CHAPTER 6
Mandy's POV
Bandang alas-kwatro nang maisipan kong lumabas ng kuwarto. Ayokong mag-alala sila sa akin. Ayokong maging dahilan para maging malungkot ang plinanong pagpunta rito.
Baka mabansagan pa akong KJ, ayoko niyon.
"Okay ka lang ba?" Iyon agad ang bungad ni Maya ng makita akong naglalakad papunta sa hapagkainan kung saan naroroon silang lahat maliban sa tatlo naming kaklaseng lalaki na naglalaro daw ng snake and ladder sa isang kuwarto.
"Gutom ka ba?" Tumango ako sa tanong niya kaya tumayo siya at nagtungo sa kitchen. Umupo ako sa upuang katabi ni Den, magkausap ang dalawa ni Raki. Mukha nga silang may sariling mundo, eh.
Walang nagtanong ni-isa sa kanila kung ano ang nangyari sa akin. Ramdam din ata nilang ayoko nang buksan pa ang topic na iyon.
"Makakapasok pa kayo tayo bukas?" tanong ni Tara, one of Maya's classmate. Nilingon ko sila, mga hindi rin alam ang isasagot.
"Anong oras ba tayo uuwi?" tanong ni Maya na for sure ay si Den ang kausap. Lahat kami ay halatang naghihintay sa sagot ni Den pero hindi manlang siya sumagot o lumingon sa amin, busy pa rin silang dalawang magkwentuhan.
"Ano na, Babaeng amoy kape? Bingi ka na ba?" Doon ay lumingon si Den habang nakakunot ang noo.
"Huwag mo 'kong tawagin kung wala kang itatanong na importante. Kausap ko ang future husband ko kaya shut up!" Palihim na lang akong natawa. Future husband? Anong mangyayari kung silang dalawa ang magkatuluyan? Though bagay naman sila.
"Engot. Tinatanong namin kung anong oras tayo uuwi pero hindi ka naman sumasagot dahil tinalo niyo pa nasa Mars--"
"Tama, nasa Mars talaga sila. Mukhang alien 'yang si Den, eh," pang-aasar ni Maya dahilan para magsagutan na naman ang dalawa. Isang mapang-asar at isang patol nang patol.
"Ang ganda ko namang alien kung gano'n." Natawa kaming pare-pareho, pati si Ben na kalalabas lang galing sa kitchen. May dala itong tray habang lumalapit sa akin.
"Sang-ayon na lang akong maganda ka pero pinapaalala ko sa 'yo, masamang magsinungaling, Dear." Napuno nang tawanan ang buong floor na ito. Grabe talaga kapag sina Den at Maya ang nag-asaran.
Parang noon lang ay hindi talaga sila magkakilala pero ngayon kung magbatuhan ng kung ano-anong salita ay parang pagkabata pa lang ay close na sila.
Totoo nga iyong hindi sa haba nang pagsasama o pagkakakilala ng isang tao sa isa para masabi mong matibay ang relasyon niyo- as a friend or lover.
"Ano ka arabo?"
"Oo, Arabo ako. Ikaw, Arabo ka rin, 'di ba? ARABOyfriend." Sakit nang tagiliran ko katatawa. Muntik ko pang masagi ang mangkok na may sabaw na niluto niya.
Gusto ko ng kumain pero baka matapon lang at masayang. Lintek kasi 'tong dalawa. Tinalo pa clown sa pagpapatawa.
Natapos ang asaran nila ng may tumawag sa cellphone ni Den. Sabi niya'y Mommy niya raw kaya tumahimik muna kami.
"Yes, Mom. We're fine here." Lumapit sa akin si Maya at may ibinulong. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa binabalak na kalokohan.
Pati sina Ben ay sinabihan din niya and as usual ay pumayag din.
"Shot pa." sigaw ni Maya tapos pinag-untog ang dalawang basong babasagin. Ginawa niya 'yon para makagawa ng ingay na maririnig sa kabilang linya na kausap ni Den.
"Huwag ka puro pulutan, Sis. Ito, uminom ka."
Nilingon kami ni Den at sinamaan nang tingin. Tumawa lang kami pare-pareho at ipinagpatuloy ang kalokohan.
"M-Mom, no! No, h-hindi kami umiinom. Sa kabila 'yon! Ibaba ko muna ito para masaway ang nasa kabilang cottage." Pagkatapos itigil ang tawag ay parang gusto na niyang magliyab nang mainit na lava sa mga mukha namin.
"Mga s*raulo!" Sabay-sabay kaming tumawa dahil imbes na matakot ay inasar pa lalo ang inis na inis na Den.
"Ewan ko sa inyo. Makaligo na nga!" sigaw pa nito bago kami talikuran. Nag-apir kaming lahat at nagsimula na ring maghiwa-hiwalay. Lumabas sina Jeffrey at Maya kasama ang iba naming schoolmate. Si Raki naman ay pupunta na sa kuwarto. Masyado raw siyang napagod kaya gusto nang magpahinga.
Kaming dalawa lang ni Ben ang natira dito. Awkward. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagka-awkward kapag kasama siya. Imbes na tignan siya ay kinain ko na lang Nilagang baboy at kanin.
"How's your feeling?" Nang maubos ang kinakain ay saka lang siya nagtanong. Marahil ay hinintay niya talaga akong matapos.
