Day 22.4
3:37 am
"Thomas?" Aniya, "Th-thomas nariyan ka ba?" Iyak na pagtawag ni Cassey sa kaniyang minamahal.
"Cassey?"
"Thomas!"
Humagulhol si Cassey at mahigpit itong napahawak sa kaniyang cellphone. Hindi niya lubos maintindihan ang sarili; natutuwa siya na nalulungkot dahil sa nangyayari. Ngunit mas nangibabaw ang tuwa sa kaniyang loob dahil ang matagal na niyang panalangin ay natamo na rin.
"Thomas, ikaw ba 'yan?! I l-love you! I love you! M-miss na miss na kita! Thomas!" Sigaw ni Cassey sa kaniyang kausap.
"I love you too."
"Thom, k-kumusta k-ka na?"
"Okay lang."
"Th-thomas mahal na mahal ki—"
Biglang naputol ang tawag at labis itong ipinagtaka ni Cassey. Mabilis niyang naalis ang cellphone sa tenga at tinignan ito.
Ang akala niya ay tapos na, hindi pa pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top