Kabanata XIX

---💛---


Linggo ng gabi noong sinundo ni Raphael ang mga bata sa bahay ng kanyang mga magulang. Nagpaiwan naman si Dulce upang kuno ay maghanda ng hapunan. Pero sa agam-agam niya ay ayaw lang talaga nitong magkalapit sila. Halata naman kasi na umiiwas pa rin ito. Hinayaan na lang din niya.

Nang makauwi siya sa bahay kasama ang mga anak ay agad nagsitakbo na sina Dill at Dolly papasok sa kanilang sala. Kanina pa kasi sabik ang kambal sa kanilang ina. Habang nasa biyahe ay wala itong ibang paksang matanong o masabi kundi si 'Mama'. Napapailing na lamang siya sa kakulitan ng dalawa at agad ding sumunod nang marinig ang sigaw ng mga bata sa loob.

"Mama! Mama!" matinis na tawag ng dalawang anak.

Naabutan niya sina Dulce at ang kambal sa tapat ng pintuan sa kusina, naghati ang dalawa sa pagyakap sa beywang ng ina. Napahalukipkip na lang din siya sa gilid ng hamba ng pintuan at pinagmasdan ang pagpugpog ni Dulce ng halik sa noo ni Dill at Dolly. Napapahalakhak naman ang dalawa. Ang tawang likha ng mga anak niya ay musikang kinakawiwilihan ng pandinig ni Raphael. At ninanais niyang marinig ito habambuhay.

"Naku, ang dalawa, namiss si Mama," masiglang ani ni Dulce at tuluyang lumuhod para magpantay sa mga bata.

Sa eksenang nasa harapan ay hindi niya maiwasang hagilapin ang dahilan ng pagtawa ng kanyang mga anak, ang ina ng mga ito. May kislap sa pares ng mga mata nito habang palipat-lipat ang tingin sa kambal. Mapait siyang napangiti nang mapagmasdan kung paano hinaplos ni Dill ang palad nito sa pisngi ni Dulce, puno ng ingat ang galaw nito.

"Oo po! Napanaginipan ko nga po Mama na katabi tayo kagabi," pag-amin naman ni Dolly sa gilid habang nakanguso.

Hindi maipagkakaila ni Raphael mahal ng dalawang anak niya si Dulce. Sa paraan pa lang ng paglalambing ng mga ito ay wala ng kwestiyon iyon. Habang tumatagal ang pagmamasid niya dito ay lalong lumalalim ang nararamdaman niyang pag-aalala para sa mga bata. Paano kung tuluyan silang magkahiwalay ni Dulce at umalis ito? Paano iyon tatanggapin ng mga bata? Sa kaisipang ito ay tila binabagyo ang kanyang puso.

"Raphael..."

Isang malamig na boses ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Mula sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan ay napatayo siya nang matuwid at dumiretso ang tingin kay Dulce.

"Halika na. Maghapunan na tayo," ani ng babae sabay talikod at inakay na ang dalawang anak papasok sa kusina.

Napasunod na lamang si Raphael at ibinaon na sa likod ng isipan ang pag-aalalang umalpas kanina. Dinaluhan niya ang tatlo sa hapag. Panay ang kwento at talak ng kambal habang kumakain. Siya naman ay pasimpleng tinatapon ng tingin si Dulce, pero ni minsan ay hindi niya nahuling dumako ang mga mata nito sa kanyang gawi. Kinakausap din nito ang mga anak pero kapag siya na ang sumisingit sa usapan ay napapatikom ito ng bibig.

Matapos ang hapunan, agad na nagyayang matulog na ang dalawang anak. Siguro'y napagod ang mga ito kakalaro sa bahay ng mga magulang. Habang palabas ng kusina ay biglang huminto si Dolly sa paglakad at humawak sa suot na pantalon ni Raphael. Napahinto rin ang ama at tinignan si Dolly.

Napangisi siya nang makita ang paghaba ng nguso ng anak. "Anong gusto ng anak ko?"

Nakatingala itong nakiusap. "Pabuhat po ako please, Papa. Masakit po feet ko, Papa."

"Ambigat mo na, Dolly," komento naman ni Dill na nakasunod lang sa kanila, kasabay sa kanyang ina.

Napailing na lamang si Raphael, ginulo ang buhok ni Dolly at marahang sinakop ang katawan nito gamit ang isang braso upang kargahin. Mabilis namang pumulupot ang maliliit na kamay ng anak sa kanyang leeg. Nang tingnan niya ito sa mukha ay naabutan niya itong binebelatan ang kambal sa likod.

