Chapter Two
CHAPTER TWO
"ARRANGED marriage?" ulit ni Travis at binuntutan pa iyon ng tawa."Uso pa pala 'yon?"
"What's so funny?" angil naman ni Tristan.
"Eh nakakatawa naman talaga, Kuya. Ano kaya ang pumasok sa isip ni Lolo at gumawa sila ng kasunduang 'yon?"
"Hindi ako papayag na matuloy ang kasalang sinasabi niya," anang binatang nakuyom ang kamao.
"Sino ba 'yang apo raw ng bestfriend niya? Na-meet mo na ba?"
"Wala akong pakialam kung sino man siya."
"Hmm. Sana naman sophisticated at may class pero hindi boring."
"I still can't believe this is happening to me!"
"Kung may girlfriend ka sakali, tingin mo itutuloy pa kaya ni Lolo ang plano niya?" sabi pa ni Travis.
"Hindi ko alam. Hindi naman 'yon maniniwala kahit may ipakilala ako sa kanya," sagot ni Tristan.
"At least you should try. How about Abbigaile? She's the perfect girlfriend."
"Wala akong gusto sa kanya."
"But she likes you."
"Hindi magwu-work out 'to, sinisigurado ko sa'yo. At 'yong babaeng 'yon, sinisigurado kong magti-take advantage siya sa sitwasyon dahil magkakaroon siya ng parte sa kayamanan. Magagawa niya ang gusto niya at susundin niya lahat ng mga luho niya.
"
"Kuya, hindi lahat ng babae ambisyosa at oportunista, ano ka ba? Hindi por que niloko ka ng isang kalahi ni Eba eh ganu'n na rin ang gagawin ng lahat ng babae sa'yo.
I-meet mo na lang muna 'yong babae kasi. Pag kilala na natin siya, saka tayo mag-isip kung ano ang gagawin sa kanya."
Inabot ni Travis ang alak at binuhusan ang mga baso nila.
Napabuntong-hininga na lang si Tristan. In his twenty-seven years of existence, isang beses pa lang siyang nagka-girlfriend at nagdulot pa iyon ng matinding heartache sa kanya. Pagkatapos nu'n ay hindi na siya nagmahal ulit. Naging masyado na siyang seryoso sa lahat ng bagay unlike Travis na happy-go-lucky.
Hindi niya alam kung kaya pa niyang magmahal at magtiwala ulit kaya papaano pa siya magpapakasal sa isang estranghera?
What did he do to deserve this?
NAGSILABASAN na ang mga estudyante para mag-lunch break. Naglalakad sa corridor si Heleyna nang sabayan siya ng isang co-teacher niya.
"You're Heleyna, right? Ikaw ang bagong teacher dito? I'm Philip," anito.
"Hi, Philip," bati naman niya."Yes, nasa Grade One class ako."
"Welcome dito sa school."
"Thank you."
"Heleyna!" tawag ni Corrine na nag-aabang naman sa kanya.
"Nandito na pala si Corrine. Nice meeting you, Philip," aniya.
"Nice meeting you, too. Sana makausap pa kita nang matagal."
"Dumidiskarte ba sa'yo si Philip?" tanong ni Corrine habang papunta na sila sa canteen.
"'Oy, ano ka?" pakli ni Heleyna."Binati lang ako nung tao, diskarte agad?"
"Mukhang type ka."
"Corrine, nagiging friendly lang 'yong tao."
"Matagal ko nang crush 'yong si Philip. Buti ka pa pinapansin ka niya. Sigurado kang hindi mo siya type, Heleyna?"
"Hindi."
"Eh ano bang ideal guy mo?" tanong pa ni Corrine.
"Kahit ano basta 'wag lang masungit at parang mangangain ng tao."
"S-SIR, i-ito na po 'yong pinapakuha niyo," nanginginig na inabot ni Yvonne ang folder.
"Bakit ang tagal?" angil ni Tristan."Di ba sinabi kong kailangan na kailangan ko 'to ngayon?!"
"S-sorry po, Sir. Nagka--nagkaaberya po kasi 'yong--"
"Lintek na aberya 'yan!"
Napakurap si Yvonne nang magtaas pa uli ito ng boses.
"S-sorry po talaga..."
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan niya.
"Lumabas ka na."
"O-opo."
Sapo ang noong napailing siya. Hindi man niya sinasadya ay napagbubuntunan niya ang ibang tao sa init ng ulo niya. Alam niyang hindi na tama iyon.
"'ANDIYAN na si Teacher!" sabay-sabay na bulalas ng mga bata nang dumating na si Heleyna sa bakanteng lote.
Sabado iyon ng umaga at tuturuan niya ang mga batang hindi mapag-aral ng mga magulang nila. Sobra kasi siyang naaawa sa mga ito at iyon lang ang pwede niyang gawin sa ngayon.
"Hi, nainip ba kayo?"
"Hindi po," sabay- sabay na sagot pa ng mga ito.
"O sige, start na tayo, ha?"
Isang lumang plywood lang ang nagsisilbing blackboard nila at iyon ang pinagdikitan niya ng mga charts.
Kusang-loob lang niya iyon at kahit na walang bayad ay nagpupursige pa rin siya.
"Makinig nang mabuti, okay?"
"Opo!"
Isang bagay pang inspirasyon niya para maging determinado ay ang nakikita niyang kagustuhan sa mga batang ito na matuto.
"KAMUSTA 'yong prospect site na pinatingnan ko sa'yo?" tanong ni Tristan kay Diego.
Sa Barangay Paru-paro iyon. Hindi iyon kalakihan pero kailangan nila ang lupa para ma-extend ang lote na plano nilang i-develop into an exclusive village.
