Chapter Fifty - Arguing Again

"KADALASAN SA MGA STALKER," wika ni Detective Orlando, "hindi makaintindi na stalking na ang ginagawa nila. Kaya ngayong hindi tumalab sa kanya ang paglalayo ninyong dalawa o pagtatago mula sa kanya, harap-harapan niyo na siyang lalabanan ngayon."

"Paano?" salubong ng mga kilay ni Stacey. "Eh wala nga kaming idea kung sino itong stalker na ito."

"Pero may mga suspects na tayo, hindi ba?" matamang titig ng lalaki sa kanya bago nilipat ang tingin kay Renante.

Kakalapit lang ng binata sa kanila. Nilapag nito ang dalawang mug ng tinimplang kape para sa kanila ng detective. Kinontento na lang nito ang sarili sa isang baso ng tubig. Renante returned to his seat.

"And what about our suspects?" usisa ni Renante sa detective.

"Kailangan niyong mapalapit sa mga suspects. Mas madali niyo silang maoobserbahan sa ganoong paraan."

"Isn't that your job?" Stacey questioned.

Magaang natawa ang detective. "Yes, it is, Ma'am. Pero magiging kahina-hinala kung lalapitan ko sila para makausap ko at diretsahang tanungin tungkol sa kaso mo. At mas kokonsumo sa panahon kung maga-undercover ako. Undercover para maka-close ko sila at pagkatiwalaan nila ako na aabot sa puntong madidiskubre ko kung sino sa kanila ang stalker mo."

"Well," Renante chimed in, "if that's the case then, Stacey and I will talk about it."

"Basta kailangan niyong manatili sa paligid ng mga suspect, para mas madali ko silang mamonitor."

"Thank you," alok ni Renante ng pakikipagkamay na malugod namang tinanggap ng detective.

Habang hinahatid ni Renante sa gate ang umalis na detective, kumilos na si Stacey para magluto ng almusal nila. Upon checking the wall clock in the kitchen, she was relieved. Mayroon pa siyang limang oras para maghanda sa pagpasok sa opisina.

Hindi siya huminto sa pagluluto nang marinig ang pagdating ni Renante sa kusina.

"Tulungan na kita," tabi ng binata sa kanya.

"Wash your hands then. Malinis dapat ang kamay kapag hahawak ng lulutuing pagkain."

Maluwag ang ngiti ng binata sa kanya. She could see it in her peripheral vision.

Naghugas na ito ng kamay sa lababo bago lumapit sa kanya. Pinanood nito ang ginagawa niyang pagpe-prepera sa breading.

"Ano ang gusto mong lutuin?" lipat ng mga mata nito sa kanya.

"Nakita mo naman siguro 'yung tino-thaw kong mga manok sa bowl," seryoso niyang saad, nasa pagkuha ng tamang timpla ang malaking porsyento ng kanyang atensyon. "Pakicheck kung hindi na naninigas sa lamig. Tapos hugasan mo."

"Yes, Ma'am," masigla nitong wika at sinunod ang utos niya.

Medyo natahimik si Renante kaya tinanaw niya ang binata. Inalis nito sa bowl ang bag ng manok. Tinapon nito ang tubig sa bowl. Inabot ng binata ang thermos at binuhusan ang bowl ng mainit na tubig.

Stacey suppressed a smile as she watched him focused with what he was doing.

"Kapag nahugasan mo na ang mga manok," lapit niya sa binata para ilapag sa malapit na counter ang hinanda niyang breading mix, "lagyan mo ng breading. Huwag masyadong makapal at huwag masyadong manipis."

Nilingon siya nito. "Got it."

Siyang sipat ni Stacey sa kaning sinasaing. Usok ang sumalubong sa kanya bago nakitang matubig pa iyon. She sprinkled a pinch of salt and pepper in it. Hinalo at tinakpan ulit. Samantala, nilapag naman ni Renante ang isang bowl ng breading mix na inabot niya sa lamesa. Naghanda rin ito ng malapad na pinggan. Kinalat doon ng binata ang breading para doon pagugulungin mamaya ang mga manok.

Umupo si Stacey sa malapit na upuan para panoorin ang ginagawa nito.

