Day 24.5


3:59 am

Humihingal at nanginginig na napadapa sa sahig si Cassey nang matapos ang kalbaryo niya.

Gusto niyang isuka lahat ng laman na pumasok sa kaniyang katawan—ang laman ng kaniyang ina na inaagnas. Ang lasa nitong mapait ay naiwan talaga sa kaniyang bibig kaya parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik ang senaryong nalamon niya ang kaniyang ina.

Kahit anong suka niya ay purong tubig na maitim at na may mga hibla ng buhok, pero ni isang bakas ng laman ng ina niya ay wala talaga.

Sa kasagsagan ng pagdurusa niya ay biglang natulala si Cassey. Ang mata nito'y nanatiling dilat at hindi na kumukurap.

Napansin niya ang katotohanang hindi na makontrol ng dalaga ang kaniyang katawan. Bigla na lang itong bumangon at tumayo gamit ang dalawang paa kahit na baldado ang isa. Humakbang ito papalapit sa mga basag plato at pinulot ang isang isang malaking tipak nito.

"Umalis ka." Iyak niya at walang habas na pinagsasaksak ang sariling tiyan.

"Akin ka lang!"

Bumubulwak ang dugong masagana sa sikmura sa tuwing sinasaksak niya ang sarili. Tumatalsik ang dugo nito at lumalabas na ang laman niya dahil sa pinaggagawa nito sa katawan, at sumusuka na rin siya ng dugong may halong itim na laman.

Hindi mawari ang sakit nito para sa kaniya, ngunit hindi talaga niya magawang kontrolin ang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top