TIMLS - 001

I was humming my favourite song, habang nag-iimpake ng mga gamit ko. Isinalansan ko ito sa isang may kalakihang travel bag, na siyang dadalhin ko.

Balak ko kasing surpresahin ang boyfriend kong si Michael, na kasalukuyang nandito sa Brazil at nagtatrabaho.

Two years ago, nang magdesisyon siyang magtrabaho dito bilang isang Engineer. Noong una, hindi talaga ako pumayag. Kasi pweding-pwedi naman siyang magtrabaho sa Pilipinas, at hindi din naman biro ang sweldo ng Engineer sa bansa natin.

Kaya lang, hindi na talaga siya nagpapigil eh. Buo na talaga yung desisyon niya, at kahit maglupasay pa ako, hindi ko na talaga mababago pa ang isip niya.

Kinumbinsi niya ako ng kinumbinsi hanggang sa pumayag na lamang ako. Gusto rin kasi niyang makapag-ipon para sa kasal namin.

The first week that he's in Brazil, ay sobrang lungkot ko. Parang nawala yung kaluluwa ko. Wala akong ganang gumising, maligo at kumain, nong mga araw na iyon. It feels like na yung kalahati ng katawan ko ay sumama kay Michael papuntang Brazil.

Pero nagawa ko din namang tiisin lahat ng pangungulila ko. Lahat ng kalungkutan at pangungulila sa kanya, ay tiniis ko. Dahil alam kong balang araw, magkakasama din kami ulit.

And that's the reason why I'm here in Brazil right now. Dahil gusto ko siyang surpresahin for our fourth anniversary. Gusto ko sanang sa Brazil kami magcelebrate para sa aming ikaaapat na anniversary, kaso, I didn't tell him beforehand.

Kaya, laking dismaya ko nung isang araw nang sinabi niya sa akin na ngayon yung trip niya pauwing Pinas. Kaya, imbis na magmokmok ako sa sulok, nag-isip ako ng ideya, upang kahit papaano eh, makabawi naman ako sa kanya.

Ang plano ko ngayon is, sumakay sa parehong barko na sasakyan niya ngayong araw na ito. Hahanapin ko siya sa loob ng barko, tsaka ko siya susurprisahin, oh diba ang galing?

Aaminin kong kinabahan talaga ako ng sobra-sobra sa desisyon kong ito, dahil baka magalit siya sa akin. Pero parang huli na ang lahat para umatras pa, kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang plano ko.

Nang matapos na akong mag-impake, ay bumaba na ako tsaka nagcheck out sa hotel na kasalukuyang tinutuluyan ko.

Nagpara ako ng taxi, sumakay dito at tinahak ang daan patungong pier.

Habang nasa daan, hindi ko inalintana ang kabang nagsisimulanh bumalot sa buong sistema ko. Dahilan upang mag-isip ako ng kung ano-ano. But I shake off the thoughts.

'Sana naman, magiging maayos lang ang lahat,' mahinang hiling ko sa aking isipan.

•••

Nasa loob ng barko na ako at ilang minuto na lamang ay aandar na ito. Pinuntahan ko na muna ang magiging kwarto ko, at nilagay na muna ang mga gamit ko doon. Tsaka ko hinahaloghug ang buong barko at hinanap ang boyfriend kong si Michael.

I was having a hard time na hanapin siya, but at the same time ay nag-enjoy din naman ako sa ganda ng view sa loob, ang classical kasi ng dating, pang first class talaga.

Hindi ko inakala na itong klase pala ng barko ang sasakyan ni Michael pauwi ng Pinas. Nabutasan tuloy yung bulsa ko, dahil sa mahal ng pamasahe.

Nabawasan tuloy yung ipon ko para sa kasal namin. Di bale, teacher naman ako eh, magrefund nalang ako.

Sa sobrang pag-eenjoy ko sa aking pag-iikot sa buong barko at sa kakatingin ko sa kabuoang desinyo nito, hindi ko napansing may tao pala sa aking likuran, at saktong pagharap ko sa kanya, ay nagkabanggan kami.

Sa sobrang pagkagulat ko sa mukha niyang biglang bumungad sa akin, ay natakot akong madapa o matumba, kaya naman, dahil narin sa sobrang pagkagulat ay napayapos bigla ako sa may leeg niya. Naramdaman ko din yung mga kamay niyang nakahawak at nakakaalalay sa may bewang ko.

Mahigpit na nakapikit ang aking mga mata dahilan upang hindi ko makita ang mukha nang kung sino man ang taong ito.

The moment I opened my eyes, I get to faced an angelic face.

'Bakit ang gwapo mo?' Unang tanong na gustong-gusto kong itanong sa kanya, ngunit hindi ko na lamang isinasatinig.

He look exactly like a god of Egypt na napadpad dito sa Pinas. Parang naging totoong tao yung mga napanood ko sa TV noon. Sa loob ng dalawampu't- siyam na pamumuhay ko sa mundong ito, ngayon lamang ako nakakita ng ganito ka gwapong nilalang.

