Chapter 1 - We Meet Again

"YOU'LL LOOK GOOD IN A PIXIE CUT," the hairdresser said while tossing the portion of Stacey's hair over her shoulders.

Ngumiti lang siya habang nakatingin sa repleksyon ng hairdresser sa kaharap niyang salamin.

"Ayoko na nung ganung hairstyle. I already tried that," sagot niya sa suhestiyon nito. "Gupitan mo na lang ako ng mga lagpas balikat. And I want a set of full bangs."

"Aba, ano iyan, pabebe lang 'te? Bangs?" magaang biro nito dahil matagal nang magaan ang loob nila sa isa't isa. Stacey was a regular in that salon, and it was always Dior who was assigned when it comes to her hairstyling needs.

Mahina siyang natawa. "Come on, Dior. I know you want challenge, but..." Stacey shrugged. Nagpahiwatig siya rito na kumilos na sa pamamagitan ng sulyap kaya sumuko na lang ito.

"The customer is always right," malapad nitong ngiti at sinimulan ang paghahanda sa mga gagamitin.

Dior draped a haircutting cape over her chest, knotted it at the back of her neck before getting started by wetting her hair.

Nang matapos ang pagpapagupit, lumabas siya ng salon na iyon na parang bagong tao na naman. Her hair fell straight in a subtle chestnut color. The full bangs deducted her visual age, yet her piercing gaze and confident strides would intimidate anyone. Her looks would drive them to a conclusion that she was not a shy, young girl but empowered and matured.

Huminto si Stacey sa paglalakad nang matanaw si Kylie. Mukhang balak nitong pumunta sa salon na nilisan niya. Iiba na lang siguro siya ng daan...

"Stace!" tawag nito.

God. Sabi na nga ba. Kukulitin siya nito.

Nanatili na lang si Stacey sa kinatatayuan. Haharapin na lang niya ito. It would be no use running away or hiding. That would be really weird.

"Kylie," ngiti niya sa kaibigan.

Kylie did not change a single bit. Ito pa rin ang girly sa kanilang magkakabarkada. The petite beauty was like a Lolita doll brought to life. Long, loose curly hair in a black and blonde hombre-dye fell on her back. Her dress was yellow with vintage-inspired shoulder puffs. Some people would look ridiculous in that, but not Kylie. Nagmistula itong model sa mga Instagram photos na bumabagay kahit anong style.

"Sa wakas, nagkita rin tayo," masigla nitong ngiti sa kanya, medyo nakatingala dahil sa taas ng heels ng sapatos na suot niya. "You're always out of reach."

"Oh," napaiwas siya ng tingin sa mga mata nito. "Matagal na akong nagpalit ng number."

"Obviously. Hindi mo man lang kami in-inform. At puro seen ka lang sa mga chat ko," paniningkit ng mga mata nito.

"Baka late ka na sa appointment mo. Sa salon din ba ang punta mo? I don't know we're going to the same salon."

Kylie was distracted for a minute. "Oh, actually, a friend just suggested to me to try this salon. Magpapa-full blonde ako—" Pero nakahalata rin ito kaagad. "But still! How could you do this to me? Kay Sonny at Renante ka lang naman may conflict, 'di ba? Bakit pati ako damay? Pati ako dinededma mo na?"

Stacey gave Kylie a stare. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin nang hindi masasaktan. Ito pa naman ang pinaka-iyakin sa kanila. To be honest, she's a stone-hearted bitch. Tanggap na niya sa simula't sapul na ganoon na siyang klase ng tao. Pero ewan kung bakit magaling sila Kylie sa ganito. Kylie and Sonny, she hated how these girls could easily make her feel guilty. That was enough for them to make her do anything favorable to them.

Alam naman niya na hindi iyon sinasadyang gawin ng mga ito sa kanya, kaya naiinis siya. Naiinis siya dahil parang taliwas iyon sa kung ano siya.

Ganoon ba talaga kapag malapit sa puso niya ang isang tao?

She could not accept that that's how she was feeling for them. None of them were real.

Or maybe it was her. She was never a real friend to them.

Kaya parang napapahiya siya sa sarili niya kapag napagtatanto na napalapit ang loob niya sa mga ito. Dahil hindi iyon ang gusto niyang mangyari. All she ever wanted that time was to be closer to Renante.

That's it. Nothing more.

And now that it's over, she chose to ghost on everyone— including Kylie.

"If you're still thinking na magkakabati-bati kaming tatlo..." Stacey sighed and looked away.

"It's been three years," pagtamlay ng boses nito. "Sa tingin mo ba, aasa pa rin ako na magkakaayos pa kayo?"

