Chapter 7
Chapter 7
Habang nasa library sila Alex, Howie, Grenadi ay hindi naman mapakali si Alex dahil sa mga babaeng nakatingin sa kanila, dahil kasama niya ngayon ang dalawang sikat na basketball player ng kanilang school.
Hindi na pinansin ni Alex iyon dahil ang focus niya ay maging Summa Cum Laude. At ang karibal niya dito ay walang iba kundi si Gavin Joaquin.
Tama si Gavin Joaquin ang kanyang karibal sa kanyang Karera na BS. Admin. Isa din ito sa kanyang inspirasyon para magpatuloy sa kanyang gustong makamit.
Mga ilang oras din ang kanyang ginugol sa loob ng library kasama sila Howie, at Grenadi na mga nasa listahan din ng pagiging Summa Cum Laude. Si Ronjae naman, at si Edz ay busy sa pambababae, at gimik.
Hindi na mahintay ni Alex ang oras na matapos para makita si Madel ngayong araw, dahil may ibibigay ito sa kanya dahil 9th monthsary nila ngayon. Hindi rin niya pinansin ang mga sabi-sabi at mga balita tungkol kay Madel.
"Relax buddy, magkikita din kayo mamaya. " Si Howie habang nag aaral din ito, at masaya sa kanyang kaibigang bulag sa---lintik na-- pagibig.
Matapos nila sa library ay lumabas na sila, at nakita nila si Gavin na napakaganda ng ngiti nito. Mukhang may balak na naman itong asarin si Alex.
"Hello my friend. Hoe-w's your girl?" Bungad ni Gavin sa kanila.
Hindi nalang pinansin ni Alex si Gavin dahil sadyang may rabies talaga ang bibig nito. Mas lumala pa ang rabies ng bibig ni Gavin ng iwanan siya ni Indy ng walang paalam.
"Gavin behave, don't be an ass today," ani Grenadi.
Ngumiti lang si Gavin sa mga kaibigan niya, at sabay nag middle finger ito bago siya nag salita, "I have a news for you Alex, my friend."
"Alam mo yung swimming party ng kabilang frat? Guess what?" Bakas sa tono ni Gavin ang excitement.
"Madel was invited, and look at these pictures." Sabay pinakita ni Gavin ang mga litrato ni Madel na naka undies lang, at maraming nakapalibot na mga lalaki.
"She was on fire that night." Habang nililipat-lipat ni Gavin ang mga picture ni Madel.
"Stop that Gavin," kalamadong sabad ni Howie.
"Come on! Alam niyo din ito kasi invited kayo pwera lang sa aming mga Geeks. Diba Grenadi lango ka din kagabi kaya nga nang natabig mo si Ronjae na bangag din ay napaluhod siya, at tumama sa humps ni Malou. " Si Gavin na ayaw magpapigil, na nakuha pang sumayaw, at kumanta, "My humps, My humps, My humps My humps".
"Madel--I mean your Amazing girl-- was banged by these dudes last night. This is very epic, kailangan makita ito nila Ronjae, at Edz," sabay sibad ni Gavin na walang pag lagyan ang tuwa nito.
"He is an asshole," ani Grenadi.
"I-confirm mo muna iyan, before you believe in that." Payo ni Howie.
"Wala din kaming alam kasi sa buong nangyari that night. Sinundo lang namin si Ronjae na bangag na bangag. At yung incidente kay Ronjae , at Malou aksidente iyon." Dugtong naman ni Grenadi, at iniwanan siya ng isang tapik sa balikat bago umalis.
Habang nasa may Gilid sila Madel, Malou,Kristine, at Camille ay nakupo sila sa gatter ng Cirle Island na tinatawag nila, habang sila Jazmine,Faye, at Vienna ay nasa harapan nila sa isang table at nagrereview ito para sa kanilang quiz.
"Madel, are you sure na gagawin mo na talaga ito?" Si Malou tangan ang duda sa gagawin ng kanyang kaibigan na si Madel.
"Alam mo dalawa lang iyan; Aminin mo sa kanya na mahal mo na siya, pangalawa ay durugin mo ng husto ang puso niya para wala na siyang ihahabol. Kasi mag fofocus nalang siya sa pag mo-move on," sabad ni Jaz, habang nakatitig parin ito sa kanyang libro, at nagrereview. At hindi nito mapigilan ang kanyang badside na mag suggest ng hindi magandang way na makakatulong kay Madel.
"Kasi maloloko mo kami Madel, pero yung puso mo hindi." Dag-dag pa ni Jaz, matapos ay nilipat ang pahina ng libro.
"That is what we expected from our phsyc. Sis." Si Camille na nakamuwestra ang kamay nito kay Jaz, na parang pinapakilala niya ito.
"Physco." Si Vienna na pinaliit pa nito lalo ang matinis nitong boses na pang elementary.
Nagtawanan naman sila ng malakas hindi dahil sa sinabi ni Vienna dahil, hindi nito napigilian ang biglaang pag labas ng hangin na hindi sadyang tumunog.
"Pucha the Blow Off Queen talaga." Simpleng banat ni Faye.