Mula sa medyo magulo niyang buhok, bumaba ang tingin ko sa  kanyang mataas at makakapal na pilik-mata. Hanggang sa kanyang matangos na ilong, pababa sa kanyang mapupulang mga labi.

Bigla akong napalunok ng ang mga labi na niya ang tinitigan ko ng malapitan.

"Staring is bad, young lady. Eyes here," biglang narinig ko na sinabi niya, gamit ang boses niyang baritone at buong-buo pa.

Automatic naman na sumunod ako sa sinabi niya. Parang kahit sino ata ay mapapasunod niya sa kanyang mga inuutos na hindi nagrereklamo.

Authority is within his voice every time he speaks. Inalis ko ang aking tingin sa kanyang mga labi, at tinitigan na lamang siya sa mata.

But the moment I looked into his eyes, it seems that I'm lost for a moment. Sobrang ganda nang mga mata niya, yung tila dadalhin ka sa ibang mundo dahil sa ganda. Yung mata niya ay hindi nakakasawang tingnan.

Medyo kulay kape yung mga mata niya, ang lalim at ang seryoso pa. Yung tipong ma-hypnotize at ma-iintimadate ka kapag tinitigan mo ito.

"Are you done checking my face, young lady?" Nagtanong siyang muli.

Parang may lahi to ah, iba kasi yung accent niya. Tapos ang slang pa minsan.

"With all due respect, young man. I ain't staring nor checking up on your face," mabait kong sagot sa kanya na ginagaya ko pa talaga yung paraan nang pananalita niya. At sumagot ako na may pinakamatamis na ngiti sa aking mga labi.

"Nasa atin lahat ng mga mata, baka may balak kang bumitaw," nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang kanyang mukha, dahilan upang mapaatras ako. May ibinulong lang pala.

"Ako lang ba ang dapat bumitaw, Mister? Sinong nakayapos sa bewang ko, diba ikaw?" Nang-iinsulto kong sagot sa kanya.

Napatikwas naman yung isa kong kilay nang makita kong ngumisi siya, at napasinghap nalang ako ng bigla niya akong hatakin papalapit sa kanya.

Then I saw him smirked, at sabay-sabay naming binibitawan ang isa't-isa na para bang allergic at nakukuryente kami, sa katawan ng isa't-isa.

Nang makalaya na ako sa mga braso ng estrangherong iyon, ay tinalikuran ko siya kaagad, at ipinagpatuloy ko na yung paghahanap ko kay Michael.

Kung saan-saang parte na nang barko ang napuntahan ko, ngunit wala pa rin akong Micheal na nakita.

Hanggang sa mapadpad ako sa labas ng barko, kung saan kita ang mala-asul na kalangitan at ang malawak na karagatan. Pati ang ihip ng hangin na nagmula sa karagatan, ay napakasarap sa pakiramdam.

Saktong nakaabot ako doon ay siya ring pag-andar ng barko kung saan lulan kami.

May maraming mga tao din doon, mga bata, matatanda, at pati couples din, ay nandoon.

Sinubukan kong hanapin si Michael doon, nagbabakasakali na naroon siya. Inisa-isa ko pa talagang tiningnan ang mga mukha ng tao doon, hanggang sa may nakita akong taong nakatalikod at nakatanaw sa karagatan.

'There you are, babe,' nasisiyahan kong sabi sa aking isipan, bago ko siya nilapitan, at ginulat, bagay na hindi niya kailan man inaasahan.

"Hello babe, surprise! Did you miss me?" Agarang sabi at tanong sa ko sa kanya.

Nakita ko kung paano nanglaki ang mga mata ng boyfriend kong si Michael. Dahil talaga namang nagugulat siya sa biglaang paglitaw ko sa kanyang harapan. Ngunit hindi lang pagkagulat ang nakikita ko sa kanyang mga mata, dahilan upang bumangon muli ang kabang nararamdaman ko kanina.

Napapansin kong bigla siyang nagpanic at naging balisa, at kung saan-saan nalang tumitingin, na para bang may hinahanap na tao.

"Illaria Jane, anong ginagawa mo rito? Diba sinabihan na kitang hintayin mo lang ako doon sa Pilipinas?" Biglang sabi niya, na ikinagulat ko talaga. Para kasing siya pa yong galit, samantalang pera ko naman ang ginastos ko papunta rito.

"Sorry na babe, namiss lang kasi kita ng sobra eh. Kaya sinurpresa na kita. Happy 4th anniversarry, babe. Mahal na mahal kita," sagot ko sa kanya, na hindi pinansin ang biglaang pagtaas ng boses niya.

"Bakit ka pa kasi pumunta rito? Nagsayang ka lang ng pamasahe mo," aniya, na parang hindi pinansin ang mga sinabi ko kanina.

Nakalimutan siguro niyang anniversarry namin ngayon.

'Napaka-special ng araw na 'to, tapos puro sumbat lang pala ang maririnig ko mula sa kanya,' nasasaktang aniya ko sa aking isipan.

