Chapter Fifty-Seven - Last Man Down
STACEY SIPPED HER COFFEE. Habang umiinom, nagnakaw siya ng tingin kay Marty. The man seemed contemplative. This certain blankness in his eyes were intensified by the glasses instead of concealing them.
Pumipintig ang kaba sa dibdib ni Stacey. Kanina pa kasi ito tahimik.
"Are you okay?" she asked that made Marty immediately turn to her.
"O-Of course. Of course, I'm okay, Stacey."
"Ang tahimik mo, eh," she crossed her legs, relaxedly pressed her back against the seat's backrest. "Tell me, kamusta na kayo ni Kylie?"
"Kami ni Kylie?" kunot nito ng noo. "Bakit ulit ka ng ulit?" may bakas ng iritasyon sa tinig nito. "Sinabi ko na sa iyo, binasted na ako ni Kylie."
"Makes me wonder why she would do that," Stacey stared at him. "You're smart. You're capable. You are also nice as well."
"Don't say that," humugot ito ng malalim na paghinga at tinanaw muli ang view sa balkonaheng katabi ng pwesto nila. Madilim na ang kalangitan, mga anino na lang ng maliliit na bundok at bulkan sa lawa sa ibaba ng bundok na iyon ang makikita.
"Dahil weird ako. She's creeped out by me."
"What could be creepy about you, Marty?"
Matalim na tingin ang pinukol nito sa kanya. Pagkatapos, alertong nagnakaw ito ng tingin sa paligid. Stacey could not contain herself but she had to stay reserved. Inalala niya ang nangyari kanina nung binalikan niya ang mga gamit sa opisina.
"Hello, Renante," ipit niya ng cellphone sa tainga at balikat habang binubunot ang mga nakasaksak sa silid.
"I received your text. You're going out with Marty?"
"Yes. I told you where we are going."
"Stacey, huwag kang tumuloy."
Her eyes narrowed. "At bakit naman?"
"That man can't be trusted."
Tumigil siya sa pagkilos. Pinatong ni Stacey ang isang kamay sa desk at mahigpit na hinawakan ang cellphone.
"Tell me, may bago ka bang nadiscover?"
"Kakatapos lang namin kausapin ni Orlando ang detective na humawak sa stalking case mo years ago," sagot nito. "He finally admitted that he manipulated the results."
Nakuyom niya ang isang kamay. "Iyon ang dahilan kaya..."
"Kaya akala namin ni Ronnie, nagsisinungaling ka."
No. This was not the right time to get teary eyed or explode with a lot of I told you so's. Stacey took in a deep breath.
"Binayaran siya ng mga parents ni Marty para lang hindi mapahamak ang anak nila."
"So... it's Marty..."
"Yes, Stacey."
Napaisip siya. "Pero... sabi rin sa reports ni Detective Brian, bago siya namatay, magkaiba 'yung dalawang sulat na natanggap natin. Yung isa, matagal nang gawa. Yung isa naman... bago lang. At yung possibility na stalker mo talaga ang nasa likod ng lahat ng ito. Imposible naman sigurong si Marty rin ang stalker mo. Or unless... he's gay."
Renante sighed. "But for now, we are seeing a possibility here that Marty is working with my stalker."
"How's that?"
"Remember, Marty lied to us about some things. He lied about his dead dog. At may sumira sa sasakyan niya nung nakitulog siya sa bahay mo. Nag-offer din siya noong una na tumulong sa paghahanap sa stalker mo... but all of a sudden, he backed out."
"Then, let me find out his side of the story."
"Stacey!"
"He used to like me before, and we are going to a public place. I don't think he'll be able to harm me until you arrive to pick me up, Mr. Villaluz."
"You mean... I'll..."
"Oo. Sunduin mo ako mamaya, Mr. Villaluz.Dahil tutuloy ako sa lakad namin ni Marty ngayon."
"Shit. Stace—"
"You won't change my mind."
And now, they were here— she and Marty.
Marty scoffed and pulled a goofy grin. "What do you think, Stacey?"
"Natatakot ba si Kylie sa iyo dahil may pagkawirdo ka? O baka dahil... sinungaling ka?"
"What do you mean?"
"Yung kapatid mo, Marty," she coolly sat up, putting down her cup on the table, "magaling sumayaw sa Tiktok, ha? Graceful pa rin panoorin kahit ginugulo siya ng mga alaga niyong aso. Like, Petchie."
His eyes narrowed at her.
"Why do you have to lie about your dog?" mataman niyang titig dito. "Para may mairason ka para sugurin ako sa bahay? Para i-claim na biktima ka rin ng stalker ko?"
