CHAPTER 3

CHAPTERS 3

PLAN:BACK TO BASIC

Habang binubuksan nila ang mga papel kung saan sinulat ni Faye ang mga pangalan ng mga magka partner sa committee na under nya, ay napatili bigla si Malou, at Vienna dahil sa mga nabunot nila.

"My gosh Faye bakit si Ronjae manyak pa!" Napatayo pa si Malou matapos ay nagpapapadyak sa sahig.

"Makamanyak ka sa boss ko wagas." sita ni Vienna kay Malou.

Nag peace sign naman si Malou kay Vienna, dahil nahalata nito kung sino ang nabunot nito kaya iritado din ito.

"Oh! Si Ma'am Malou naman ang palakpakan." Ani Kristine, at nagpalakpakan naman silang lahat.

"Che!" Pasigaw na sambit ni Malou pero hindi parin nagpatinag ang mga nasa loob sa pagpalakpak.

"Ayan lang ang mga may free sched. na mga empleyado dito, at yan ay sinuggest ni mommy Lorna." Paliwanag ni Faye.

"Unfair ka bakit si Howie naman ang binigay mo sakin." Sambit ni Vienna na may kasama pang gigil.

"Okay lang yan mga sis." Sumilay ang magandang ngiti ni Faye sa kanyang labi na lalong nag painis kay Vienna.

"Leche ka alam mo bayon? Wala kang problema kasi yung crush mo ang partner mo." Pakli ni Vienna, at sabay umirap ito kay Faye.

"I got you Mr. Alex." Sambit ni Madel habang nakangisi ito, at nakaipit ang papel na nabunot nya sa gitna nang hintuturo at gitnang daliri nito.

Naagaw naman ni Madel ang atensyon ng mga kasama nya, at hindi nya alintana ang mga kasama niyang nakatingin sa kanya habang nakangiti siya magisa.

"It's show time." Sigaw ni Vienna, at sabay tinaas pa nya ang nakakuyom nyang kamay.

Bigla namang bumukas ang pinto, kaya napatingin silang lahat dito. "Girls please minimize your voice." Saway nito.

"Yes sir Howie." Sabay sabay pa ang mga ito maliban kay Vienna.

"Minimize. My ass." Si Vienna sabay tinapik pa ang pwet nito.

"Oh! Nice ass." Pilyong sagot ni Howie matapos ay sinarado na ang pinto.

Nag hagalpakan naman ang lahat habang si Vienna ay lalong nainis. "Mga baliw!" Pikong bulalas ni Vienna matapos ay nag martsa na ito palabas.

Matapos nilang mag bunutan,
at may napikon pa aynag lunch break muna sila, at saka nagbigay si Faye ng memo ukol sa biglaang meeting ng mga committees para sa company team-building nila.

Habang nakikinig sila kay Faye na chairman ng Company team-building nila ay hindi mapigilang hindi mapatitig ni Madel kay Alex na katabi nila Ronjae, Edz, Grenadi, at Howitzer. Kaya inalog nya ang kanyang ulo para magising sya sa katotohanan.

Matapos ni Faye i-discuss ang gawain ng bawat committee ay inanounce na niya ang mga nabunot ng mga girls na partner nila para sa mga committees para sa Company team-building.

Naghiyawan naman sila Kristine,Camille, Vienna at Madel, nang tinawag ang pangalan ni Ronjae at Malou. Maging ang mga kasamahan nila Alex ay nag-kantyawan kaya naging maingay sa loob.

Matapos ng meeting ay saktong uwian na sabay sabay na lumabas ang magkakaibigan na may samo't saring pagmumukha; si Malou ay di maipinta ang mukha, si Vienna ay mukhang intsik na nalugi sa negosyo, at umiingot-inot oa ito, si Faye at Madel naman ay hindi maalis ang mga ngiti sa kanilang mga labi, si Kristine at Camille naman ay naghaharutan, at nagtutuksuan sa mga nabunot nila habang si Jaz ay patay malisyang naglalakad.

"Mukhang magiging masaya ito mga sis." Wika ni Madel na sinang-ayunan naman ni Faye sa pamamagitan nang pagkindat nito.

"Leche! Kayo lang ang masaya, balugbugan ko kayo diyan eh." Banas na sabat ni Vienna.

"Ikaw napaka-choosy mo. Parang lugi kapa kay sir Howie ha?" pakli ni Kristine.

"Basta ayaw ko sa kanya since birth hindi ko na sya gusto, at hindi kami talo." In-emphasize pa ni Vienna ang mga salita na iyon.

Napatigil naman sila nang nakasalubong nila si Howie kasama si Ronjae na boss naman ni Vienna na tumingin pa ito sa kanya, at ngumiti kaya naman ay pinagtatabig siya nila Camille, at Kristine dahil sa kilig.

Hindi man lang gumanti si Vienna sa mga mapang-akit, at mapanuksong ngiti ni Howitzer sa kanya.

Si Malou naman ay inangatan ng kilay si Ronjae, at indi nya makakalimutan ang nangyari ilang taon na ang nakakalipas.

Nang makalagpas na ang dalawa ay tumuloy na sila sa paglalakad.

"Sis mauna na muna ako ha!" paalam ni Madel.

