Day 18


3:35 am

Nagising si Cassy mula sa masamang panaginip. Tagaktak ang pawis at mabigat ang paghinga nito habang hawak-hawak ang sariling dibdib.

"Pang-ilang beses na 'to?" Tanong niya sarili.

Napadako ang tingin niya sa bedside table at naroon ang kaniyang cellphone. Wala sa sarili siyang napangiti ng mapait saka pinulot ito.

Ngunit ang ngiti niya'y napawi nang makita ang isang mensahe mula sa lalakeng matagal nang pumanaw.

1 Message Received From Thomas

Sa gulat at takot niya ay naitapon niya ang sariling cellphone at napasandal sa dingding. Nanginginig ang katawan niya at labis ang panlalamig.

Makalipas ang ilang segundong pagkatulala ay dali-dali niyang ginapang ang kahon sa ilalim ng higaan at hinila ito palabas.

Nang tuluyang makuha ito ay mabilis niyang binuksan ang kahon at hinalughog pahanap ang cellphone ni Thomas. Laman ng isipan niya ang mga kuro-kuro sa kung paano ito nakapag-reply sa kaniya.

At sa 'di inaasahang pagkakataon, labis niyang ikinagimbal ang makita iyong cellphone ng namatay niyang nobyo.

Nanginginig niyang pinulot ito habang palinga-linga sa paligid. Sobrang higpit ng hawak niya sa cellphone nang bumalik siya sa sariling higaan. Do'n ay mabilis niyang binuksan ang cellphone umaasang sana'y wala roon ang sim ng nobyo niya at kinuha ng iba na mahilig manakot.

Sa pagkahugot ng kaniyang takip sa likod ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Naroon nga ang sim ng nobyo niya at klarong-klaro pa ang palatandaan nitong pirma ng yumaong mahal.

Sa takot na hindi nakayanan ni Cassey ay mabilis niyang tinakbo ang pintuan habang sinisigaw ang pangalan ng sariling ina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top