Chapter Forty-Eight - Joint Forces
"WILL YOU BE ALRIGHT?" tanong ni Renante.
Habang nagmamaneho ng kotse, nagnakaw siya ng sulyap sa cellphone na naka-loudspeaker sa dashboard. Wala siyang kahit anong earphone na magpapadali sana sa pagsagot niya ng mga tawag dahil hindi naman iyon gawain ng binata. He strictly forbade himself to drive while talking on the phone.
Crazy to think that he was doing an exemption now. Napangiti na lang siya, pero may kaunting pag-aalala sa mga mata.
Of course, Renante. I can manage.
Just like what Stacey always says— she would manage.
"I'm only letting you because you insisted," aniya at dahan-dahang pinaliko ang sasakyan. "But, after I drop off my stuff in the house, I'll be coming over."
Then come.
A silence took place between then. Renante shove in a deep breath at the inviting sound of her voice. The way she spoke as if encouraging him to come, even if that wasn't what Stacey meant.
"I will," kontrolado niyang basag sa katahimikan. "Please, be careful."
I will, Stacey coolly said, airy with confidence. Ciao.
Hindi pa siya nakakasagot ay naputol na ang tawa.
"Oh, don't say goodbye to me," he managed a grin as he drove faster.
Tila nakikipagkarerahan ang kanyang kotse sa buwan sa kalangitan.
.
.
NANG MARATING ANG BUNGALOW, bumaba pa si Stacey ng kotse para buksan ang gate. Bago gawin iyon, sumilip muna siya sa loob. Her eyes keenly observed the yard. Mukhang wala namang kakaiba roon. Binuksan na niya ang gate at pinasok doon ang kotse na hiniram niya sa mga magulang bago umalis noon.
She got down from the car, carrying some of the bags that she can manage to bring. Binuksan niya ang pinto at naibagsak ang ilang mga dala nang may makitang katawan ng lalaki sa sahig.
Stacey remained firm and composed, despite the fact that the shock made her drop some of her bags. Nanatiling nakapako ang mga mata niya sa nasa sahig ng salas na iyon. Nakaabang siya sa pagkilos nito.
Pero walang buhay na ang katawang iyon.
.
.
NASA MANSYON NA ULIT SI RENANTE. Pagkarating na pagkarating sa mansyon, ito ang una niyang inasikaso imbes na ilabas ang mga gamit mula sa bag na nakakalat sa sahig. Iniisa-isa niya ang mga files sa flashdrive stick na iniwan ni Detective Brian para sa kanya. Kung pagtatagni-tagniin ang mga pangyayari, ito ang posibleng kwento.
Nagsimula ang lahat sa alumni party. Pareho silang nakatanggap ng mga sulat na may kinalaman sa stalker. Stacey received:
HI, STACE. ALAM KONG ANG AKALA MO, WALANG NAGMAMAHAL SA IYO.
LAGI KA NAMAN KASI NAKAABANG SA MANHID NA IYON. AKALA MO BA, HINDI KO MALALAMAN?
AKALA MO BA, HINDI KITA NABABANTAYAN?
KONTING HINTAY NA LANG. MAPAPANSIN MO RIN AKO. BAKA SA ALUMNI PARTY, KASAMA MO NA AKO.
KAHIT MAKA-GRADUATE TAYO, MANANATILI AKONG ANINO MONG NAKABANTAY SA IYO.
Meanwhile, Renante received a letter that said:
I know who you love, and I won't let you be together.
Madali namang maghinalang kay Stacey galing ang sulat na natanggap ni Renante. It was her who knew how he felt for Sondra, and the only person who had the guts to do something to stop them being together. Kung totoo nga na sinulat ang liham na iyon noong nasa kolehiyo pa sila, pwedeng idiin si Stacey bilang na nasa likod ng sulat.
Kaya lang, isang papel lang ang binigay kada estudyante noon. At isa-isa silang pinalagay iyon sa garapon. Nakabantay si Marty sa garapon, kaya siguradong hindi magagawa ni Stacey na magsulat ng dobleng liham— isang anonymous at 'yung isa kung saan inamin nito ang feelings noon para sa kanya.
