Chapter Nine - The Hardest
BINABA NA NI RENANTE ANG CELLPHONE. Hinarap siya nito.
"See? Parating na yung katulong para buksan yung pinto," kaswal nitong saad matapos tawagan ang telepono ng mansyon para makausap ang isa sa mga katulong doon.
Stacey just sat at the foot of his bed.
"Ikaw kasi, eh. React ka kaagad," lagpas nit Renante sa kanya para tumayo sa harap ng salamin at suklayin ng mga daliri ang buhok nito. "The root of all our arguments is you reacting first before thinking."
"No," she retorted matter-of-factly, full of disbelief. "The root of all our arguments is you not reacting anything at all."
Nilingon ito ni Stacey. Pinatong niya sa balikat ang baba habang pinagmamasdan ang lalaki.
She didn't know why out of the blue, all her heartaches were coming back. It was clenching her chest. How could looking at Renante hurt her this much? Dahil ba kahit parang inaayos na nila ang lahat sa pagitan nila, wala pa ring kasiguraduhan na mapupunta sila sa gusto niyang puntahan ng lahat ng ito?
What? She wanted to be with this jerk again?
Romantically?
Kahit siya mismo, hindi makapaniwala sa pinapahiwatig ng mga nararamdaman niya ngayon.
Mukhang nakahalata ang lalaki nang masilip ang repleksyon niya sa salamin. He stopped arranging his jet black hair and turned to her.
Napakurap siya, napaawang ang mga labi at hindi alam ang sasabihin. Then she immediately recovered. Tinapangan niya ang pagkakatitig dito.
"And why is my reaction important? Will it solve anything?" kalmado nitong tanong. Kita niyang hindi siya hinahamon o pinapagalitan ng lalaki sa pagkaka-deliver ng katanungang iyon.
"Maybe it won't solve anything, pero magiging open ka naman sa page-express ng nararamdaman mo."
"Says the girl who can't admit she likes me," ngisi nito. "Before," he corrected.
Maagap siyang nakadampot ng nagkalat na unan at binato iyon sa mukha ni Renante. Sumapul iyon at nasalo ng lalaki bago tuluyang nahulog sa sahig. He lifted his head, his eyes slightly covered by some hairstrands before a soft smile stretched his lips.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang palapit ito sa kanya. Bahagyang sumayaw-sayaw ang bitbit nitong unan.
"Hoy! Hoy!" salag agad ni Stacey ng mga braso pero nahablot na siya sa batok ni Renante at paulit-ulit ang pabiro nitong pagpalo ng unan sa mukha niya.
Kahit anong iwas niya ng mukha, natatamaan siya ng unan.
"Stop! Stop!" panay ang salag niya hanggang sa mapahiga na siya sa kama nagkakakawag ang mga paa.
Should she laugh? Should she be mad?
Were they arguing?
Or is this a playful banter?
Playful because he was not really hurting her with the pillow. It felt more like an invitation to a pillow fight...
Should she cry?
Cry because of what? A silly pillow fight?
Or cry because she had never been this close to Renante before?
This close that he would not mind being playful with her?
Napakaliit na bagay... bakit... bakit ganito?
Maiiyak siya na matatawa.
Stacey did not notice that she was already still. It bothered Renante. Tumigil tuloy ito sa pagpalo sa kanya ng unan. Humihingal na hinawi ng mga kamay nila ang buhok na tumabing sa mukha ni Stacey. Nagulo kasi iyon.
As she opened her eyes, she saw Renante sitting by her side, leaning over her as his fingers continued to brush off the hair strands that covered her face. Pinanood niya ang kaseryosohan sa mukha ng binata habang abala pa rin ito sa ginagawa.
Her eyes moved, admiring everything on Renante's face— the hanging strands of his jet black hair, every sexy curve of his pursed lips, the nose that perfectly balanced his symmetry and the depth of his eyes. Shining eyes where she could clearly see her reflection— a woman with messed up hair, scattered bangs on the forehead and soft, lost eyes.
Everything felt heartbreaking at that very moment.
She knew that this was not the same for Renante.
But for her, everything just stopped.
Gusto niyang umiwas ng tingin at baka makahalata ang lalaki. Pero ayaw ng mga mata niya. Hindi pa sila nagsasawa sa pagkakatitig sa abalang lalaki.
Napapitlag sila nang mag-click ang pinto.
Sumilip doon ang katulong.
"Sir!" gulat na singhap nito nang makita sila. "Sorry po! Kumatok naman ako, Sir. Pero hindi niyo binubuksan kaya—"
Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Renante. He immediately left the bed. Nilapitan nito ang katulong at hiningi dito ang keychain na pinakuha sa pantalon nitong nasa labahan na.
Dahan-dahang umupo si Stacey.
"Thank you," taboy ni Renante sa katulong at sinarahan ito ng pinto.
