Chapter Forty-Nine - Comeback
NASAPO NI STACEY ANG NOO. Napabuntong-hininga na lang siya nang marinig mula kay Renante kung sino ang bangkay na nasa sahig ng kanyang bahay.
"Siya si Detective Brian Ortiz," dugtong ng binata matapos banggitin na ito ang ini-hire nitong mag-imbestiga at kilalanin kung sino ang stalker.
Nag-angat siya ng mga mata sa binata mula sa kanyang pagkakaupo sa solohang sofa.
"Ano na ngayon ang gagawin natin sa kanya?"
Nanatiling nakatayo si Renante. He stood on the side where the dead body was facing. Kung ano ang hitsura nito noong nakita ni Stacey ay pareho pa rin. Hindi niya kasi tinangkang hawakan o galawin ang bangkay.
Nakapatagilid ito ng pagkakahiga sa sahig. Matigas at walang katinag-tinag. Kapansin-pansin din ang pangangamoy nito. Pinagpapasalamat na lang niya na hindi pa nade-decompose ang katawan. Kung hindi, baka hindi na niya kayanin pang tingnan ito. Nakasuot ang lalaki ng pantalon at t-shirt na asul. Napapatungan ang t-shirt ng denim jacket. Walang makikitang bakas ng anumang dugo sa paligid nito.
Naaawa siya sa tuwing napapagawi ang tingin sa patay. Tulad na lang ngayon. Samantalang walang mababakas na anumang emosyon sa mukha ni Renante. He looked the most unaffected between the two of them.
"What's weirder is that," patuloy ni Renante, sumisiyasat ang mga mata sa bangkay nang hindi umaalis sa kinatatayuan nito, "hindi makalat ang pagkamatay niya."
She nodded in agreement. Nahilamos na lang niya ang isang kamay sa mukha.
"Posibleng hindi siya dito pinatay. It could be somewhere far from here. Tapos, dinala na lang siya rito para ipanakot sa iyo."
Bumaba ang binata. She watched him squat and lift an arm.
"Anong gagawin mo!" She could not help blurting it out. Tangka yata ng binata na hawakan ang bangkay.
And Renante confirmed it. "I'll just check."
"Check?" tayo niya mula sa kinauupuan. "Renante, huwag mong hawakan 'yan. Huwag na huwag mong hahawakan?"
Nagsalubong ang mga kilay ng binata.
"We have to check. Baka may clue tayong makita. He's my detective, so most probably, he left some photos or notes in his cellphone. Pwedeng makatulong iyon para ma-update tayo sa bagong progress ng investigation niya."
"Can't we just..." Stacey knew where she was going with this. Napailing tuloy siya.
Hindi. Hindi pwede itong naiisip niyang solusyon.
"Can't we just what?" tindig ni Renante para mag-level ang mga mata nila.
She returned her eyes on him, caught his gaze.
"Gusto kong maalis na ang bangkay niya rito. Can't we call an ambulance or... or a funeral service?"
"Then what?" pamewang nito gamit ang dalawang kamay. "We will be asked for details about him. And we don't have any clue."
"Una kong naisip na tumawag tayo ng pulis pero," napaiwas siya ng tingin, "malilintikan tayo nito. Siguradong magiging suspects tayo sa magiging kaso ng pagkamatay nitong detective mo."
"If someone complains," Renante remained calm. "Eh, alam naman ng asawa niya na client niya ako. At aware ang asawa niya na darating si Brian sa ganito. Na may posibilidad na hindi na siya mauwian ng asawa niya."
"That's so cruel!" she snapped at him.
"What's cruel about it?"
"The fact na parang hindi ka apektado sa pagkamatay niya. Na hindi malaking issue itong pagkamatay niya!"
"Ano ang gusto mong gawin ko? Mag-panic? Matakot? Magluksa?" When Staceycould not come up with an answer to Renante's comeback, he sighed. "Look, Stace. I feel bad for him. But it won't help if I take his death personally. I feel at fault of this somehow, because he died while doing his job for me. Handa akong magbigay ng anumang compensation sa mga naiwanan niyang mahal sa buhay, Stace. But I'll settle that at the right time, and not now."
Binalik niya ang mga mata sa bangkay. "Eh 'di ano ang gagawin natin sa kanya?"
Napunta na rin doon ang tingin ni Renante. "We have to find that stalker real quick. Bago pa siya may mapatay ulit. But the first thing I can do is contact his agency, inform them about this." Kinapa ng binata ang cellphone nito sa backpocket ng pantalon. "They should know what to do in situations like this. Most probably, they will send me a new detective. That detective will be expected to finish our case and pinpoint who will be charged for stalking and for killing Brian."