Nakasulat din sa notes ni Detective Brian na mukhang mas bago ang liham na natanggap niya kaysa sa liham ni Stacey. Nasipat daw iyon ng forensic expert ng agency nila sa klase ng papel na ginamit, sa tinta ng ballpen at pagkakarolyo ng papel. At higit sa lahat, hindi nagmantsa ang marka ng scotch tape sa sulat niya, taliwas sa markang makikita sa natanggap ni Stacey. Ibig sabihin, kailan lang nilagyan ng tape ang papel ng sulat na nataggap niya.
Ayon din sa notes, may dalawang tao na pinagsususpetsahan si Detective Brian. Ang suspisyon ng detective ay base na rin sa ilang mga gabi na nakakausap niya ito sa cellphone nang walang kaalam-alam si Stacey.
Ang una ay si Marty. Iyon ang dahilan ng matindi niyang pagdududa sa binata.
Si Marty kasi ang may access sa mga sulat. Ito ang tumanggap noon ng mga nirolyong papel at ang naglalagay sa garapon. Ito rin mismo ang namigay ng mga iyon sa kanila.
Naging abala rin nung nakaraan ang detective dahil nagmanman ito sa bahay ni Marty sa Tagaytay. Ayon sa sinulat nito sa word file, nagpanggap ang detective na mahilig sa mga aso. Sinadya nitong pumuwesto sa gate ng bahay nila Marty at alukin ng pagkain ang palakad-lakad na aso roon.
May mali sa kwento ni Marty na nilason ang aso nitong si Petchie.
Kasi, Petchie ang tawag ng kapatid nito sa aso na pinakain niya. Mas masungit ang isa pa nitong aso na panay ang kahol mula sa malayo, dahilan para lumabas daw ang isang binata na kasama ni Marty sa bahay na iyon. Nahuli ng kapatid ni Marty si Detective Brian, pinagsabihan at tinaboy.
May nakalagay sa file na stolen photo na kinunan ni Detective Brian gamit ang cellphone nito. Makikitang kumakain si Petchie, isang askal, habang nasa background nito ang isang bulldog na umaangil sa detective at nagpupumilit mahila ang tali nito para sugurin ang lalaki.
But there was a twist to the detective's report.
Ayon dito, hindi pa rin nito maikonekta si Marty sa mga nangyari sa kotse nito at ni Stacey. Ilang araw nitong minanmanan si Marty, pero walang nakita ang detective na katransaksyon ng lalaki na dalawang taong posibleng 'yung mga lalaking nakamaskara na kumikilos para rito. Lalo na at nabiktima rin si Marty ng paninira ng kotse ng mga ito. Ang ilan sa mga pahabol ng detective tungkol kay Marty ay:
1. Kakatanggal lang ni M sa trabaho. Maraming oras si M para gawin ang posibleng pananakot kay S.
2. Laging balisa si M. Panay ang kausap sa mga aso. Hindi marinig dahil nakatago ako mula sa malayo.
M stands for Marty. S for Stacey. Dahil sa mga pahabol, inabisuhan siya na mag-iingat pa rin ay Marty.
Sa susunod na pahina, may panibagong mga clues na iniwan ang detective. Tungkol iyon sa tangkang pagdakip kay Stacey. Sinundan daw ni Detective Brian ang kotse. Nakasaad sa word file ang license plate.
Nadiskubre nito mula sa LTO na expired na ang plakang gamit ng sasakyan. Pero dati raw iyon nakapangalan sa isang taong nag ngangalang Peter Villa.
Nakasaad sa file ang profile tungkol kay Peter Villa. At ang labis na kinalito ni Renante, ay walang kahit anong koneksyon si Peter Villa kay Marty o Stacey. Kahit sa kanya. Nilinaw na rin ito ni Detective Brian sa iniwang notes— na wala itong nadiskubreng koneksyon sa kanilang tatlo.
And now, about his letter. Doon nakuha ng detective ang asumpsyon na sa kanya talaga ang stalker.
Bumalik sa alaala ni Renante ang boses ni Detective Brian nung tinawagan siya nito noon.
