Chapter Sixty-Three - The Answer

AS STACEY WALKED TOWARD THE CARS, everything that happened that led them to this replayed at the back of her mind...

.

.

MAHINANG NATAWA SI RENANTE. Napailing. "Kumain na nga tayo. Baka iba pa ang makain ko, eh."

Pinalo agad ito ni Stacey sa braso. "Mahiya ka, Mr. Villaluz! You can't eat me in a café!" panlalaki ng mga mata niya rito.

Humalakhak ito.

"It's not funny! I'm adventurous, but not to the point of—"

"Ikaw ang hindi nakakatawa," natatauhang titig nito sa kanya. "What makes you think I want the people here to see you naked, hmm? Ako lang ang pwedeng makakita niyan," saglit ng mata nito sa katawan niya bago siya pilyong nginisihan.

Pigil man ni Stacey ang sarili, sumuko rin siya at nakitawa sa kapilyuhan nito.

Kung anong panghihina ng loo bang iniwan ni Piccollo sa kanya kanina, nabuhayan naman siya ng loob ngayong sabay silang kumain ni Renante. Natahimik sila saglit dahil naging abala sa mga kinakain nang ilabas ng binata ang cellphone. He took a quick sip to his coffee before answering.

"Hello, Orlando," sagot nito sa tawag sabay sulyap sa kanya.

Dahil ang detective ang kausap ng binata, bigla siyang naalerto. Wala sa loob na tumuwid ng upo. Hindi niya hinayaang madaig siya ng tensyon na mas lumalaki habang patagal nang patagal ang paghihintay niyang matapos ang phone call.

"Yes, we're still here," sagot ni Renante rito. Paminsan-minsan itong tumatahimik para pakinggan kung ano ang sinasabi ng kausap nito. "I am aware of that too. Kaya nga nandito ako." Silence. "Yes, she's still with me." Pause. "Tell me." At mahaba-haba ang naging pananahimik ng binata. Hindi man lang siya binigyan ng clue ni Renante kung ano ang posibleng sinasabi ni Orlando rito. He just gave her a stare as if studying her before drifting his gaze away.

Nag-aalangan na kumagat na lang si Stacey sa sandwich na hawak. Ngumunguya habang pinapanood ang pakikinig ni Renante sa kausap.

"I think that's a good idea," he murmured later on, straight-faced.

At saka lang napansin ni Stacey na kaya pala hindi sa kanya nakaharap ang mukha nito ay dahil naglilikot sa paligid ang mga mata. Maingat na inoobserbahan ni Renante ang paligid. Maingat din ito sa ipapakitang facial expression.

Stacey took in a deep breath. She needed to cooperate. And for her, the best way is to pretend that she's happily eating. Ngumiti siya. Kunwari hindi siya nakakaramdam ng pagkabahala bago uminom ng kaunti. Renante cocked his head to the side. He gave her a lingering gaze before he pulled a gentle smile.

Bwisit, pigil ang ngiti na iniwas niya ang mga mata rito sabay kagat ulit ng sandwich.

"Great. Thank you. Bye."

He pocketed the cellphone immediately and took one of her hand.

"Stace," he smiled at her. "You're doing great. Let's keep pretending that we're putting down our guard, okay?"

"Okay," alanganing ngiti niya rito. "Ano ang sabi ni Detective Orlando."

"Keep your eyes open. So do I," he instructed before finally telling her a plan.

Ang plano— magpapalit-palit silang tatlo ng kotse. Magpapalitan sila ng kotse ni Detective Orlando. Si Renante naman, sarili nitong kotse pa rin ang gagamitin. May hinuha sila na nasa paligid lang ang stalker, at posibleng buntutan sila ngayong gabi para i-corner.

But no. They would not let that happen.

Uunahan nila ito.

Kinailangan nilang magtagal pa ng kaunti sa café na iyon para masiguradong naprosesong mabuti ni Detective Orlando ang pagpapatawag sa mga pulis bilang back-up. Nang mabigyan si Renante ng go-signal ni Detective Orlando, doon na nila tinapos ang pagkain. They left the café.

Nang marating nila ang pinaparadahan ng kanyang gagamiting kotse, nilagay ng binata sa backseat ang natirang mga paper bag ng pinamili nilang pagkain. He slammed the door close and turned to her. Nakatayo na si Stacey sa likod ng bukas na pinto sa bandang driver's seats. Their eyes met for one more time, with Renante moving closer to her.

"Huwag masyadong bilisan ang pagmamaneho. Para masusundan kita, alright?" he murmured as Stacey felt their distance growing smaller.

