Chapter Fourteen - Leave

TINIGIL NI STACEY ANG PAG-SCROLL SA SCREEN NG CELLPHONE. Nilingon niya si Kylie na paupo na ngayon sa tabi niya sa café kung saan nila napagkasunduang magkita. In-off niya ang cellphone at pumihit ng pagkakaupo paharap dito.

"What?" malambot nitong bungad. "You're going to roast me about what I did? I know I'm wrong for sharing his number without his consent, Stace."

"Pwede kang makulong sa ginawa mo," concern ang nangibabaw sa panenermon niya. "Buti na lang, may gusto sa iyo 'yung tao."

Malungkot na napayuko ang dalaga. "Iyon na nga iyon, eh. I don't want him. Bakit ba ang kulit-kulit niya? Hindi na ako natutuwa sa pagpapapansin niya. Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako pumunta ng alumni party. Eh 'di hindi kami nagkita n'un."

She gave Kylie a gentle pat on the shoulder. "Ikaw naman, oh."

"Wala silang pinagkaiba ng stalker mo," reklamo nito. "Siya nga lang, harap-harapan. 'Yung sayo, nakatago."

Napailing na lang siya. "Mas nakakatakot naman 'yung nakatago, 'di ba? Yung nanlalason ng aso? Yung naninira ng kotse?"

Nahihiyang napatingin sa kanya si Kylie.

"The real reason why I agreed to meet you is to tell you to call the cops, Stace," pagseseryoso ng dalaga. "Let professional people handle your problem. Kasi ginagamit ni Marty iyang problema mo para lang makapagpapansin sa akin."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Gusto ka raw niyang tulungang mahanap ang stalker mo. He wants me to join him with helping you." Nahihiyang nag-iwas ang dalaga ng tingin. "And to be honest, Stace, this is the reason why I rarely hang out with you. Yes, I care about you, but..." sumulyap ito sa kanya. "But you're dangerous to be with."

"Bakit?" balik niya ng tingin sa harap. "Dahil, ako noon ang pasimuno ng mga kalokohan? Laging nagyayaya mag-walwal? Because I always wanted to get drunk, have wild parties and now, because I have a stalker?"

Nalungkot ito. "Please, Stace, don't be mad..."

She took in a deep breath. Hindi nakaligtas sa kanya ang naluluhang mga mata ni Kylie. Iyakin talaga. At alam ng lahat kung paano siya magalit.

Pero hindi iyon ang nararamdaman niya ngayon.

"I'm not mad, Kylie," tanaw niya sa salaming pader sa harapan nila. Stacey lowered her head. "In fact, I agree with you."

Tumayo na siya. Napatayo na rin tuloy ang dalaga.

"Stace..." tila makaawa nito.

"Stay away from me," her voice almost broke. "Ayokong pati ikaw, manganib ang buhay dahil sa akin."

Kylie's lips quivered. "I-I still want to help you... P-Pero..."

"You're scared," hula niya at nasa gulat sa mga mata ni Kylie ang kumpirmasyon na tama iyon. Stacey bitterly smiled. "It's okay. I understand. Who wouldn't be scared? Kahit nga ako, natatakot din. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na lang ito. Lalong hindi pwedeng tumigil ang buhay ko ng dahil lang sa stalker ko."

Napayuko na lang si Kylie. Stacey waited but her friend could not say anything else.

Tumalikod na lang siya para umalis na. She had to leave for Kylie's sake— the only one in their circle of friends who actually cared about her. Hindi naman lingid kay Stacey ang effort nito noon na maka-chat siya para kamustahin. Hindi lang niya sinasagot ang mga mensahe nito. Hindi tulad nila Cynthia, Vernon at Fritzie. Tulad ni Kylie, nasa panig ang mga ito ni Sondra, pero ang tatlo ang tuluyang nagbalewala sa kanya. Samantalang si Kylie, nasa panig man ito ni Sondra, dama niyang kakampi rin niya ang dalaga. Hindi lang siya nito masyadong sinasamahan dahil kilala siya nito. Stacey wanted to be this tough person, who wanted to spend some time alone to figure things out during trying times.

