Chapter 1

CHAPTER ONE

Habang nagtatawanan sila Malou, Kristine, Camille ay biglang bumukas ang pintuan ng kanilang department office, kaya naman ay napalinga silang lahat kasama si Jaz na nakaupo sa harap ng computer na di naman nakikisali sa tatlo, at si Faye na hot-seat/apple of the eye na binubully nilang tatlo.

"My gulay muntik na akong ma-late" hingal na sambit ni Madel, at hindi muna sya pumunta sa working station nya, at hinintay nya muna mawala ang paghabol nya sa hininga nya.

"Palakpakan natin si Madel" wika ni Malou na kanilang kaibigan at head department.

Nagsipalakpakan naman sila Camille at Kristine at may kasama pang mahinang hiyaw.

"Ano ba mga madam! Baka ang ingay nyo po?" bulalas ni Jaz na may himig nang pag-kainis, at binalik na nito ang tingin sa computer at nag-type muli.

Nagkatinginan naman ang tatlo at nag ngitian. "Oh si Jaz naman ang palakpakan natin" wika ni Malou at nagpalak-pakan naman muli sila Camille at Kristine.

Napailing nalang si Jaz at inayos ang kanyang salamin, at bumalik na ito sa kanyang ginagawa.

"Mauna na ako baka hinahanap na ako sa office." paalam ni Faye, at mabilis na nagmartsa palabas ng opisina.

"Kayo binully nyo nanaman si Faye." wika ni Madel habang nag lalakad na sya papunta sa working station nya.

"Totoo namang may gusto sya kay papa G eh." Wika ni Kristine.

"Whatever!" Sabay umupo na si Madel sa kanyang working station.

"Mads ito pala yung purchase requisition natin ng pang Audio, pakipasa nalang sa taas." utos ni Malou.

"Samahan mo nalang sya Tin para ma-familiarize narin siya sa mga offices dito." Dagdag ni Malou at simpleng ngumiti kay Kristine.

Kinuha naman ni Madel ang P.R, at saka tumayo matapos ay sumunod naman si Kristine, at gumanti nang ngiti kay Malou na hindi napapansin ni Madel.

Habang paakyat sila papuntang second floor ay nangingiti naman si Kristine at napansin naman iyon ni Madel.

"Nangingiti ka dyan mag-isa?" Sita nya kay Kristine.

"Wala." Sabay inayos ni Kristine ang kanyang sarili.

"Basta girl gamitin mo ang charm mo para mapabilis ang proseso nyan." Wika ni Kristine.

Nang makarating na sila sa office ng purchasing office ay huminto muna si Kristine, at saka sumaludo ito kay Madel. "Good luck"

"Dito lang ako, aantayin kita." Dugtong pa nito.

Kumatok muna si Madel bago pumasok, at nakita naman nya ang apat na lalake; ang dalawa ay nakaupo sa harap ng supplier reception, at abala sa paglalaro ng sikat na mobile games, ang isa naman ay nakasuot ng scrub suit at nakasandal malapit sa bookshelves, at ang isa naman ay nakaupo sa front table na abala naman sa mga papel na nasa front table niya.

Kilala niya nag mg ito, kilalang-kilala talaga.

"Goodmorning po magpapasa lang po sana ako ng purchase requisition. " With full of charm syang bumati, at may beautiful eyes pang kasama.

Sabay sabay naman nilang tinuro ang lalake na nasa front table, at may mga inaayos na mga papel.

"Lex mauna na kami." Paalam ni Ronjae, at nag lakad na papunta sa pintuan kasama sila Edz, at si Grenadi.

"Miss alam kong bago ka dito, ako nga pala si Edz" sabay kinuha nya ang kamay ni Madz at nakipag kamay dito.

"Tara na Edwardo hinohokage mo nanaman yung bago." Yakag ni Ronjae.

"Madel ikamusta mo ako kay Malou ha," pasada ni Ronjar bago umalis.

"Mamaya nalang ulit Lex." wika ni Edz bago sinarado ang pintuan.

Tumango lang si Alex sa mga kaibigan nya, at binalik nya ang atensyon nya kay Madel.

"What can I do for you?" Bungad nito nang makalabas na ang kanyang mga kaibigan.

Lumapit naman si Madel at nilapag niya ang purchase requisition sa lamesa ni Alex.

"Upo ka muna i-re-review ko muna ang P.R nyo." Wika nito, at minuwestra nya ang upuan na nasa harap nya.

Nagulat sya nang mapatingin si Alex sa kanya. "A-Alex!" Sambit ni Madel na kala mo ay nakakita ng multo.

"Yes Miss?" Habang inaalala ni Alex kung sino ang babaeng nasa harapan niya- na parang hindi niya talaga ito nakikilala-- sus! Panggap pa more.

"Madeli Buencamino." sabay turo niya sa kanyang sarili.

Napatango lang si Alex at nag half-smile ito sa kanya. "Oo naaalala nga kita, schoolmate tayo diba?" Habang nakatingin parin ito sa P.R na pinasa ni Madel at nire-review ito.

"I believe College. Right. Hm?" Segunda pa nito.

Nakaramdam naman nang pagkadismaya si Madel dahil hindi nya matanggap na para namang hindi ito nagka interest na makipag-usap sa kanya.