"If you're thinking that I am your stalker—"
Tinaasan niya ito ng mga kilay. "Then what?"
Marty's eyes grew worried. He looked around again.
"The only reason why I did that—" he leaned forward from his seat, "—is to be updated about your search for your stalker."
"At gusto mong maging updated dahil natatakot na maungkat ang mga pinaggagagawa mo noon, hindi ba?"
Napatitig na lang si Marty sa kanya. The moment Renante told Stacey about the truth, she finally figured it out.
"Nung nag-request ako sa iyo ng kopya ng attendance para sa alumni party, na-alerto ka na. Nalaman mo na 'yung stalker ko nung college ang hinahanap ko kaya naging alerto ka. You made every effort to involve yourself with our search. Binalewala mo na lang na hindi kayo okay ni Renante sa isa't isa. What matters for you during that time, is to make sure that we won't be able to identify you.
At para mas makuha ang simpatya namin, at hindi ka pagdudahan, sinimulan mong pormahan si Kylie. Nagsinungaling ka tungkol sa nalason mong aso. And about your car? Who knows? It might be your own doing. Kaya nga fixable yung mga damages ng sasakyan mo, hindi ba?" inihilig niya ang ulo, mayabang na inabangan ang susunod na sasabihin ng binata.
"S-Stacey," nagtitimpi nitong saad, "sinasabi ko sa iyo. Hindi ko kagagawan ang tungkol sa nasira mong kotse, hindi na kita ini-stalk! I already stopped it years ago!"
"Oh really!"
"Simula nung binayaran nila Mama ang detective na iyon, under close monitoring na ako noon ng mga bodyguards ko. Kontrolado na nila ang mga kilos ko! I got scared for my life as well because I didn't know that time that what I was doing was already considered as stalking by the likes of you!"
Nilihim niya ang pagkagimbal sa pagtaas ng boses nito.
"Ano ba ang mali sa ginawa ko?" hinanakit ng lalaki. "I only loved you, Stacey! Nahihiya lang akong aminin! Kaya dinadaan ko sa ganoon ang page-express ng nararamdaman ko! Palihim na lang kitang sinusulatan! Binibigyan ng mga regalo. I curse Renante sometimes. I write to you how I wanted to kill him sometimes! Because any man would if another man treats the woman they like the way Renante treated you!" Nahampas nito nang kamay sa mesa. "At naiinis din ako! Minsan nagagalit din ako sa iyo! Kaya hindi ko maiwasang makapagsabi ng masasakit na salita sa iyo! Na natatangahan ako sa iyo! Na minsan ang sarap mong—" mahigpit na kuyom ng kamao nito. "No... No I am not saying it again..."
"Na gusto mo akong iumpog sa pader?" matatag niyang saad sa isa sa mga katagang sinulat noon ni Marty para sa kanya. Lumukob ang panginginig ng kanyang kalamnan. "Na kapag hindi ako nagtigil sa mga pag iilusyon ko noon kay Renante, makikita ko?"
Marty's furious eyes glared back at her. "But see... my life is already getting back to normal, Stacey. May maayos na akong trabaho. Pero ano ang ginawa mo? Ginambala mo na naman ang pananahimik ko. Nung sinabi mo na hinahanap mo ang stalker mo noon, natakot ako. Kasi kung noon, nabayaran nila Mama ang detective para manahimik, ngayon, wala nang kasiguraduhan kung ano ang magiging resulta. Nananahimik na ako, Stacey. But you all disturbed my peace! And that Renante was already suspecting me! Kaya kahit gustong-gusto ko siyang saktan, hindi pwede dahil sigurado akong ako ang sisihin niya! I can't sleep well anymore! I keep worrying! I already lost my job, Stacey! And still, I can't let you or anyone use my past to bring me down!"
"Pero tumigil ka," pinahinahon niya ang sarili. "Simula nung nasira ang kotse mo, tumigil ka sa pagpapakita ng interes tungkol sa stalker. It means, you are not worried anymore."
Titig lang ang sinagot nito. The silence between them grew eerie as his cheeks slowly spread into a sinister smile. May lalo siyang kinilabutan sa mababang pagtawa ni Marty.
"Bakit pa? Panatag na naman ang loob ko na... na hindi na ako madadamay pa sa gulo ninyo."
"Dahil kilala mo na kung sino ang totoong nanggugulo sa amin, hindi ba?"
Nanatili ang nakakakilabot nitong ngiti.
"Iyon lang naman ang reason kung bakit gusto mo noon tumulong sa paghanap sa stalker ko, hindi ba, Marty? Para lang masigurado na hindi namin malalamang ikaw iyon. But now that you've seen another angle of this situation... You used the ruined car as an excuse. Para malaya kang makalayo sa amin."
