Chapter Forty-Two - Faith

NAPALINGON SILA STACEY SA HUMAHANGOS NA SI MARY GRACE. Saglit lang iyon. Nang makitang kay Mary Grace lang pala galing ang nagmamadaling mga yabag, binalik nila ang atensyon sa ginagawa.

"Oh," patuloy ni Stacey sa pagpiprito ng galunggong, "malapit nang maluto 'to. Ano na ang next na gagawin?"

Nasa mesa sila Mary Ann at Mary Jane, katatapos lang maghiwa ng bawang, sibuyas at luya. Dahil sa sinabi ni Stacey, napalingon ang mga ito kay Mary Grace na parang hindi mapakali ang mga mata. She remained standing in that room, speechless, not knowing who to talk to.

"Hoy, Ate," pukaw ni Mary Jane dito, "ang tagal mo namang mamitas ng dahon sili. Akin na nga iyan!" lahad nito ng kamay.

Nauna namang tumayo si Mary Ann para bitbitin ang gatang nasa bowl at pinggan kung saan nakaipon ang iba pang isasahog. Lumapit ito kay Stacey at nilapag ang mga dala sa tabi ng kalan.

Hindi nakalakad si Mary Grace kaya napipilitang nilapitan ito ni Mary Jane.

"Ang O.A. ha," panunukso nito sabay kuha sa dala nitong mga dahon. "Anong nangyari sa'yo?"

"S-Si... Si Kapitana, dumaan dito kanina," humahangos nitong saad.

"Oh? Anong bago r'un, eh lagi naman sila nagroronda bago gumabi?"

"Kasama niya 'yung Renante!"

Napatingin sila rito.

"Eh?" pamimilog ng mga mata ni Mary Ann.

"Aba'y oo!"

"Hindi nga?" iwan agad ni Mary Jane sa dahon ng sili sa pinggan na malapit sa kalan bago nagmamadali ang tatlo na lumabas ng bahay.

"Hoy! Saan kayo pupunta?" pahabol na tawag ni Stacey sa mga ito. Susunod n asana siya kaya lang nasa kalagitnaan na siya ng pagluluto. She eyed on the ingredients in front of her one by one.

Alin sa mga ito ang susunod kong ilalagay?

"Wala na pala!" maktol ni Mary Jane sa kapatid nang mabilis na bumalik ang mga ito sa kusina.

"Hindi niyo naman tinanong eh, kung nandiyan pa!" dahilan ni Mary Grace.

Stacey just turned to Mary Jane. Nagmamadaling nagsalang na ito ng kaldero at doon nito binuhos ang gata bago sinundan ng iba pang mga sangkap. She watched so that she can learn from what she was doing.

Siyang ahon niya sa mga piniritong galunggong at pinatay ang kalan na ginagamit niya.

Iniwanan muna niya si Mary Jane para lapitan si Mary Grace na nakaupo na sa mesa. Abala naman sa pag-aayos ng mesa si Mary Ann.

"Sigurado ka bang siya ang nakita mo?" nilihim niya ang pag-aalala habang tinatanong si Mary Grace.

"Oo. Hala ka, baka alam na nandito ka at hinahanap ka."

Naguguluhang napatitig siya rito. Mary Grace stared back. Tila nag-buffer bago kinikilig napabulalas.

"Ayieee! Hinahanap siya ng Renante niya!"

"Excuse me!" iwas niya ng tingin dito. "I'm sure it's not that. Wala siyang kaide-ideya na dito ako pumunta, no."

Nanunukso ang tingin ni Mary Grace na pumalumbaba para titigan siya. Nanghuhuli ang tingin nito.

"Weh, talaga? Wala kang iniwang clue? As in?"

"Wala, okay?" Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Baka naman, pinaglololoko mo lang ako ha!?" kurot niya sa tagiliran nito.

Dumaing ito pero natawa rin. "Aw! Ako pa? Ako pa lolokohin ka?"

Napapaisip tuloy siya kung gaano katotoo ang mga sinasabi ni Mary Grace.

"Tse! Huwag ka magpapaniwala diyan kay Ate!" sulyap sa kanila saglit ni Mary Jane. "Eh, wala nga kaming nakita ni Ann kanina!"

"Totoo! Aba, ayaw pa maniwala, eh! Nakita ko talaga siya! Kasama niya si Kapitana at saka 'yung mga tanod. Tapos," bumalik ang mga mata ni Mary Grace sa kanya, "Nanting pa ang pakilala ni Kapitana sa kanya."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Nanting?"

