Petal 1




2 months later...




"Food panda po."


Bumusina ako para malaman ng customer na dumating na ang kanilang delivery. Bumaba ako sa aking motor at nagtext sa customer ng kanilang pina-deliver na pagkain.


Maya-maya pa ay bumukas na ang kulay itim na gate at katamtaman lang ang laki na nasa harapan ko at lumabas ang isang teenager na babae kasama ang isa pang babae na mukhang mas matanda sa kanya.


"Zoe Molina po?" Pagkumpirma ko sa pangalan ng aking customer.


Tumango naman ang teenager na babae na abot hanggang balikat ang buhok. "Opo, ako iyan."


Sinimulan ko namang kunin ang kanilang mga order mula sa trunk ng aking motor. Medyo marami ang mga iyon kaya isa-isa ko iyong ibinigay sa kanila.


"Picture-an ko na lang po kayo for proof." Magalang 'kong paalam sa kanila na ikinatango nila. Kumuha ako ng picture mula sa aking cellphone kasama ang resibo ng kanilang inorder. "Thank you po!"


Babalik na sana ako sa aking motor nang pigilan ako ng isang babae na mas matanda sa dalawa at maikli ang buhok.


"Teka ate, kunin mo na 'to." Sabay abot niya sa akin ng isang daan.


"P-Po? Pero–"


"Sige na, kunin mo na." Pinilit niya iyong inabot sa akin kaya naman wala akong choice kundi kunin na rin ang pera. "Thank you ulit." Sabi nila bago sila pumasok sa loob ng malaking bahay.


Napatingin naman ako sa isang daan na tip na binigay nila sa akin. Napangiti na lang ako at itinago iyon, ni hindi manlang ako nakapag-pasalamat sa kanila. Sinuot ko ang aking sumbrero bilang panangga sa init dahil tanghaling tapat na at sobrang sakit sa balat ng tirik ng araw, saka ako umalis.


Isa sa mahirap na problema ng pagiging rider o courier ay ang pakikipagsapalaran sa init o ulan araw-araw kada bumabyahe. Hindi namin alam kung anong panahon ang aming kahaharapin pero hindi naman namin hawak ang panahon at kailangan naming kumita.


Lumiko ako pa-kanan hanggang sa makarating ako sa isang kalsada na nagmistulang tambayan ng mga delivery rider na tulad ko sa tuwing naghihintay kami ng delivery na kung tawagin nila ay snake road.


May mga puno rito na pwedeng silungan kaya mahangin at maaliwalas ang paligid. Isa rin itong shortcut na daanan kaya hindi madalas ang pagdaan ng mga sasakyan dito kaya naman mas mapayapa ang pagtambay namin dito.


Pinark ko ang aking motor sa tabi ng ibang motor ng ibang riders. Mukhang napansin nila ang pagdating ko kaya napatingin sila sa aking direksyon.


"Oh, nandyan na pala si Ingrid. Anong oras na ah!" Sabi ni kuya Albert na isa sa matagal ng rider sa amin.


Tinanggal ko naman ang sumbrero ko at pinunasan ang mga namuong pawis sa aking ulo. "Kaya nga po. Maraming deliver ngayon eh."


Naupo naman ako sa may sidewalk sa tabi ni Neo na nag-iisang kaedad ko dito sa grupo naming mga riders. Inalok ako nito ng bote ng tubig na agad 'kong kinuha.


"Salamat." Mabilis ko iyong ininom dahil sa matinding pagka-uhaw.


"Magdala ka na kasi ng sarili mong panyo at tubig sa byahe. Ang kulit." Pinagsabihan niya ako.


Napangiti naman ako. "Nakalimutan ko na naman. Hayaan mo, sa susunod."


Tumaas naman ang isa niyang kilay. "Pang-ilang beses ko na ba iyang narinig sa'yo?"


Doon ako tuluyang natawa at pinanood niya lang ako. "Umaalis na kasi ako agad sa umaga matapos 'kong ihatid ang kapatid ko. Nakakalimutan ko lang talaga kakamadali." Pagpapaliwanag ko pa sa kanya.