Marty shrugged nonchalantly.
"Alam mo ba na pwede pa rin kitang kasuhan? For intentionally ruining your car so I'll shoulder all the fees in fixing it?"
Mabilis na napawi ang ngisi nito. Galit ang humalili sa mga mata kasama ng pagtangis ng mga bagang nito. Galit na biglang naging takot.
"Stacey," he shuddered. "H-Hindi kita gustong saktan. Ang... Ang gusto ko lang... huwag nang maungkat pa ang ginawa kong pag-stalk noon sa iyo. T-Tapos na naman iyon, 'di ba? Tinigilan na kita, Stacey. Hindi naman kita sasaktan, Stacey. Gusto ko lang makasigurado na... na hindi lalabas itong... itong ginawa ko noon sa iyo."
Napatitig siya rito. Now she completely understood why Kylie thought he was creepy. Marty could be really unstable... this unstable.
She needed to stop the escalation of this scenario now.
"Look. You'll be spared from any trouble, if you'll tell me who's our stalker now."
Gimbal na napatitig sa kanya si Marty.
"Come on, Marty," usig niya rito. "Tell me. Sino siya."
Napailing ito. "H-Hindi ko alam."
"Kung hindi mo alam," sinikap niyang manatiling kalmado, "paano mo nasabi na panatag na ang loob mo? Ang concern mo lang naman ay 'yung hindi ikaw ang iturong stalker ko? Kaya ang ibig sabihin lang ng pagkawala mo ng interes sa lahat ng ito ay dahil alam mo na sa ibang tao mapupunta ang sisi."
Marty glanced at the view over the balcony.
"Marty. We'll make sure you'll be safe if you just tell us who it is."
Marty stood up.
Alertong napatayo si Stacey. "No, Marty," ikot niya sa mesa para harangin ito. "You're not going—"
Pero hindi pala paalis si Marty. Lumapit ito sa balkonahe. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang paghawak nito sa railing. It was a strange way to hold it, with his palms down... At nakita niya na tinulak ng mga kamay nito ang binata para mabuhat ang katawan.
The other side of that railing welcomes a steep mountain cliff...
"Marty, no!" mabilis niyang hablot dito.
At doon na sila nagsimulang magbuno ng binata.
Stacey understood the frustration that battled between Marty's mind and heart. Telling who the stalker is would put him in danger. Not telling it would put him in danger as well. At kahit mangako siya kay Marty na sisiguraduhin nila ang kaligtasan nito kapag nagsabi ng totoo... Could Marty really trust them with that? Lalo na at naging banta na sila ni Renante noon sa kaligtasan nito? They had been labeled a threat to him since they asked for that detective to locate Marty, right?
Napatingin na sa kanila ang ilan sa mga customers ng café. Ang iba ay umalis agad para hindi na madamay pa. May mga gwardiyang patungo sa direksyon nila para pigilan sila nang itulak siya ni Marty. Stacey landed on the table before slipping and landing on the floor.
"Marty!" halos tumabingi na siya habang sinisikap na ibangon ang sarili.
Marty lifted a leg to the railing when an arm stretched out.
Nasa café na noon si Renante nang madatnan ang isa sa mga customers na sinasabihan ang guard sa pinto na may nangyayaring kaguluhan sa balkonahe. He sprinted, followed by Detective Orlando, and as Stacey fell on the ground, Renante approached her.
"Stacey!" itatayo sana siya nito nang tabigin para ituro ang lalaki.
"Si Marty!"
Siyang kilos agad ni Renante. He grabbed Marty by the arm.
Nahila nito paalis ng balkonahe ang nagwawalang lalaki. Ginapos ito ni Renante sa mga braso bago ito pinalitan ng gwardiya na nagyaya ng makakasama nitong pulis.
.
.
BINALIK NA NG PULIS ang lisensyang pinakita ni Detective Orlando sa mga ito. Pagkatapos kasing ipaliwanag ng detective ang sitwasyon nila, hiningian ito ng pulis ng katibayan na detective talaga ito at valid ang anumang interogasyon na naganap sa pagitan nila Stacey at Marty.
"Hayaan niyo akong tapusin ang imbestigasyon, Chief," pormal na wika ni Detective Orlando, "at maglalapag naman ng complaint ang mga kliyente ko kapag nakakalap na kami ng sapat na rason para idiin kung sinuman ang nasa likod ng problemang ito."
Napunta ang mapanuring mga mata ng pulis sa kanila ni Renante.
