CHAPTER 2

Mandy's POV

"Salamat sa pagtulong mo, Iha. Saktong-sakto ang dating mo dahil nagdagsaan ang tao rito sa mamihan." Napangiti ako habang inaalis ang suot na apron. Tapos na ang trabaho ko rito sa mamihan at mayamaya lang ay doon na naman ako sa restaurant.

"Ito oh, apat na libo." Nanlaki ang aking mata at agad kinuha ang pera. Ang laki nito para sa limang oras kong pagtulong dito.

"Tulong ko na rin 'yan. Alam ko ang pinagdadaanan mo," aniya saka tumalikod. Lumapit ito sa isa niyang anak na nag-aayos ng nga lamesa.

Sandali ko pang tinapunan ng tingin ang apat na libo bago itago bulsa. Mukhang makapagyayabang ata ako ng ice coffee bukas, ah.

Pagkalabas ko nang mamihan ay agad sumalubong sa aking balat ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili at halos hilahin ang manggas nang uniporme para lang umabot sa kamay na impossible namang mangyari. Sira na ang manggas ko hindi pa rin humahaba.

Mabuti na lang pinainom ako ng Tiyahin ko nang kape kaya mainit-init ang sikmura ko. Pero para tuloy akong t*nga na habang naglalakad ay nasa loob ng uniporme ang kanang kamay o minsan naman ay ipagpapalit para parehas mainitan.

Wala, eh. Mas cold pa rin ang hangin dito keysa sa convo ni Den sa kaniyang ex.

Sa wakas ay nakarating na ako sa restaurant. May sampung minuto pa ako para mag-ayos ng sarili kaya dumiretso na ako sa CR. Magpapalit na ako ng damit, t-shirt at black pants kasi ang uniporme namin dito. Tig-dalawang uniporme ang bawat nagtratrabaho kaya 'yong akin ay nandoon sa bahay at nakasabit sa sampayan.

Pagkalabas ko ng cubicle ay siyang pasok din sa CR niyong isa ko pang kasama na babae. Mas matanda ito sa akin pero kung nakisama sa akin ay parang ka-edad ko lang.

"Ano na, Girl. Haggard na haggard ang face mo." Natawa lang ako bago tignan sa salamin ang sarili. Doon ay nakita ko kung gaano nga kaitim ang eyebag sa ilalim ng mata at may mga tigyawat na nagkakalat sa iba't ibang parte ng mukha.

Halatang-halata sa akin ang pagod at pagkakulang sa tulog. Bumuntong hininga ako at hinilamusan na lamang.

Nauna na akong lumabas at nagsimula na ring magtrabaho. Waitress ako rito, tiga-kuha at dala ng order nang costumer.

"Good evening, Ma'am. Here's our menu." Inabot ko sa kaniya ang menu, hinintay ko lang habang nakatayo ang kaniyang order. Nang sabihin kung ano ang gusto ay sinulat ko ito sa isang papel at pumunta sa kitchen upang ibigay sa kanila ang order.

1:00 am na, ilan na lang din ang kumakain. Kaya habang naghihintay ay umupo ako sa may gilid, huminga nang malalim at ininom ang tubig na kinuha bago umupo rito.

Ramdam ko ang hilo.

Pawis ang noo ko na para bang mas nakadadagdag pa itong dahilan upang mahilo ako ng todo.

Mahigpit ang hawak ko sa edge ng lamesa at mariin ang pagkakapikit ng mata. Hilo, panginginig ng tuhod, sakit ng dibdib, at palpitate.

Pakiramdam ko ay mamamatay na ako.

"Mandy, anong nangyayari sa 'yo?" Pinilit kong tignan kung sino ang nagtatanong na iyon pero dahil sa hilo at matagal na pagkakapikit ay nandilim ang paningin ko.

Unti-unti ay tuluyang pumikit ang dalawang mata hanggang sa balutin nang dilim ang buong paligid.

NAGMULAT ako ng mata saka tumingin sa paligid. Kulay puti ang mga dingding hanggang sa dumapo ang tingin ko sa kabilang gilid.

Sa tabi ng pinto ay may couch doon. May taong nakahiga at sa tingin ko ay tulog. Umikot ito dahilan para mahulog ang kamay sa sahig ngunit hindi pa rin nagigising.

"Benedict," bulong ko saka tumingin sa puting kisame. Agad na nanlabo ang paningin ko ng mamasa ang gilid nang mata.

May kumatok sa pinto dahilan para maalimpungatan siya. Nagkatinginan muna kami bago niya pagbuksan ang taong kumakatok.

Nagulat ako ng pumasok si Den at Maya. Si Maya ay kaklase ni Benedict na isa ko ring kaibigan, si Den naman ay kahit nakaka-inis minsan ay ka-close ko rin.

"Oh, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko ng ilagay nila ang mga dalang prutas sa lamesa katabi nitong kama.

"Kaloko ka, Mandy. Dalawang araw kang tulog. Ano, akala mo ba si Belle ka?" Nangunot ang noo ko at nilingon si Benedict na nandito na sa kabilang gilid. Ngumiti siya sa akin ngunit bakas sa mga mata ang pag-aalala.

"Shunga ka ba? Aurora 'yon hindi Belle." Napaisip naman si Maya sa sinabi ni Den at napakamot ng marealize na mali pala ang disney princess na tinukoy niya.

"Sorry na. Akala mo kung sinong perpekto, may kalat ka namang coffee riyan sa pisnge mo." Natawa ako ng magsimulang mag-asaran ang dalawa. Ngayon lang sila nagkasama pero kung mag-asaran ay parang close na close sa isa't isa.

Nilingon ko siya ng maramdamang hinawakan niya ang aking kamay. Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan ng makita ang malungkot niyang mata.

Ayoko pa. . .

"Anong sabi ng doctor? Bakit daw ako nawalan ng malay?" Huminga siya ng malalim at nagsimulang sabihin sa akin. Kulang daw ako sa tulog at kulang sa bitamina ang katawan.

"Bukas na bukas ay hindi ka na magtratrabaho, okay? Magpahinga ka naman, Mandy." Sumang-ayon din ang dalawa na ngayon ay naghahati sa isang orange. Si Maya ang nagbabalat, si Den naman ang kakain.

"Pero——"

"No buts. Ang pangako natin sa isa't isa ay magtutulungan tayo, 'di ba? Kaya hayaan mo munang ako ang magtuloy ng trabaho mo." Gusto kong umiyak. Gusto kong palayain ang luhang kanina pang gustong kumawala sa aking mga mata pero pinigilan ko ito.

"Salamat. Maraming salamat. I'm so blessed to have you, Ben." Hinila ko ang kamay niya dahilan para sumubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Mukha may live p*rn tayong mapapanood ngayon, Babaeng amoy kape." Hindi ko pinansin ang dalawa at niyakap siya. Sumilay ang ngiti sa aking labi ng maramdaman din ang kamay niyang yumayakap sa akin.

"Labas na nga tayo. Libre na lang kitang kape tapos buhos natin sa dalawang naglalandian ngayon."

•••••
April 16, 2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top