Ramdam ko naman ang tingin at pakikinig niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya kaya agad siyang umiwas ng tingin. May kinuha siya sa bag na hawak niya at inabot sa akin ang isang burger na mukhang bago pa dahil nakasara pa nang maayos ang packaging.


"Binigyan ako kanina ng libre ng mga customer na napuntahan ko, mukhang galante eh. Kumain ka muna." Pag-aalok pa niya.


Kinuha ko naman iyon sa kanya at nagsimulang kumain, hindi na ako tumanggi dahil malapit na rin ang tanghalian at hindi ako pwedeng malipasan ng gutom. "Thank you."


"Hoy, kayong dalawa dyan, nagsosolo na naman kayo!" Pareho kaming napatingin kay kuya Albert nang sumigaw ito.


"Hayaan mo na, bebe time nila iyan." Natatawang sabi ni kuya Jonas na tinawanan lang naming lahat.


"Kahit kailan, fake news ka, kuya." Naiiling na sabi ko sa kanya. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Neo sa tabi ko. "Bakit?"


Napatingin naman siya sa akin at biglang umaliwalas ang kanyang mukha. "Wala, kumain ka lang dyan."


Habang kumakain, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko, at lumabas ang notification ng panibagong order. Minadali ko ang pag-ubos sa aking burger saka ako tumayo.


"Last deliver mo na?" Tanong sa akin ni Neo.


Tumango naman ako habang inaayos ang aking sumbrero at iba pang gamit. "Oo. Kailangan ko nang sunduin si Ivy. Mamamalengke pa ako mamaya."


Bago pa ako umalis ay tinapik pa ako nito sa balikat. "Ingat. Masyado ka pa namang mabait."


Hindi ko naman maiwasang matawa sa sinabi niya dahil ano bang masama sa pagiging mabait?


"Kung makapagsalita ka parang masama ang pagiging mabait." Huling sabi ko sa kanya bago ako tuluyang umalis.


Bumyahe ako ng ilang minuto bago ako makarating sa coffee shop na pinag-orderan ng customer ko. Nakilala naman ako ng babae sa cashier dahil madalas akong kumuha ng order dito.


"Hello, ate Ingrid. Okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa tanong ni Allison, sa hindi ko malamang dahilan, habang inaabot sa akin ang mga paper bag at kape.


Ngumiti ako. "Oo naman. Ako pa!"


Napatango naman siya at napabuntong-hininga pa na para bang inaasahan niyang maging ganoon ang aking sagot. Inikot pa nito ang kanyang mga mata na para bang sanay na siya sa akin.


"Oo nga, ate, ikaw pa. As always. Anyway, take care." Paalala pa nito sa'kin kaya sumaludo ako sa kanya.


Bago pa ako makaalis ay inupdate ko ang aking status upang malaman ng customer na on the way na ako.


Nag-drive na ako papunta sa address ng aking customer. Medyo malayo ito at kinailangan ko pang dumaan sa main road. Pagka-green ng stoplight ay pinaandar ko ulit ang aking motor.


Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napatigil ang mga sasakyan sa aking harapan. Akala ko ay may tumatawid lang o ibang sasakyan ang kinailangang mag-U turn. Sinubukan 'kong dumaan sa mga gilid ng mga sasakyan upang makalusot hanggang sa may harapan.


Medyo nahirapan pa ako sa paghanap ng mga daan dahil malalaking truck ang aking mga kasabay. Meron din akong ibang mga rider na nakakasabay kaya naman hindi madaling makahanap agad ng daan.


Inabot pa ako ng ilang minuto bago ako makarating sa harapan kung saan may nangyaring bungguan ng motor at bus. Sa kabutihang palad, walang nasugatan o nasaktan sa nangyari kaya naman napahinga ako nang malalim.