Napansandal na lang siya sa pinto ng kotse nang ma-corner doon ng binata.

She could not deny how sheepish she felt at his gaze, making her lower her eyes. Maingat na lumapat sa mga balikat ni Renante ang kanyang mga kamay.

"Yeah, duh," sarkastiko niyang saad.

Pigil niya ang paghinga nang damputin nito ang kanyang baba.

They kissed before Renante finally left. Habang naghahatiran sila ng binata, nasa loob naman ng café si Orlando. Umiinom ng kape. He came there at the right timing. As soon as Stacey and Renante left their seat, he immediately replaced them there.

Nadampot agad ng binata mula sa ilalim ng pinagpatong na mga tissue ang susi ng kotse ni Stacey, kasama na roon ang remote niyon. He kept it and casually pretended that he was enjoying his cup of coffee while checking the GPS tracking app in his cellphone. After assessing his surroundings, he immediately took Stacey's car.

Siyang alis ni Stacey mula sa parking lot na iyon.

Dahil hindi pamilyar sa stalker ang kotse ni Detective Orlando, pinalagpas nito iyon at hinintay ang pagdaan ng kotse ni Renante. Ilang minuto pa at nasundan iyon ng kotse ni Stacey— na gamit ni Detective Orlando. Dahil sa mga sirkumstansya, naisipan ni Stacey na magpahuli para magkapalit sila ng pwesto ng kotse ni Renante. Hinayaan niyang may makasingit na mga sasakyan para hindi sila makahalata. At sumunod naman niyang pinasingit sa harapan ang kotse niyang gamit ng detective.

Until they arrived on the skyway, where a car intentionally overtook. Stacey acted naturally. Meanwhile, Renante and Detective Orlando lured the car to follow by driving faster. Matagumpay na nakasingit sa pagitan ng mga ito ang kotseng iyon.

As soon as they arrived at the subdivision, doon na pinaharurot ni Detective Orlando ang sasakyan. Hahabol pa yata ang kotse kung hindi lang maagap na humarang dito ang isang police car.

.

.

AND NOW, THEY'RE HERE.

Kinatok ng isa sa mga pulis ang bintana ng kotseng nasa harapan nung kay Renante. Nakita niya ang pagbukas ng binata ng pinto kaya binilisan ni Stacey ang paglalakad. As soon as the windows of the blocked car rolled down, a hand stuck out and shot one of the police men. By instinct, he immediately ducked, but caught by the bullet on the shoulder. Siyang yuko rin ng isa pa para bumunot ng baril nang umandar ang kotse.

Takot na napa-squat si Stacey, takip ng mga kamay ang dalawang tainga. Her eyes immediately searched for Renante, heart thumping with worry.

Napaatras si Renante nang bungguin ng kotse ang sasakyan nito para makaalis doon. Mabilis na naghanap ang mga mata nito bago tumakbo papunta sa gilid ng kalsada.

From behind the police car, Orlando reapperared with a gun on his hand. He made calculated strides as his bullet shattered the windshield and front wheels of the car. Mabilis itong dumapa nang gumanti ng baril ang isang babae.

Isang babae dahil narinig nila ang galit nitong pagtili.

"Renante!" nag-aalalang takbo niya papunta sa mga ito.

Stacey shoved in a deep breath. Nasaksihan niya ang pagtalon ng binata sa backseat ng kotse ni Yrina nang mabasag ang salaming bintana sa likod niyon. Natigilan tuloy siya sa pagtakbo. Pinatigas ng takot ang mga binti ng saglit. Violent images began to tease her imagination, making her beyond tensed. Nabingi na siya sa anumang ingay sa paligid. All Stacey knew was that, Renante was doing a dangerous feat. Kung sino man ang nasa kotseng iyon, delikado itong kalabanin dahil armado.

Isisigaw na naman niya ang pangalan nito nang pigilan ang sarili.

Oh, no. Her screaming might distract him.

Mas binilisan niya ang pagkatakbo.

Siyang ahon ng mga pulis nang makita ang pagbagsak ng baril ng kanilang kalaban. Nakatayo na rin si Orlando at nakatutok ang baril sa kotse habang dahan-dahang lumalapit dito.

Stacey stopped beside Renante's car, right behind their stalker's. Naaninagan niya sa loob ng kotse ang dalawang tao. Kita niya ang panlalaban ng isang babae habang ginagapos ito ni Renante.

The stalker turned to the open door the moment the police men stood by there to point their guns at her.

.

.

