CHAPTER 1

Simula naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!


JANET'S POV (Year 1520)

Habang nakatanaw sa mapayapang kalupaan ay hinihimas himas ko ang aking tiyan.

'Anak, malapit na rin kitang makita'

Napangiti agad ako sa aking isip at pinagmasdan ang aking tiyan na malaki-laki na rin. Hindi ko alam kunh bakit hindi pa ako nagsisilang ngunit sigurado akong sa mga panahon na ito ay masisilayan ko na ang anak ko.

"Janetttt!!!!" napalingon naman ako doon sa sumigaw sa may pinto.

'Hanggang kailan pa ba mag-iingay itong asawa ko? Ang ingay ingay eh!'

Tumayo na ako at sinalubong siya. Nakita ko ang dala dala niyang mga prutas at gulay. Tinulungan ko naman siya.

'Ginawa ba naman akong baldado?! Eh halos wala na nga akong ginawa sa bahay eh!'

"Ano ka ba naman Janet?! Tinawag lang kita, peri hindi ibig sabihin nun na tutulungan mo ako sa mga dinala ko. Lalo pa ngayon, na dala dala mo na ang anghel natin diyan sa sinapupunan mo,"nakangiti niyang saad. Ibinaba niya ang kanyang mga dala at ngiting ngiti na hinawakan ang tiyan ko.

"Anak, malapit na kitang makita. At pagkatapos mong lumabas.." tumingin siya sa'kin na nakangisi. "Papasukan na naman natin ng bag—" agad ko naman siyang pinagpapapalo.

'Hindi magandang biro 'yun ah! Hmm.. pero mukhang masaya gawin. Hihihihi!'

"A-aray naman! Tama na! Ang sakit s-sakit na oh!" bigla naman akong naawa sa kanya.

Kung hindi niyo alam, ang gwapo kong asawa ang pinaglilihian ko. Hihihihi! Kaya nga gustong gusto ko siyang bugbugin eh! Nanggigigil kasi ako sa kanya.

'Naku, kawawa naman itong asawa ko. Waaaaa!!!!! Baka iwan ako neto! Huhuhuhu! Waaaaaaa!!!!!"

"Oh? Ba't ikaw yata ang iiyak?! O-okay ka lang ba?!" hindi ko siya sinagot. Tila may lumalamukos sa puso ko, napapansin ko na sa panahon ng aking pagbubuntis ay napakasensitibo ko.

Madali akong umiyak

Madaling mainis

Madaling sumaya

At higit sa lahat..

Madaling magutom

'Waaaaa!!!!!!!! Baka nga ipagpalit na ako netong asawa ko! Hindi na ako maganda eh! At medyo tumaba akooooooo!!!!!! Huhuhuhu!!!!!!!!!!"

"J-janet?" kabadong tawag niya ngunit sinamaan ko siya ng tingin. "O-okay k-ka l-lang b-ba?" takot niyang tanong. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

'Huhuhuhu! Hindi na ako mahal ng asawa ko!!!!!!!'

Iginiya niya ako sa aming kwarto. Pinaupo niya ako sa kama nang marahan at may pag-iingat. Yumukod siya sa'kin at mataimtim akong tinignan.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo Janet? Bakit bigla ka na lang umiiyak?!" bakas sa tono niya ang pag-aalala. Napasinghot naman ako.

"Eh kasi!" napakunot ang noo niya.

'Sabihin mo na Janet!'

"Ano nga?!"

'Kasiiiiiiii...'

"Ano ihhhhh..." inis na napakamot siya sa kanyang ulo.

'Hala ka! Nagalit na talaga! Huhuhuhu! Hindi na niya talaga ako mahal!"

"Anong ano?!" sigaw niya. Napayuko naman ako.

'Sabi ko na nga ba eh! Hindi na niya ako mahal!!!!!!!'

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!" mahaba kong atungal!

Napalaki naman ang mga mata niya. Tumayo siya mula sa pagkakayukod at akmang yayakapin ako.

"Sabi ko na nga ba ihhhhhh!!!!!! Hindi mo na ako mahal!!!!! Huhuhuhu!!!!!!!! Umalis ka sa paningin ko hayop ka!!!!!!!" taka niya akong tinignan habang ako naman ay patuloy na umiiyak na parang batang hindi binilhan ng laruan.

