or..."
"Of course, she should be just a friend," matalim ang tingin ni Ronaldo sa kanya. "Remember, Renante is already going out with Aurora."
Pero sa himig ng pananalita ng ginoo, parang siya ang pinaaalalahanan nito tungkol kay Aurora.
Malamig ang tingin na pinukol niya rito nang mag-angat ng noo.
"I forgot to mention," wika niya, "Aurora and I are not dating anymore."
Nagsalubong ang mga kilay ng ginoo.
"Stop training your kids to live in the yesterdays, boomer," anas niya habang nasa pagkain na ulit ang mga mata. "We're in the time when we can choose who we go out with. Look what happened to Ronnie. Tatandang binata dahil kinokontrol niyo kung sinong mga babae ang dapat niyang kitain."
Sobra-sobra ang pagtitimpi ni Ronaldo, pero gusot na gusot ang mukha sa galit.
"How dare you."
Nag-aalalang nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Luz, nangungusap ang mga mata na kung pwede huminahon lang ang dalawang lalaking kasalo nito sa almusal. Sumimsim siya ng kape at maingat na binaba ang tasa. Hindi pa iyon ubos pero nagpunas na siya ng bibig, nagtanggal ng table napkin sa kandungan at tumayo.
"And if you're a really good businessman," he mockingly grinned, "you won't need a marriage-for-convenience." Renante glanced to his mother. "I know you're part of one, Mom. But I don't mean to offend you. I'm only talking to Dad."
At hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng mga ito. Dumiretso na si Renante sa kotse nito.
Habang nagmamaneho, napaisip siya tungkol sa sirang kotse ni Marty.
Kung ganitong wala na sa Manila si Stacey, paano nito maaasikaso ang car repairs? Sure, there were forms and documents already. At ongoing na rin ang pagpapagawa sa kotse ng binata, pero paano ang final payments at releasing?
.
.
NASA DINING TABLE SI STACEY. Habang kumakain ng oatmeal na may mga hiwa ng saging bilang almusal, pinapanood niya ang kopya ng CCTV sa kanyang laptop. Ngayong nakalayo na siya sa mga taong ayaw niyang masaktan o madamay, naghahanda si Stacey sa kanyang kinakukublian. Hiding didn't mean she was already giving up. Umaatras lang siya para makapag-strategize kung paano mahuhuli ang stalker niya.
Malayo na ako kay Renante. Kay Piccollo. Kay Marty. Mag-isa na lang ako rito. Hindi mo ba ako pupuntahan? Hindi mo ba ako gustong masolo? hamon niya sa kanyang stalker ngayong tila MIA na naman ito.
Napagod din siya sa kanonood. Kahit anong ulit niya kasi, wala na siyang makitang bago o kaduda-duda sa video. Kaya nag-Facebook na lang siya. Sinigurado niyang mananatiling offline ang chat mode niya. Habang panay ang scroll sa kanyang newsfeed, may nadaanan siyang post. Hindi naman niya friend sa Facebook ang kapatid ni Marty, pero dahil common friend kaya siguro nakita niya ang pinost nitong video na may logo ng Tiktok. The guy was doing a dance. Kapansin-pansing may asong paikot-ikot sa binata habang sumasayaw.
Stacey read the caption: Dancing with Petchie.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
Petchie?
At bumalik sa kanya ang pagsugod noon ni Marty sa bahay niya. Ang pagiging emosyonal ng binata dahil may lumason daw sa alaga nitong aso na si Petchie.
.
.
I KNOW WHERE STACEY IS.
Dahil sa naalala, napatigil ang pagbabasa ni Renante sa file ni Detective Brian sa kanyang desktop sa opisina. Sa huling text ng kanyang stalker, dama ni Renante na hindi nito titigilan si Stacey. That crackhead would make sure that his competition would be gone for good. Pero kung alam talaga nito kung nasaan si Stacey, hindi ba dapat mapalagay na ito? Dahil nilayuan na siya ng dalaga. Ibig sabihin, wala nang kaagaw ang stalker niya sa kanya.
So why was that person still after Stacey?
He had a lot of people in mind to confront.
Isa na sa mga ito si Marty. Ayon sa word file ni Brian, buhay pa raw ang aso nitong si Petchie. Kakatanggal lang din nito sa trabaho, ibig sabihin, maraming oras para manmanan ang ini-stalk nito. Matagal na niyang alam ang dalawang detalye na ito, kaya naman malaki ang pagdududa niya kay Marty. Pero simula nung may sumira sa kotse ni Marty, medyo inalis ng detective ang focus sa pagmamanman sa lalaki. Nalipat iyon sa mga taong nakamaskara at hood. Sila kasi ang nasa CCTV video nung sinira ang kotse ni Marty at Stacey, sila rin ang nagtangkang kumidnap sa dalaga.
But his top priority is Stacey. Kailangan niyang maunahan ang stalker sa pagtunton sa dalaga.
Kahit sabihin pa na hindi totoo at tinatakot lang siya nung stalker, hindi siya mapapalagay kapag ganitong malayo sa kanya ang dalaga. Mas pinatindi ang alalahanin niya sa isiping nanganganib ito.
Pagkatapos basahin ang file, at saka lang niya napansin ang installer ng tracking device app na laman din ng flashdrive stick. Kumunot ang noo niya.
Does this track Marty? Stacey?