"Oo. Nanting daw ang pangalan niya. Apo raw siya ni Kapitana. Bagong bakasyon dito kaya sinama sa pagroronda para raw maipasyal dito."

Stacey placed her arms on the table. This was not the right timing but...

"Nanting?" pinipigilan niya ang matawa nang lingunin muli ang kausap.

"Oo, Nanting daw."

She stifled a chuckle but it slipped off her lips anyway. "Oh, my God! Nanting talaga ang tawag sa kanya?" tawang-tawa niyang kumpirma.

Mary Grace shook her head. Natatawa na rin ito. "Parang ang tanda, 'di ba?"

Napuno ng tawanan ang kusina.

.

.

.

GOOD FRIDAY. EVENING.

Kung tama ang indicator sa gps tracking app na naka-install sa cellphone ni Renante, sa bahay na ito ngayon nakatira si Stacey. He wouldn't forget that Grace. Tanda pa rin niya kung gaano kailang ito sa kanya nung nakita siya. Parang nagulat pa ito at hindi nakapagsalita kaagad. Ni hindi nga makapagsalita ng maayos. Call his skeptical, but for him, he was just eyeing on details.

May dalawang aso na kinahulan kaagad siya nang makitang nakatayo sa gate.

Fuck it. He wasn't scared of dogs.

Lumagpas sa malaking bakuran, mga pananim at lupang hagdan ang kanyang mga mata. Tinanaw ni Renante ang sementadong bahay bago nagtawag.

"Tao po! Tao po!"

He wasn't even sure if Stacey would come out to see him. Kaya nga ito umalis ng walang paalam, 'di ba? Para hindi na niya ito malapitan pa o magkita. Idadahilan na naman ng babae na para ito sa kaligtasan niya.

At nandito siya para ipaalam dito ang katotohanan. Na hindi ito dapat lumayo o magtago.

If she decided not to come out, he has an alternative solution to this.

Nilabas niya mula sa bulsa ang isang nakatiklop na papel.

"Tao po!" tawag niya ulit.

Nakatira sa paanang bahagi ng kinatatayuan ng bahay na iyon sila Mang Lito at Ka Olga. Tatanggalin sana ng matandang lalaki ang tukod ng bintana para isara iyon nang matanaw siya. His back turned against his direction. Nagmamadaling sinara nito ang bintana at nagpaalam sa asawa bago lumabas.

Renante sighed. Nakailang tawag na siya pero wala pang lumalabas sa bahay. 'Yung Mary Grace ba, hindi man lang lalabas? Para maabutan niya nitong sulat niya?

"Hijo," tawag ng kung sino kaya alertong pumihit siya paharap dito.

An old man was approaching him. Paakyat ang tinatahak nitong daan at may nagtulak sa kanyang lapitan agad ito para alalayan. Tinabig lang ni Mang Lito ang kamay niya at nagpatuloy.

"Kaya ko na," anito bago siya nakaharap. "Ano ang sadya mo sa bahay na iyan?"

Mukhang hindi yata nito tanda na siya ang pinakilala ng kanyang Tita Lola sa mga residente rito kahapon, nung nagroronda sila. Nung sumunod na mga araw kasi hindi na sumama si Renante. He decided to maintain a safe distance from Stacey in those days, observing if the stalker would suddenly do something or what. Wala naman. It had been really peaceful these weeks. Mukhang ang peace of mind lang talaga ng stalker na iyon ay ang mapaglayo sila.

Pero kung stalker talaga iyon, hindi ba dapat nakasunod ito sa kanya? Palihim na nagmamanman?

That's why he still needed to be more careful.

"May... May gusto lang ho ako makausap."

"Sino?"

"Si Stacey ho."

It's now or never. Sasabihin ba ng matanda kung nandito ang dalaga o hindi?

Dahil wala namang ideya si Mang Lito, napatango ito.

"Ah, ganoon ba?" Parang may sasabihin pa ito natigilan nang may naalala. Nangingilala ang naniningkit nitong mga mata. "Ikaw 'yung Nanting, 'di ba? Yung apo ni Kapitana Anore?"

He politely smiled. "Ako nga ho."

"Naku, wala siya diyan. Nasa bayan para maki-prusisyon at manood ng Giwang-Giwang kasama ang mga apo ko."

"Giwang-Giwang?"

.

.