'Dahil ba pumanget na ako ha?! Kaya niya ako iiwan?!'

"Anong pinagsasasabi mo Janet?! Anong hindi na kita mahal?! Ano ba ang nangyayari sa'yo?!" galit niyang anas.

" 'Yang ganyan! Sinisigawan mo na ako!" tapos tinuro ko ang katawan ko. "Diba hindi mo na ako mahal?! Kasi mataba na ako?! Ang panget panget ko na hindi ba?!" i is kong anas. Mabuti naman, tumigil na sa pagtulo ang mga luha ko.

"Pfffft— hahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhaha!!!!!!!!!!!!!! A-ano n-nga u-ulit 'y-yun?! Hahahahahhahhhahahahahahhahahahaaahahahahaha!!!!!!!!!!!!!!" napatanga naman ako. Sobrang tawa niya na nakahawak pa sa tiyan niya ang kanang kamag at ang kaliwa naman ay nakaduro sa'kin

'Anong nakakatawa sa pinagsasasabi ko?! Totoo naman diba?!'

Tumagal nang halos isang minuto ang tawa niya. Bigla siyang sumeryoso. Umupo siya sa tabi ko, at hinawakan ang kamay ko. "Janet, kahit ano pa ang maging pagbabago mo. Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Tandaan mo 'yan ah?" tumango naman ako.

'Okay na ulit ako!'

Bigla naman akong nakaramdam na parang gusto kong umiyak.. ULIT.

'Yieeee!!!!! Mahal ako ng asawa ko!!!!!'

Biglang namuo ang mga luha sa mata ko.

'Kasi naman ihhhhhh!!!!!!!! Alam naman niyang sensitibo ako diba?!!'

"Oh?? Ano na naman?! Bakit parang, iiyak ka na naman?! May masakit ba?!" taranta niyang tanong na hinawakan pa ang kamay ko.

"Ihhhhhhhhhh!!!! Mahal daw niya ako ohhhhhhh!!!! Kainis ka!!!! Amp! Pinakilig mo na naman akooooo!!!! Alam mo namang.. SENSITIBO AKO DIBA?!!!!" inis kong saad at pinagkukukurot siya.

'Bakit ba kasi gan'to ang mag-buntis?!!!'

Tumigil na ako sa pagkukurot sa kanya, pero napataas naman ang kilay ko nang makita ko siyang nakangisi.

'Ano ba ang iniisip neto?'

"Anong iningingingisi mo diyan ha?!"

"Ganyan ba talaga ang mga buntis?! Paiba-iba ang ugali? Ang lakas kumain, ang lakas maka-bugbog ng asawa. Ganyan ba talaga 'yan?!" kunot noo niyang tanong.

'Galit ba siya?!'

"Hoy Hacinto! 'Wag na 'wag mong kukwestiyunin ang pagbubuntis ko!! Bakit?! Sawang sawa ka na ba sa'kin ha?! Pwes! Uma—" natigil ako sa pagbubunganga ko dahil bigla niya akong siniil ng halik.

'Alam talaga neto ang makapagpapatahimik sa'kin! Amp!'

Nginisian niya ulit ako.

'Bakit ba ngisi nang ngisi 'to?! Kainis na ah!'

"Okay ka na ba?" mapanukso niyang tanong. Ramdam ko ang panginginit ng mukha ko.

'Ano ba naman 'yan!'

Tumango naman ako at bigla bigla na lang siyang ikinulong sa mga braso ko..

"Hacinto.. Ipangako mo sa'kin. Na hinding hindi mo kami iiwan ng anak ko ah? Pakiusap, hindi ko alam ang gagawin sa buhay ko kapag nawala ka sa piling ko." naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. At ginantihan ako ng yakap.

'Ang sarap talaga sa pakiramdam na yakap yakap ka ng mahal mo'

"Janet.. Kahit ano mang mangyari, hinding hindi kita iiwan. Dahil ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay.." malambing niyang saad.

Biglang kumirot ang tiyan ko.

'Aray..'

Agad naman akong napahawak doon at kumalas sa yakap.