Nagsimula nang mag-tap ang binata sa hawak nitong cellphone.
Nanghihinang napaupo na lang si Stacey sa sofa. "Eh, ako? Ano ang gagawin ko kung ikaw na ang magha-handle dito kay Detective Brian?"
He lifted his eyes on her. At this moment, Renante seemed to change. His whole aura and vibe were so businessy, cold and tactful.
"Check that box," turo ng ulo nito sa pinatong nitong tin box katabi ng telepono at lamp shade na nakapatong sa mesa. "Iyan 'yung mga nakalap ni Detective Brian na mga ebidensya. I will need you to check them and his report."
Stacey took in a deep breath. The pressure was beginning to creep all over her body, but she chose to stay strong. As if she had any other choice. The dead body in the living room should not easily unnerve her. Dinampot na niya ang kahon at dinala sa kanyang kwarto.
Ilang minuto pa at kumatok na si Renante bago sumilip sa loob.
Nadatnan siya nitong blangko ang pagkakatitig sa screen ng kanyang laptop. Nagtaka man ang binata, nanatili itong kalmante. Humakbang ito at maingat na sinara ang pinto. He sat on the side of her bed, gave her a look before glancing at her laptop.
Nakalantad sa screen ng laptop ang word file kung saan nakasulat ang report ni Detective Brian.
"Wala ka bang in-edit dito?" walang lingon niyang tanong sa binata.
"Wala," he replied lowly. "How can I edit that? Naka-restricted ang editing feature ng file na iyan?"
She tried deleting a letter. May biglang nag-pop out sa screen na prompt na kailangan niyang mag-ented ng password.
"See?" wika ng binata.
"Okay," Stacey recollected herself. "Mula sa mga nabasa ko rito, hindi ko maalis ang suspetsa kong..."
"Ano?" usig nito nang natahimik siya.
Bumangon si Stacey mula sa pagkakadapa niya sa kama. She folded her legs to one side before turning to meet Renante's eyes.
"It could be Marty," she could not believe that she was not suspecting someone she knew for all of this.
Napatitig si Renante sa screen. "I'm thinking that Kylie could be involved."
Lalo siyang nasaktan sa narinig. Oo, masakit isipin ang mga nahalata niya noong huling nakausap si Kylie. Na parang may gusto ito kay Renante, at kung may pagkakataon lang, gagawa ito ng paraan para mapansin ng binata. But at the same time, it pained her just to imagine that Kylie would come to this point.
"Why her? May mga pinag-usapan ba kayo noon sa coffee shop na hindi mo pa nasasabi sa akin?"
Tinukod ni Renante ang isang kamay sa bandang likuran para mas makaupo ng relaxed sa gilid ng kama.
"Think about it. If Marty likes you and is your stalker, bakit hindi niya ako pinagti-trip-an?"
"Hindi ba, may theory na tayo tungkol diyan?"
"Pero ang tagal naman niyang pagdiskitahan ako!" panlalaki nito ng mga mata sa kanya.
"At parang gusto mo pa na mapahamak ka para lang mapatunayang kung si Marty nga 'yung stalker!"
"Why not?" his eyes pierced her.
"Why Kylie?" balik niya sa tunay na pinagtatalunan nila.
"Iyon nga. Nakausap ko kasi noon sa phone si Detective Brian. Base sa sulat na natanggap ko sa alumni party, parang ang motibo nung stalker ay takutin 'yung taong mahalaga sa akin. Para layuan niya ako o layuan ko siya." There was now this dark faraway look in Renante's eyes. He stared at nowhere, trying to recall things. "Tapos, nung hinatid ko si Kylie pagkatapos naming magkita sa café, sinabihan niya ako na layuan ka. Na baka ikapahamak ko kung itutuloy ko ang paglapit-lapit sa iyo." His eyes found hers again. "And you said that Marty likes her, right? Kylie can use Marty, para gawin ang gusto niyang ipagawa sa kanya. 'Yung mga sulat sa alumni, Kylie could have requested Marty to add that letter I received."
Paano ba niya nakakaya ito? Paano niya naaatim na marinig mula kay Renante na ang mga taong akala niya ay walang masamang tinapay sa kanya ang posibleng nasa likod ng lahat ng ito?
