Chapter Sixty-One - Expectation
"YOU'RE SAYING THAT STACEY IS seeing this guy again?" mataray na tanong ng babaeng nakaupo ngayon sa gilid ng kama nito. "Meanwhile, Renante just visited Aurora?"
Opo, Ma'am, sagot ng tauhan nito sa kabilang-linya.
The woman, who wore a white dress with a pencil-shaped skirting, crossed her legs as she leaned closed to the laptop screen. Makikita sa laptop ang mga larawan na sinend dito ng mga tauhan nito. Bagong kuha ang mga larawan. Sa isa, kita ang paglakad ni Renante palapit sa gate ng tinitirahan daw ni Aurora Ejercito. Sa isa naman, makikitang nakaupo sa isang café si Stacey at Piccollo. Nakapwesto ang mga ito sa glass wall niyon na nakaharap sa isang parking space area.
No, iling ng babae. Her beautiful hair fell over her back in cascading waves. Hindi na ako maloloko ng Renanteng iyan. For sure, he's just confusing me. Mukhang nage-gets na niya na tinatarget ko ang mga taong importante sa kanya. You can't fool me by using the same trick twice, Villaluz.
But this Stacey... she is... Nah. She can't fool me too. Habit na ng babaeng ito lumapit sa kung sinu-sinong mga lalaki.
Her lips pulled to a wicked smile.
I know what they're trying to do. They can't fool me this time.
Nagsalita muli ang tauhang kausap nito sa cellphone.
Ano na ang gagawin namin, Ma'am?
An idea sparked in her mind.
.
.
"AT DAHIL AKO ang napagsabihan niya, iniisip mong ako ang may kagagawan ng lahat ng ito?" bahagyang pagtataas ng boses ni Aurora habang dinidepensahan ang sarili.
Kasalukuyang nasa library room ng mansyon ang dalawa. Ito lang daw kasi ang silid na pinaka-pribado roon. 'Yung pwede nilang gamitin at hindi basta-basta nadadaanan o pinapasok ng mga tao sa bahay na iyon.
Renante remained seated on the one-seater sofa. His demeanor was calm and patient.
"That's not what I mean," titig niya sa dalaga na ngayo'y bihis na. Nakatowel nga lang ang basa pa nitong buhok dala ng pagmamadali. "Ang nangyari kasi, nanakaw ang cellphone mo, 'di ba? Ibig sabihin, posibleng kinuha iyon ng stalker na tinutukoy ko."
"And why would that stalker do that?" pagsasalubong ng mga kilay nito. "From how you tell your story, parang wala naman akong kinalaman diyan."
"Look. We dated for a short while," he sighed. "Malamang, napagkamalan nung stalker na seryoso ako noon sa iyo. Kaya nilubayan niya si Stacey at... at ikaw naman ang ginulo. Baka nga, ninakaw nila 'yung cellphone mo para maisa-isa ang mga information tungkol sa iyo."
"Tell me..." matamang titig ni Aurora sa kanya. "Kaya mo ba ako nilayuan... for my safety?"
Renante rolled his eyes. "Aurora, nilinaw ko na hindi ba?"
Napasimangot na lang ito. "Fine! Suko na talaga ako sa iyo!"
"Now, I wonder if you still have access to your files on that phone. Like a cloud memory."
"A cloud memory?" taas ng isang kilay ng dalaga.
She obviously didn't know too much about these things.
"Sorry, updated ako sa mga gadgets, but I don't go too deep into the technical stuff," paliwanag nito.
"Look," he sighed, "hangga't connected pa ang cellphone mo na iyon sa cloud memory na mayroon ka, maa-access mo through internet ang nakukunang mga photos o videos. Pwede ring mga notes."
"Oh, really? Eh paano kung na-factory reset na 'yung cellphone ko?"
"Maybe they won't think of doing that yet."
"Dahil?"
"Dahil kapag nag- factory reset ka ng phone, kadalasan, required na ilagay ang lumang password, hindi ba?"