Lingid sa kanya ang malungkot na pagtanaw ni Kylie. She gasped. Nagmamadaling hinalungkat nito ang cellphone. Binalikan nito ang mga chat messages at hinanap ang numerong ini-chat ni Marty rito. When Kylie found it, she pursed her lips, feeling unsure whether to contact the number or not.

.

.

NASA IKA-34 SA LISTAHAN NG ATTENDANCE SI STACEY. Tinipa niya ang pangalan sa search bar ng Facebook at nakita agad ang account ng kanyang sadya. Pinuntahan niya ang profile nito. Napailing si Stacey nang makita ang marital status nito— Married.

May naka-tag na pangalan kung kanino ito kasal. She checked just to see if it is a real social media account. Napabuntong-hininga na lang siya, sinandal ang likod sa backrest at nag-inat. Nakatitig pa rin si Stacey sa monitor ng laptop.

"God, ilan pa ba ang iisa-isahin ko rito?" sulyap niya sa cellphone kung saan nakalagay sa screen ang litrato ng attendance list na sinend sa kanya ni Marty.

Si Marty.

Napaisip siya. Rasonable naman kung bakit pinagsususpetsahan ito ni Renante.

Si Renante.

Pagkatapos nila mag-almusal kaninang umaga, umalis na ang binata dahil baka hanapin daw ito sa bahay. Hindi daw kasi ito nakapagsabi sa nanay nito na hindi makakauwi.

A gentle smile formed on her lips. That was... sweet.

"Hay," iling niya para ibalik ang focus sa ginagawa. "Damn," baba niya sa cellphone matapos damputin iyon. "I can't let this consume me."

At pinatay na niya ang laptop. Kinuha ni Stacey ang basket na nasa ilalim ng drawer table katabi ng sofa. That basket was filled with colorful yarns. Yarn ang ginagamit niyang praktisan ng mga disenyo bago iyon subukang gawin gamit ang raw materials na panggawa ng mga woven bags na pino-produce at binebenta ng kompanya niya.

Stacey placed the basket beside her. She sat on the sofa and placed her feet on top of the coffee table. Tumulala muna siya. Nag-visualize siya ng mga kulay at patterns na hindi pa nasusubukan. When she was ready, Stacey chose some yarns and began experimenting.

.

.

.

***

.

.

.

"FINALLY," mahigpit na wika ni Ronaldo kay Renante nang madatnan ng binata ang ama sa veranda.

Kakauwi lang ni Ronaldo mula sa pinuntahan nitong pang-hapong misa kasama ang asawa. His father could have roasted him if it were not for his mother. Nauna kasing nakausap ni Renante ang ina at pinaliwanag kung bakit ngayong araw lang nakauwi. Pwede na rin siguro na dahil kagagaling lang nito sa simbahan kaya kontrolado ang sarili mula sa panenermon sa kanya.

"Hi, Dad," magalang na bati ni Renante sa ama. But as usual, he was calculating, making sure that he was going to say the right things to his father.

In other people's eyes, Renante and Ronaldo seemed to get along pretty well, but that was only a façade. Within their house, Ronaldo cared more for his elder brother, Ronnie. Bakit hindi? Ang kuya niya ang achiever ng pamilya. Renante have always tried, but even when he got into college, he was still beated to the top spot. Mostly by that geeky guy, Marty. Isa iyon sa mga dahilan kaya mas proud ang ama niya kay Ronnie.

Hindi naman malaking isyu pero, hindi naman maikakaila ni Renante na minsan, naapektuhan siya sa favoritism ng ama.

Nilipat ni Renante ang mga mata sa kanyang ina. His mother, Luz, stood beside his father in her formal white dress. Simple ang pagkakagayak ng maikling tabas ng buhok nito. She softly smiled at him and glanced at his father. Nagpapaalam ang tingin ng ginang sa asawa bago sila iniwanan para makapag-usap ng solo.

Tinanaw niya ang ina hanggang sa tuluyang mawala sa paningin. That's when he faced his father who was already walking toward him. Tumigil si Ronaldo sa harapan niya, nakatukod ang mga kamay ng kanyang ama sa likuran nito, sa bandang balakang.