HINDI INDA NI RENANTE ANG MGA BUBOG at nagbabagsakang basag na mga salamin. Renante managed to sneak behind the stalker's car. May bitbit na bato. Saktong bukas ng babae sa pinto ng kotse nang batuhin iyon ni Renante. Kasunod ng pagkabasag niyon ang pagpuslit niya papasok sa back seat ng kotse.

As soon as he landed on the back seat, his legs helped him spring up, reach for the driver's next. Ginapos iyon ng braso niya, dahilan ng panlalaban nito at pagtili.

Her shaky hand moved, aiming to shoot him but he reached for her arm. Napadaing ang babae. Wala itong laban sa lakas niya kaya puwersahang hinampas niya ang likod ng pulsuhan nito sa hamba ng bukas na pinto ng kotse. The pain made her finally let go of the gun. Narinig niya ang bayolente nitong pag-ubo habang naglilikot at nagsisisipa ang mga paa.

A quick glance at the car's rearview mirror showed him her face—

It was Yrina.

.

.

.

***

.

.

.

KAKALABAS LANG NILA STACEY AT RENANTE ng police station. Both parties have settled that they will be facing each other in court. Kaya sa ngayon, heto sila ng binata, nakatayo malapit sa kanilang mga kotse.

Tumigil siya sa tangkang dumire-diretso ng lapit sa kotse. Stacey turned to Renante, making him slow down his steps. Their eyes talked, instructing both of them to stop walking and face each other.

Nanuot sa kanya ang titig mula sa mga mata ng binata.

"Renante..." she murmured.

A corner of his lip lifted, there was uncertain in his smile, yet his eyes showed relief with their current situation.

"Thank you," wika niya saw akas.

"No. You did it. So, congratulations."

"I did what?" magaan niyang tawa. "Hindi naman ako 'yung... yung muntik nang mamatay sa pakikipagbuno sa babaeng iyon!"

He lowly laughed, his eyes adoring her. "Stace, none of this would have happened if you rejected my help."

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. "Ano... proud ka siguro ngayon. Proud ka dahil napatunayan mo na... na hindi ko kaya ito ng mag-isa. Na kakailanganin at kakailanganin ko pa rin ang tulong mo."

"Correction," nanenermon ang titig nito. "I am proud of you, Stace. Sa wakas, marunong ka nang tumantya kung kailan mo gagamitin ang pride mo at kailan mo isasantabi iyon."

She returned her eys on him, brave and determined.

"You did your part, which means a lot for the success of this plan. So, congratulations."

Napangiti na rin siya nito. "You also did your part. Great job."

She finally caught a more genuine smile from him.

.

.

BINAGALAN NI STACEY ang pagpapaandar sa sasakyan nang matanaw ang bungalow. She held her breath as getting closer helped her recognize whose car was parked in front of the gate. And who stood on its side.

Pinarada niya muna ang sasakyan sa tapat niyon, hindi pinatay ang makina at mga headlights. Bumaba siya at tinanaw mula sa likod ng bukas na pinto ng kotse si Sondra.

"Gusto mong magkape sa loob?" anyaya niya rito.

Sondra gently smiled. She moved toward her, in her long skirt and long-sleeved top with a scooped neckline. Nakapusod ng mataas ang buhok ng babaeng huminto sa tapat niya. Ang tanging pagitan lang nila ay ang bukas na pinto ng kotse.

"Let's just talk here. It's already late and..." sumaglit ng pasada ang nag-aalala nitong mga mata sa kanya. "It must have been a busy day for you."

Hindi malaman ni Stacey ang gagawin. Parang naninibago pa rin siya na maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Sondra. Na wala na siyang makapang anumang pagdaramdam para sa babae, kaunting pagkailang na lang. Lalo na at kahit naka-move on na sila, hindi mawawala sa isip ni Stacey na ginawan niya at pinag-isipan ito noon ng masama.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin. You might want a more private place where we can talk about it."

"I think this is private enough," nahihiya nitong iwas saglit ng tingin. "This is about your letter for Picco. Nung na-ospital siya?" salubong muli nito sa kanyang mga mata. "Yung card na kasama nung mga flowers?"

Stacey braced herself. "Yes. What about it?"

"I'm so sorry, if what happened made you feel responsible for it," Sondra's hands anxiously fiddled each other under her chest. "Sorry kasi inakala namin ni Maximillian na may kinalaman ang problema mo sa stalker mo sa pagkalason noon ni Picco. Renante even got upset with Millian when he said he wanted to be involved with your stalker case. Alam naman namin ng asawa ko na hindi kami dapat makialam, at baka makagulo pa kami. But Maximillian... he just..."

