Chapter 4
CHAPTER 4
PLAN II
Habang naglalakad si Madel papunta sa sakayan ng green cub ay unti-unting nag babalik sa kanya ang nakaraan na hindi na sana mababalikan pa---kung hindi lang bumalik ang ghost of her guilts--- kaya naman ay hindi nya alintana ang maling lane na tatawiran nya kaya naman muntikan na syang mahagip ng sasakyan, ngunit may mabilis naman na kamay ang humawak sa bewang nya, at hinila sya para di siya mahagip ng isang SUV.
"Be careful." Wika nito.
Mabilis niyang nilingon ang may ari ng Boses na iyon.
"A-Alex." Hindi nya alintana na nag imboluntaryo ang kanyang sistema, at naglabas sya ng emosyon na ayaw nyang makita nino man.
"Yes! Ako nga ito." Wika nito, at hindi nya maintindihan ang emosyon na nakikita nya ngayon sa babaeng nakilala nya na isa sa mga badass, badgirl, at frat-girl na minsang dumaan sa buhay nya.
"Next time mag ingat ka hindi sa lahat ng panahon ay may tutulong sayo." Wika ni Alex, at sabay naglakad na papuntang parking area para puntahan ang sasakyan nito habang si Madel ay ngayon palang nakaka-recover sa mga nangyayari.
Habang magkasama si Alex, at Madel sa isang sikat na fast-food restaurant ay hawak-hawak ni Madel ang kamay nito, habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Alex.
"Hindi parin ako makapaniwala na yung crush ko noon girlfriend kona ngayon-- at sya pa yung nanligaw." Nakangiting wika nito.
"Oo nga, at nakakainis ka pinahirapan mo pa ako." Sabay umayos siya nang upo, at mahina nyang hinampas si Alex sa dibdib nang maalala nya iyon.
"Malay ko ba kung pinaglalaruan mo lang ako." Pakli ni Alex at hinawakan nya sa baba si Madel para iharap sa kanya.
"Ewan! Alam mo naman na ganito lang ako pero di ko naman magagawa yung iniisip mo." Inilag nya ang kanyang mukha, at sabay na ngumuso.
"Hindi naman ako kasi natingin sa pisikal na katangian ng tao. Mabait ka, at smart. Kaya alam ko na hindi mo ako sasaktan, at crush din kaya kita." Mahabang paliwanag nya.
"Okay sorry na, three months ago na iyon. Ang importante ay ngayon." Muli niyang hinawakan ang baba ni Madel at hinarap muli sa kanya.
"I love you Madz. Mag iingat ka palagi okay? Lalo na marami ang mga-- alam mona-- hindi naman palagi may tutulong sayo." Wika ni Alex ng may bakas nang pag aalala.
"I love you more. Promise hindi ako gagawa ng mga bagay para mag-alala ka." Sagot nito, at sabay niyakag na nya ito tumayo para pumasok na sa klase nila.
Naalipungatan si Madel sa kanyang pag-ala-ala sa nakaraan na kasama ang lalake kung bakit kailangan nya ulit mapalapit dito.
"Bullshit." Mahinang sambit nito ng mahimasmasan na, at sabay dumeretcho na sa terminal ng cub pauwi.
Kinabukasan ay di maalis ang titig ng mga kasamahan nya sa departamento dahil sa hindi maipaliwanag na pagiging tahimik niya habang nag pa-filing sya ng record ng mga pasyente.
"Girl ipatawas kaya natin si Madeli Buencamino." Suhesyon ni Kristine na may halong sarkasmo.
"Hindi niya kailangan noon. Ang kailangan nya ay psychiatrist." Sabat naman ni Camille, at nginuso nya si Jaz na nasa tabi ni Madel.
Tahimik parin si Madel, at hindi nya alintana ang pinagsasasabi ng mga kasamahan nya.
Habang nag lalakad naman si Faye sa hallway para pumunta ng Department Of Medical Imaging ay nakita niya si Vienna na lumabas galing sa tagusan ng stairway.
"Vienna!" Mahinang tawag ni Faye kaya naman napalingon agad si Vienna sa kanya, at lumapit.
"Bakit sis?" Wika nito, at bumuntong hininga pa.
"Bukas kasi eh titingin ako ng lugar kung saan pwede ganapin ang team-building natin." Wika nito, at naging maligalig ito bigla.
"Oh! Anong problema mo, at bakit ba ang ligalig mo ateng? Mag hahanap ka lang nang pwedeng maging venue ng ating team building hello!" Pa malditang sambit ni Vienna, at inayos nito ang salamin nya.
"Eh partner ko si Grenadi eh. Di ko alam paano sya sasabihan." Wika ni Faye at hindi maiwasan nito ang panginginig ng labi.
"Lakasan mo lang loob mo!" Payo ni Vienna, at lumapit pa ito sabay tinapik pa nya ang balikat nito.