NAKAKABINGI ANG INGAY NG MGA TAO. Natakluban na ng kadiliman ang langit. Daig pa ng mga tao ang sardinas sa lata sa sobrang pagsisisksikan. Makikitang nakahimlay ang gawa sa kahoy na imahe ng Senyor. Ang Giwang-Giwang ay ang pagsasabuhay nila ng Holy Burial procession bilang paggunita sa kamatayan ni Hesukristo. Naturingang ­Giwang-Giwang dahil gumegewang o nagi-sway ang Santo Entierro habang umuusad ang prosisyon dahil pasan ito ng mga nakahanay na kalalakihan sa kanilang mga balikat. Halos lahat ng mga deboto ay nagsusumikap na maiabot sa lalaking nakabantay sa carosa ang kanilang mga panyo para maipunas sa mga paa ng Senor na nakahimlay sa loob ng salaming kahon na maganda ang pagkakaukit ng mga frame. Tila kumikislap ang nakakabit na mga pailaw dito. Napapalamutian din ito ng matitingkad at namumukadkad na mga bulaklak.

Stacey felt pushed by the crowd. Mas madali kung magpapatangay na lang sa mga ito habang sumasabay sila sa pag-usad ng caroza. Napasinghap na lang siya nang may humila sa kanya.

Mary Ann pulled her inside an open catery. Doon, mas maluwag at hindi sila nasisiksik ng mga tao na nilagpasan lang sila para makisabay sa caroza.

Napabuntong-hininga si Stacey at naglabas ng panyo para punasan ang pamamawis ng noo, leeg at mga braso. Despite the cool summer breeze, the crowd gave off a humidity that made them sweat.

"Iikot iyan sa buong bayan," paliwanag sa kanya ni Mary Ann, "at babalik ng simbahan."

Napaupo si Stacey sa bakanteng espasyo ng mahabang bangko ng karinderyang iyon. "Grabe 'yung sacrifice pala ng mga tao rito, no? Taon-taon ito, 'di ba?"

Tumabi sa kanya si Mary Grace. "Aba'y oo."

Pinanood niya ang patuloy na pag-abante ng prusisyon.

"Gutom ka na ba?" tanong sa kanya ni Mary Grace nang mapansin ang pananahimik niya habang sinisilip ang cellphone nito.

"Ay, tamang-tama," nakiupo na rin si Mary Ann sa tabi nila, "gutom na rin ako, eh!"

"Bakit kaya hindi pa nagte-text itong si Mary Jane?" labi ni Mary Grace bago binalik ang tingin sa kanya. "Siguro maaga sila natulog ni Ka Olga. Bale, papunta na itong prusisyon sa bandang fishport, Stacey. Tuloy ba tayo o uuwi na?"

Stacey turned to her and smiled. "Sige, umuwi na tayo. Pagod na rin ako, eh."

Ewan. Hindi naman ganitong klase ng panlulumo ang nararamdaman niya nitong mga nakaraang nandito siya sa lugar na ito. Dahil siguro ito kay Renante.

Sa mga sinabi ni Mary Grace na nasa lugar na ito rin ang binata.

Kung ganoon, bakit mula nung nakita ito ni Mary Grace nung Martes, hindi na ito muling napadaan sa bahay? Hindi man lang siya nito hinanap? Hindi man lang nagtawag.

Ayon kay Mary Grace, hindi nito nabanggit na doon siya nakatira dahil hindi naman nito alam kung okay lang ba sa kanya na ipaalam pa iyon kay Renante.

Pero kahit na! Hindi ba siya nababanggit ni Kapitana Anore dito?

At bakit naman gusto niyang magkita sila ni Renante? Hindi ba, kaya nga siya nagtago rito, ay para na rin sa kaligtasan ng lalaki? Para hindi na ito ang sunod na mapagdiskitahan ng kanyang stalker?

This is already a life matter. It all started when Piccollo almost died.

All because of her. All because she got too close to him.

Hindi niya kakayanin kapag kay Renante iyon nangyari.

At natuluyan ito nang dahil lang sa kanya.

Sumunod siya kina Mary Grace at Mary Ann paalis ng karinderyang iyon. Tutal, napagkasunduan naman nilang tatlo na sa bahay na lang kakain, heto at maghahanap sila ng sakayan ng tricycle para makauwi na. The wave of devotees walked against their direction, making them bump some arm to arm. May muntikan na siyang mabangga kung hindi lang mabilis na gumilid si Stacey at pinalagpas ang mga ito.