Subalit isang malaking aberya ang naging dulot ng aksidente. Masikip lamang ang daan sa parte na ito, kaya naman na-stuck ang lahat ng sasakyan sa likod ng bus na naaksidente.


Hininto ko naman ang aking motor sa may tabi at saka ako lumapit sa rider ng motor na isang nanay sakay ang kanyang anak na mukhang mas bata pa sa aking kapatid, maikli ang buhok nito at halos matakpan ng bangs ang kanyang mga mata.


Nagtatakang tumingin ito sa akin pati na rin ang iba pang nakakakita pero hindi ko na lang sila pinansin at inalalayang makababa ang mag-ina mula sa motor.


"Ayos lang ho ba kayo?" Nag-aalala 'kong tanong sa kanilang dalawa.


Tumango naman ang nanay saka hinimas ang kanyang anak. "Mabuti naman. Maraming salamat sa pagtulong, iha. Pagpalain ka nawa."


Napangiti naman ako sa kanya saka ako bumaba para harapin ang kanyang anak. "Okay ka lang ba? Walang masakit sa iyo?" Mahinhin 'kong tanong sa bata.


Hindi naman ito sumagot at bahagya pang lumingon sa nanay niya na tinanguan lang siya, senyales na ayos lang na sumagot sa aking tanong. Dahan-dahan namang tinango ng bata ang kanyang ulo kaya naman hinimas ko ang buhok nito.


"It's okay. May dadating din pong tulong dito."


Tumayo ako at saka nag-dial ng pulis. Napalingon naman ako sa driver ng bus na bumaba at lumapit sa amin.


"Ano ba namang ginagawa niyo?! Hindi ba kayo tumitingin sa daan?! Nagka-aberya tuloy!" Sunod-sunod na sigaw nito kaya mas lalong napapatingin ang ibang tao sa pwesto namin.


Napatago pa ang bata sa likod ng nanay nito dahil sa takot sa pagsigaw ng bus driver. Napaatras pa nang bahagya ang ginang dahil sa lakas ng sigaw ng lalaki na animo'y handa na silang saktan ano mang oras.


"Pero bigla kasing pumreno yung nasa harap–" Hindi na natapos ng nanay ang kanyang sasabihin nang sumigaw ulit ang driver.


"Magdadahilan ka pa! Kung hindi dahil sa inyo, edi sana walang magiging aberya! Talaga naman oh!" Napahilamos pa si kuyang driver sa kanyang mukha dahil sa inis.


"Kuya, kumalma ka po–" Sinubukan 'kong lumapit sa kanya pero agad niya akong hinawi nang malakas at muntik pa akong matumba sa sahig.


"Paanong kakalma eh ang laking aberya nito! Male-late itong mga empleyadong dala-dala ko at paniguradong ako ang mapapagalitan!" Nag-aalala pa nitong sigaw at hindi ko maiwasang mapatango sa kanya dahil naiintindihan ko ang kanyang dahilan.


"Alam ko naman po iyon, pero kasi sa ginagawa niyo, mas lalo niyo lang pinapalala ang sitwasyon. Sa tingin niyo ba makakatulong iyan sa sitwasyon?" Mahinahon 'kong pagsasalita. "Hindi ko po minamasama ang iyong nararamdaman, pero sana huwag niyo pong pairalin ang galit niyo." Dagdag ko pa.


Napahilamos siya ulit sa kanyang mukha. "Lintek naman talaga!" Sabi niya saka bumalik sa bus at mukhang may kinuha.


Ngunit naiintindihan ko si kuya dahil alam ko at nauunawaan ang kanyang pinoproblema. Tulad na lang ngayon, alam 'kong malalagot din ako sa aking customer dahil natatagalan ako lalo sa pag-deliver.


Ngunit wala naman akong magagawa dahil walang ibang pwedeng daanan para makaalis. Hindi na rin naman ako makakabalik pa dahil napakahaba na rin ng traffic na nagawa ng aksidente na ito. Sunod-sunod na rin ang busina na nanggagaling sa mga sasakyang na-stuck sa gitna ng aberya.


Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng mga sirena ng pulis, hudyat na nandito na ang tulong. Napabuntong-hininga naman ako at saka humarap sa mag-ina na inaalo ang kanyang anak na umiiyak.


"Huwag po kayong mag-alala, nandito na ang mga pulis." Sinubukan 'kong ngumiti para maibsan ang kanilang nararamdaman.


"Maraming salamat sa'yo iha. Mabuti nalang at may mga tao pang tulad mo." Mangiyak-ngiyak na sabi ng ginang.


"I just did what I could."


Dumating na ang ilang pulis at kinausap ang mag-ina pati na rin ang driver ng bus tungkol sa nangyari. Maya-maya pa ay may dumating na ring rescue team para alisin ang motor mula sa pagkakabangga sa bus. Inabot pa iyon ng ilang oras bago tuluyang maalis at halos masira ang likurang parte ng motor.


Samantala, ang bus ay tuluyang umalis nang hindi alintana ang sira sa harapan nito at mukhang nais muna ng driver na dalhin sa trabaho ang mga empleyado na sakay nito bago harapin ang problema.


Nagsimula na rin akong mag drive dahil paniguradong kanina pa naghihintay ang aking customer at hindi ko sinasadyang maantala ang pag-deliver ng kanyang pagkain.


Nagmamadali akong mag-drive papunta sa address ng customer at pinasok ko ang isang high-end na village na medyo malayo sa kabihasnan. Ngayon lang ako nakapasok sa village na ito at halata naman sa mga imprastraktura ng mga bahay kung gaano kayaman ang mga naninirahan dito.


Huminto ako sa tapat ng isang malaki at puting bahay na may malaking itim na gate. Sa tabi ng maliit na gate ay nakapaskil ang isang silver na template kung saan nakalagay ang 'ANDERSON'S RESIDENCE'.


Pinindot ko ang doorbell at saka ko inihanda ang mga inorder na pagkain. Matapos ang ilang minuto ay bumukas ang maliit na gate at lumabas ang isang teenager na babae na itim ang mahabang buhok, maputi at mukhang inaalagaan nang maigi ang kanyang kutis.


Bagsak ang kulay itim nitong buhok na abot hanggang siko at nakasuot ito ng mamahaling damit na kulay rosas. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang nakakunot nitong noo na halos magsalubong ang kanyang mga kilay. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkainip at galit.


Napalunok ako bago magsalita. "For Abigail Anderson?"


Pumamewang ang babae. "Yes, that's for me and I've been waiting for my order for a looong time already! What poor service you have!" Naiinis nitong sambit.


Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko rin naman siya masisisi. Kanina pa dapat ako nakarating dito pero nagkaroon ng aksidente sa daan.


"I'm sorry for–"


"You better be sorry, duh! Much more annoying if you're not! Let me have that!" Pasigaw niyang sabi. "Yaya!" Mas malakas pa niyang sigaw.


Iaabot ko na sa kanya ang mga order ng taasan niya ako ng kilay kaya naman napahinto ako. Biglang lumabas ang isang matandang babae na mukhang nasa 50s, saka ito lumapit sa akin at kinuha ang mga order niyang pagkain.


"Salamat, iha." Nakangiting sambit ng matanda kaya naman nginitian ko siya pabalik.


Napansin ko na nahihirapan ito sa mga dala niya at balak ko na sana siyang lapitan ngunit tinignan ako ng masama ng customer na nangangalang Abigail kaya napatigil ako sa paglalakad.


"Stay there. Oh, and don't even think of having a picture of me for proof. Gosh, this is stressing me out." Sabi nito bago tuluyang pumasok sa loob ng mansion.


Hinintay ko silang makapasok ng bahay bago ako nag-buga ng hangin at napasandal sa aking motor. That was one exhausting encounter. Inaasahan ko naman na ang ganoong reaksyon mula sa kanya dahil alam ko rin naman ang mali ko.


Napatingin naman ako sa aking cellphone saka ko napansin ang oras. "Si Ivy!"