Stacey lifted her hands and combed her hair up. Huminto sa kanyang ulo ang mga kamay.
Pakiramdam niya sasabog na ang utak niya habang pinipilit na pagtagni-tagniin ang mga nangyayari sa mga nabasa niya mula sa report ni Detective Brian.
"Do you have a plan in mind, Stace?" tanong sa kanya ni Renante.
"Wala. Hindi ko alam. I don't know what to think," she balled her hand to a fist, gently punched the bed. "Gusto kong magalit. Gusto kong mainis." Napailing-iling siya. "Kung si Marty o si Kylie nga ang may kagagawan ng mga ito... bakit?" Renante caught her glaring eyes. "Ang ganda-ganda ng pakikitungo ko sa kanila! Bakit ginaganito nila ako? And even if you are their reason for doing this, paano nila naaatim na ganituhin ako?"
"Sila ang may mali, Stacey," matiim nitong titig sa kanyang mga mata. "Don't ever question yourself if you did something wrong to them. Because you never did anything to hurt them intentionally."
Napabuntong-hininga na lang si Stacey. Nasapo ang noo.
.
.
.
***
.
.
.
MADALING-ARAW na nakarating ang ilang mga tauhan ng agency na pinagmulan ni Detective Brian. Kumatok si Renante kanina sa kanyang kwarto at binalita ang pagdating ng mga ito. Sinabi niyang susunod siya.
Naghilamos at mumog lang si Stacey. Suot pa rin niya ang pantalon at shirt na suot mula nung bumiyahe pauwi rito. Hindi na siya nakapagpalit ng pantulog dahil nakatulugan na niya ng hindi namamalayan ang pag-iisip-isip. Hindi niya maalis noon sa isip ang mga nalaman mula sa mga iniwanang files ni Detective Brian.
Nang makalabas si Stacey ng kwarto, wala na sa salas ang bangkay ng lalaki. Naisakay na ito ng mga kalalakihan sa dala nilang sasakyan na nasa tapat ng gate ng bahay.
Ang naabutan na lang niya ay si Renante, kausap ang dalawang kalalakihang suot ang mga polo shirt na itim. May tatak ang mga iyon ng logo ng kanilang agency.
Huminto saglit ang pag-uusap ng tatlo nang mapansin siyang nakatayo sa likuran ni Renante.
"She's Stacey," atras ni Renante para mas makita siya ng mga kausap nito. Nakatayo lang ang binata sa kanyang tabi.
Nanatiling seryoso ang mukha ng dalawang lalaki. Propesyunal ang tono ng pananalita at pakikitungo sa kanila.
"Pretty woman, no wonder this is your case," balik ng mata ng isa sa mga officer kay Renante. Walang kabuhay-buhay o anumang emosyon na makikita rito. Umatras ang lalaki. "Well, we have no time to waste. I suggest that you start talking to Detective Orland," tukoy nito sa isa pang lalaki na kasama nila. "Give him a little briefing about your boundaries or any kind of favors that you think he needs to know. Nakausap na namin siya tungkol sa naiwang trabaho ni Detective Brian. Pinapasahan din kami ni Detective Brian ng mga files na may kinalaman sa trabaho niya kaya updated na itong bago niyong detective tungkol sa progress ng investigation."
Napatitig si Stacey kay Detective Orland. Kung ganoon, posibleng mas updated ang mga ebidensya at report na nakita niya.
Detective Orland was already in his late fifties. That made her worry more about his safety. Tinapunan niya ng tingin si Renante na seryoso lang habang nagpaalamanan sa lalaki bago sila iniwanan kasama si Detective Orland.
"Have a seat," anyaya ni Renante sa lalaki.
Sumunod ito agad at umupo sa mahabang sofa. Siya na ang pumuwesto sa solohang sofa at si Renante ang tumabi sa lalaki. Medyo nakapatagilid nga lang ang upo ni Renante para nakaharap ito sa kakausapin.
"Hi, Orlando," maikling panimula ng binata. "I hope you don't mind if I double check if you're really already updated about the progress of Brian's investigation?"
"Oo. Updated na ako. Nakita ko na ang mga files kagabi at nabasa ang mga drafts ng reports ni Brian. Protocol ng agency namin na magpadala kami sa head office ng kopya ng mga ebidensya at draft reports via email, kung sakaling may mga ganitong mangyari... tulad ng pagkamatay ni Brian. Just to make sure that all of our efforts for the investigation would not go to waste, Sir."
