Buod


Nagsimula ang lahat sa simpleng kamatayan ni Thomas, naaksidente ito dahil sa kagustuhang mapuntahan si Cassey.

Dahil sa hindi nito matanggap ang sinapit ng nobyo at sarili lamang niya ang kaniyang sinisisi ay bumagsak ang sistema ni Cassey at umabot siya sa kalagayan ng depresyon.

Isa sa mga resulta ng kaniyang depresyon ay ang paghahalusinasyon. May nakikita na siyang mga bagay-bagay at hindi na niya nagagawa pang tignan ang sitwasyon kung ang totoo ba ito o hindi. At ang pinakamabigat na epekto ng kaniyamg depresiyon ay ang kagustuhang makapiling si Thomas.

Desperada na kung sabihin, pero nagawang makipagsundo ni Cassey sa isang demonyo.

Kapalit ng kaluluwa niya ay ang pagkakataong makausap si Thomas. Naging matagumpay nga ito at nagreply ito sa mga text niya at tumawag sa kaniya ang lalake, pero dinaya siya ng demonyo at agad na siningil ang kaniyang kaluluwa.

Namatay si Cassey nang tumalon ito mula sa ikalawang palapag ng bahay at bumagsak sa semento. Ngunit, bago pa man makuha ang kaniyang kaluluwa ay nakipagsundo ulit siya sa demonyo.

Muli ay pumayag ang demonyo. Ang kapalit ng kaluluwa ay ang pagkabuhay niya ulit, pero dinaya na naman siya at niloko. Ang akala ni Cassey ay buhay na siya, ngunit ang totoo'y napasailalim lamang siya sa kasinungalingan—siya ay na-comatose at nabubuhay sa isang mala-totoong panaginip.

Desperada, siya'y nakipagkasundo muli para makasama si Thomas. Pumayag ulit ang demonyo kapalit ang kaluluwa, kaya naranasan ni Cassey na makayakap at nakasama sandali si Thomas nang siya ay nakahimlay pa sa ospital.

At kinabukasan ay dumating na ang paniningil. Hindi na nakatakas si Cassey at matagumpay na nakuha ng demonyo ang kaniyang kaluluwa upang singilin.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top