"Dolly, huwag awayin si Kuya," ani Dulce sa isang maawtoridad na boses na epektibo namang nagpatigil sa anak. "Pati, huwag na kayo masyadong magpakarga sa papa niyo. Sumasakit na ang likod niyan."

Umigting ang tenga niya sa narinig, pero hindi iyon dahil sa inis kundi sa narinig na tono ng pagmamalasakit mula kay Dulce sa kabila ng lamig ng boses nito. Gumaan bigla ang pakiramdam niya.

"Hayaan mo na, Dulce," sagot niya dito habang masiglang binabagtas ang hagdan. "Naglalambing lang itong anak natin."

Wala nang naging sagot si Dulce sa sinabi niyang ito. Nanahimik na lang din ang dalawang anak hanggang sa tuluyan silang makapasok sa kwarto. Marahan niyang ibinaba si Dolly sa kama nito pero nangunyapit pa ito at hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you po, Papa," masiglang ani ni Dolly bago bumitaw sa kanyang leeg.

Ginulo niya ang buhok ng anak at binati pabalik ang pasalamat nito. Si Dulce naman ay nagtungo sa banyo ng dalawa. Mula roon ay narinig niya itong sumigaw, tinatawag si Dill at Dolly upang magpunas.

"O, tawag kayo ng Mama niyo," aniya at hinarap si Dill na kasalukuyang umuungot. "Ayaw mong magpunas? Baka mangati ka sa higaan at hindi ka makatulog nang maayos niyan."

"Magpupunas po ako, Papa, pero kasi..." tila nahihirapan nitong sambit.

Napangisi siya nang may mabuong konklusyon sa kanyang isipan. Mukhang ayaw nitong magpapunas pa sa ina. Mukhang nahihiya na.

"Ayaw daw nitong binata mo," pasigaw niyang ani para marinig siya ni Dulce na kasalukuyang nasa banyo pa rin pagkatapos sy hinarap si Dolly at inayang mauna na sa pagpunas.

Makalipas ang iilang minuto ay lumabas na si Dolly sa banyo. Preskong-presko tingnan ang anak sa suot nitong Hello Kitty pajamas, sinamahan pa ng pagtawa nito. Napangiti siya sa nakita ngunit ang ngiting iyon ay biglang napalitan ng pag-awang ng mga labi nang niluwa sa banyo ang isang nakatapis lang na Dulce, bitbit sa kamay ang siguro'y hinubad nitong damit.

"Nakaligo ako sa shower. Biglang in-on nitong anak mo," maikling paliwanag ni Dulce na hindi naman niya talaga nasundan dahil sa pagkabigla.

Awtomatikong napaatras si Raphael at umiwas ng tingin sa nakakalulang pigura ni Dulce na ngayon ay palabas na ng silid ng mga anak.

Nitong mga nakaraang araw ay sabik siya sa katawan nito at ayaw niyang lumubha pa iyon dahil alam niyang imposible nang magkaroon pa ng pagkatalik sa pagitan nila ni Dulce. Pero mapanukso ang tadhana at ngayon, sumisidhi na naman ang kasabikang iyon. Sa desperasyon na kahit papaano'y masupil ang pagnanasa sa katawan ay ibinabad niya ang sarili sa isang malamig na pagligo.

Sa bawat tagaktak ng tubig sa kanyang katawan ay gumuguhit sa kanyang memorya ang marahang mga haplos ni Dulce sa tuwing nagsisiping sila. Lalong tumataas ang libido niya sa pag-aalala sa mga pinagsaluhan nila ni Dulce sa kama niya. Hindi niya namalayang dulot ng mga imahe ng nakahubad na Dulce sa kanyang kandungan ay pinagpapala na pala ng sariling palad ang katigasang nasa pagitan ng kanyang hita. Habol ang hiningang napamura siya sa kanyang isipan matapos marating ang rurok ng kapusukan at sumirit ito sa kaharap na pader.

Sa saglit na panlalambot ng kanyang mga tuhod ay naitukod niya ang mga braso sa dingding at naibulalas ang kung ano mang nasa isip niya ngayon, "Tangina, Dulce."

Pagsapit ng bagong araw ay halos hindi makatingin si Raphael sa kanyang asawa. Kinakain siya ng konsensiya dahil pakiramdam niya'y nabastos niya ito sa ginawa niya kagabi. Todo iwas siya ngayon kay Dulce ngunit wala siyang nagawa nang ang tadhana mismo ang nagpasyang pagsalubungin sila sa hagdan. Siya ay paakyat sa kanyang silid upang sana'y maligo at si Dulce naman ay pababa. Pareho silang napatigil sa paghakbang. May dalawang baitang na nasa kanilang pagitan. Sa kanilang distansya at lebel ay madali niyang nakita ang paghigpit ng kapit nito sa suot na bestida.