"They can jailbreak it... bypass it," kabadong saad ni Aurora.
Ang nagpapakaba kasi sa babae ay ang posibilidad na naisa-isa na ng kung sinu-sino ang mga naiwang files nito sa cellphone na iyon. She was hoping that her every contradiction would be agreed by Renante, which would give her some peace of mind.
"Iyon," his eyes glinted with mischief, "ay kung may lakas sila ng loob na gawin iyon. Remember, it's a stolen phone, Aurora. Hindi nila ipapakita iyon sa ibang tao unless robbery talaga ang trabaho nila at may kasabwat silang maalam sa pag-wipe out ng mga files sa cellphone para maibenta nila."
"How do you think of this stuff?"
"I just assume," he admitted. "Please, let's just check, kung maa-access mo pa ang cloud memory nung nawala mong phone."
Tumayo ang dalaga mula sa kinauupuan nito. "Wait here. I'll just go get my tablet."
Bumalik din ito agad at hinayaan ni Renante na ito ng kumalikot sa hawak na tablet. As soon as she accessed her cloud memory via internet, confusion writ on her face. Napaawang saglit ang mga labi ni Aurora. Doon napagtanto ni Renante na baka may nadiskubre na ito.
"Can I see it?" malumanay niyang pakiusap.
Inabot agad ni Aurora ang tablet sa kanya. He swiped on the screen to let the grid of photos roll up to the very latest snaps.
Pinitik ng kaba ang kanyang dibdib. Makikita kasi sa huling dalawang larawan na papunta siya sa bahay ni Aurora. Ang nasa isang larawan naman ay si Stacey, kasama si Piccollo sa isang café. He checked the details of the photos.
Today. They were taken just a few hours ago...
Multiple files ang pinili niya mula sa mga iyon bago hinarap kay Aurora ang screen ng tablet.
"Ise-send ko ang mga ito sa email ko. Okay lang ba?" seryoso niyang saad.
"S-Sure!" mabilis nitong tango. "Send it."
At iyon na mismo ang ginawa niya. Habang abala siya sa pagtitipa ng email address, naihilig na lang ni Aurora ang ulo, napatitig saglit sa kanya.
"You really love her, don't you?" she gently murmured.
Hindi siya nag-angat ng tingin sa dalaga dahil sinesend pa niya ang mga larawan sa sariling email.
"You can call the authorities. Nilalagay niyo lang sa alanganin ang mga sarili ninyo kung kayo lang ang kumikilos."
"Don't worry. We're already working with a detective." At inabot na niya ang tablet kay Aurora. "Maraming salamat."
Tumayo na si Renante kaya napatayo na rin ang babae.
"Where are you going now?" nag-aalala nitong saad.
"To Stace."
"Renante!" pahabol nito nang patungo na siya sa pinto.
Nilingon ni Renante ang dalaga. "Yes?"
"Yung cellphone ko ha?"
He gave her a polite nod. "You'll get it back. But for now, i-log out mo sa lahat ng devices ang mga importante mong emails, lahat ng involved sa cloud memory. Hire a tech to do it for you if you're not familiar with that."
Tumalikod na siya para tuluyang lisanin ang silid.
.
.
NILINGON NI STACEY SI PICCOLLO. Kakarating lang ng binata na umalis kanina saglit para um-order ng makakaing glazed bagel. While looking up to him, her peripheral vision noticed something in the background. Napunta tuloy roon ang kanyang tingin. Parang pamilyar ang babaeng nakaupo sa may kalayuan. Pero humarang si Piccollo dahil umatras ito nang ipaghila ang sarili ng upuan.
As he seated himself, the woman she noticed was suddenly gone.
Hindi niya na tuloy halos maalala ang mukha nito. Pero sigurado siyang pamilyar ito. And if only she managed to recognize the woman, she might give her a wave or a smile. Even approach her table a bit to greet her. Sigurado kasi siyang nakita rin siya nito, nagtama ang mga mata nila...