Dali-dali akong nag-drive papunta sa school ng aking kapatid dahil paniguradong kanina pa iyon naghihintay. Inabot ako ng ilang minuto bago ako nakarating at marami ng naglalabasang estudyante, pati na rin ng mga magulang o kamag-anak na sinusundo ang kanilang mga anak.


Napalinga-linga ako sa paligid saka ko tinaas ang aking kamay at kumaway para makita ako ni Ivy. Napansin niya naman iyon saka siya naglakad palapit sa akin.


"Sorry, natagalan si ate sa pagdating." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.


Umiling lang siya. "Wala iyon, 'te. Medyo natagalan din bago kami palabasin kasi nagalit pa sa amin yung teacher."


Napangiti naman ako saka kami sumakay sa motor. Pagdating sa bahay, agad akong nagpalit ng damit at naligo saka ako nagluto ng pananghalian. Maliit lang ang bahay namin at walang second floor, kasya lang para sa aming magkapatid.


Meron itong sala na katabi ng kainan at ng kusina. Dalawa lang din ang kwarto nito, isa ay ang sa akin, at isa kay Ivy, na dati nilang kwarto ni mama. Pinapasok ko lang din sa maliit na bakuran sa harap ng bahay ang aking motor.


"May kailangan ka bang tulong sa mga gawain mo?" Tanong ko kay Ivy habang kumakain.


"Wala naman po. Kaya ko naman lahat ng iyon. Ako pa ba, ate." Confident nitong sabi at tinilt pa ang kanyang ulo sabay ngisi.


Natawa naman ako sa ginawa niya at ginulo ang kanyang buhok. "Basta, kapag kailangan mo ng tulong ha, tawagin mo lang ako."


Tumango siya. "Aye aye, boss."


Matapos kumain ay maghuhugas na sana ako nang unahan ako ni Ivy sa lababo kaya nagtaka ako.


"Ivy, gawin mo na ang mga assignments mo." Pag-utos ko sa kanya.


"Diba sabi ko ate, ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin palagi."


Napakunot ang noo ko. "Bakit? Kaya ko naman, para maaga ka ring matapos at marami kang free time."


Pero umiling lang ito at nagpatuloy sa paghuhugas. "Hindi ka ba napapagod, 'te? Pahinga rin pag may time. At saka diba, mamamalengke ka pa ngayon?"


Napanga-nga naman ako sa kanyang sinabi dahil muntik na ngang mawala sa isip ko na kailangan 'kong mamili ngayon ng kulang na rekados mamaya!


"PERO! Magpahinga ka muna, ate, kahit five minutes lang. Baka bigla ka na namang bumagsak dyan sa pagod." Paalala pero nag-aalalang sabi ni Ivy.


Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Hindi iyan, ayos naman na ako dahil nakakain na ako. At pahinga ko na rin iyon 'no. Promise, hindi ako pagod ngayon." Paninigurado ko pa sa kanya.


Bumalik na ako sa kwarto ko at kinuha ang aking wallet. Nagpaalam na ako kay Ivy saka ako lumabas ng bahay. Hindi na ako nag-motor dahil malapit lang naman ang sari-sari store na pupuntahan ko at para na rin makatipid sa gas.


Pagdating ko doon ay wala masyadong tao sa loob dahil tanghaling tapat pa lang at oras na ng siesta. Binili ko ang mga kulang 'kong rekados para mamaya.


"Oh, Ingrid. Eto na ba lahat?" Tanong sa akin ni Ate Flor na may-ari ng sari-sari store.


Tumango naman ako. "Opo."


"Magtitinda ka ulit mamaya sa may plaza?" Pagtatanong nito habang pinaplastic ang aking mga binili.


"Opo eh, kailangang kumita." Napakamot ako sa aking ulo.


Inabot niya sa'kin ang mga plastic. "Mag-iingat ka, ha. Masyado kang maraming trabaho at baka kung ano mangyari sa'yo at mapano ka pa."


