Chapter 5

CHAPTER 5

EXECUTE

Ilang araw na ang nakalipas nang pinag-usapan nila ang plano ay sinabi na nila agad ito kay Madel, ganun din sa mga nakapartner nila sa kanilang paghahanap ng venue para sa kanilang team-building. at hindi rin naman sila nahirapan na kumbinsihin ang mga ito.

Habang nag aantay sila Kristine , Camille ,Jaz at Malou ay hindi nila maalis ang tingin nila kay Madel na ilang araw nang wala sa sarili, tahimik, tulala. Wala silang ideya kung ano ba ang nangyayari sa kanilang kaibigan.

Mga ilang minuto na pag aantay ay bumaba na si Faye ng kaniyang sasakyan, at nag pasalamat sa kanilang driver.

Bukod kay Vienna ay isa ding rich kid si Faye. Isa din sila sa may-ari ng isa sa sikat na modeling agency, at kapartner nila ang mga magulang ni Vienna.

"Ang galing mo Faye kung ice cream lang kami, wala na tunaw na kami!" Inis na sambit ni Jaz.

"Sorry naman kasi--" naputol ang sasabihin ni Faye dahil biglang may isang kotse pa na dumating, at bumaba dito si Vienna.

"Isa kapa, tostado na kami dito." Bulalas ni Camille.

"Oh tama nayan ang init ng ulo nyo--" Saway ni Kristine

" --Teka ang tagal naman ng mga boys ah." Sabay tumatanaw tanaw pa ito.

Mga ilang minuto pa ang lumipas apat na sasakyan ang dumating. Ang Bentley Mulsanne ni Ronjae, nakabuntot dito ang Lexus LS 460 ni Alex, Nissan Almera ni Edz, at ang Lexus 570 ni Howie.

Kaya naman ay napanga-nga sila Malou, Kristine, at Camille ng kaonti dahil sa mga mamahaling sasakyan na kanilang nakikita ngayon.

Biglang bumukas ang bintana ng sasakyan ni Ronjae, at kumaway pa ito.

"Huta kumakaway pa si manyak." Pabulong na sambit ni Malou na sapat namang marinig ni Kristine, kaya simpleng ngumiti ito.

"Girls di makaka biyahe ang ating company service, kaya naisipan namin na per partner nalang yung magkakasama sa sasakyan-- kaya Jaz, at Camille dito kayo sakin sasabay tutal partners naman kayo." mahabang paliwanag ni Ronjae.

Oo dahil nag awol bigla ang ka-partner ni Camille, at ang ka-partner naman ni Jaz ay biglang pumanaw dahil sa bangu-ngot--- Oh! Good shit--. kaya naman sila nalang ang naging magka-partner.

"Tara na po mam." Yakag ni Ronjae, at tumingin pa ito kay Malou bago buksan ang lock ng kanyang sasakyan, na pinaikotan naman ni Malou ng mata bago pa sumakay sa harapan.

"Master Hokage talaga---Para-paraan." Bulong ni Malou sa kanyang sarili.

Akma namang sasama si Vienna kila Camille, at Jaz ngunit humarang si Camille. "Sorry dun ka sa partner mo. Makipag landian ka doon now na!" Sabay sinarado na nito ang pinto.

Naka-busangol namang pumunta si Vienna sa sasakyan ni Howie.

"Shall we beautiful?" Wika ni Howie at ngumiti ito sa kanya.

Binuksan naman ni Vienna ang sasakyan ni Howie, at nakasimangot na sumakay, habang sila Faye naman, at Grenadi ay nauna nang umandar dahil sila ang susundan ng iba.

Binuksan naman ni Alex ang pintuan ng kanyang sasakyan para alukin si Madel. Sumakay naman si Madel, at bahagyang ngumiti ito pero di naman iyon sinuklian ni Alex.

Sa kalagitnaan ng byahe ay napansin ni Malou sa salamin ng sasakyan na tinabig ni Camille si Jaz, dahil tuwang tuwa ito dahil magkatabi si Ronjae at Malou. Nagkasalubong naman ang mata nila ni Camille at inangatan niya ito ng kilay.