She watched the way his hands knowing moved. Sinubukan naman niyang pigilan, pero nagliwanag ang mukha niya habang pinapanoo ang binata. Namumukadkad ang paghanga sa kanyang dibdib dahil mukhang alam na alam nito ang ginagawa.

"You cook?" angat niya ng tingin dito.

"Yes, Ma'am," ngiti nito, nasa ginagawa ang tingin.

"Kanina ko pa napapansin iyang pag-Ma'am mo sa akin," paniningkit ng mga mata niya rito.

"Ang bossy lang kasi ni Ma'am kanina pa," magaan nitong tawa sabay sulyap sa kanyang mga mata. "Don't worry, I like being bossed around, Stace."

As far as I can remember, you want to boss around and not the other way around, sarkastiko niyang isip nang iiwas ang tingin sa binata. Napunta ulit iyon sa breading mix na tila nilalatag ng binata sa pinggan.

"Tungkol nga pala sa sinabi ni Orlando kanina," pag-iiba nito ng usapan. Umupo na ang binata sa tabi niya. "Ano sa tingin mo, Stace?"

"Yung lalapitan natin ang mga suspect? Para madali niyang mamonitor?"

"Yeah. What do you think about it?"

Humarap siya ng pagkakaupo sa direksyon ng binata. Pinatong niya ang braso sa mesa.

"Sa totoo lang, hindi ko ma-gets," titig niya sa mga mata nito. "Parang mas nilalapit lang niya tayo sa panganib."

"I think it's not just me. Siya rin, parang nakakahalatang wala kang tiwala sa kanya."

Stacey took in a deep breath. "Pasensya na. Hindi ko lang kasi gusto 'yung nirerecord niya ang usapan natin. At lahat ng usapan natin, plano niyang i-record."

Although I have pros and cons about why he's doing that, still.

Renante remained unaffected. "Why not? Pinayagan mo rin naman siya."

"Pero kung hindi ko pa napansin, hindi pa siya magpapaalam."

"Hayaan mo na nga. Umiinit na naman kaagad ang ulo mo," hagod nito sa braso niya. "Paano ko ba mapapalamig iyang ulo mo?"

Tinampal niya ito sa pisngi. "Tigilan mo nga ako, Renante. Akala ko ba, at saka na natin iintindinhin iyang feelings-feelings na iyan?"

Hurt seemed to writ in his eyes. Natigilan ang binata bago nakahuma ng alanganing ngiti.

"Yeah," bahagyang paghina ng boses nito, "we agreed on that."

How ironic. Noon, si Renante ang palaging unavailable at hindi handa. Ngayon parang siya ang humaharang sa anumang balak ng binata na i-bring up ang tungkol sa nararamdaman nila para sa isa't isa.

Renante's voice echoed at the back of her mind.

The stalker knows I like you.

...pretend that you don't know this...

The flashbacks were interrupted by Renante's grave tone. "Naisip kong may point naman si Orlando," sawsaw nito ng daliri sa natirang breading mix sa bowl. "Tama ka," titig nito sa nakuhang isang kurot ng breading mix, "medyo risky na ilapit natin ang sarili natin sa mga suspect. Pero maganda ang naisip na iyon ni Orlando. Mao-obserbahan niya ang behavior ng mga suspect kapag kasama natin sila, kapag kausap natin sila. At tayong dalawa lang ang malayang pwedeng mag-open up sa kanila tungkol sa stalker. If Orlando were to do it and one of them is the stalker, they will put their guards up. Mas lalong magiging maingat ang kalaban natin, Stace."

Tinikman nito ang breading mix na ginagawa niya. She saw satisfaction in the way his eyebrows met and that gentle nod.

"So, are you saying that we should take his suggestion?"

"I don't think it's a suggestion, Stace," simot nito sa breading mix na nanikit sa mga daliri. "He just tried to put it down nicely. This is a serious situation, kaya importanteng gawin natin kung ano ang sa tingin ng mas maalam sa atin ay ang magandang strategy."

"He will be watching us, right? Kapag kasama natin ang isa sa mga suspect, nakamasid naman siguro mula sa malayo si Orlando, 'di ba? Para masiguradong ligtas tayo?"

"Of course. Kaya importanteng planado ang mga gagawin natin, at updated si Orlando."

