Epilogue
EPILOGUE
ANG malagong damuhan at luntiang paligid agad ang sumalubong kay Heleyna nang hawiin niya ang kurtina pagkabangon niya nang umagang iyon at wala na si Tristan sa tabi niya. Hindi lang iyon, napakasarap din sa pakiramdam ang pagdampi ng hangin sa kanyang mukha at balat. Mula sa bintana ng silid niya ay kitang-kita niya ang view ng lugar. Nasa bahay-bakasyunan sila ng pamilya nina Tristan sa Baguio para i-celebrate ang honeymoon nila. Her husband insisted that they should go abroad pero pinilit niya ito. Hindi pa kasi siya nakakapunta ng Baguio at matagal na niyang pangarap iyon.
She smiled as she breathed a prayer. Ilang sandal pa ay naramdaman niyang niyakap siya ng asawa niya mula sa likuran.
“Good morning, sexy” bati nito at hinalikan siya sa pisngi.
“Good morning, too, handsome,” nangingiting tugon naman niya at humawak sa braso nito.
“How was your sleep?”
“I had a nice sleep. Sa’n ka nga pala pumunta?”
“Sa baba nagpahanda lang ng breakfast. Nagugutom ka na ba?”
“Hindi pa naman. Dito na lang muna tayo. Mas gusto kong titigan ang Baguio nang matagal.”
Naramdaman niyang mas humugpit ang pagkakayakap sa kanya ni Tristan.
“Alam mo bang unang beses pa lang kitang nakita bumilib na agad ako sa’yo?” sabi pa nito.
“Really?” she said amused. “Doon sa Barangay hall dati?”
“Nope. That was the second time then.”
“Pero iyon ang unang pagkakataon na nakita kita,” naguluhang sabi niya.
“Ikaw ‘yong teacher na nakita ko na may inaalalayang matanda sa pagtawid. It was morning at papunta naman ako sa office ko noon. All along I thought na wala nang katulad mo sa mundo.”
Napangiti naman siya. “So buti naman at naisipan mo ding i-share sa ‘kin ang secret mo.”
“At knowing na nagpakasal ka sa ‘kin, tingin ko wala nang lalaking mas blessed pa kaysa sa ‘kin. I love you, wife,” he said sincerely.
“And I love you too, husband.”
“I’ll just have to make sure na makakabuo tayo ng baby dito.”
Nang tiningala niya ang asawa ay nakangisi ito. Tumaas naman ang kilay niya at pagkuwa’y natawa.
“Kung ganu’n galingan mo.”
*END*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top