He gave her a nod, a cue that they can continue eating and drinking. Napatitig saglit si Stacey sa cup ng frappe na kanyang hawak. Then, she stole a glance at Piccollo. Nakita niya ang masiglang pagkain ng binata. Hindi niya mapigilang makaramdam ng hindi maipaliwanag na relief sa nakikita.
"I'm glad you're already doing well," sinserong saad ni Stacey.
Napalingon tuloy ito. Pigil ang matawa sa kanya. "Whoa, did I really made you feel that worried?"
Stacey had to nod in admission.
"Does it mean, you're already in love with me?"
Pagak siyang natawa, umiwas ng tingin kay Piccollo. Saglit siyang pinagmasdan ng lalaki, napailing.
"Nah. Of course, you're not. You're just concerned, like how any kind person would feel."
Nilingon niya ito. Hindi naman mali ang maging totoo, 'di ba? Kaysa naman paasahin niya sa wala si Piccollo. Pero bakit nakakaramdam siya ng guilt? Siguro, dahil alam lang niya ang pakiramdam nang mapunta sa katayuan ng lalaki.
That unrequited love... she knew how much it hurts.
She had been there. And she was that person who didn't want others to experience what she went through.
"Baka mawala na ang lamig niyang drink mo," puna sa kanya ng binata. "Drink up."
Napapangiting sumipsip na siya sa straw. Wala sa loob na napasulyap sa glass wall na kaharap. Lumagpas pa roon ang mga mata niya kaya nasilayan ang parking space doon.
Ilang minuto pa silang natahimik bago siya hindi nakatiis.
"Pagkatapos nung nangyari," lingon niya rito, "wala na bang nangyaring... parang ganoon?"
"Poisoning?" tanaw lang din ni Piccollo sa labas, umiinom na rin ito. "No," he smacked his lips a bit. "Wala nang nangyaring ganoon. For some reason, nawala na rin ang anxiety ni Ate Sondra sa nangyari."
Is it possible that Maximillian talked her out of it? Napaisip siya saglit. Hindi. Hindi siya ganoong klase ng tao. Aalamin at aalamin niya kung ano ang dahilan ng pagkakalason ni Piccollo. Kung tiniyaga niyang pag-aalamin noon kung saan kami pumupuslit ni Sondra o kung ano ang mga kalokohang ginagawa namin... ito pa kayang gantiong sitwasyon na sobrang seryoso?
"Hindi ko rin nga maintindihan," matamlay na ngiti ni Piccollo. "I mean, iyon na iyon? Wala ba silang pakialam sa akin?"
"I don't think that's the reason," maagap niyang sagot sa binata. "Siguro, na-solve na ang lahat."
"Is it really solved, Stace? Wala na ba 'yung stalker na nabanggit mo sa sulat mo para sa akin?"
Hindi niya alam kung paano pa nito nakukuhang makangiti. Halata naman kay Piccollo na may agam-agam pa rin ito sa kung sino ang may galit dito para lasunin ang binata sa mismong birthday nito.
"Ayaw lang siguro nilang mag-worry ka lalo. O mag-isip masyado. Lalo na at nagpapagaling ka pa nung mga time na iyon siguro... o kakagaling mo lang."
Hinarap na muli ng binata ang pagkain nito. "Yes, but I am asking you now," dampot nito sa glazed bagel na hindi pa nakakalahati. "Na-solve na ba 'yung tungkol sa stalker mo? Na-confirm na ba kung siya ang may kagagawan ng pagkakalason sa akin?"
Nakaramdam siya ng panghihina sa loob-loob. Nahihiya na siya ngayong tumingin kay Piccollo.
She heard his deep sigh. Her silence must have already been a give away that the answer to his questions were all no.
No. They didn't know who the stalker is... yet.
No. They haven't confirmed who was behind the poisoning... yet.
"Stacey..." mahinang wika nito.