Napatitig siya sa kawalan. "At may dalawa tayong suspects sa ngayon. Si Marty at Kylie."

"Ikaw kay Marty, ako kay Kylie."

Inirapan niya ito. "Seryoso ka? Lalapit ka kay Kylie?"

"Oo," seryoso nitong saad.

Napaharap ulit siya ng pagkakaupo rito. "Renante," mahigpit niyang wika.

"Ano?" may bahid ng defensiveness sa tinig ng binata, para bang nakikinita nitong may pagtatalunan na naman sila.

"I don't know about you. Pero sa pagkakaalam ko, alam mo naman na may gusto sa iyo si Kylie."

"Yes, I know," naguguluhang salo nito sa nangunguwestiyon niyang mga mata. "And that's an advantage on my part. Mas mapagsasalita ko siya ng mga bagay na kailangan kong malaman."

"And in the process, mapapaasa mo siya na may pupuntahan ang pakikipag-close mo sa kanya."

God knows she tried. Sinikap niyang patatagin ang tinig.

"So what?" pagsasalubong ng mga kilay nito. "Maganda nga iyon, 'di ba? Kapag ginalit ko siya ng sobra, doon natin malalaman kung ano ang gagawin niya. Her own anger might even make her expose herself as the one behind all of this!"

Her jaws tensed. Pigil niya ang mapalo ang mesa sa galit.

"Wala ka talagang pakialam, ano? Kung ano ang mararamdaman ng iba, kung ano ang kahihinatnan ng iba. Just as long as you can do what you want to, hm?"

"All of a sudden, you care for Kylie," he spat. "Kailan lang galit na galit ka sa kanila ni Marty."

"Noon iyon! Pero hindi pa natin napapatunayan na sila o isa sa kanila ang may kagagawan ng mga kagaguhang ito!" She glared at him. "But one thing is for sure, ikaw ang dahilan nung stalker na iyon! Dahil sa iyo kaya ganito ang mga dinaranas ko ngayon!"

Kita niya ang pagtitimpi sa madilim na anyo ng lalaki. His jaws tensed as his breathing heaved. With a closed fist, he controlled the way he dropped it on the table. It made a gentle thud. Napailing na lang ito.

"Is that really your concern? Na baka masaktan si Kylie sa gagawin ko?" his dark eyes probed hers. "O baka naman nagkakaganyan ka dahil sa feelings mo?"

Stacey found herself swallow a hard lump on her throat, put a chin up and mocking grinned at Renante.

"What does my feelings have to do with this?"

"I don't know," naghahamon ang pag-anas nito, "maybe, you're threatened? Jealous?"

"You're not making sense," she hissed and left her seat. Tsinek lang niya ang sinaing at pinatay agad ang kalan. Pagpihit niya, nakasunod na pala si Renante.

"I'm sorry I've made you wait so long," kabig nito sa kanya para maglapat ang mga dibdib nila, maglapit ang mga mukha. "If this can't wait any longer then—"

Hahalik sana ito pero mabilis niyang naitulak palayo ang lalaki. Her eyes glared at him.

"Alis," mariin niyang utos dito nang mahablot muli ng binata para siilin ng halik sa mga labi.

Nanlaban siya, mabilis na sinampal ito sa pisngi.

Kapwa nila habol ang paghinga nang mamagitan sa kanila ang katahimikan. Renante did not even touch his cheek. Lumingon ito para saluhin ang kanyang mga mata.

"Akala ko ba, set-aside ang feelings at sa paghanap ng stalker muna natin itutuon ang atensyon natin?" Stacey scoffed. "Ikaw yata ang hindi makapaghintay, Mr. Villaluz."

"Really? That's what getting close to Kylie is for. Ano pa ba ang gusto mo?"

"Your plan is to bring her hopes up! Gagawin mo lang sa kanya ang ginawa mo noon sa akin!" tuluyang pagkawala ng galit niya. "Tama nang ako na lang ang nakaranas niyon mula sa iyo! Napakasama ko nang tao kapag hinayaan kong gawin mo rin iyon sa iba! Kahit kay Kylie pa iyon!"

Tila natauhan ang binata, napatitig sa kanya. In that moment, she didn't know if Renante was about to cry with the way his eyes glossed. Or was he simply shaking in anger? Her audacity to spat his past mistakes right to his face.