"H-hacinto!!!! A-aray!!!! A-ang s-sakit n-ng t-tiyan kooooooooooo!!!!!!!" biglang nanlaki ang mga mata niya. Tinignan niya anh kalendaryo sa kwarto.

"M-manganganak ka na?!"

"P-parang.. OO!!!!"

'Ang sakitttt!!!!'

"T-teka, tatawagin ko ang kumadrona." halatang kabado siya at dali-daling lumabas, pero bago iyon ay binilugan niya ang araw ng aking kapanganakan.

'Pebrero 14, 1520'





AILEEN'S POV

Ang ganda talaga dito sa hardin. Ang daming bulaklak at iba iba pa ang kulay. Mayroon ding mga paru-paru na nagsisiliparan sa kahit saan. Hinawakan ko ang aking tiyan na nakaumbok.

'Malapit na kitang masilayan anak'

Napa-igtad naman ako, nang may biglang yumapos sa akin mula sa likod.

'Ang asawa ko talaga'

Napa-iling na lang ako, ganito naman siya palagi eh. Laging naglalambing, bigla na lang manghahalik o 'di kaya ay mangyayakap. Swerte ko talaga dito sa asawa ko. Mabait na, maalaga pa.

Hindi ko siya tinignan, pero nakapatong sa balikat ko ang baba niya habang pinagmamasdan ang paligid.

Bigla niyang inamoy ang leeg ko.

'Tsk, ito talaga'

"Aileen," tawag niya. Nilingon ko siya at nakita ko ang nakanguso niyang mukha.

'Anong nangyari sa mukha nito?'

"Bakit?" malumanay kong  sagot, pero hinigpitan niya lang ang kaniyang yakap.

'Ano ini-aarte naman nitong asawa ko?'

"Baka hindi mo na ako mahal Aileen, dahil nandyan na ang munting anghel natin oh! Baka hindi mo na ako pansinin!" parang batang pagnamaktol niya.

Ganito naman talaga siya palagi, iniintindi ko na lang. ASAWA ko eh.

'Hay naku, ano ba naman ito. Ang sarap talagang sapakin minsan eh'

*plok!*

Binatukan ko nga.

Mas lalong bumusangot ang mukha niya.

"Bakit mo naman ako binatukan Aileen?! Ikaw ah! Pag itong katalinuhan ko nawala! Lagot ka sa'kin!!"

'Katalinuhan? Meron ba siyang ganun?'

"Hahahahahahahahahaha! Ano ka ba naman Dennis, mamahalin pa rin kita, tandaan mo 'yan! Jusko, nadagdagan lang ang pamilya natin pero hindi ibig sabihin nun, hi di na kita mahal. Ikaw at ikaw pa rin ang una't huling lalake na minahal at mamahalin ko, malinaw?" parang bata naman siyang tumango.

'Alam ko na talaga ang kahinaan nito'

Umiling na lang ako.

"Halika na sa loob, baka malamigan ka dito." hinawakan niya ako nang may pag-iingat. Pumunta naman kami sa may kusina.

Napabusangot naman ako.

'Gusto ko pang magliwaliw doon eh!'

"Dennis, labas ulit ako ah? Nakakatamad dito sa loob ng bahay. Sig—"

'Patay'

"AILEEN! 'Wag na pakiusap! Baka magkasakit ka pa! Ikaw talagang babae ka!"

'Lagot'

Sa pagbubuntis ko, wala naman akong masyadong problema. Maliban nga lang sa pagiging makulit ko, at mapilit.

Minsan nga ay naiinis na sa'kin ang asawa ko pero hahahaha! Iintindihin niya lang ako, binuntis niya eh. Siya kasi, kay tiis tiis na lang.

Kunot na kunot ang noo niya at bakas ang pagipigil ng inis niya.

"Maupo ka na lang diyan Aileen." pagkatapos ay tumalikod siya sa'kin.

'Ang ganda naman ng likod ng asawa ko! Ang lapad lapad ng balikat! Lalakeng lalake!'

"Ipaghahain na lang kita, anong gus— teka? Pinagpapantasyahan mo ba ako?!" kunot noo niyang tanong na nakatutok pa sa'kin ang sandok na dala dala niya.

'Pasalamat ka nga, pinagpapapantasyahan pa kita'

"Eh ano naman ngayon? May angal ka?!" biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at biglang ngumiti.