Malungkot na binalik niya ang tingin dito.

"Do you want to have coffee?" biglang bumawi ito. " Well, that is... if you're available lang naman."

"Sure," she reluctantly shrugged.

Nagliwanag ang mukha nito. "Then, give me your number already. So I can call you kapag tapos na ako magpa-salon. Huwag mo akong iindiyanin, ha?" panlalaki bigla ng mga mata nito bilang pagbabanta sa kanya.

"Oo na," malumanay niyang ngiti at kinuha ang inabot nitong cellphone.

Kylie's cellphone felt rough and heavy with all those gems and stickers studded on her phone case. Maingat niyang nilagay doon ang cellphone number at ang dalaga na mismo ang nag-save niyon.

It was already 10 in the evening when Stacey and Kylie met again. Tumambay sila sa isang hindi kasikatang coffee shop para magkamustahan. Kylie was still struggling with her digital artist career. Sa dami ng kompetisyon online, naghahanap pa rin daw ito ng paraan kung paano mapaparami ang audience.

"Bakit?" panlalaki ng mga mata nito nang malamang hindi na siya ang nagpapatakbo ng jewelry business niya. "I thought you've always loved jewelries!"

Hindi siya palasuot ng mga alahas, pero masaya si Stacey kapag nakakakita ng mga kwintas, bracelet at hikaw. There was something satisfying by looking at the brilliance of those expensive gems, the glittering of gold and silver, the sparkle of expertly cut stones... She loved designing them and was inspired by a popular jewelry business empire called Corinstones. But for some reason, she lost the passion for jewelries and designing.

"That was before," sagot niya kay Kylie. Titig lang ang kaya niyang gawin ngayon sa kapeng nasa cup sa kanyang harapan. "After everything that happened, I figured that I should leave Manila for a while. Magpapalamig..." Makahulugan ang kanyang mapait na ngiti. "Lilimot. I was in Italy for years before homesickness got the best of me. Bumalik ako rito. But I was avoiding you guys, kaya napadpad ako sa Cordillera. I am so amazed with the designs of their woven bags. Some of their colors are crazy. Hindi mo aakalaing magmumukha siyang maganda kapag pinagsama-sama."

"Woven bags?"

"Yes," she proudly smiled as she turned to face her. Kasabay niyon ang pagtaas sa bag na kanyang dala. It was a shoulder bag made of colorful woven textile. It gave off a bohemian chic vibe. "At napaka-Pinoy, 'di ba? I can spend hours weaving designs by hand. Tapos ituturo ko iyon sa mga tao ko para makapag-mass produce sila ng ganoong design."

Kylie just smiled. "Well, marami ka namang pera. For sure, it is not a problem shifting from this business to that business anytime you feel like it."

"Yes, I have the money," pilyang ngisi niya at nagkaroon siya ng ganang sumimsim ng kape.

"I still can't believe you managed to stay lowkey for three years. Hindi ka man lang ba kinamusta nila Vernon at Cynthia? What about Fritzie?"

Napailing siya. "Nope. None of them dropped a single message."

"Baka naman naka-block sila."

"Hoy, hindi, ah!" panlalaki niya ng mga mata rito. "Why would I do that? I rarely open my social media accounts that time anyway." Then she calmed down and sighed. "For sure, hindi na nila ako gustong makausap simula nung nalaman nilang hindi maganda ang status namin ni Sonny. Come on, let's be honest. Lahat sila mga model, ano ba ako noon? Gumagawa lang noon ng jewelry. They bond a lot together lalo na kapag may mga fashion shows."

Kylie shrugged. "To be honest, hindi ko alam kung ano ang nangyari."

Napalingon siya rito habang patuloy sa pagsipsip ng kape sa straw ng kanyang cup.

Nakatanaw sa malayo si Kylie. "Dati, ang close-close nating anim sa isa't isa. Lagi tayong updated sa isa't isa. Simula nung nagkagulo kayong tatlo ni Sonny at Renante... hindi ko na napansin na palabo na pala ng palabo. Padalang ng padalang ang kamustahan hanggang sa... three years na pala. Three years na at hindi na pala tayo nag-uusap-usap o nagkikita o..." Tumigil ito at sinalubong ang kanyang tingin. "Weird, right? It should be easy to stay connected with each other. May cellphones naman tayo. Nakakapag-internet din."

"I'm sorry if I am one of the reasons for that," sinsero niyang saad. "I know how much you love all of us to stay friends... 'yung parang tulad lang noong high school. Nung college nga, kahit magkakaiba tayo ng course, nakakapag-usap pa tayo."

