This love is Ours
--
"Alam mo naman kung gaano kita kamahal, diba?"
Napangiti ako nang maalala ang mga katagang 'yon. Tinitingnan ko sya mula rito sa malayo. Ibang-iba sa dating gawi namin.
"Kung magkagulo man ang mundo mo, nandito pa rin ako." Tumango sya nang sabihin ko iyon sa kanya.
"Mahal kita." Bulong nya.
Gusto ko mang lumapit sa kanya, pero hindi ko pa ata kaya. Oo, iniwan nya ako. Pero mahal ko pa rin sya.
Siguro nga, kapag minahal mo ang isang tao, kahit gaano ka pa nya nasaktan ay patuloy mo pa rin syang mamahalin hanggang sa dulo.
Dahan-dahan akong tumalikod at umalis. Papalayo sa taong dahilan kung bakit patuloy akong nasasaktan at nagmamahal.
Napadaan ako sa panaderya na binibilhan nya. Napatitig ako sa cheesedesal na lagi nyang pasalubong sa akin.
"Yung dati pa rin po ba, maam?" Tumango ako sa kahera at ibinigay ang bayad.
Tatlong tinapay at isang tsokolate.
Tumungo naman ako sa laging pwesto na inuupuan ko .
"Love." Tawag nya sa pansin ko.
Mabilis nyang isinubo sa akin ang tinapay na hawak nya. Natawa naman sya sa reaksyon ko.
"Ubusin mo 'to, ha?" Dagdag nya pa.
"Patatabain mo ba ako?"
Malakas syang natawa kaya naman pinagtitinginan kami. "Ikaw pa rin ang pinakamaganda sa lahat."
"Ano ba! Kinikilig na naman ako!"
"Yun nga ang plano, Love."
"Mahal kita." Sabi ko at hinalikan ang pisngi nya.
Nagulat sya sa ginawa ko kaya't napahinto sya.
"Ayos ka lang?" Nag aalala kong tanong.
Tumango naman sya. "Hindi mo alam kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko tuwing kasama kita." Nang oras na 'yon. Alam kong sya na.
Malungkot akong napangiti habang inaalala ang mga alaala ko kasama siya.
Napadaan rin ako sa dating University namin. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko basta ay nakatayo na ako sa harap ng puno na lagi naming tinatambayan.
Iniabot nya sa akin ang isang kumpol ng dilaw na tulips.
"Bakit mo ulit ako binibigyan nito?" Naguguluhan kong tanong. Ikatlong beses nya na itong ginagawa sa loob ng isang linggo.
"Wala lang. Para malaman mo kung anong saya at pag-asa ang ibinibigay mo sa akin."
"Nakakatouch ka naman." Pabiro kong sabi.
Tumitig ako sa mga itim nyang mata. Nakikita roon kung gaano sya kasaya.
Miguel, mahal ko. Hindi ka nagsasawang intindihin ako. Kahit na ang hilig-hilig mo akong asarin ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo. Lahat ata ng gusto ng isang babae sa lalaki, nasa iyo na.
Siguro nga tama ang sinasabi ng iba, na umaasa na ako sa wala. Pero anong magagawa ko? Ito lang ata ang pakiramdam na hindi ko maiiwasan.
Lumipas ang ilang oras bago ako nagdesisyon na umuwi. Dumiretso ako sa terminal at bumyahe pauwi sa probinsya. Tatlong buwan akong hindi nakauwi sa bahay. Dahil na rin siguro sa trabaho at sa iba pang mga rason.
Naabutan ko pa si Mama na abala sa hardin nya. Magandang tingnan ang mga tumpok ng rosas na may mga kulay pula at puti. Makikita rin sa paligid ang mga tulips. Pati na rin ang iba't-iba pa nyang mga makukulay na bulaklak.
"Aria?" Ipinatong ni Mama ang mga kinuhang rosas sa upuan.
"Kamusta ka na? Napuntahan mo ba si Miguel?" Ngumiti ako pero alam kong alam ni Mama ang nararamdaman ko.
Iginaya nya ako sa kwarto ko. Nilibot ko ang tingin kanina sa bahay at hindi nakita ang mga kapatid ko. Siguroy nasa eskwelahan pa at lunes pa lang ngayon. Tinawagan rin ni Mama si Papa na ngayon ay nasa barko.
Nang makapagbihis ay isinama nya ako sa palengke. Namili kami ng mga gulay at karne. May bumabati rin sa kanyang mga kakilala.
"Minda! Ito na ba ang anak mo? Aba'y ka gandang bata! Ano, mag-aasawa na ba 'to? Abay bilis-bilisan mo nang gayon ay magka apo ka na!" Mahinang tinapik ni Mama ang balikat nang babaeng kumausap sa kanya.
"Babalitaan na lang kita, Amor. Si Joana ba ay mag-aasawa na? Balita ko'y malapit na syang mag trenta!" Banat naman ni Mama. Nahinto sa pagtawa ang babae at daliang umalis.
Tiningnan naman nya ako nang may pag-aalala. Nginitian ko naman sya.
Nang makauwi ay sinalubong kami ng dalawa kong kapatid. Nasa kolehiyo na si Aidan samantalang nasa elementarya pa si Anika.
Napuno ang aking gabi ng ngiti. Masaya sa bahay. Ni hindi ko naisip na nasasaktan pala ako mula kaninang umaga.
Napatingin ako sa bintana. Maraming bituin ngayon sa langit.
Kinuha ko ang telepono ko at hinanap ang numero ni Miguel. Tinawagan ko sya.
Pero walang sumasagot.
Hanggang sa napunta ako sa voicemail.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko bago nagsimulang magsalita. Naririnig ko rin ang mahihinang hikbi ko.
"Love." Bulong ko.
"A-alam kong dapat hindi ko na 'to ginagawa. Tapos na tayo."
"P-pero gusto ko lang sabihin sayo kung gaano mo ako napasaya nang makilala kita."
"L-lagi mo akong pinapatawa dati. Pero ngayon, pinapaiyak mo naman ako."
"Hindi k-." Naputol ang sasabihin ko nang makitang nawalan ito ng baterya.
Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at tumingin sa langit. Napagdesisyonan ko nang puntahan ulit si Miguel.
Maaga pa lang ay nagpaalam na ako kina Mama. Pinabaunan nya pa ako ng tinapay at baka magutom raw ako sa byahe.
Nang makarating ay tanging huni ng ibon ang aking naririnig habang naglalakad. Alas singko pa lang kaya't wala pang masyadong tao sa kalsada.
Malayo pa lang ay kita ko na sya. Ang maganda nyang ngiti ang sumalubong sa akin.
"K-kamusta na? Alam mong nasasaktan ako diba? Alam mong madali akong umiyak. Pero nagawa mo pa rin akong saktan." Diretso kong sabi.
Tiningnan ko sya sa mata habang patuloy na lumuluha.
"Love, naman eh! Alam mo namang mahal na mahal kita. P-pero sige, papakawalan na kita. Alam kong 'yon ang gusto mo."
Naging tahimik ang paligid nang may lumapit sa aking bata at iniabot ang panyo.
"Ate 'wag ka nang umiyak. Lagi akong nakakakita ng mga taong umiiyak rito sa sementeryo kaya nasasaktan ako tuwing nasasaktan rin kayo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top