"Pero may posibilidad pa rin na ipatawag namin kayo sa susunod na mga araw. Iyon ay kapag may update na kami sa kondisyon ni Marty Eugenio." Dinala kasi ang lalaki sa malapit na ospital. Ilalagay daw ito under observation bago pagdesisyunan kung anong klase ng rehabilitation program ang kailangan ng binata na may kinalaman sa suicidal tendencies nito. At kung talagang may kaso ito ng mental instability o ngayon lang nangyari ang pagkakataong ito. "Hindi pa rin maaalis ang posibilidad na encouraged ang suicidal attempt ng biktima. At hindi naman ang detective mismo ang kumuwestiyon sa mga ginagawa niya."
Nagbaba na lang ng tingin si Stacey. Encouraged? Alin sa mga sinabi niya ang nag-e-encourage kay Marty na magpakamatay? Ni wala nga sa isip niya na may suicidal tendencies ang lalaking iyon. Pero nilihim na lang niya ang sama ng loob.
Humiwalay sa kanila si Detective Orlando nang makalabas ng police station. Ayon sa lalaki, magtatanong-tanong daw muna ito sa mga medical staff na mag-aasikaso kay Marty. Baka sakali raw na may importante itong makalap na related sa problema nila.
"At Ma'am," pahabol nito sa kanya.
Napatitig na lang si Stacey sa matandang lalaki.
"Pasensya na sa mga nasabi ko sa iyo nitong nakaraan," anito. "Ginawa ko lang iyon para makuha ang reaksyon mo. It's always the reaction that gives away the person's psychology. It's part of my job to study that."
Tinanguan na lang niya ito. "I understand."
But Stacey had to admit, that how Detective Orlando approached her had really hurt her. Maybe, that's what made him really smart and experienced, eh?
"Mag-uusap din tayo bukas tungkol sa mga napag-usapan niyo ni Marty."
"Bukas na natin pag-usapan kung anong oras at saan tayo magkikita, Orlando," mahinahon niyang wika.
He nodded. "Noted, Ma'am." And he turned to Renante, "Sir."
Tumango lang din si Renante. "Be careful."
They walked a bit and finally reached Renante's car. Pinagbuksan na siya nito ng pinto pero nasa kawalan pa rin ang mga mata ni Stacey.
"Stacey," he called softly, attracting her eyes to veer toward his direction.
Doon na lang niya nakita ang pag-aalala sa mga mata nito. He stepped closer to her. Napasinghap siya nang hawakan nito ang kanyang mga kamay. Renante began checking her hands and arms. Then he released them, stepped closer. Sinipat nito ang kanyang mukha, ang kanyang leeg at mga pisngi.
"Renante," awat niya rito pero sinalo lang nito ang kamay na ipapangtulak niya sana rito.
"Alam ko, nasaktan ka nung pinipigilan mo siyang tumalon kanina," titig nito sa mga mata niya. "I just want to make sure that... that you're okay. I know, you're still shaken so... kahit physically man lang, I am hoping you're okay."
"I'm okay," nahihiyang iwas niya ng tingin dito.
Stacey gasped the moment Renante pulled her into a tight hug.
"R-Renante..." angat niya ng ulo, medyo nahihirapan siyang makahinga sa higpit ng yakap nito.
"You... You scared me. You scared me back there, Stacey," lapat ng isa nitong kamay sa likod ng kanyang ulo. "Paano na lang kung nahila ka ng hayop na iyon? Paano kung pareho kayong nahulog doon? Paano kung—"
Pinalo-palo niya ito sa braso. "R-Renante! Renante, p-please!"
Nagtatakang niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya para matitigan siya. "Stace!"
Naghabol siya ng hininga bago ito natulak sa dibdib. " Hindi na ako makahinga!"
"O-Oh..." he blinked and suddenly, Renante cleared his throat and displayed a more nonchalant look to cover up how embarrassed he was for overreacting. "Sorry. I... I don't know."
He gave her a stare before he snapped back to reality. Umatras ito at tinuro ang braso sa bukas na pinto ng kotse.
"Get in. Let's go home already."
Stacey placed a heart over her pounding heart. Naghahabol pa rin siya ng hininga. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa kanya na niyakap siya ni Renante. Nasalubong niya ang naghihintay na mga mata ng binata. In an instant, she felt tingly all over. A feeling that was so familiar seemed to be coming back to her now, this time in big whip like a hurricane.
Oo, gaga. Niyakap ka ni Renante, okray niya sa sarili. He really hugged... you.
"Hmm?" he gave her a nod, interrupting her thoughts.
She pulled a small smile before getting inside the car.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top