"Alis. Umalis ka," mariing turo niya sa daan palabas ng kusina.

"Stacey..." a beg tinged his voice as he tried to step close.

Natigilan na lang ito nang sigawan niya. "Habang nakakapagtimpi pa ako, umalis ka! Labas!"

Pinanood niya ang paghigit nito sa paghinga bago umalis. Hindi siya tinapunan ng lingon ng binata. Samantalang siya naman ay manginig-nginig sa galit na lumapit sa mesa sa kusina. Napahawak siya sa ibabaw ng sandalan ng isa sa mga upuan doon.

Dama niya ang pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo. Pumipintig ang kabuuan niya sa sobrang galit.

After the sense of achievement that wrapped her for knowing that her anger was justified; it was soon replaced by embarrassment. Nag-alala siya dahil natutuklasan niyang hanggang ngayon ay hindi pa niya masyadong kontrolado ang sarili kapag nagagalit.

Nanghihinang napaupo si Stacey. Inalala niya ang mga panahon na pinairal niya ang galit nang hindi man lang nag-iisip. Ang pagsugod niya noon kay Sondra sa Hawthorne mansion para sampalin ito. Tapos, sa bahay naman ni Maximillian para awayin ito dahil sa pagpapakasal nila. At ang ilang away pa na kinasangkutan niya noon sa mga club para ipagtanggol ang mga kaibigan.

Nahilamos niya ng mga kamay ang sariling mukha.

No wonder, Renante never liked me. Napaka... Nakakainis! mariin niyang pikit ng mga mata.

.

.

HAPON NA. Nakaupo si Renante sa kanyang opisina. Wala na siya masyadong ginagawa. Tutal, tapos na naman siyang i-update ni Hamilton kung ano ang mga nangyari noong nagbakasyon siya.

Nanatiling bukas ang monitor ng computer sa kanyang harap, pero wala roon ang mga mata niya.

Nakaabang siya sa cellphone na nakalapag sa gitna ng desk.

Nakapatagilid ang swivel chair na kinauupuan niya. Nasa armrest ang isa niyang braso kung saan niya hawak ang isang retractable pen. It kept on clicking as he anxious press the top of the pen. Napabuntong-hininga na lang siya nang masilayang patay pa rin ang screen ng kanyang cellphone.

So, that's it. She won't talk to me or see me just because of Kylie, masama ang loob at tagos sa pader ang kanyang mga mata.

Why does she care about that Kylie so much? ikot ng kanyang swivel chair paharap sa desk. Tinukod niya ang isang kamay sa arm rest para mapisil ang sentido. Is she still not yet getting it? That she's not her real friend?

Mariin siyang napapikit. Sa isang iglap, ini-clip na niya sa collar ng grey na blazer ang ballphen. Hawak na ni Renante ang cellphone. Tinawagan niya ang dalaga.

Puro ring lang ang narinig niya.

Nagtitimping pinutol niya ang tawag. Nag-redial.

Naghintay.

Wala talaga. Hindi pa rin sinasagot ni Stacey.

He sighed and put the phone back on the table.

Kahit anong titig yata ang gawin niya, hindi siya makakatanggap ng tawag o text mula sa dalaga.

He remembered the things that Stacey said: Your plan is to bring her hopes up! Gagawin mo lang sa kanya ang ginawa mo noon sa akin!" tuluyang pagkawala ng galit niya. "Tama nang ako na lang ang nakaranas niyon mula sa iyo! Napakasama ko nang tao kapag hinayaan kong gawin mo rin iyon sa iba! Kahit kay Kylie pa iyon!

Nakaramdam siya ng lungkot.

Maybe, it's not about Kylie. Maybe it's about the fact that I made her feel that I never learned from the mistake I did to her before. The fact that I reminded her of what I did before... that hurt her so much even if that's not what's in my mind.

Nahampas niya ang desk.

Akala ko ba, new beginnings? Bakit binabalik na naman ng babaeng iyon ang nakaraan?

Mababaliw na yata siya sa pagkakaupo. He let out a groan.

Mga babae talaga... babalik at babalikan ang history.

Binawi niya rin ang paninisi. He felt more at fault right now.

"Ang tanga-tanga mo rin talaga,Renante," napapailing na anas niya sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top