Sasagutin ko na sana siya, nang may biglang nagsalita sa likuran namin.

"Love, who's the girl you're talking to? Is she your sister?" Tanong ng isang babaing buntis, pero hindi pa gaano kalaki yung tiyan niya. Siguro nasa 3-4 months pa lang

Sabay kaming dalawa ni Michael na humarap sa kanya, at sobrang ganda niya. Maputi, matangos ang ilong, curly at blondie ang buhok, at nakasuot ito ng isang kulay creamy na bestidang may naka-imprintang bulaklak.

"Babe, sino siya? Kaibigan mo?" Nalilito kng tanong kay Michael, tila naguguluhan sa nangyari.

"No, I am not his friend. I am his girlfriend, Miss," mabait na sagot ng babae, na may ngiting nakapaskil pa sa kanyang mga labi.

From the moment I heard her answers, para akong natuod sa aking kinatatayuan. Parang bigla-bigla ay binabangungot ako, at kahit kailan hindi na ako magigising pa.

'I am his girlfriend,' paulit-ulit kong sambit sa aking isipan, hanggang sa tuluyan ng ma-process ng utak ko.

"Really? You're his girlfriend? Paano nangyari iyon? Michael, kailan tayo naghiwalay?" Halos maiiyak ko ng tanong sa kanya.  

Pumunta lang naman ako dito, para surpresahin siya. Without knowing, na ako pala yung masusurpresa, dahil may kinakasama na siyang iba at ang saklap ay, binuntis niya pa. Ang tibay, ah!

"Michael, ano? Sagutin mo ako? Kailan pa tayo naghiwalay? Bakit hindi ko alam na naghihiwalay na pala tayo?" Malakas kong tanong sa kanya, na medyo sumigaw pa talaga ako, nang makita kong nakatulala lang siyang nakatingin sa akin.

"I'm so sorry, Illaria Jane, I've cheated," unang mga salitang narinig ko mula sa kanya.

Hinid ko na napigilan ang aking sarili na lapitan siya at sampalin siya ng malakas sa mukha. Hindi pa ako nakontento at sinampal ko na naman ang kabilang bahagi ng kanyang mukha.

Wala akong pakialam kong may maraming taong nakakita, o kung magiging viral na ako bukas.

I just had this feeling na kailangan kong ipaglaban ang sarili ko sa kanya.

"Of course, you'll say sorry. Because you've cheated, you cheater!" Sigaw kong muli sa kanya, na dinuro-duro pa siya, sinuntok at sinampal, habang hilam ng luha ang aking mga mata.

"Sobrang tanga ko na pala na umaasa na may tayo pa, sobrang tanga kong pumunta pa dito para lang surpresahin ka. Tell me, Michael. Anong nagawa ko sayo, para mambabae ka habang tayo pa? Ano? Hindi ka ba nakakapaghintay at gusto munang makatikim ng iba kaya mo siya nabuntis? Ano? Sabihin mo sa akin ang totoo?" Sumisigaw kong tanong sa kanya, habang patuloy paring humihikbi.

"Wag ka na palang magpaliwanag, dahil useless lang din naman iyon. Ganito nalang, magpakasaya kayo, kasama ang magiging anak niyo. Build a happy family, with the woman you love, Michael. I wish you all the best, magpakasal kayo, at wag niyo nalang akong i-invite kasi di ko kaya eh," mapait kong sabi kay Michael, na ngayo'y lumuluha narin.

Nilapitan ko siya, at hinalikan sa may noo, at sa huling pagkakataon, ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you so much for everything, Michael. Sa pagmamahal at pag-aalagang pinakita mo, salamat talaga. Ikaw ang pinaka-unang lalaking minahal ko. But sad to say, hindi ako ang papakasalan mo at hindi ikaw ang makakasam ko habang buhay," dagdag ko pa sa mga sinabi ko kanina.

Hinawakan niya ang aking mukha tsaka niya pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy.

"I'm really sorry, Jane. Alam kong napakagago ko na sa tingin mo, pero nagmahal lang din ako eh. Pasensya ka na, at maraming salamat din sa iyong pag-intindi at pag-unawa. Ikaw yung pinakamabait na babaing nakilala ko, you had a very beautiful soul, Jane, at hindi ako nagsisising makilala ka at mahalin," emosyonal niya pang sagot.

"So I guess, this is a goodbye? Goodbye, Michael, and I love you so much," pagpapaalam ko sa kanya at binigkas muli ang mga katagang ngayon ko lang nasabing muli sa kanya.

"Goodbye, Jane. Nice seeing you, again, thank you and mag-iingat ka," aniya bago kumaway sa akin.

Tumalikod na ako't naglalakad papalayo, bitbit ang pira-piraso kong puso.

Hello. My name is Illaria,
                          and this is my love story...

***
---Author's Note---

•| Source of the photo: Pinterest & Canva
•| Edited in: Canva

— I did not own this picture, nor trying to own it. It was obtained from Pinterest and edited in Canva. All credits belongs to its rightful owner.

                         

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top