"Ms. Buencamino!" wika nito at muli itong tumingin kay Madel, kaya naman inayos niya ang kanyang sarili.

"Kulang ka pa ng isang signature dito. I believed signature yan ng ating Admin." Sabay ibinalik nya ang Purchase Requisition kay Madel.

"Sir kailangan na po kasi namin yan." malambing na wika ni Madel, at saka sinunod ang sinabi ni Tin na gamitin nito ang charm nito.

Ngumiti naman si Alex kay Madel, at mukhang inalat siya dahul hindi naging mabisa ito.

Ibang Alex na ang kaharap nya ngayon hindi na ito yung Alex na baduy manamit, at parang laging galing sa library, at mukhang kayang i-hack ang pentagon dahil sa pagiging super geek nito, at hindi nya ito makakalimutan dahil naging parte din ito ng kanyang college life.

Pero ngayon ay isang hunk na ito, at halos humawig ito kay Brandon Routh dahil sa suot nitong reading glass, at sa kanyang office attire na gray suit, and red tie.

"Sorry hindi pwede.. we need to follow the standard procedure. You must finish all the signatories before you return it to me." untag ni Alex at inabot nya ang purchase requisition kay Madel, at binalik na nya ang tingin nya sa mga papel na inaayos nya.

Tinanggap naman ni Madel ang sinauling purchase requisition ni Alex.

"Thank you po sir." Wika ni Madel, at sabay nagmartsa paalabas ng pintuan na may halong inis.

Napatili naman ng mahina si Madel nang makalabas sya sa office ni Alex. Kaya naman lumapit agad si Kristine sa kanya.

"Oh ano nangyari? Tumalab ba ang iyong charm?" Tanong ni Kristine, at nag-aantay sa mabilis na sagot ni Madel.

"Bwisit siya napaka-yabang nya akala mo kung sinong--" Hindi nalang nya itinuloy ito dahil totoo naman na from a Geek Alex turns into an ideal man na pinapangarap ng mga kababaihan ngayon.

"---Gwapo?" May halong pang aalaska na dugtong ni Kristine, at nakangiting sea-lion pa ito.

"Leche kayo! Alam nyong si Alex ang nasa office, kaya naman ako ang isinugo nyo!" Iritadong sambit ni Madel.

Nag peace sign naman si Kristine, at napangiti pa ito dahil nahimigan nya ang pag kapikon ni Madel.

Napa-iling nalang si Madel sa inis at nagmartsa na sya pababa, at hindi na pinansin si Kristine na ngiting-ngiti naman.

Habang nasa coffee shop sila ay nakatitig lang sila kay Madel na nag hihimutok dahil sa nangyari kanina. Hindi naman namamalayan ni Madel na nag ngi-ngitian sila Malou, Kristine, at Camille habang si Jaz ay naktingin sa kanya, at sinusuri na parang isang mentally-chalenged patient.

"Sis galit na galit ka, mukhang nasaktan ang ego mo, at pride mo." Wika ni Jaz na nakasalumbaba, at sinusuri parin siya.

"Palak-pakan natin si Jaz!" Mando ni Malou, at nagpalak-pakan naman sila Kristine, at Camille. Umirap naman si Jaz sa tatlong nag palak-pakan sa sinabi niya.

Napakadalang lang kasi ni Jaz na magkomento, at hindi sya mahilig mag suggest sa ano mang aktibidad ukol sa chismisan o maging sa pribadong problema, buhay , at emotion nino man.

"Nakakainis lang kasi siya kung umasta sya-- may pa you must you must finish all the signatories pa syang nalalaman-- akala mo kinagwapo niya!" Bakas sa boses nito ang pag-kainis, pero hindi nya alintana ito.

Bakit ba sya naiinis kay Alex. Dahil hindi nya ba matanggap na hindi lang talaga umepekto ang charm niya kay Alex kagaya noon?

Noon ang bansag nila dito ay isa sa mga Geek Gods. But now he is one of the Greek gods, na maraming babae na nag aasam ngayon.

"Mukhang nawawala na ang charm mo. Meaning to say---" Naputol na sinabi ni Camille dahil madaling tinakpan ni Malou and bibig nito para sya ang magsabi non.

"You are nothing but an ordinary woman nalang sa paningin nya?" habang nakatakip parin ang palad nya sa bibig ni Camille.

Natigilan naman si Madel sa pag higop ng kanyang iniinom na Barack'o Frappe dahil sa sinabi ni Malou.

Ang katulad nyang babae ay ordinaryo nalang kay Alex?
Hell no!

Mukhang nasapul nanaman ang ego nya, at bumanda sa pride nya kaya naman ay mas nainis ito kay Alex. Hindi nya talaga matanggap na bumabaliktad pala ang sitwasyon.

Noon ay kahit hindi sya pansinin nito ay ayos lang, pero ngayon ay hindi ito ayos sa kanya. Wow! Bakit daw?

"You can claim back your pride and cure your damaged ego as well, in one big mission impossible!" Wika ni Jaz na ngayon ay nakatingin sa kanyang phone habang nagsasalita.

"Ano yon??" Sabay pa ang tatlo, at napalingon naman si Madel sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top