"Pasensya na, Sir Renante, kung alanganing oras ako napatawag. May naisip kasi ako bigla related sa kaso mo. Itong sulat para sa iyo na, I know who you love, and I won't let you be together..."
"Yes? What about that one?"
"Hindi kaya sa'yo itong stalker, Sir?"
"Paano'ng sa akin?"
"Isipin mo, Sir Renante," maingat nitong wika, sinisikap na hindi mapapalakas ang boses nito, "bakit hindi ka sinasaktan o tinatakot nung stalker tulad ng ginawa niya sa kotse ni Marty? Ni Stacey? At ang sabi rito, kilala niya kung sino ang mahal niyo at hindi siya papayag na magsama kayo... Hindi ba si Stacey iyong tinutukoy niyang mahal niyo, Sir? Kaya si Stacey ang tinatakot niya?"
His eyes narrowed.
After that conversation a lot has happened before he went to the coffee shop to meet Kylie.
"Mag-iingat ka, ha?" she murmured in a small voice.
"Of course."
"Sa totoo lang, ayokong nagdididikit ka kay Stacey. Baka mapahamak ka, maging target ka ng stalker niya... But..." Sinikap nitong ngumiti. "Naniniwala ako na kaya mo namang utakan kung sino man ang lokong iyon, 'di ba?"
He just stared. Hindi niya intensyong takutin ito, but his gaze was naturally brooding it could be intimidating sometimes.
Kylie nervously laughed. "I'll call you on my free time. Talk about Stacey and have some coffee, maybe?"
Napagawi ang tingin ni Renante sa tin box na nakapatong sa desk, sa bandang likuran ng ginagamit niyang laptop. Hinagilap niya ang sulat at tinitigan iyon.
I know who you love, and I won't let you be together
It could be Kylie. She was at the alumni party. May nasabi rin si Stacey na pinopormahan daw ni Marty ang babae. May posibilidad na ginamit ni Kylie ang feelings nito para pumayag na maglagay ito ng bagong sulat sa fish bowl bago i-distribute ang mga iyon nung alumni party.
Dadalhin ko lahat ng ito mamaya. Pagpunta ko sa bahay ni Stace, isip niya habang binabalik ang sulat sa tin box bago tinanggal ang gamit na flashdrive stick sa laptop. Tinakpan niya ang kahon bago binalik ang tingin sa laptop para mag-check ng emails.
His cellphone rang. Nang makitang si Stacey ang tumatawag, mabilis pa sa alas-kwarto na sinagot iyon ni Renante.
"Hello."
Renante... Pumunta ka na ngayon dito.
His eyebrows furrowed, noticing the controlled seriousness of her voice.
"May umaaligid ba diyan?" aniya habang abala ang isa niyang kamay sa pagligpit ng desk. Dinampot niya agad ang dadalhing tin box.
I don't know. Mukhang wala naman.
He breathed in deeply. He could not help being impressed with the way Stacey was acting right now. The tight voice gave him a clue that she was dealing with something grave right now, yet she remained calm and composed.
"Huwag mong ibababa ang phone," mahigpit niyang wika habang pababa na ng hagdan. "Papunta na ako riyan."
Baka mamatayan ako ng battery.
"Still. Huwag mong ibababa," anas niya, nakikipagtalo pa kasi ang babae.
You can't drive while talking.
"I just did earlier, didn't I?" he tried his best to keep his tone down. "We've joint forces now, Stace. Let's work together. Huwag ka nang mahihiya kapag ganitong mga emergency, okay?"
Anong mahihiya?
"Come on," he groaned. "I bet you're thinking baka nakakaabala ka kaya gusto mong tapusin itong phone call. No, you're not, Stace."
Natahimik ang dalaga sa kabilang-linya.
"Stacey, what's happening?" nag-aalalang usig niya rito.
Mr. Villaluz, I am not shy or thinking that, okay? Ang sinasabi ko lang, konti na lang ang natitirang battery life ng cellphone ko.
Sheesh. So sassy. He internally groaned.