Nag-aayos na siya ng buhok nang malingunan ito.
"Here's my keys. Kung tapos ka na mag-ayos, let's go."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Saan?"
"Ihahatid kita. Wala ka nang kotse, 'di ba?" paikot nito ng keychain sa isang daliri bago kinulong ang mga susi sa palad nito.
"Aba," taray-tarayan niya. "Mukhang seryoso ka nga sa pagbabawing pinagsasasabi mo."
Tumayo na si Stacey mula sa kinauupuan. Dinampot niya saglit ang manila envelope na may lamang flashdrives sa study table.
"And you still don't believe that I mean it?" maluwag nitong ngisi sa kanya.
Huminto siya saglit sa tapat nito. "It's easier to apologize than to forgive. It's easier on your part than mine. So don't be so cocky there, Mr. Villaluz."
At nilagpasan na niya ito. Sinundan siya ni Renante palabas ng silid.
Tahimik sila nang makapasok sa loob ng kotse ng lalaki. Tumaas ang isang kilay ni Stacey dahil imbes na tugtugin, balita ang maririnig mula sa radyo ng sasakyan nito.
Wala talaga sa vocabulary nito ang salitang fun, isip niya habang napapalingon sa bintana para silipin ang traffic na naabutan nila malapit sa isang intersection.
Napabuntong-hininga na lang si Stacey.
It's been three years. Maki-cooperate na lang kaya siya sa pakikipag-ayos ng lalaki?
Tutal, ano ba ang makukuha niya kung pahihirapan pa ito? Pareho lang sasakit ang ulo nila.
Isa pa, tama nang isa na lang ang pino-problema niya ngayon— itong stalker na nanira ng kotse niya.
Grabe talaga. Sa huli, kaibigan pa rin ang kababagsakan niyang role sa buhay ni Renante.
It was getting too much. She needed someone to talk to.
Someone to talk her out of this.
Someone to hit her with the truth that jerks like Renante don't deserve a second chance.
Pero sino? Wala naman siyang tunay na kaibigan—
Never mind, iling niya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah," sulyap sa kanya ni Renante. Hindi na ito nakatiis sa sobrang katahimikan sa pagitan nila.
"Iniisip ko lang 'yung stalker ko."
"Huwag kang mag-alala. Iniisip ka rin n'un," nakuha pa nitong mang-alaska.
"You think it's funny?" she glared at him.
"Look, we have different tastes when it comes to what's funny or not," he shrugged after mentioning the context of a quote from how he understood it. "Have you watched that from Joker?"
He was talking about that epic movie. Pinigilan niya ang ma-excite sa isiping pareho nilang nagustuhan iyon ni Renante.
Sino kaya ang kasama nitong manood noon sa sinehan?
"God," she unintentionally groaned as she facepalmed. Bakit naman concerned pa siya kung may kasama itong manood sa sinehan at sino iyon?
Binalik ng binata ang tingin sa harap. "Let's watch a movie?"
Inirapan niya ito. "Ano ang ipapanood mo sa akin? Joker?"
"Well, yeah. Para nage-gets mo ang pinagsasasabi ko kanina," nakaw nito ng sulyap na nahuli niya.
Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin. Mas pinaseryoso ni Stacey ang facial expression.
"Ayoko sa pirata, Renante," tukoy niya sa mga pirated na movies.
"Argh!" mimic nito sa expression ng mga piratang pang-karagatan.
Is he really trying to be funny?
Napakamot na lang ng gilid ng leeg si Stacey at pinigilang lingunin ang binata para tingnan sa mukha nito kung nagpapatawa nga ba talaga ito.
.
.
.
***
.
.
.
A TWO-YEAR OLD CHILD CAME RUNNING TOWARD RENANTE. Tinahak nito ang salas patungo sa pinto nang matanaw siya kanina ng batang tumatakbo at tila may tinatakasan. She abruptly stopped in front of him, cocked her head to the side. Her light brown hair tossed over her shoulder as her baby lips pouted.
Kinikilala siya ng asul nitong mga mata bago bumati.
"Hello," taas at baba agad nito ng kamay.
He politely smiled at the child. "Hello, Sandy!"
As Renante lifted his eyes, he saw Sandy's mother following the child in approaching him. Nakasuot si Sondra ng dilaw na sundress. Humahalik sa mga tuhod nito ang dulo ng palda na bahagyang sumasayaw kapag naglalakad ito. Her dark hair was tied in a low ponytail.
Sondra gained a little ever since she got pregnant and gave birth to her child with Maximillian. But nevertheless, her smile always made her bloom and shine. Renante had to guard his heart from such captivating beauty.
"Hi, Sonny," inunahan na niya ito sa pagbati.
"Hi," medyo nahihiya nitong ganti.
