CHAPTER 5
Mandy's POV
Magkatabi kaming dalawa ni Benedict na nakaupo sa buhangin habang tinitignan ang mga kasamang naglalaro sa tubig. May lumalangoy at mayroong tamang subsob lang nang mukha para mabasa.
Napalingon ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay kong nasa baba ng buhangin. Mahigpit ang pagkakakapit niya rito na para bang ayaw na niyang bitiwan.
Ngumiti siya sa akin at muling tinuon ang paningin sa mga kasama. Ako naman ay hindi nag-iwas nang tingin. Pinagsawaan kong titigan ang guwapo niyang mukha.
Dahil sa naka-side view ay kitang-kita ang matangos na ilong at mahabang pilikmata. Ang tsokolate niyang buhok na kahit magulo ay bumabagay sa kaniya. Kung bakit ba naman kasi may taong pinanganak na ganito ang itsura. Sana all talaga.
"Hoy, Lover Birds! Pumunta nga kayo rito hindi 'yang puro landian ang inaatupag." Parehas kaming natawa dahil sa ginawang pagsigaw ni Den.
"Inggit ka lang, eh," pang-aasar ni Maya. Umirap naman ito sa kaniya at lumapit kay Raki na nakikipag-usap sa mga kaklase namin. Madaling maging kaibigan si Raki kaya hindi na ako magtataka kung matatapos ang isang araw na ito ng kaibigan na niya ang mga kasama namin.
"Let's go?" tanong niya nang makatayo. Inalok nito ang kamay na agad ko ring tinanggap. Plain white t-shirt ang suot niya at trunk short na ang disensyo ay mga puno sa beach- palm trees.
Sandali ko pang tinapunan ng tingin ang sarili, hindi ganoong kaikling maong shorts at white sando v-line na kita ang pusod ang suot ko.
Okay na ito keysa magsuot ako ng isang kasuotang hindi ako kumportable. Hindi rin naman ako pinapakialaman ni Benedict pagdating sa mga gusto kong suotin o sa kung anong porma ang nais kong gawin.
Sabay kaming lumusong sa tubig. Hindi ito malamig at hindi rin mainit, sakto lang. Naisipan naming lahat na pumunta sa medyo gitna, kung saan naroon ang alon. Balak naming salubungin iyon ng magkakahawak ang kamay.
Hawak ko sa kanang kamay si Ben at sa kaliwa naman ay si Maya. Si Den ang katabi ni Ben at si Raki ang katabi niya. Si Jeffrey naman ang katabi ni Maya. Nang makumpleto ay hinanda namin ang sarili dahil ang unang alon na sasalubungin ay medyo mataas.
Actually, kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay mauulit na naman ang nangyari ilang taon na ang nakalilipas.
Malapit na ang alon. Sandali ko pang tinapunan ang mga kasama hanggang sa sumigaw na si Den na talon kaya sabay-sabay kaming tumalon at sabay-sabay ding napasubsob dahil may nagkamali ng pagtalon.
Hindi ako binitiwan ni Ben ngunit hindi ko magawang iangat ang aking sarili. Pakiramdam ko'y may humihila sa akin pababa kahit na hindi naman ganoong kalalim ang tubig.
"Anak!"
Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Ngunit wala akong nakita kundi tubig.
"Anak!"
Ramdam kong may humawak sa aking beywang subalit bago pa maka-ahon ay muli kong narinig ang boses.
"Hey, hey. Ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo?" Nilingon ko si Benedict at agad na niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"B-Balik tayo ro'n, p-please. Ayoko r-rito sa tubig." Narinig ko ang paghingi nang sorry ng mga kasama ko sa akin pero hindi ko sila magawang lingunin. Hindi naman ko galit sa kanila sadyang gustong-gusto ko na talagang makaalis sa tubig.
Inalalayan niya ako hanggang sa makarating na kami sa cottage. Lahat din sila ay nakasunod sa amin.
Nang makapasok ay mabilis akong humiwalay sa pagkaka-alalay ni Ben at tinakbo pababa ang second floor. Muntik pa akong madulas dahil sa pagmamadali.
Engot talaga.
Narinig ko ang yapak niyang humabol sa akin at pagtawag nila ng pangalan ko pero ni-isa sa kanila ay hindi ko nilingon. Gusto ko munang mapag-isa.