Habang nag wi-window shopping si Madel ng isusuot nya para sa kanilang team building ay hindi nya sadya ang mapalingon sa isang bookstore kung saan pamilyar siya dito. Nanlaki naman ang mata nya nang makita nya si Alex doon na tumitingin ng mga libro kaya madali itong pumunta doon, kahit alam nya na ayaw na ayaw nya sa bookstore ay wala syang pag pipilian.

Dahan-dahan syang naglalakad sa mga book shelf, at nag tatago ito sa gilid, at sumisilip-silip para hanapin si Alex na hindi nya alam kung nasaang parte na ito ng mga shelf naroroon kaya umabante pa sya ulit ngunit napasinghap sya nang makasalubong nya si Alex, at halos ang lapit na nya dito.

Hanggang dibdib lang siya nito, at dahil sa lapit niya ay amoy na amoy nya si Alex. Ang fruity na may medium scent na amoy ng pabango nito na parang nilalasing ang kanyang damdamin sa amoy na iyon, at sinabayan pa ng mainit, at minty na amoy ng hininga ni Alex dulot nang mahinang pag-singhap nito, ang mas lalong nagpalasing sa kanyang buong sistema.

Hindi na siya makapagsalita sa gulat, walang salita ang gustong lumabas sa mga labi nito.

"It's okay miss Buencamino." Wika nito at dumeretcho na ito.

Ilang sandali muna syang natigilan dahil sa nangyayari, hindi nya alam kung bakit ba sya napadpad sa bookstore. Why does she keep hunting Alex. Why does she keep chasing him. Kahit alam ng isipan niya na hindi dapat big deal ang mga nangyayari pero di sang ayon ang puso, at damdamin nya.

Inalog nya ang ulo nya, at saka huminga nang malalim.

She is here to claim back her pride, and to repel Alex to keep hurting her ego.

Habang nasa kalagitnaan sya ng kanyang pag iisip ay napalundag sya nang magsalita si Alex sa likuran nya. "Until now nandyan ka parin. It seems you are a bit off today, are you okay?"

Mabilis naman luminga si Madel kay Alex at tumango ito para sabihing okay lang sya, kahit na hindi naman talaga.

"Yup okay lang ako. Nag-iisip kasi ako kung ano ba ang magandang novel ang bibilhin ko para basahin." Palusot nito na kahit na alam nya sa sarili nya ay wala syang hilig sa libro. Sus! Kalokohan mo Madel.

"That's very interesting, ang isa sa mga crush ng campus, at out-going na frat-girl ay nagka interest sa isang geek stuff. How does it possible?" Wika ni Alex na may halong sarkasmo.

Naalala nya tuloy ang nakaraan, at sandali nanaman siyang napahinto, at paulit-ulit na umaalingaw-ngaw ang mga sinabi ni Alex kaya naman ay nasaktan nanaman ang ego nya.

Naiinis sya dahil bakit ambilis masaktan ng ego nya, bakit ba vulnerable siya sa bawat nangyayari, at sa mga nasasabi ni Alex. Feeling nya tinatamaan ni Alex ang kanyang ego.

She has a destructive charm since she was on her college days until up now. But why she doesn't feel invincible this time to Alex. is it because of her insecurities?

"If you want a good novel na by the try whismaster.com series." Wika ni Alex, at tinuro ni Alex ang romance section.

"But mag umpisa ka muna sa special books nito. Can't take my eyes of off you part 1. But suddenly yung two hindi na nai-publish. I don't know why. Try mo yan." Mahabang paliwanag ni Alex, at sabay tumalikod na ito at pumunta sa historical-fiction section.

"That's a Fanta-Rom-Com by the way. Resd at your own risk." Dugtong nito at tuluyan na syang naglakad palayo kay Madel.

Nawala saglit ang kanyang mga tanong sa kanyang sarili, nawala ang sakit sa kanyang ego ng pansinin siya nito, at kausapin. Bawat interactions ba nya kay Alex ang healing salve ng damaged ego niya, o may ibang kahulugan ito sa kanya na hindi nya lang napapansin.

Binaliwala nya ang nararamdaman nyang ginhawa, at dumeretcho nalang sya sa itinurong section ni Alex. Alam nya na mas magiging interesado si Alex kung gagamitin nya ang taktika na ito para maisakatuparan nya ang kanyang mission impossible na ibalik ang pride nya, at mahilom ang kanyang nasaktang ego.

Alex loves book. Naalala nya ito habang binabasa nya ang likod ng libro m, at naglalakad na papuntang counter. Ngunit sa kasamaang palad ay bumangga siya sa isang lalake na nakatalikod, at agad na napaharap ito.

"Sorry ulit." Paumanhin, at nag peace sign pa si Madel kay Alex na walang emosyong nakatitig sa kanya.

"Be careful, sa bahay mo nalang yan basahin." Wika nito, at sabay tumalikod na ito ulit.

Matapos na magbayad ay nagdesisyon si Madel na kumain muna sa isang fastfood. Kaya naman ay nakaupo sya ngayon, at kumakain habang nakatitig sa kabilang side ng mall.

Biglang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Madel nang maalala nya na kinausap sya ni Alex ng matagal-tagal. Yes she is quite vulnerable because her badly damaged ego, But Alex has a weakness, at iyon ay ang interest nya sa mga libro, and now Madel has the advantage on this game.

From now on Alex is an open book, at unti-unti na nyang nababasa ang mga kung papaano siya mapapansin nito, at maisakatuparan ang maitim na balak niya, na ams maitim pa sa kapeng nasa mesa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top