Nilabas niya ang cellphone para ilipat doon ang installer. Nang ma-install ang app, binuksan niya ulit ang word file kung nasaan ang mga notes ni Detective Brian tungkol sa imbestigasyon nito. Kasama rin doon ang password para sa app.
Nang mabuksan ang app, may dalawang pagpipilian doon.
M and S.
Pinalagay niyang ang M ay para kay Marty at ang S ay para kay Stacey.
He chose S.
Siyang sulpot ng isang mapa sa screen.
.
.
KARAMIHAN SA MGA KALSADA AY MAKIKITID. Kaya kahit gusto ni Stacey mag-kotse, nagtiyaga siya sa paggamit ng tricycle hanggang sa marating ang palengke sa bayan. Sinamahan siya ni Ka Olga sa pamimili ng mga pang-stock niya sa bahay. Hangga't maaari, sinisigurado niyang hindi magbubuhat ng masyadog mabigat ang matanda.
The old woman helped her around the place. Sinamahan siya nito at tinuro kung saan banda ang bilihan ng mga isda at gulay. Nang matanong niya kung may grocery ba, par asana makabili siya ng stock ng toiletries, sinamahan siya nito sa Rempsons. It was a small and a little crowded, especially with a lot of its big shelves cramped close to one another. What satisfied her was how it was very well-stocked with almost everything.
Medyo pinagpawisan siya nang marating nila ang bilihan ng bigas.
Habang tinitimbang iyon, napalingon siya kay Ka Olga. May nakabatian kasi itong matandang babae rin.
"Aba, bangdami naman niyang pinamimili ninyo!" malaki ang ngiti ng matandang babae kay Ka Olga. Despite the simplicity, Stacey could sense that she was a little bit well-off. There was just that vibe. May pagkamahinhin din sa mukha ng babae kahit na matigas ang punto ng pananalita nito na para bang may inaaway.
"Aba'y oo," tawa ni Olga, "hindi naman para sa amin ito, hane? Para sa kanya."
"Aba'y pagkagaganda naman niyang katabi mo," ngiti sa kanya ng babae.
"I'm Stacey," magalang niyang ngiti rito.
"Ah, siya naman si Anore," pakilala ni Olga sa babae bago siya pinagtsismisan sa mismong harapan niya. "Anak siya ng amo namin, eh. 'Yung may-ari nung bahay na pinapatauhan sa amin doon sa Pila-Pila. Galing ng Maynila."
"Ay, siya ba? Ang ganda, hane? Nagbabakasyon dito?"
"Dine raw titira."
"Ay, bakit? Hindi ba, eh, mas maganda ang buhay sa Maynila? Ang anak ko nga, eh, hindi na nakaalis doon, aba!"
Naiilang na sumimple ng talikod si Stacey sa dalawang babae para i-tsek kung tapos na timbangin ang binibili nilang bigas.
"Hija," tawag sa kanya ni Ka Olga kaya napalingon ulit siya sa mga ito, "ayos lang ba kung dadaan muna tayo sa bahay ni Anore? Ano, eh, gusto tayong yayain mananghalian."
"S-Sure," nag-aalangan man pero payag na rin ni Stacey.
Nang matapos sa binibili, dinala sila ni Anore sa itim na van nitong naghihintay malapit sa paradahan ng mga tricycle. Tinulungan sila ng anak nitong taga-maneho ng sasakyang gamit nila.
"Ma, kanina pa kami naghahanap sa iyo, ha?" panlalaki ng mga mata ng hipag ni Anore na si Leslie. Nakaupo ito sa tabi driver's seat na inookupa ng asawa nito.
Ngumiti lang ang matanda na naunang pumasok sa sasakyan, "Leslie naman, parang mawawala ako, eh. Nag-ikot lang ako at baka may mabibili akong gusto ko."
"Eh, may nabili ka naman?" pabirong pagtataray ni Leslie sa ina.
Nagkatawanan tuloy. "Wala, pero may bisita tayo!" lingon nito sa kanya at kay Ka Olga na nakaupo na sa tabi nito. Dahil si Stacey ang huling sumakay, siya na ang humila sa pinto pasara.
Nagsimula na ang biyahe pauwi sa bahay ng mga Anore. Lagpas ang tirahan nila sa bahay na tinutuluyan ni Stacey. Malapit iyon sa isang simbahan pero hindi lalagpas doon. Huminto ang van sa tapat ng isang bahay, nauna na silang bumaba at pumasok sa loob ng gate habang nilalakihan iyon ng bukas ng anak ni Anore bago ipasok ang van.
Stacey looked around. Tama ang assessment niyang may kaya sa buhay ang matandang babae. May dalawang palapag ang bahay nito. Hindi man mansyon sa laki, malinis naman tingnan at maganda pa rin ang pintura ng mga pader niyon na gawa sa pinaghalong semento at pader.
Hindi nakaligtas sa kanya ang tarpaulin sa ginamit na pangtakip sa bubong isang bahay para sa mga aso. Nakalarawan doon ang mukha ng matandang babae. Nasa unahan ng pangalan ni Theodora P. Anore ang katagang Kapitan.
Tumabi siya kay Ka Olga para tanungin ito. "Siya ang kapitana natin dito?"
"Aba'y oo," masigla nitong ngiti habang nasa harap ang tingin, nakasunod pa rin sila sa dalawang babae papasok ng bahay. "Mabait talaga iyan kahit kanino. At dahil bago ka rito kaya siguro gusto ka niyang makakwentuhan."
Kumunot ang noo niya. Stacey washoping that's the only reason.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top