Day 20.1
3:28 am
Kahit anong gawin ni Cassey ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Hindi na niya pinakaialaman ang kaniyang cellphone 'pagkat siya'y lubos na nalulungkot sa mga pagmumura na natanggap niya.
Dilat na dilat ang mga mata nito at nakatutok lamang sa blangkong kisame. Malalim ang iniisip, naglalakbay ang diwa sa mga panahong nagdaan—panahong kasama pa nito ang minamahal.
Ilang minuto ang nakalipas at ang katihimikan ay biglang napukaw, ang kaniyang pansin ay nakuha dahil sa ilaw nagmula sa screen ng kaniyang cellphone at sa pulang ilaw na patay-sindi sa ibabaw nito.
Walang pag-aalinlangan naman niyang pinulot ang cellphone at tinignan ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top