"Ako nga lalakasan ko lang ang loob ko para sa nararating kong kalbaryo, dahil sa kalokohan mo eh!" Bagsak-balikat na turan ni Vienna, dahil alam nyang mahirap sikmurain para sa kanya ang makasama Howitzer.
Matapos ang kanilang maikling pag uusap ay tinungo na nya ang opisina ni Grenadi, para sabihan nya ito.
Nakatambay silang lahat sa kanilang paboritong coffee shop, at para narin damayan ang nabigo nilang kaibigang si Faye na maluha-luha pa habang hinahagod naman ni Vienna ang likod nito.
"Hala ang sensitive mo naman eh baka kasi busy si papa G." Wika ni Malou.
"Buti sana kung ganun eh." Pilit na turan ni Faye dahil hirap siyang mag salita dahil sa mga hikbi nya.
Nang makarating si Faye sa department ni Grenadi ay kumatok muna siya bago siya pumasok. Pag bukas niya nang pintuan ay nakita niya sila Ronjae, Edz, Howie, Grenadi, na busy sa kanilang pag lalaro.
"Excuse me sir Gre-- " Nanginginig na turan ni Faye dahil ito ang unang beses nyang kakausapin ang lalaking matagal na nyang hinahangaan, mula noong college days pa nila.
"Tungkol ba saan yan?" Sabat ni Ronjae.
"Confidential lang po." Sagot ni Faye.
"Pwede bang mamaya nalang mam Faye bumalik ka nalang!" Napalakas ang boses ni Grenadi dahil sa tensyon nang laban sa nilalaro nila.
Napa-singhap si Faye dahil sa napataas na tono ni Grenadi. Hindi man ito sadya pero ang dating nito kay Faye ay nairita ito sa kanya kaya naman mapayapa siyang umalis, at mabilis na naglakad palayo.
Habang humihikbi parin si Faye ay napaikot nalang ang mata ng mga kasamahan nya ng sabay sabay habang si Madel ay tahimik parin, at nasa malayo ang tingin.
"Sis mauna na ako." Wika ni Madel, at sabay tumayo na sya matapos ay kinuha nya ang kanyang gamit sabay na sumibad.
Nang makaalis na si Madel nagkatinginan naman ang lahat dahil sa kinilos ni Madel, at namuo ang katahimikan. Kaya naman ay biglang nagsalita si Jaz para basagin ito. "May naisip ako na paraan para matulungan ang ating mga kaibigan na si Madel, at ang madamdamin na si Faye." Aniya.
"Eh ako ba matutulungan ba dyan?" sabat ni Vienna habang nakataas pa ang kamay.
"Hindi ka kasama, manahimik ka dyan, at makipag landian ka lang kay sir Howie." Pakli ni Camille.
Inangatan naman ni Vienna ng kilay si Camille dahil sa sinabi nito sa kanya.
"Ako muna pwede? may naisip din ako, at mas maganda pa sa iniisip mo nerdy Jaz." mayabang na turan ni Camille.
"Pano kaya kung pakita mo ang power mo bilang committee, at supervisor nya, at takutin mo sya na ibabagsak mo sya sa evaluation, pag di sya sumama sayo sa motel-- este sa paghahanap ng venue." Wika niya, at sabay ngumiti pa ito na akala mo ay napakaganda ng ideya nya.
Nagtawanan naman nang malakas sila Malou, Kristine, habang si Vienna ay simpleng ngumiti sa suhesyon ni Camille.
"Wow! Ang taas ng I.Q parang manok na nakapag iisip" sarkastikong sambit ni Jaz.
"Alam mo ba na pwede kang makasuhan nang harassment?--"
"Using your power-- para lang sa kapritso mo."
" Duh!" Dugtong ni Jaz sabay inayos niya pa ang kanyang salamin, at pinaikot nito ang bilugang mata nito na kinorohan naman nila Malou, Tin, at Vienna with matching roll eys din
Natigilan naman bigla si Camille, at nag peace sign ito kay Jaz.
"Faye pano kaya kung sabihan mo lahat ng sakop ng committee mo na maghahanap ka ng venue pero dapat lahat kasama. I'm sure wala na silang magagawa doon kasi kasali sila sa committee." Suhesyon ni Jaz.
Namangha naman sila sa kakaibang suhesyon ni Jaz, at parang nabigyan ng panibagong pag-asa si Faye.
"Sige Camille subukuan mo babaliin ko na iyang kamay mk." Untag ni Jaz kay Camille na akmang kukurutin ang pisngi niya.
Bigla namang napatili si Vienna dahil sa suhesyon ni Jaz. "Hell no!"
Napatingin naman sila kay Vienna na nakayuko na ang ulo nito sa la mesa.
"Hell yes!!!" Sabay-sabay pa ang mga ito , at napasama na doon si Faye na nagliwanag ang mukha, at kanyang diwa sa napakagandang plano ni Jaz.
"Yess it's a hell! Focking Fock!" Wika ni Vienna, at niyuko muli ang kanyang ulo sa lamesa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top