"Good," tuwid ni Renante ng pagkakaupo. Tila patay ang mga mata ng binata. "May kopya rin kami ng report niya at nasa akin din ang ilan sa mga physical copies ng mga ebidensyang nakalap niya."
"Pwede ko bang makita, Sir?"
"Sure," tumayo na si Renante, nilingon siya. "Stace, if you have questions, ask Orlando already."
Umalis na ang binata nang tumango siya. Nilingon ni Stacey si Renante, pinanood hanggang sa makapasok na ito sa kwarto niya para hanapin doon ang tin box. Nasa ibabaw ng dresser niya iyon, madali na iyon makikita ng binata. Sa ngayon, hinarap na ni Stacey si Detective Orlando.
Pinasadahan niya ito ng tingin. Aside from the wrinkled face and some strands of white hair, the stubbles made the detective look older.
Naihilig niya ang ulo.
"Sir," mataman niyang titig sa mga mata nito, "gaano na ho kayo katagal sa ganitong trabaho?"
"Around thirty-years, Ma'am."
"Thirty years?"
"Yes, Ma'am. Teenager pa lang ako, nagamit na akong asset ng agency bago pinag-aral ng criminology. Dati kasi akong... alam niyo na, napariwara. Pero nakipag-cooperate ako noon sa kanila kaya heto, nasa mas mabuti nang lagay ngayon, Ma'am."
Was it that necessary for Orlando to tell her all these?"
"Well..." sandal niya sa backrest ng sofa, crossing her arms, "aren't you too old for this kind of job?"
She saw amusement in the old man's eyes. Nagpipigil nga yata itong matawa sa kanya.
Pero nanatili siyang seryoso. "Nakita mo naman siguro ang nangyari kay Detective Brian. Kung hindi mo kaya o wala ka sa kondisyong ipagtanggol ang sarili mo..." Naku, huwag naman sana. "Baka matulad sa kanya ang kahinatnan mo."
He smiled slightly. "Ma'am, detective ako. Parte ng trabaho ko na hindi mahalata ng mga minamanmanan ko ang ginagawa ko para maiwasan ang mapalaban at mapatay. Hindi ho namatay ang kasama ko dahil wala siyang alam sa self-defense. Lahat kami, trained sa ganyan. Ang ikinamatay niya ay 'yung nahalata siya ng kung sinumang banta ngayon sa buhay ninyo. At hindi niya alam na nahalata na siya, kaya namatay ng walang kalaban-laban."
Napaisip siya. At hindi napigilan ni Stacey ang mapatanong. "Ano ho kaya sa tingin ninyo ang kinamatay niya?"
"Nung tiningnan ko siya," tingin ni Detective Orlando sa kawalan, "parang... nilason siya."
"Nilason?" kunot ng noo niya. This brought her back to what happened to Piccollo. "Sa tingin mo... may rat poison na involved? Base sa hitsura niya kanina..."
"Hindi ko masasabi, Ma'am," he honestly answered, looking back to her. "Ilang araw na kasi siyang patay. Posibleng may na-miss out ako mula sa napansin ko nung nakita ko siya kanina. Naisip ko lang naman na baka nilason kasi ang linis ng pagkamatay niya. Walang naiwang bakas ng dugo nung dinala siya rito."
Stacey nodded. Mukhang magaling si Orlando sa trabaho nito. Maipapalagay na niya ang kalooban na kaya nito ang sarili.
Umaasa siyang wala nang sumunod pa kay Brian.
Renante finally returned. Bumalik ito sa tabi ni Detective Orlando at inabot dito ang tin box. Mabilis na binuksan iyon ng lalaki at sinipat ang laman ng kahon. Dahil sa pagkakayuko nito, malinaw na nakita ni Stacey ang tila lapel na nakakabit sa kwelyo ng polo shirt nito. Nakakabit iyon malapit sa batok ng lalaki.
"What's with the lapel?" she cautiously remarked.
Nag-angat ito saglit ng tingin sa kanya. Tapos kay Renante. Tumuwid ito ng upo, kinandong ang tin box at pinakita sa kanila ang kwelyuhan ng suot nito.
"Ah, pasensya na ho. Nakalimutan kong banggitin, recorded lahat ng pag-uusap natin."
Muntik na niyang tanungin kung bakit pero napigilan agad ni Stacey ang sarili. It became clear to her now that Detective Orlando needed to record everything that she or Renante says too. Because one of them might be really the people behind this case.
Napatitig siya kay Renante.
It can't be him. Renante can't bebehind all of this.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top