"Doesn't trust me?" lahad ng nasaktan niyang ngiti.

"I don't think so. He's just worried. I baked that cake, Stace. Maiiwasan ba ni Millian na matakot na ako ang madiing may kinalaman sa mga nangyari? Of course, he worried." Sondra softened. "Hindi natahimik si Maximillian. Una niyang tinanong ang mga maids habang naka-confine pa sa ospital si Picco, and apparently, that rat poison on the cake was... an innocent accident."

The anticipation made it hard for Stacey to breathe.

"Who did it?" mahina niyang wika.

Sondra managed a small smile. "Oh, ang makulit naming anak." Bumalik ang mga mata ng babae s akanya. "A few days ago, pumuslit siya sa cabinet sa may sink. Nakikipagtaguan sa mga kalaro niya. She happened to see the rat poison. She... She likes Mickey Mouse, so..." Sondra chuckled nervously. "So, maybe that made her curious. Sinabi nung maid sa kanya na lason iyon para sa mga daga, para hindi nila kainin ang mga pagkain namin sa bahay. Sandy is a child, so she made the explaination as simple as that. Until... until I baked Picco's cake. I placed it in the ref." Napapailing na umiwas ng mga mata si Sondra. "Si Sandy, naalala 'yung rat poison. Ayun, nilagay sa cake para raw hindi kainin nung daga."

"God," Stacey gasped.

"Kids..." napapailing na ngiti sa kanya ni Sondra. It was such a sorry and ashamed kind of smile, Stacey could not help feeling how Sondra exactly feeling.

"I am telling you this in hopes na hindi masama sa... sa mga iimbestigahan ang tungkol sa nangyari sa party. Huwag niyo sana i-consider iyon na isa sa mga ginawa ng stalker mo," the woman plead. "Ibibigay namin ang tulong na kailangan mo, just..." Nahihiyang nag-iwas ito ng tingin. "Sorry, we did not tell you this earlier, Stacey. It took us some time to make that maid admit that it's her fault that rat poison was accessed by my child out of her carelessness. And then, tonight... Pinilit kami ni Picco. Gusto niyang alamin kung sino ang nakalason sa kanya. We got scared of his possible reaction but... But it's okay now. Yet, he's mad. He's mad that you are taking all the blame for what happened to him and demanded that we tell you the truth."

Mapang-unawang tumango-tango si Stacey.

"He's so ashamed about the way he treated you earlier... Pinapasabi rin niya." Nag-aabang ang mga mata ni Sondra sa kanya nang tumagal ang kanyang pananahimik. "Tell me how we can help you track that stalker, Stace—"

"Don't worry, Sonny. Tapos na ang lahat."

There was a gentle surprise that made Sondra's mouth drop a bit open.

"Kilala na namin kung sino ang stalker."

"Who is it?"

"I don't really know her, but I know, you know her," Stacey smiled wearily.

Kumunot ang noo nito. "Who?"

She replied, "Yrina."

The revelation brought memories back to Stacey.

Nilingon ni Stacey si Piccollo. Kakarating lang ng binata na umalis kanina saglit para um-order ng makakaing glazed bagel. While looking up to him, her peripheral vision noticed something in the background. Napunta tuloy roon ang kanyang tingin. Parang pamilyar ang babaeng nakaupo sa may kalayuan. Pero humarang si Piccollo dahil umatras ito nang ipaghila ang sarili ng upuan.

As he seated himself, the woman she noticed was suddenly gone.

.

Renante slowly dipped in, smearing her lips with a brush of his kiss. Mabilis din itong umatras.

She stared back, not understanding what this is all about.

Biglang lumagpas sa kanya ang tingin ni Renante.

She followed his line of sight and saw him staring at a woman among the crowd. Naningkit ang mga mata ni Stacey habang pinag-aaralan ito.

The woman had soft features— a sweet smile and cascading locks of hair. She looked very prim and proper in that pale pink high-necked dress.

"Who is she?" sulyap niya rito.

"Yrina," tangay nito sa kanya sa ibang direksyon.

Parang nasasaktan na naman siya. He just kissed her and now this?

"Bakit ganyan ang reaksyon mo nung nakita mo siya?"

"Look, she's the reason why that video went viral years ago."

"Yung sa inyo ni Sonny?"

"Yes," lingon nito sa kanya. "And even if she already fixed the problem, I am still not going to be okay with that woman. I don't want to deal with her."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top