Chapter 1

SOLA’s POV

I am just an ordinary employee with minimum wage, after studying for 18 years. Punyeta lang ‘di ba? Ginalingan ko pa naman nung elementary kasi sabi ko magiging scientist ako paglaki. Syempre ginalingan ko ulit noong hayskul, sabi kasi ng teacher ko wala raw mararating ang mga tatamad-tamad sa klase. Tapos nakita ko yung kaklase ko dati na jinujudge namin ng mga kaibigan ko kasi laging ang baba ng score sa quiz, 16/100 ba naman sa exam bobo ampota. Pero malay ba naming mayaman pamilya nila, ayun sa Switzerland nagtapos ng college at employee na sa pinakamalaking law firm sa Pilipinas. ‘Di ba, ganito talaga ang buhay. Parang ginagago ka lang. AB Psych graduate ako sa isang state university sa Manila. Sabi kasi kapag galing state u madali makakuha ng trabaho. Well totoo naman, pero ‘wag mag-expect ng malaking sahod, hehe. Napaka-boring lang ng buhay ko kasi inasa ko sa mga sabi-sabi. Kahit nga jowa ‘di ako nagkaroon, sabi kasi distraction sa studies. Wala naman tutol sa parents ko na mag-jowa pero ganun ko na lang ni-rule and buhay ko.

At the age of 25, ayun eto ako nakatira pa rin sa bahay ng papa ko. Bawal pa rin umuwi ng alas dose ng gabi. Bukod sa pambayad sa kuryente at baon ng kapatid ko, stress lang nakukuha nila sa akin

Biruin mo ‘yon, pinagbawalan kang magjowa habang nagaaral ta’s pag-graduate mo aasahan nilang mag-asawa ka na. MALI ‘YON! There’s more to life than marriage. Babae tayo, hindi babae lang na kailangan para magkaroon ng pamilya. Kaya over population ang Pilipinas e, masyadong family-oriented; ang end point ay laging marriage. Parang “they lived happily ever after” pero ‘di natin sure kung naging battered wife pala, nagkaroon ng kabit yung partner. I am not against to the idea of being family-oriented. My maternal instincts says so.

Nakapila ako ngayon sa may north avenue, pipila ng 1 hour para sa 15-minute ride. Oo ganun kalala ang transportation system natin sa bansa. Tapos makikita mo lang yung ibang feeling entitled para mag-cut ng lines- sumingit rather. Mga walang manners. Upon being a part of this situation every day, makikita mo na lang ang mga mukha ng mga biktima ng kapitalismo. Tapos pagbaba mo sa MRT/LRT station, makikita mo naman ang pamilyang namamalimos. Babaeng nagpapasuso ng sanggol at may hawak na cup na pinaglagyan ng instant noodles na binigay sa kanya ng lalaking napadaan kagabi. Hanggang ngayon curious pa rin ako paano nagkakaroon ng street dwellers e. Ganun na ba kalupit ang mundo na kahit malayong pamilya ay hinayaan sila manirahan sa daan.
‘Pag pasok sa office, sasalubong sa’yo si Kuya Ed smiling brightly-tipong lalabas ng wrinkles sa gilid ng mga mata niya at babatiin ka ng “good morning”. Makakasalubong mo rin si Ate Lydia na medyo matanda na, nagmo-mop ng sahig pero titigil kapag may dadaan na mga employees.

“Solaaaaa, good morning! Ang aga-aga nakasimangot ka na naman.” salubong ni Aria na tropa ko. Oo, isa siya sa kasama ko mang-judge noong highschool at college.

“Kailangan ba laging naka-smile?Hindi naman ako artista.” sagot ko at nilapag ang bag sa desk ko. Napa-iling naman siya. Hindi na nasanay sa ilang taong naming pagsasama.

“Oy na-seen mo naman sa gc ‘di ba? Kila Leo tayo mamaya.”salita niya habang nagtitimpla ng kape.

“Oo na”sagot ko na lang. Every Friday wala naman ako kawala kung hindi sumama sa kanila, inuman ‘yon. Na kahit allergic ako sa alak e kailangan ko pumunta. Taga-control ako ng ingay nila kapag tatawag na ng brgy yung kapitbhay kung saang bahay man kami naroon. Lima kaming magtr-tropa.

Si Aria same kami ng college course, si Leo na nag-accounting- CPA na siya and currently taking law, si Theo na kambal ni Leo ay BS Computer Science grad, nag-take siya ng Civil Service Exam last year at naka-pasa kaya sa city hall na siya ngayon nagttrabaho. At si Peter(Pedro talaga real name niya, baho ‘di ba? Kaya Peter na lang), na naga-aral ng Mass Communication ngayon. Naka-tatlong shift muna siya ng course bago mag-seryoso sa college. Pero ‘di namin siya jinu-judge.

-5PM-
“Arat na girl, antayin kita sa baba ah? Pasa mo na ‘yan dalian mo” atat na utos ni Aria

Muntik ko pa ma-send sa maling contractor yung project na pinagalgal sa akin ngayong araw. Eto naman si Aria uhaw na uhaw sa alak ampota. Dinalian ko na lang I-send at nag-log out na. Dali-dali na rin ako naki-siksik sa elevator. Paano ba naman, 4pm pa lang nandoon na yung tatlong bugok. Kapag inuman lagi talagang walang late, pero kapag ibang appointment laging late.

Two stations away na lang kami ni Aria nang biglang tumawag si Theo.

“Dalian niyo tangina.”

Alam ko naman na lagi silang excited sa alak kaya lagi sila nauuna uminom, but this time; iba.

Bigla na lang namutla si Aria at nanlamig ang kamay naming dalawa. Tumatakbo na kami papunta sa pila ng tricycle.

“Kuya sa Metrogen Hospital po paki-bilis.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top