"Salamat, ate Flor. Ako pa."


Pagbalik ko sa bahay ay naabutan ko si Ivy na nasa sala at nanonood ng tv habang nakakalat ang kanyang mga notebook sa lapag. Dumirecho na ako sa may kusina at hinanda ang mga gamit na kakailanganin ko.


Pagpatak ng alas cuatro inayos ko ang lumang food cart namin na de-motor sa aming bakuran na katabi lang din ng aking motor. Nilagay ko doon ang mga gamit na kailangan ko saka ko binuksan ang gate at nilabas iyon. Pumasok pa ulit ako sa bahay para kunin ang natitira 'kong gamit saka ako nagpaalam kay Ivy.


"Ivy, magtitinda lang ako sa may plaza. I-lock mo ang pinto. Kapag kailangan mo ng tulong, i-text mo agad ako o sumigaw ka kila ate Joyce."


Nag-thumbs up lang ito sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang sinusulat. Ni-lock ko muna ang gate bago ako sumakay sa motor at pinaandar iyon papuntang plaza.


Sa may plaza malapit sa amin ay mayroong malaking park at playground kung saan madalas maglaro ang mga bata dito sa lugar namin, lalo na pagpatak ng hapon. At dahil nga halos mga bata ang nandito, patok na patok din ang aking binebentang corndog sa kanila.


"Si ate Ingrid nandito na!"


"Yehey! Corndog!"


Napangiti ako nang tawagin nila ako kahit na malayo pa lang ako sa aking pwesto. Saktong paghinto ko ay nag-dagsaan na agad ang mga batang bibili ng aking paninda.


"Oh, wait lang muna, ha. Mag-aayos lang si ate Ingrid." Magalang 'kong pakiusap sa kanila at malawak na ngumiti.


Matapos 'kong ihanda ang mga paninda ay pumila na agad sila para bumili. Inalalayan ko rin ang ibang mga bata na nahihirapan sa paglalagay ng sauce at sa pagkain ng mga ito. Tinuruan ko rin silang itapon ang kanilang mga basura sa basurahan na dala ko para hindi sila magkalat sa park.


"Ate, ang sarap po talaga ng corndog! Thank you po!" Sabi sa akin ng isang batang lalaki at halos kumalat ang mga sauce sa kanyang mukha.


Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa sinabi niyang iyon at kumuha ng tissue at pinunasan ang kanyang mukha. "You're welcome."


Matapos mag-merienda ng mga bata sa aking stall ay bumalik ang mga ito sa paglalaro sa playground. Habang walang customer ay pinanood ko lamang sila habang nakaupo ako sa motor ng food cart.


Inabot ng ilang oras at naubos din ang aking panindang corndog. Malapit na rin magdilim at pagtingin ko sa oras ay alas sais y media na ng gabi. Inayos ko ang mga paninda ko at tinanggal lahat ng mga may kinalaman sa corndog.


Maya-maya pa ay may dumating agad na customer sa harap ko. "Ate, tatlong pares nga po."


Isa rin ito sa mga patok na paninda dito sa lugar namin dahil maraming naghahanap nito. Wala kasi masyadong nagbebenta ng pares sa amin kaya naman sinali ko na 'to sa mga tinitinda ko.


"Ang sarap talaga ng pares dito! Ikaw po nagluto nito, ate?" Tanong sa akin ng babaeng teenager na kumakain ngayon.


Dahan-dahan akong tumango at nginitian siya. "Ah, oo."


"Maganda na, magaling pa magluto. Bukod kang pinagpala sa lahat, ate. Sana all nalang talaga."


Napangiti na lang ako sa kanilang magkakaibigan habang pinag-uusapan nila ako at ang aking luto. Matapos ang ilang oras ay nangalahati na rin ang aking panindang pares kahit na alas otso pa lang ng gabi.


"Ate ganda! Dalawa nga para sa'king maganda rin at sa kasama 'kong chaka!"