"Gusto nyo na ba muna mamili ng pagkain?" Pagbasag ni Ronjae sa katahimikan,at sabay kinuha nya ang cellphone nya na nasa compartment na nasa harap nya para tawagan si Alex.

"Sige sir Ronjae gutom na ako." Tugon ni Camille, at umakto pa ito na nagugutom na.

Inihinto ni Ronjae ang sasakyan sa isang store para bumili ng mga pagkain nila habang bumibiyahe, at nakita nila na naka park na ang sasakyan ni Grenadi.

Ilang minuto pa nang dumating naman sila Madel, at Alex sa loob ay nakita nila ang mga sasakyan ng iba nilang kasamahan na naka park sa parking area ng store kaya naman ay pumark na ito matapos ay sabay silang pumasok ni Madel sa loob.

Kapwa wala naman silang imikan nang makapasok na sa loob maging sa byahe kanina.

"Antagal nyo naman Madz. Ano bang pinag gagagawa nyo sa loob ng sasakyan?" Singhal ni Vienna na talaga namang napakasakit sa tenga dahil sa tinis nito-- na parang grade school ito--.

Simpleng nagngitian naman ang mga magkakasama dahil sa boses, at singhal ni Vienna na kala mo na may kasama silang Grade school na nag ta-trantumn.

"Ganun? Eh kayo ni sir Howie kamusta kayo sa loob?" Mapang-asar na tugon ni Madel na sinamahan pa ng konting sensual na himig para pikunin ang Grade School este si Vienna .

Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ni Vienna dahil sa sinabi ni Madel

"Booommm basag ka si.s" Painosente naman na banat ni Faye.

"Basagin ko kaya ang bungo mo?" Bulalas ni Vienna kay Faye na may himig ng pag-kapikon.

Ngunit napalitan naman agad ngf biglang ngiti si Vienna nang makita niya na paparating na si Grenadi sa pwesto nila.

"Eh kayong dalawa pala ni papa G kamusta na?" Wika ni Vienna na ginaya nito ang painosenteng mukha ni Faye kanian.

"I mean si Papa Grenadi." Dugtong pa nito na may kasamang malapad na ngiti.

"Leche ka!" Sabay inangatan ni Faye ng kilay si Vienna.

"Oh bakit naririnig ko pangalan ko dyan?" Sabat ni Grenadi.

Nanlaki naman ang mata ni Faye dahil narinig nya ang boses ni Grenadi, at naisipan nya na baka narinig nya ang panunukso sa kanya ni Vienna dito.

"Tinatanong ko lang kung kamusta na kayo ni Faye." Pangisi na sagot ni Vienna.

Nagkibit balikat lang si Grenadi, at dumeretcho na sa counter, pero sandali na napahinto ito, at nagsalita. " Mam Faye may ipapasabay kaba magbabayad na po ako sa cashier." Matapos dumeretcho na ito sa cashier na sinundan nila Edz, Ronjae, Alex, at Howie.

Umiling lang si Faye nang di man lang gumagalaw, at lumingon kay Grenadi. Ramdam na ramdam nya naman na nag init ang kanyang pisngi kaya napakagat ito sa kanyang ibabang labi, at madiin na pumikit.

"Mam Faye may ipapasabay kaba magbabayad na po ako sa cashier?" Mapang asar na ginaya ni Kristine ang sinabi kanina ni Grenadi.

"Oo isabay mo na ako sa motel then ---Let's just kiss 'til we're naked, baby." Dugtong ni Camille na parang siya mismo si Faye na sumasagot sa ginayang tanong kay Grenadi.

"Versace on the floor~" Sabay-sabay pa sila Kristine, Camille, Malou, Madel, Vienna at hindi mapigilang kiligin habang si Jaz naman ay walang pakealam sa pinag-gagawa ng kanyang mga kasamahan.

Hindi naman napansin ni Kristine ang lalaking nasa likod , dahil sa kakatawa niya kaya pag harap nito ay bumangga siya rito. "Sorry." Paumanhin ni Kristine.