Nang makapasok sa isang kuwarto ay mabilis kong isinarado ang pinto. Nakabukas na bintana ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kuwarto.
"Mandy, buksan mo 'to! Anong nangyari?"
"I Just. . . . just want to be alone, please." Muli na namang tumulo ang luha ko, hindi dahil sa tinutulak ko siya palayo kundi sa alaalang pumasok sa aking isip.
"Okay. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Andito lang ako, always." Wala na akong narinig pang salita kaya lumapit ako sa kama at umupo ro'n.
Bumalik na naman sa akin ang nangyari noon na hanggang ngayon ay pinagsisihan ko pa rin.
Bakasyon no'n at dahil malaki ang naging sweldo ni Itay ay binalak naming pamilya na pumunta sa beach. Excited na excited ako dahil iyon ang unang pagkakataong magbebeach kami na ang gamit ay sariling pera.
Sa sobrang excited ko ay kararating pa lang namin ay pumunta na agad ako sa nakitang mga bangka. Nasa cottage sina Ina at Itay dahil inaayos pa nila ang gamit namin. Umalis ako kahit na ang utos nila ay huwag akong aalis o lalayo pero dahil sa matigas ang bungo ko ay pumunta nga ako sa mga bangkang iyon.
Hindi ko balak na pagalawin ang bangka pero nakita ko sa gilid ang isang sagwan. Malayo sa kinalulugaran ko ang mga tao kaya walang sumaway sa akin na ikinatuwa ko pa.
Sinimulan kong magsagwan at tuwang-tuwa ako dahil nagawa kong makarating sa may kalagitnaan. Halos hindi ko na makita ang mga cottage o islang kinaroroonan ko kanina.
Pero gumapang ang kaba sa aking dibdib nang magsimulang lumakas ang alon, humahampas ang tubig sa sinasakyan kong bangka at dahil sa hangin ay halos hindi ko mapigilan ang paggalaw nito.
Wala akong ibang sinigaw kundi inay at itay. Umaasa akong may makaririnig pero wala. Walang ibang nagbabangka na maaaring tumulong sa akin.
Hanggang sa isang sigaw ang marinig ko.
"Anak!" Nabuhayan ako ng loob no'n lalo nang makita ko si Itay na nakasakay sa bangka habang nagsasagwan palapit sa akin.
Akala ko ay ayos na ang lahat pero hindi pa pala. Isang hampas nang malakas na alon ang naging dahil upang bumaliktad ang bangkang kinaroroonan ko.
Dahil sa gulat ay hindi ko nagawang lumangoy nang tama. Unti-unti ako nitong hinihila pababa para mas lalong malunod.
Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa pero andoon si Itay, lumalangoy palapit sa akin. Tinulungan niya akong makataas at nang makita ko na ang asul na ulap ay tuluyan akong napangiti. Ligtas na ako.
Tinulungan ako ni Itay na sumakay sa bangkang gamit niya kanina.
"Bakit mo ba ginawa 'yon, Anak?!" Hindi pa rin siya umaakyat sa bangka kaya hinila ko siya pero pinagalitan niya muna ako.
"I'm sorry, 'Tay. Sorry po." Sa sobrang katigasan ng ulo ko ay muntikan ng may mangyari sa akin.
Niyakap niya pa ako. Nasa bangka ako at nasa tubig pa rin siya.
"I love you, Anak. Huwag mong kalilimutan 'yon." Tumango-tango ako. Naghiwalay na kami sa yakap kaya inalalayan ko na siyang umakyat pero biglang dumulas ang paa ni Itay dahilan para mabitiwan ko siya.
Sumaboy sa bangka ang malakas na hampas ng tubig dahil sa pagkakabagsak ni Itay.
"Itay!" Walang lumitaw. Muli na naman akong kinabahan. Pinilit kong aninagin sa tubig si Itay pero wala.
"I-Itay! Asan ka n-na?!"
Malinaw na malinaw pa rin sa akin ang nangyari. Kung paanong nawala sa amin si Itay dahil sa katigasan ng ulo ko.
At isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ayokong sabihin kay Ben ang mga salitang iyon.
Iyon din kasi ang huling salitang sinambit ni Ina bago bawian ng buhay sa hospital.
Natatakot akong kapag sinabi ko 'yon ay iyon na rin ang huling oras na makikita ko siya.
•••••
April 18, 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top