"Ayos naman," natatawa kong turan saka tumayo upang ilagay sa lababo ang pinagkainan. Nang mailagay ay lumabas din agad ako sa kitchen at andoon pa rin siya, nakaupo.
"Sorry kung dinala pa kita sa tubig--"
"You don't have to feel sorry, Ben. It was fun kaya!" Totoo namang masaya ako sa ginawa naming lahat kanina. Hindi ko pinagsisihang sumama ako sa resort na ito. Hindi ko pinagsisihang sumubsob ako sa tubig. Hindi ko pinagsisihan ang kung ano mang nangyari sa araw na ito.
Magiging malaking parte ito nang pagkatao ko.
"Tara sa labas? Panoorin natin ang paglubog ng araw," pagyayaya ko. Nginitian ko siya dahilan para ngumiti rin ang kanina pang seryoso niyang mukha.
"Ang daya. Isang ngiti mo lang napapangiti na agad ako." Natawa ako.
"Marupok ka kasi pagdating sa 'kin." Magkahawak-kamay kaming inakyat ang hagdan papuntang third floor.
Nagtataka nga ako dahil ilang oras na ring hindi umaatake ang sakit ko. Napag-isip-isip na ata no'ng sakit ko na hindi ko siya deserve kaya naisipan na lang nitong lumayas.
Nang makalabas ay nakita namin sina Maya at Jeffrey na tag-isang nakaupo sa beach chair. Parehas nagtatawanan.
Sinubukan naming maghanap ng mauupuan ngunit okupado na ang lahat kaya wala kaming nagawa kundi sa buhanginan umupo. Bumalik na lang siya sa bahay para kumuha ng sapin na mauupuan namin. Nang makabalik ay sinapin niya ito at sabay kaming naupo.
Hinawakan na naman niya ang kamay ko, mahigpit ngunit hindi masakit. Napangiti ako at hinayaan siya sa kung ano ang gustong gawin.
Minsan ay paglalaruan niya o kaya naman ay hahalikan.
Baliw talaga. 'Di niya ba ramdam na kinikilig ako sa ginagawa niya?
Shuta ka, Ben.
"Talaga bang ayaw mo?" Kunot-noo ko siyang nilingon. Ang kaninang nakangiting mukha ay biglang nabura.
"W-What are you talking about?" Unang pumasok sa aking isip ay iyong tungkol sa sakit ko pero paano naman niya 'yon malalaman?
Baka iba ang tinutukoy niya. Huwag kang kabahan, Mandy.
"Alam ko ang tungkol sa sakit mo, Mandy." Hindi ko alam kung ano ang irereact. Tinitigan ko lang siya hanggang sa bigla ay mag-init ang dalawa kong mata.
Lintek na life!
"H-How?"
"Kamag-anak ko ang doctor na kumonsulta sa 'yo." Kinagat ko ang ibabang labi at tumitig sa taas. Hindi ko gustong malaman niyang may sakit ako. Ayokong malaman niya!
"Bakit hindi mo sa akin sinabi?"
"Bakit hindi ko sinabi? Its because ayokong mag-alala ka! Ayokong gumulo ang isip mo dahil lang sa akin." Tatayo sana ako ng hawakan niya ang aking kamay. Alam kong ramdam niya ang panginginig no'n.
"Magpagamot ka, please. Sasagutin ko ang pambayad, kahit ano gumaling ka lang." Dumapo ang palad ko sa kaniyang pisnge na pati sarili ko'y nagulat din sa nangyari.
Tumulo ang luha ko. Nakababaliw. Ito ang dahilan kaya ayokong may makaalam ng sakit ko.
"S-Sorry. Ayoko kasing gamitin ang pera ng iba para gumaling ako. Ben, wala na akong pag-asa. Warak na 'to." Sabay turo ko sa aking puso.
"P-Please, ayokong mawala ka." Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Wala siyang pakialam kung pagtinginan ng iba.
Engot ka, Mandy. Pinaiyak mo ang taong nagpapasaya sa 'yo!
"Let's just watch the sunset, Ben. Kalimutan mo ang pinag-usapan natin at maging handa ka na lang sa mangyayari." Sumandal ako sa balikat niya. Rinig ko pa rin ang mahina niyang paghikbi.
"Alam mo ba kung bakit mas makulay ang langit kapag sunset keysa sunrise?" Inalis ko ang pagkakasandal ko sa kaniya kaya nagawa naming magtinginan sa isa't isa.
"W-Why?"
"Because sometimes good things happen in goodbye." Naghahalo ang purple, light blue at orange sky sa langit. Napakaganda nitong pagmasdan.
Paghampas ng tubig ang nagbibigay ingay sa paligid. Mga ibong lumilipad sa himpapawid at tawanan ng mga batang naglalaro sa hindi kalayuan.
Habang unti-unting binabalot ng kadiliman ang buong kalangitan ay sinabayan ko iyon ng pagkanta.
"If you lose your way."
"Think back on yesterday." Ang malamig na hanging humahaplos sa aking balat.
"Remember me this way." Hindi ko malilimutan ang araw na ito.
"Remember me this way. . ." Nang tuluyang bumaba ang araw ay siyang bagsak ng aking mga luha.
•••••
April 20, 2021
Song Title: Remember Me This Way by Jordan Hill
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top