Nang lalakad na ulit siya, pumitik ang kaba sa kanyang dibdib. She craned her neck and scanned the crowd. Nasapo niya ang noo. Bakit ba kasi naisipan nilang magsuot din ng puting t-shirt tulad ng mga tao rito sa prusisyon? Nahihirapan tuloy siyang hanapin ang dalawa!

Stacey waded through the crowd. Hindi bale na. Alam naman niya kung ano ang sasabihin kapag nakasakay na siya sa tricycle, kung saan siya magpapahatid. Kaya lang, baka hanapin siya ng magkapatid. That's the only thing that's worrying her. Hindi pa naman niya dala ang cellphone niya.

Narating niya ang kanto kung saan abot-tanaw ang isang covered court at malapit ang isang convenience store. Panay ang abang niya sa magkapatid pero hindi pa rin nagpapakita ang mga ito. Lalo tuloy siyang nag-aalala.

Stacey sighed and pocketed her hands in her jeans. Maghihintay muna siya sa mga ito rito.

.

.

RENANTE'S HEAD BOBBED UP AGAINST THE CROWD. Tumanaw siya sa mga tao para isa-isahin ang mukha nila. There was still no sign of Stacey here.

Nagtanong-tanong naman siya. Ito raw ang Giwang-Giwang. Itong mahabang prusisyon na ito ng mga deboto kung saan buhat nila ang imahe ng Santo Entierro. Naabutan na lang nila ito ng kanyang Tito Theo nung nasa bandang fishport na. Doon, mas nabawasan ang init na sanhi ng siksikan at dami ng tao dahil katabi lang ng kalsada ang lawa na pinagmumulan ng preskong hangin.

And yet, he still couldn't find Stacey here.

Napakurap siya saglit ng mga mata. It was as if his eyes were starting to get blurry.

Hindi pa siya nakakaramdam ng ganito katinding init at hilo habang nakikipagsiksikan sa prusisyon. At nang lingunin si Tito Theo, mukhang naiwanan na niya ito dahil sa pagmamadali niyang hanapin sa kumpol ng mga tao si Stacey.

He felt himself swaying as he stepped out of the procession's crowd. Tumuloy siya sa daungan ng mga bangka at umupo sa isa sa mga waiting benches doon. Nagkalat sa daungan ang mga mangingisda na nag-aahon doon ng banye-banyer ng mga bagong huli nilang isda. May ilang tinderong nag-iikot para magtinda lalo na para sa mga nagko-commute gamit ang bangka papunta sa tinitirahan nila sa kalapit na mga isla tulad ng Kalinawan.

Habol ni Renante ang hininga habang minamasahe ang sentido. Para siyang masusuka sa hilo. He felt a presence beside him.

As Renante turned, he met his uncle's understanding smile. Inabutan siya nito ng malamig na mineral water.

"Pasensya na kung nauna ako rito sa daungan. Binili lang kita ng tubig."

Napapangiting tinanggap niya iyon. "Salamat," halos paos niyang wika bago tumuwid ng upo para inumin iyon.

"Hindi ka sanay sa ganito, hane?" magaan nitong tanong, hawak ang sarili nitong bote ng mineral water. "Yung ganitong klase ng hirap at sakripisyo na ginagawa ng mga tao rito tuwing Mahal na Araw."

They watched the ongoing procession.

The lights seemed to reflect on his eyes.

"Delikado 'yung ganito, alam mo ba?" gusot ang mukha na lingon ni Renante sa tiyo habang binubuksan ang boteng hawak. "People can get suffocated in there! And what if that thing—" tukoy niya sa pasan nilang imahe, "—break or fell on them? Nakita mo naman, 'di ba? Inaakyatan ng mga tao para ipunas 'yung panyo doon sa loob nung box."

Maluwag na ngumiti ang Tito Theo niya. "Alam mo, iyan nga ang masarap sa pakiramdam ng isang deboto. 'Yung lahat ng panganib nasusuong at nalalagpasan nila nang dahil sa tindi ng pananampalataya nila."

Hindi niya mabuksan ang bote ng mineral water. Nanlalambot pa siya dala ng sobrang init at hilo na dinanas.

"Still, this is crazy," he softly murmured.

"If it is, then why are you here?"

Kumunot ang noo niya. Nasa prusisyon pa rin nakatanaw ang mga mata.

"Anong nangyari sa pinuntahan mong bahay kanina? Kinausap ka ba niya?" nasa himig nito ang panunukso.

Inabot niya ang bote kay Theo. "Tito, pabukas nga."

Magaan itong natawa at pinagbigyansiya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top