"There is nothing to forgive. You are fine." Ani ng lalaki habang hawak pa nito si Kristine sa balikat.

"Oh my Siomai." Ani Malou, at tulala itong nakatitig sa lalaking nakabangga ni Kristine, at hawak ito sa kanyang balikat.

"Dior Sauveterre." Dugtong ni Camille.

Lahat naman ay napatingin sa lalaking ito. Dior Sauveterre siya ay bahista ng isang international Metal Band na under ng sub genre na NU metal kung saan ang pangalan ng nasabing banda ay The Gate Of Hades. Naging tanyag ito sa ibang bansa maging sa mga Pinoy na mahilig sa Genre na Metal. Ang mga kanta nila ay patungkol sa mga maling turo na nakasanayan na.

Matapos nilang mamili ng kanilang pagkain para sa mahaba-haba nilang byahe ay naka ngiti naman sila Malou, Camille, sa Authograph ni Dior, Habang si Kristine ay medyo tahimik na naka upo.

Nasa loob naman na ng sasakyan si Madel ay tahimik ito, gusto man niyang magsalita pero parang may nakabara sa kanyang lalamunan, but she needs to push herself to break the ice.

Napatingin naman sa kanya si Alex dahil napansin nito ang pabalik-balik na tingin sa kanya ni madel. "What?" Si Alex habang inapakan na ang silinyador.

"Tatanungin ko lang kung --" Nag aalinlangan naman na ituloy ni Madel ang sasabihin nya dito.

"--Nevermind." Sabay ngumiti nalang ito.

"Sige ako nalang mag tatanong total nag pass ka naman." Wika ni Alex matapos ay pinihit nya ang manubela pakaliwa.

"After ng graduation natin saan ka noon nagpunta?" Dugtong pa nito.

Bigla namang tumugtog ang kantang I need you ng 3T, at napatingin sila sa isa't isa dahil kapwa may naalala silang dalawa.

May naramdaman naman si Madel na kung ano sa kanyang sistema dahil sa ala-ala ng kantang iyon, at sa tanong din Alex--na parang may pakialam parin ito hanggang ngayon sa kanya.

Is this the fall down of Madeli Buencamino na kilalang badass frat girl noong college days nya na hanggang ngayon ay head turner parin kung maiituring.

Pumikit sya saglit para Alisin ang mga agam-agam sa kanyang isipan pero bago sya sumagot ay napatitig sya kay Alex na muling nagsalita. "Alam kong masyadong pribado yung tanong ko, but after ng graduation.. I've been wondering kung saan kang lupalop napunta."

Madel found sexiness on the way Alex bit his lower lips, it's natural. Walang halong pag papacute, and she realize na ang kaharap nya ay still Alex Saliguimba that she used to know, although he had changed a lot in terms of physical appearance.

Huminga naman nang malalim si Madel bago ito sumagot. "Remember my business kami sa Lucban Quezon, I spent a year just to familiarized it. Tapos I asked my dad kung pwede na ako mag work that related to my course." Napangiti pa si Madel, at huminga ng malalim ulit.

"Then..." Wika ni Alex para malaman ang susunod na kwento ni Madel.

"Ayun minessage ko sila Malou na luluwas ako ng Cavite para mag hanap ng work. Then ayun nga. Sinabi niya na naghahanap sya ng secretary. That's all!" Sabay ngumiti ito kay Alex, na parang walang kahit na anong bagabag sa nakaraan nilang dalawa na parang hindi nila alintana ang nakaraan nilang dalawa.

Napahinto naman ng saglit ang sasakyan dahil nag stop ang traffic light. Tangkang paharap si Madel nang napasinghap sya dahil nakatitig sa kanya si Alex na parang kanina pa ito nakatitig sa kanya.

"What?" Tanong ni Madel na may halong pag kailang.

"Nothing." Sabay na ngumiti pa si Alex sa kanya.

Sandali silang nagkatitigan, mata sa mata. Walang bakas ng kahit na anong mga tanong, at kung ano pang meron sa kanilang nakaraan. At nanatili silang nakatingin sa isa't is.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top