Bago pa narating ni Renante ang dulo ng hagdan, sumulpot doon ang kanyang ina. Nagtatakang pinagmasdan siya nito at ang bitbit na tin box. Medyo nag-alala dahil sa hitsura niya habang kausap si Stacey sa cellphone. He just gave his mother an upward nod, his non-verbal way of telling that he's leaving. Sinundan siya ng ginang ng nag-aalalang tingin nang malagpasan niya ito.
Pasakay na si Renante ng kotse nang magpaalam si Stacey.
"Bakit?" hinto niya sa balak sumakay kahit bukas na ang pintong katabi ng driver's seat.
May tumatawag sa telepono rito sa bahay. I'll answer it.
"Don't you dare disconnect this call," he hissed, getting inside the car. "Leave it open. Sagutin mo na 'yung tawag."
Nagmamadaling sinara niya ang pinto ng kotse, nilapag ang tin box sa dashboard kasama ang cellphone na ini-set niya sa loudspeaker. Binuhay agad ni Renante ang makina ng sasakyan.
.
.
MAS NILAKASAN NI STACEY ANG LOOB. Patuloy pa rin sa pagri-ring ang telepono sa mesang katabi ng pahabang sofa. Binaba niya saglit ang cellphone para palitan ang nakadikit sa kanyang tainga.
She placed her hand on the telephone's handle. Ilang segundo ang pinalipas. Nanuot sa katahimikan ng silid ang nakakabinging pag-ring ng telepono bago niya mabilis na inangat iyon. She pressed it against her ear.
Katahimikan ang sumalubong sa kanya.
Ito na ba ang stalker? Tulad ba ito nung sa mga palabas na alam nung kriminal na nakita na ng biktima ang panakot nitong bangkay? Kaya heto at tumawag para mas takutin pa siya?
Hello? Stace?
Hindi niya agad nakilala ang boses. Her jaws tensed, body increasingly cautious and still as she waited for the caller to continue talking.
Hi? You're there? This is Marty.
She recollected herself, put a chin up. "Marty," she finally acknowledged. "Yes?"
Thank, God, you finally answered. Nitong nakaraan pa ako tawag ng tawag. Kahit sa cellphone mo. But if you're not out of reach, you're not answering.
"Sorry," maingat niyang saad. "I've been on a vacation. Kasama sa bakasyon ko ang social media detox," pagdadahilan niya habang sinisikap na magtunog natural ang pananalita. "What made you call?"
I just tried again. Gusto ko lang sana kasi tanungin 'yung tungkol sa kotse ko?
Stacey breathed in deeply. "Oh... yes. Your car." Inalala niya ang kotseng sinira ng stalker kaya nagpresenta si Stacey na akuin ang gastusin at pag-asikaso para roon. "Kakabalik ko lang kasi, Marty. Wala pa akong update. But didn't my secretary called you or updated you about it?"
Binilin kasi iyon ni Stacey sa naiwang sekretarya sa kanyang kumpanya bago siya umalis.
Wala akong natanggap, eh.
Baka naman kasi masyado kang maagang manghingi ng update, she thought sarcastically before managing to say, "I'll talk to her tomorrow. Okay?"
Okay... tila pagtamlay ng tinig nito. P-Pasensya na sa abala, Stace.
Stacey felt a chill when her eye happened to pass by the dead body on the floor. She suddenly felt a hard lump in her throat. Kailangan na niyang tapusin ang phone call na ito.
"No, it's okay," aniya. "Sorry. I'm just really tired from the trip, Marty. I'll put the phone down now."
Sure, Stace. Sorry.
Binaba na niya ang telepono. Napaisip siya.
Sure, Stace. Sorry, tila echo ng tinig ni Marty. Napatingin na naman siya sa bangkay ng lalaki na tiyak niyang iniwan ng stalker sa sahig para takutin siya.
Sure, Stace. Sorry.
Masama ang kutob niya. Was she starting to get paranoid already? Was she desperate to catch her stalker already? Was she growing too suspicious now of every single person and trying to connect everything they do or say with her stalker?
Mas pinatatag niya ang sarili. Nang maibaba ang telepono, maingat siyang humakbang palapit sa bangkay. May kung anong lamig sa kanyang titig. Oo, nanlalamig siya sa takot na lumulukob ngayon sa kanya.
Because this time, someone is officially dead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top