Pumeke siya ng ubo at muli nang bumalik sa paghakbang. Ganoon din si Dulce. Akmang lalagpasan niya ang asawa nang magkalituhan silang dalawa sa direksyong tatahakin at nagkaharangan. Dumaplis ang kamay ni Raphael sa balat ni Dulce kaya agad siyang napaatras at napalunok ng laway. Tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat sa tagpong iyon.

"Para tayong tanga dito, Raphael," reklamo ni Dulce kasabay ng paglayo nito at ang tuluyang pagbaba ng hagdan.

Wala sa sariling sinundan niya ito ng tingin. Bumigat ang kanyang kalooban at muli na namang rumagasa ang konsensiya sa kanyang damdamin. Pumeke siya ng ubo at tinawag ang asawa. Napahinto naman si Dulce at muli siyang nilingon, kunot ang noong nakatingala sa kanyang gawi.

"Ano iyon, Raphael? May kailangan ka?" may kuryosidad nitong tanong.

Nanuyo ang lalamunan ni Raphael at hindi siya makapag-isip ng ibang salita. Napalunok na lamang siya at sinikap na ilahad ang nais ilahad, "Paumnahin sa nagawa ko."

Dali-dali siyang tumalikod at tuluyan nang humakbang patungo sa ikalawang palapag.

"Nagawang ano?" rinig niya mula sa likod ang tanong ni Dulce ngunit hindi na siya huminto pa at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad.

"Hoy, Raphael!" huli niyang narinig sa asawa bago siya tuluyang makapasok sa kanyang silid.

Sa kabilang banda, akmang susundan ni Dulce si Raphael upang maliwanagan siya kung para saan ang paghingi nito ng paumanhin kanina ngunit biglang kumililing ang telepono sa sala. Bigla na namang umariba ang kaba sa kanyang puso at kunot noong tinungo iyon, sa pag-aakalang si Rosalinda naman ang tumawag. Mahigpit ang kapit niya sa telepono nang angatin ito sa kanyang tenga.

"Hello..."

Biglang gumaan ang paghinga ni Dulce nang sumalubong sa kanya ang panglalaking tinig. Akala niya'y si Rosalinda ngunit si Lazaro pala.

"Lazaro... Magandang hapon," aniya, may galak sa kanyang tono. "Napatawag ka?"

"Bawal na bang tumawag ang isang kaibigan?" sagot naman nito na may kasamang pagtawa.

"Wala akong sinabi," depensa naman ni Dulce. "Ano, kumusta ka diyan? Kailan ka ba uuwi?"

"Maayos naman buhay ko dito. Nakakapundar na rin. Mukhang isang taon pa nga lang bago ako makauwi dahil sa kontrata ko dito," pagkukuwento ni Lazaro.

"Ganoon ba..."

"Oo, eh. Mabilis lang naman ang panahon," ani Lazaro. Rinig niya sa linya ang pagbuntong-hininga nito. "Ikaw? Kayo ng mga bata?"

"Ayos lang din kami dito. Pinagpaaral ko na nga ng kinder sila Dill at Dolly," pagkwento rin ni Dulce nang may sigla sa kanyang boses.

"Glad to hear that," saad ni Lazaro gamit ang wikang Ingles na sinamahan pa ng accent na siguro'y nakasanayan na nito sa Amerika. Narinig niya itong tumikhim bago muling nagsalita, "Kumusta naman kayo ng asawa mo?"

Bigla nagkaroon ng bikig sa kanyang lalamunan dahil sa tanong na iyon ni Lazaro. Noon pa man ay alam na nito ang sitwasyon nilang dalawa ni Raphael subalit hindi nito alam ang nangyari nitong kasalukuyan.

Huminga siya nang malalim bago pinakawalan ang katotohanan sa kanyang bibig, "Ano... Hiwalay na kami, pero hindi pa namin napag-usapan ang annulment. Siguro'y kapag lumaki na ang mga bata ay doon pa lang ako magpa-file. Sa ngayon, gusto ko nalang munang kalimutan itong pagmamahal ko sa... kanya. Gusto ko munang magpakalayo."

Saglit na natahimik si Lazaro sa kabilang linya. Narinig niya itong tumikhim bago muling nagsalita, "Paano kung dumito ka muna sa Amerika? Kayo ng mga bata?"

---💛---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top