Nakita niya ang pag-aalangan ng kamay nito na damputin ang inumin. Napunta agad sa mukha ng binata ang kanyang mga mata.
"Hindi ba... Hindi ba... makakasama para sa ating dalawa ang magkita? Lalo na sa sitwasyon mong ito?"
Naguguluhang pinanood niya ang pagsalansan nito sa mga dadalhing pagkain.
"Piccollo... gusto ko lang naman masigurado kung okay ka na talaga. P-Pasensya na... I know... I know you're still worried about your safety..." Tumayo siya agad nang tumayo ang lalaki.
"Of course," kita niya ang pagtatalo ng mga emosyon sa mata nito. "Of course, I am still worried. Kung alam mo lang kung ano ang naramdaman ko nung nalason ako, Stace. I am too young to die, Stacey."
Sa kabila ng paghahalo ng panic at pag-aalala sa boses ni Piccollo, sinikap pa rin nito na pababain ang tinig para hindi gumawa ng eksena sa loob ng café na iyon.
"I'm... I'm sorry, Stace. Pero sa tingin ko, para rin naman sa ikabubuti mo kung... kung hindi muna tayo magkikita."
At ganoon kadali na lang siya nito iniwanan. Tinanaw niya ang paglagpas ni Piccollo sa mga upuan. Nanghihinayang na tingin ang naging huling sulyap nito sa kanya bago tinulak ng braso ang pinto pabukas.
In that moment, Stacey felt like she expected way too much from Piccollo. Dahil siguro sa tagal na nitong may feelings para sa kanya, naniwala siyang hindi magiging malaking isyu sa lalaki na ganito ang sitwasyon. As soon as Piccollo left her there, she felt a gentle crush in her heart. He just did what her parents had done to her, what her friends had done to her...
They left her.
Nagbaba si Stacey ng tingin sa mesa. Dinampot na lang niya ang cup ng frappe na namamawis na. She carefully passed by the seats before reaching the door. Kakalabas lang niya nang humarang sa kanya si Renante.
"Renante!" she gasped. "Anong ginagawa mo rito?"
He securely held her arm. Lumagpas sa kanya ang tingin ng binata. Tumanaw ito sa loob, nangingilala ang mga mata bago bumalik sa kanya.
"Let's buy something before we leave," seryoso nitong saad.
Ngayong inaakay siya ni Renante pabalik sa loob ng café, kinutuban si Stacey ng hindi maganda.
"May nakasunod ba sa iyo?" halos pabulong niyang simple ng tanong. Nagkunwari lang siyang casual conversation lamang ang namamagitan sa kanila.
"Wala. Wala naman siguro. Mas naging observant ako kanina nung papunta na ako rito," sagot ng binata na tila nakikisakay sa pagpapanggap niya na okay lang ang lahat.
"Ipag-order mo ako," abot ni Renante ng credit card sa kanya. "Make it a take-out. Damihan mo rin."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
He gave her an encouraging nod. "Order some for you too, baby," hapit nito sa bewang niya kaya bigla siyang pinamulahan ng mukha.
"Masyado namang overdone itong pagpapakitang-tao natin!" saway niya sa binata.
"Overdone?" mainit nitong bulong sa kanyang tainga. "Mas matindi pa nga rito ang ginagawa natin kapag tayong dalawa na lang ang magkasama."
Baka maaliw pa ang lalaki sa panggaganito. She decidedly stepped closer to an empty counter. Magalang siyang binati ng staff bago hiningi ang kanyang order. Nang matapos, nalingunan niya si Renante. Panay ang pasada ng tingin nito sa paligid.
"Can I find us some seats?" he murmured.
"Seats? Akala ko ba, take out?"
His eyes returned on hers. "Dito ka lang."
At nag-ikot na ito sa café.
Ngayon nage-gets na niya. Posibleng nasa loob ng café na ito ang hinahanap ni Renante.
Ang tanong... Sino?
Sino ang hinahanap nito?
Stacey composed herself. At saka naniya uusisain ang binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top