Napatingin naman ako sa kararating lang na customer. Nakasuot ito ng polo at pantalon at akala ko ay lalaki ito hanggang sa gumalaw ito na mas malambot pa sa akin, na may kasamang babaeng naka-dress at nakataas ang buhok.


"Tigilan mo akong mansanas ka 'pag gantong badtrip ako kay Tejano." Sabi naman ng kasama niyang babae na nakasuot ng dress at nakataas ang buhok.


"Bilib nga ko sa ganda mo 'te at natitiis mo ang baklang iyon. Ay, kung akech ang manager baka nag-kiss goodbye na iyon sa akin dati pa! Buti at wala na rin si gaga!" Naiinis na sabi ng lalaki, o nagbaba-babaeng lalaki. Hindi ko kasi alam kung ayos lang ba na tawagin ko silang bakla o hindi.


"Eto na po." Abot ko sa kanila ng kanilang mga order kaya naman huminto sila sa kanilang pag-uusap.


Naramdaman ko naman ang pagtitig sa akin ng babaeng kasama niya kaya naman medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang. Nginitian ko na lang siya at nagkunwaring busy sa aking ginagawa.


"Huy, bakla! Kanina pa akez nagtatalking dito tapos iniignore mo lang ang ganda ko! Walanjo ka!" Pag-agaw ng kasama niya sa kanyang atensyon kaya naman napakurap ito.


"Alam mo, hindi ko alam kung bakit kita naging kaibigan." Inirapan siya ng babae at nagsimula na silang kumain.


Habang kumakain sila sa food cart ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang kanilang usapan dahil nasa harapan ko lang sila mismo. Kakaresign lang ng isang staff sa kanilang pinagtatrabahuhan at nangangailangan ng panibago. May bigla namang pumasok sa aking isip at napaangat ng tingin.


"Excuse me," pag-agaw ko sa kanilang atensyon. Sabay naman silang tumingin sa akin.


"Yes, ganda? Pero mas maganda ako," natawa ako sa sinabi niya. Siniko naman siya ng kanyang kasama. "Ouchie!"


"Uh, narinig ko kasi na nangangailangan kayo ng bagong staff? Pwede ba akong mag-apply?" Derecho 'kong tanong kaya naman natigilan sila parehas.


Ilang minuto silang nakatitig lang sa akin kaya naman babawiin ko na sana ang sinabi ko nang magsalita ang babae.


"Wait, ilang taon ka na miss...?" Nag-aalangan nitong tanong.


"29 po."


Napa-nganga naman sila nang sabihin ko ang aking edad. Expected ko na ang mga ganyang reaksyon sa tuwing may nagtatanong sa akin ng edad ko.


"Pero huwag niyo na lang pala–"


"Teka, nakakalurky! Naloka ako sa age ng ate mo! Akala ko you're young and wild pa! Pero ang fresh mo pa rin tignan! Tignan mo ako, 26 lang pero parang lumagpas na sa kalendaryo ang itsura!" Mahabang lintanya ng isa.


I didn't expect his reaction dahil karaniwang mga sinasabi sa akin ay masyado na akong matanda para sa ibang bagay at sayang lang daw ang ganda ko, kung hindi lang ako matanda.


Kaya naman hindi na rin ako masyadong umaasa sa tuwing sinusubukan 'kong maghanap ng trabaho, pero hindi pa rin ako tumitigil maghanap.


"Pero gusto mong mag-apply sa amin?" Pagtatanong ng babae kaya naman nalipat sa kanya ang atensyon ko. "By the way, you can call me Lia."


"Ah, oo, kung pwede lang sana..." Magsasalita pa sana ulit ako nang magsalita ulit si Lia.


Inabot niya sa akin ang isang puting card. "That's my calling card and nakalagay din dyan ang address ng restaurant. You can go there tomorrow. Oh, and don't forget your resume."


"Ayan, madadagdagan na naman ang maganda sa resto!" Narinig 'kong sabi ni Apple, pagpapakilala niya sa akin.


Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa calling card na binigay niya at nagbow pa ako sa kanya na ikinagulat nila.


"Thank you! Salamat talaga!" Pag-uulit ko pa.


"Wala iyon. See you tomorrow..."


"Ay oo nga pala. Call me Ingrid." I shook hands with both of them before they bid their goodbyes.


Hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking labi hanggang sa magsara ako. Hindi ko naman akalain na merong darating na grasya kaya naman nagpapasalamat ako sa Diyos.


For a celebration, pumunta ako ng convenience store sa malapit para bumili ng ice cream. Walang tao sa loob maliban sa isang lalaking naka-itim na nasa isang aisle. Kumuha naman ako ng isang galon mula sa freezer at nagbayad sa counter.


I felt the presence of the man in black behind me. Bigla naman akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Ngumiti at nagpasalamat pa ako sa kahera bago ako lumabas ng store.


The man followed me as I got out of the store. Bago pa ako makalapit sa aking food cart bigla ako nitong hinila sa braso. Nanghina naman ako agad sa higpit ng hawak nito sa akin.


"Ibigay mo sa'kin lahat ng pera mo kung ayaw mong masaktan." Pagbabanta nito sa akin.


But I was too pale to even speak. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa braso kaya naman unti-unti akong nahihirapang huminga.


"H-Huwag..." Sinubukan 'kong magsalita pero mas lalo lang akong nahirapang huminga.


His words became vague, my vision was hazy. I felt my body nearly collapsing when the guy released me. Tuluyan na akong bumagsak sa sahig at hinabol ang aking hininga. Meron akong naririnig na ingay ngunit hindi ko agad iyon maintindihan.


Someone came into my view. A man was saying something, his lips were moving, but I can't distinguish what.


Hinawakan ako nito sa likod at napaatras ako bigla, out of fear. Mukhang natigilan din siya dahil doon, but he doesn't seem offended.


Tahimik siyang naka-squat sa harapan ko habang hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Inabot ako ng ilang minuto bago ako bumalik sa normal. Napatingin ako sa aking braso na mahigpit na hinawakan ng hindi kilalang lalaki. Nakita ko ang unti-unting namumuong pasa doon.


"Are you alright?" I heard the man in front of me ask.


Now that I've composed myself, I got to see him clearly. His brown eyes etched with concern, pale yet rich and flawless skin, disordered hair. He was wearing semi-casual style-clothes.


But his presence and features were familiar. Para bang nakita ko na siya dati.


Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang lalaking nagtangka sa akin na nakahalandusay sa tabi ng daan. Binalik ko naman ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko.


"Ikaw ba ang may gawa no'n?" Pagturo ko sa walang malay na lalaki.


He nodded. "Do you want me to bring you to the hospital?"


Agad naman akong umiling at saka ngumiti sa kanya, napansin ko na bahagya siyang natigilan.


"It's okay, hindi na kailangan. Ayos lang ako." Napabaling naman ako sa holdaper. "Tatawag na lang ako ng barangay para hulihin–"


"No need. I called the cops. They're on their way here."


Napatitig naman ako sa kanya at mukhang naghihintay siya ng pag-angal ko. Subalit mukhang hindi niya inaasahan na ngumiti lang ako.


"Salamat."


Sinubukan 'kong tumayo pero muntik na akong matumba dahil sa pagkahilo. Mabilis siyang umalalay sa akin kaya naman pinasalamatan ko ulit siya.


"Can you go home with that state?" Narinig 'kong tanong niya habang pinapaandar ko ang aking motor.


Tumango ako sa kanya, assuring him with my smile that I am fine, even if it still hurts.


"Kaya ko, ako pa." A small chuckle came out from me. "Salamat ulit, kuya! Anong pangalan mo?"


He put his hands on his pockets, stared at me, contemplating on whether to tell me his name. Bakit ko nga ba tinanong pa ang kanyang pangalan.


"Altair. You're very welcome."


My smile faded. I knew he was familiar.


But I didn't expect him to be this familiar.


*** 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top