"Ay ganun bessy? " Si Vienna, sabay may kinulong itong hangin na may kakaibang amoy sa palad niya, at saka nito hinarap sa mukha ni Faye at binuksan.
"Kadiri ka talaga Vienna, ano ba kasi ang kinakain mo bakit ganyan ang amoy ng utot mo?" pikong turan ni Faye.
"Pag nalaman ni Howie yang kababuyan mo, may paglalagyan ka," ani Camille.
"Saan?" sabay-sabay pa silang nagsalita maliban kay Vienna na kinikilig deep inside.
"Sa kama," biglaang banat ni Jaz. kaya napatingin lahat sa kanya, at biglang nagtawanan naman ang mga ito.
"Oh! Palakpakan natin si Jazmine." Mando ni Malou, at nagpalakpakan nga ang mga nauto nito, maliban kay Jaz.
Wala silang pakialam sa ingay na nililikha nila sa campus, at hindi nila pansin na mukha silang mga minions na nagtatawanan.
Sa gitna ng kanilang tawanan ay nakalimutan nila bigla ang rason bakit sila nagsama sama. Bigla naman pinigilan ni Malou, ang mga kapwa niya minions este mga kaibigan nang nakita na niya si Alex sa may gilid ng basketball gym kung saan tatagpuin siya ni Madel. "Madel, kung buo na talaga ang loob mo gawin mo na" aniya kay Madel.
"Sis, wag mo kalimutan yung options na binigay ko sayo. Okay lang sa amin kung alin ang mapili mo doon," untag ni Jaz.
Hindi ineexpect ni Madel na magiging ganito ang final task niya, ang magpaibig ng isa sa miyembro ng kalaban nilang Frat. kung saan isa pa ito sa founding fathers ng frat na ito.
Mahirap sa parte niya dahil hindi man niya aminin ay ayaw niyang gawin, masasaktan siya pag sinaktan niya si Alex, dahil mahal na niya ito. Pero ang pride niya ang nagsasabi na hindi niya pwedeng ibigin ang Geek na si Alex dahil ibang mundo ang ginagalawan nila.
Ang tanging inaalala lang nito ay kung ano ang magiging tingin ng buong Campus, at ng mga kaibigan niya sa kanya, kung makakatulyan niya si Alex.
Habang naglalakad si Madel papunta kay Alex, ay nakikita niya itong nag lalakad din papunta sa kanya para salubungin.
Kitang-kita niya ang mga ngiti nito dulot ng pananabik nitong makita siya, dahil ilang araw din silang hindi nagkita dahil graduating na sila, at kailangan ni Alex na pag igihan ang kanyang natitirang araw para masungkit ang pagiging Summa Cum Laude. At ito yung araw na dapat i-celebrate nila ang kanilang 9th monthsary.
Nang makalapit si Alex ay kinapa kapa na nito ang kanyang bulsa para sa isang maliit na box, na nagpapahirap sa kanya para makapa ito, dahil sa kaba. Naiisip nito na maaring tumanggi si Madel o, hindi.
"Madz, may sasabihin sana ako sayo," ani Alex, at pinilit na iwinawaglit ang mga nakita niyang letrato, at mga balita na nakalap ng "K" niyang bestfriend na si Gavin.
"Ako muna Alex, importante kasi ito." Nagsisimula ng mag alangan ang loob ni Madel.
Bahagya namang ngumiti si Alex, at hinarap niya ang dalawang palad nito kay Madel na bahagyang nakaangat. "Okay go ahead Madz."
"Alex, I'm sorry but we need to break up," ani Madel na habang nagtatapos ang kanyang linya ay humihina ang kanyang boses.
"What? Look Madz, I'm about to propose. I want to be with you forever," utal-utal na sambit ni Alex.
"No, that is not going to happen. Wala akong balak magpakasal sayo." Si Madel, at handa na siyang tumalikod
Napahinto naman si Alex sa sinabi ni Madel, hindi niya mawari ang bigat na dulot ng mga salitang binitawan ni Madel. Iilang salita pero napakatalim na paulit ulit na humihiwa sa puso niya.
"Madz, paano yung--" naputol na sinabi ni Alex.
"Okay! Yung nangyari ba sa atin ang pinanghahawakan mo?" Unti-unting tumataaas na ang tono ni Madel.
"Oo, parehas natin first time yun. Eh, ano naman?"
"Diyan ka na nga GEEK," huling mga salitang binitawan ni Madel.
Matapos tumalikod ni Madel ay isang hiyawan ang biglang nagmula sa mga taong nagkumpulan, dahil sa bandang kumakanta sa stage. Ito ay walang iba kung hindi ang The Wild Berries, kung saan ang bokalista ng banda na ito ay walang iba kundi si Grenadi Moraes.
Isa siya sa mga Idol sa loob, at labas ng Campus. Katulad din siya ni Howie, na kanyang pinsan. Dagdag pa diti na player din siya ng basketball team ng kanilang School.
"Hindi na muling luluha, 'di na pipilitin pang
Ikaw ay aking ibigin hanggang sa walang hanggan
Hindi na makikinig, ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko
At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay 'di na rin aasa pa
Na muling mahahagkanDahan-dahan mong bitawan
Puso kong 'di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top