'Tsk, baliw ata itong napangasawa ko'

"Hehehehe." nahihiya niyang tawa. "Wala naman, kinikilig lang. Ikaw naman," pigil na pigil niya pa ang tawa niya.

'Ewan ko sa'yo. Gutom na ako!'

"Anong gusto mong pagkain na ihahanda ko?" alok niya. Napalagay ako sa aking hintuturo sa aking baba.

'Hmm, ano kaya 'no?'

Bigla na mang may nagsabi sa utak ko na. Manga na may Asukal...

Eto pa, ang lakas lakas ko kumain. Kaya ito, dumoble ako mula sa normal kong timbang. Pero wala akong pake, hehehehe.

Pero bigla na lang nagsalita ang asawa kong punggok.

'Hayop talaga.. Tsk'

"A-anong gusto mo?" mahina niyang tanong dahil sinamaan ko siya ng tingin. Bumusangot ko. Ipanatong koang aking dalawang siko sa lamesa at ipinatong ko rin ang aking baba sa aking mga palad.

Ngumuso ako. "Gusto ko ng mangga na may asukal!" parang bata na utos ko. Napatanga naman siya.

'Sus, hindi na nasanay eh gan'to naman talaga ako simula nang binuntis ako neto eh'

"Oh?"

"Diba bawal sa'yo ang sobrang matatamis?"

"Pake mo ba ha?!"

'Pinapakialaman pa ako eh gutom na gutom na ako eh!'

"Aileen naman—"

Biglang may magandang ideya na pumasok sa isip ko. Tutal, magaling naman siyang magluto.

'Hihihihi! Ang talino ko talaga!'

"Ganito na lang pala! Sahugan mo na lang ng sago at gata para mas masarap!" napatanga na naman siya.

'Masalinan nga ng katalinuhan itong asawa ko minsan. Humihina na eh'

"Paki—"

"Magluto ka na!!!! Gutom na gutom na ako eh!!!" napa-igtad naman siya dahil sa sigaw ko.

'Bagal bagal kasi eh!'

"Tsk! Sige na nga!"

~~~

"Oh ito na!" bigla ko naman kinuha mula sa kanyang mga kamay ang mangkok laman ang pinaluto ko sa kanya. Sinubo ko agad iyon.

'Mmm! Ang sarap naman!'

Napangiti naman ako dahilan para ngumiti rin siya. "Talaga ngang naglilihi ka sa'kin at sa mga matatamis ah?" wala akong ibang sinagot sa kanha kundi isang tango. Sarap na sarap kasi ako sa kinakain ko eh.

'Hehehehe.. bahala ka na muna diyan. Kain muna ako'

"Dahan dahan lang Aileen. Baka mapaso ka." isang tango na naman ang isinagot ko.

'Ang sarap talaga!'

Ramdam ko ang tingin niya sa'kin. At alam ko rin na ngiting ngiti siya. Tila ba'y sobrang saya niya dahil klarong klaro mula sa kisla ng kanyang mga mata.

'Bakit kaya?'

Pero hindi ko muna siya pinansin. Ubusin ko muna 'to. Hehehehe masarap kasi talaga siya eh.

Pero napansin ko siyang hindi pa kumakain, at wala man lang ni anong mangkok sa harap niya.

'Tinitignan lang ba niya ako?'

"Gushto mwo?" hindi halos tama tama ang naisasabi ko dahil punong puno pa ang bibig ko.

" 'Wag na, at para sa iyo naman talaga 'yan. Sige na.. ipagpatuloy mo na ang pagkain mo," nakangiti niyang saad kaya sinunod ko na rin.

Papalampasin ko pa ba 'to diba?

Pero.. bigla na lang akong may maramdamang kirot!

'A-aray!'

Marahas na inilapag ko ang kubyertos sa lamesa at napahawak sa aking tiyan.

'A-ang sakit!'

"A-aileen?! A-anong n-nangyayari s-sayo?!" agad niya akong nilapitan.

"Manganganak na akoooooooooooooo!!!!!!!!"

Napatingin naman siya sa kalendaryo malapit sa'min.

'Pebrero 14, 1520'







A/N:

SALAMAT SA PAGBABASA MGA TSUMTSUMS!































Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #ongoing