"Oo nga. Naalala mo ba nung high school..."

At para silang sumakay ng tren na paatras ang takbo. Pabalik iyon sa masaya nilang nakaraan nung highschool at college. Nung kumpleto pa silang magkakaibigan at laging magkakasama. Inalala nila ang mga sleep over, joy ride at malakas na pagpapatugtog ng mga kanta ni Avril Lavigne sa kwarto kung saan nila maiisipang mag-slumber party. They would jump on the bed and dance while the boys would start searching their preferred songs on their iPods so that would be played next. Kadalasan sa mga trip nilang kanta ay kay Eminem, Black Eyed Peas o Akon. May mga My Chemical Romance din at Cueshe. Kasama pa rin nila sa mga sleep over na iyon sila Vernon at Renante dahil wala namang malisya sa kanila noon kung makakatabi matulog ang dalawa. That's how pure their friendship used to be.

Sabay nilang nilisan ang coffee shop na iyon, may ngiti sa mga labi.

Stacey turned to Kylie.

"Samahan na kita sa paghihintay mo sa driver mo," tabi niya rito habang nasa tapat ng glass window. "Baka mamaya niyan puting van na ang sumundo sa iyo."

"Hoy, huwag ka namang manakot ng ganyan!" seryosong saway sa kanya ng babae. "That's not a funny joke!"

Natawa siya dahil kita niya ang takot sa mukha ni Kylie.

One day, she would advice her to stop being too emotional. People might take advantage with how transparent and easily affected she was. Innocence was admirable, but it could also put someone at risk...

"Alam mo na ba ang balita tungkol kay Renante at Sonny?"

Her breathing stopped.

Nanatili siyang kalmante para pagtakpan ang hindi maipaliwanag na kaba.

"Do I need to know that?" malumanay niyang saad, nasa malayo ang tingin. Ayaw niyang may makitang emosyon si Kylie sa mga mata niya kaya hindi sinalo ang sulyap nito.

"Bati na sila," patuloy nito. "Hindi na ako umaasa, pero naisip ko lang sabihin kasi kung natatakot kang makipagbati sa kanila... Well... This should assure you that anything is possible."

Nagbaba siya ng tingin. "I am not surprised kung magkaayos na sila... Si Sonny pa. Hindi naman kayang tiisin iyon ni Renante."

She didn't know why it hurts her to say those things. Truth really hurts but not all the time.

So why does it have to be cruel to her and give her pain? Why does it have to hurt for her and not for somebody else?

"Recently pa lang naman," ani Kylie. "Nakwento sa akin ni Sonny nung nagkita kami last weekend."

Stacey nodded. "Good for them."

"So," pinasigla ni Kylie ang tinig, "kailan naman kayo magkakabati ni Renante?"

Pinilit niyang ngumiti. Hindi pa rin siya makatingin sa kaibigan.

"Mukhang magandang opportunity itong alumni party natin."

Yes. Alumni party. Nung grumaduate sila ng high school, silang tatlo ni Kylie at Renante ang naging magkakasama nung college. Si Kylie, napilitang kumuha ng Business course noon dahil hindi pa raw nito alam ang tunay na passion. At iyon din ang pinili ng mga magulang para rito. Si Renante naman, gusto ng ganoong kurso dahil gusto nitong mamahala sa negosyo ng pamilya nila sa hinaharap.

At si Stacey naman.

Hay, ayaw na niyang balikan pa ang mga katangahan at kababawan niya sa buhay.

The fact that she only took that course to be around Renante.

Oh, so stupid! In love and stupid!

Nag-aalalang nilingon niya si Kylie. "Pupunta ba si Renante?"

"Hindi ko alam," anito. "Pero huwag kang mag-alala. Kukumbinsihin ko talaga siya para magkausap na kayo."

Humalukipkip lang si Stacey. Kung pupunta si Renante, hindi siya pupunta. Ganoon lang kasimple. Siyempre, hindi niya ipapaalam ang plano kay Kylie. Baka mabago pa nito ang isip niya...

"Excited na ako sa party!" maikling bungisngis ni Kylie habang nakaabang ang mata sa mga sasakyan. "Hindi ba, may letter-letter tayo noon? I want to find out kung may gumawa ba ng sulat para sa akin!"

Bahagyang gumusot ang mukha niya at nilingon ulit ito. "Sulat?"

"Oo!" masiglang lingon nito sa kanya. "Yung tinabi sa glass jar ni Mr. President! Hindi ba, sa alumni party daw ipamimigay 'yung mga letters sa sinulatan natin?"

Her jaws tensed. Kailangan ni Stacey maka-attend sa party.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top