Kahit ayos na ang lahat sa pagitan nila, hindi maikakaila ni Renante na malaki na ang pinagbago ng lahat. Sondra was not the same friend that he had years ago. Was it because she began to reserve everything for him for Maximillian? Because he was her new best friend now? Or was it because of the irrefutable truth that once you broke someone's trust, you're not getting it back?
"I hope you don't mind, if I pay a visit," aniya.
"Not at all," magaan nitong tawa. "Come on. Hindi ka naman ibang tao, Renante."
He managed a small smile. "Can we talk?"
"We?"
"Yes," halos mahigit niya ang hininga.
Nakayakap na si Sandy sa mga binti ng ina. Yumuko si Sondra at inabot ng kamay ang balikat ng bata para hagurin saglit. Then she lifted her eyes on him.
"Doon tayo sa poolside," anyaya ng babae.
Pinabantayan ni Sondra sa katulong ang anak nito para hindi sila guluhin. Walang naging pag-uusap habang nakasunod siya rito papunta sa poolside kung saan may mga upuan at salaming mesa. Nilapag na ang tall glass ng kiwi juice sa tapat ni Renante nang sagutin niya ang tanong ni Sondra.
"May gusto lang ako itanong sa iyo. I know you'll say I should have called instead, but I want to talk about this matter personally."
Lumambot ang mukha nito. "Is this about double-checking if I've already forgiven you?" medyo nanlamig ang boses nito.
"No," iling niya. "Sinabi mong okay na ang lahat at naniniwala ako roon."
Medyo umiwas ng tingin ang babae.
"At kahit hindi iyon totoo," patuloy niya, "hindi naman kita pipilitin."
"Bakit hindi kita patatawarin? You saved me and my baby's life, Renante," she replied softly before avoiding eye contact again. "Nahihiya lang siguro ako dahil... I don't know." Her eyes returned to him. "Is this awkwardness?"
He could not help the tortured scoff.
"Sorry," he apologized quickly.
"Ano ang gusto mong itanong?"
He shoved in a deep breath. This is it.
"Totoo ba?" tanaw niya sa malayo. Tumama ang mga mata niya sa maliit na kubo sa dulo ng hardin kung saan may duyan. Madalas iyon tambayan noon nila Sondra at Maximillian. "Totoo bang mas madali ang humingi ng tawad kaysa ang magpatawad?"
Napaisip ito saglit. Umayos si Sondra ng pagkakaupo at pinatong ang mga braso sa mesa.
"Bakit mo naman naisip i-compare ang dalawang bagay?"
Hindi niya alam ang isasagot. Aaminin ba niya na dahil iyon ang sinabi ni Stacey?
At hindi siya nilubayan ng mga katagang iyon mula nang sabihin iyon ng dalaga sa kanya?
Stacey was this ghost who kept on haunting him... in both her presence and absence.
Lagi itong nag-iiwan ng mga katanungan sa isip niya.
Nagsimula iyon noong may nangyari sa kanila.
That one night stand, followed by another before she gave up on him.
Imagine his confusion. Stacey pined for him for years and gave him up as easily as that?
Sino ang hindi magtataka? Ang malilito? Ang maguguluhan? Ang mapapatanong?
Totoo ba ang lahat? Did she really love him?
Hindi ba totoo ang sinasabi nila na kaya mong tanggapin ang lahat kapag mahal mo ang isang tao? Mali ba ang sinasabi nila na marunong magtiis ang nagmamahal? Marunong maghintay?
Bakit siya biglang nawala?
Saan siya nagpunta?
Should he let her be? Dahil ayaw niyang pwersahin ang tao kung ayaw mag-stay.
Should he chase her? Dahil ayaw niyang isipin nitong wala siyang pakialam?
Ano ang dapat niyang gawin? Paano niya malalaman kung umalis ito ng walang paalam?
At bakit sobrang halaga sa kanya na masagot ang lahat ng mga katanungang iyon?
His thoughts were interrupted with Sondra's soft sigh. Napatingin siya sa kaibigan.
"Iyan tayo eh," mapait nitong ngiti. "Nagsusukatan tayo lagi. Kung sino ang mas malaki ang naiambag, kung sino ang mas nasasaktan, kung sino ang mas nahihirapan. You know that Millian and I had a terrible argument before because of you, right? In that moment, all he thought about was his pain. All I thought about was my pain. Nakaligtaan kong isipin na masasaktan siya sa gagawin kong paghingi noon ng tulong sa iyo. At nakalimutan rin niyang isipin na masasaktan ako noon sa pagpayag niyang umalis ako ng bahay. Hindi ba pwedeng maging pantay ang tingin natin? Na parehong nahihirapan ang bawat side sa isang argument? Na parehong mahirap magpatawad at humingi ng tawad?"
Renante had a faraway look. He was considering everything that Sondra said.
It took some timebefore he smiled in relief.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top