"Hindi ka umuwi kagabi. Ang sabi ng Mama mo, nakitulog ka sa bahay ng kaibigan mo."

He gave Ronaldo a nod. "Yes, Dad."

"What behavior is this?" pagsasalubong ng mga kilay nito. "Renante, you're too old for sleepovers. You should be spending your weekends on things that makes sense. May mabuti pa nga kung natulog ka na lang ng natulog. Para nasa kondisyon ka bukas sa trabaho mo."

It would be safer to stay shut. So he did not reply. Iniwas na lang ni Renante ang mga mata sa ama.

"Tell me, ano na ba ang na-achieve ng VVatch para mag-relax ka ng ganyan?"

He took in a deep breath.

"It's you who wanted to prove something here, right?" pilit ng matanda na saluhin ang mga mata niya. "Are you giving up?"

Renante responded a cold, soulless stare to his father's sharp gaze.

"As far as I can clearly remember, Dad, I demanded to step down from your company and have my own company, para walang nakikialam sa kung paano ako magpatakbo ng negosyo."

His father looked clearly offended, filled with disbelief. "You know that you'll need help, Renante. Our help. You are already secured in our company. Pero masyado kang yumabang."

Napapamewang na lang siya.

"Don't breed your insecurities for your brother," mariing saad ng kanyang ama. "Matuto kang igalang ang kuya mo. Matuto kang magpakumbaba. Hindi pwede ang ganyan hindi lang sa negosyo kundi gayundin sa pamilya."

Matalim na tingin na lang ang sinagot niya sa ama. Hindi rin naman kasi maikakaila ni Renante kung ano ang totoo. Yes, aside from getting tired of always heeding his father's every order, aside from getting fed up of being pressured to impress him, he also wanted his own company to make his own mark. Something that doesn't involve his father. Especially Ronnie.

Masakit sa pride niya na paboritong anak na nga si Ronnie, subordinate pa siya ng kuya dahil halos boss na niya ito sa kompanyang hawak nito. At kahit anong gawin ni Renante, walang balak ang ama niya na bigyan siya ng patas na shares o posisyon sa kompanya nila.

Kaya mas mabuti pa na magsolo na lang siya.

"Fine," suko na ng ama niya. Kabisado na ito ni Renante. Kaya nananahimik na lang siya ay dahil alam niyang kapag wala siyang sinabi, mauubusan ng sasabihin ang ama at iibahin na ang topic. "I was looking for you last night, because I have an offer for you."

His eyes narrowed. "What is it?"

"You'll want alliances and investors for VVatch," panimula nito, "so this week, nagkakamustahan kami ni Kumpadre Ejercito. His daughter, kababalik lang galing ng Denmark. She seems to be into luxury accessories as well, like watches."

"Then what?" matabang niyang saad. "Tulad nung ginawa mo sa amin ni Sondra, gusto mong yung anak ni Ejercito naman ang pormahan ko? For alliance?"

"Yes. It could work this time," anito na tila hindi apektado sa sarkastikong ngisi ni Renante.

Nagpakawala siya ng pagak na tawa. "Iyan ang dahilan kaya nagalit ka nung hindi ako nakauwi kagabi? Iyan yung importanteng bagay na hindi mo nasabi dahil wala ako kaya nagalit ka?"

"You—" duro nito. Pinutol agad ni Renante ang sasabihin ng ama.

"Like what I said, nagtayo ako ng sarili kong kompanya dahil ayoko ng may nagdidikta sa akin kung paano ako magpalakad ng negosyo."

The shock and disappointment on Ronaldo's face made him grin proudly.

"I think we're done here, Dad," he shrugged. "I have to go and pack my bags."

Naglalakad na siya palayo sa ama nang marinig ang tanong nito.

"Pack your bags? Where the hell are you going? I'm sure, it's not a business trip," may kalakip na pangungutya sa boses nito. Na para bang imposibleng magkaroon siya ng business trip dahil magda-dalawang taon pa lang ang VVatch at matumal pa.

Hindi niya nilingon ang ama, ni hindi huminto sa paglalakad. "I'm moving out of this house."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top