"Mukhang mahihirapan tayo, Sir," sagot ng engineer.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Mahihirapan tayong paalisin ang mga tao doon dahil malakas ang paniniwala nila na sila ang may-ari ng lupa pero wala naman silang mapakitang titulo o kahit na anong katibayan para patunayan ang ownership nila."
"Ano?" aniya at napamura pa."Ang mga taong 'yon, ano ba ang gusto nilang palabasin?"
"Sa tingin hindi ko makakaya kung ako lang mag-isa ang magpapalayas sa kanila, Sir."
"I know. Responsibilidad iyon ng kompanya. Sige, bukas na bukas ako mismo ang lalakad."
"Po?" anas ni Diego."Sigurado po kayo?"
"Kung 'yon ang kinakailangan. Dapat malaman ng mga taong 'yon na hindi nila tayo kaya at hindi uobra ang pagmamatigas nila," saad ni Tristan.
"S-sige po. Sasamahan ko kayo."
PAGKATAPOS ng lecture nilang iyon ay tinulungan ng mga bata si Heleyna na magbitbit ng mga gamit.
"Ang dami ko pong natutunan ngayong araw, Ate Heleyna. Sana po hindi kayo magsawang magturo sa 'min," sabi pa ng isang bata.
"Basta ba magbehave lang kayo lagi,eh. Sa susunod ibang lesson naman."
"Sana po may kwento."
"'Yon lang pala,eh."
"Heleyna!" tawag ni Aling Lustria.
Ito ang sekretarya ng Barangay Paru-paro.
"O, Aling Luz, bakit po?"
"May nanggaling na engineer dito kaninang umaga. Gusto raw tayong paalisin dito sa barangay natin dahil hindi naman daw tayo ang nagmamay-ari."
"Ho?" gulat na anas ng dalaga."Bakit po tayo paalisin? Ano'ng plano nila dito sa barangay natin?"
"Para siyempre sa bago nilang project kaya aalisan tayo ng tirahan."
"Hindi naman makatarungan 'yon."
"Aba'y hindi talaga! Ah, eh, hija, pwede ka bang sumama sa akin sandali? Baka kasi may maitulong ka sa'min ni Kapitan."
"Sige po."
"KUNG paaalisin tayo dito sa Barangay Paru-paro, sa'n na tayo pupulutin?" narinig ni Heleyna na sabi ng isang batang tinuturuan niya.
Nasa tabi ng poso ang mga ito at marahil ay sasalok din ng tubig.
"Oo nga," sang-ayon ng kasama nito."Para namang may pupuntahan pa tayo. Grabe talaga 'yang mga mayayaman na 'yan."
Napabuntong-hiningang nilapitan niya ang dalawa. Ang babata pa ng mga ito pero namumroblema na rin.
"Hayaan niyo, hindi natin hahayaan na paalisin nila tayo dito. Ano sila, sinuswerte?"
"Sana nga, Ate. Subukan lang nilang tumuntong dito at titiradurin ko sila!"
"Binsoy," saway naman niya."Hindi ba sabi ko bawal manakit?"
"Sorry po. Bugso lang ng damdamin."
"Ikaw ba magaling kang umasinta?"
“PAPAANO nila natitiis tumira sa ganito?”
Mas tanong iyon ni Tristan sa sarili. Base sa nakikita niya, hindi maayos at wala sa lugar ang pagkakatayo ng ibang mga bahay doon.
“Ganyan talaga kapag mahirap, Sir,” sagot ni Diego. “Kaya nga ayaw nilang pakawalan ‘tong lupang ‘to dahil mukhang wala na rin naman silang mapupuntahan.”
Bumaba sila ng sasakyan at tinungo ang maliit na Barangay Hall. Hinarap naman sila ni Kapitan Nato na nakapambahay pa.
“Diego, Kapitan ba talaga ‘to dito?” pabulong na tanong niya sa kasama.
“Siya na nga po ‘yong nakausap ko kahapon, Sir.”
“Ano na naman ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ng kapitan.
“Hindi na po ako magpapaligoy pa, Sir. I want you and your people out of this place as soon as possible.”
“At ano’ng karapatan mo para paalisin kami dito?” sabat ng isang boses mula sa likuran nila.
Napalingon silang tatlo dito.
Sa mga sandaling iyon ay nagtapang-tapangan na lang si Heleyna para sa mga kabarangay niya pero nang magtagpo ang mga tingin nila ng lalaking gustong magpaalis sa kanila, may kumudlit na kung anong kaba sa dibdib niya na hindi niya maintindihan.
Saan nga ba nakita ni Tristan ang babaeng ito? May pakiramdam kasi siyang nakita na niya ito.
“And who are you?” tanong niya.
“Isa rin ako sa mga nakatira dito sa lupa na gusto niyong kunin.”
“Hindi niyo pagmamay-ari ang lupang ito kaya wala kayong karapatang magmatigas.”
“Diyan kayo nagkakamali. Matagal na panahon nang ibinigay ng gobyerno ang lupang ito sa mga tao dito at marahil hindi ka pa nga ipinapanganak no’n!”
Naningkit ang mga mata ni Tristan.
“Then how come na wala kayong maipakitang katibayan ng ownership niyo sa lupang ito?”
“Hindi naman kailangan ‘yon, eh. Sapat ng ebidensiya na kahit mahirap kami ay payapa kaming namumuhay dito. Kung pisikal na ebidensiya ang gusto mo, maghintay lang kayo at hihingin naming mismo sa kanila ang titulo,” mariing sabi ng dalaga.
Habang nagsasagutan sila, parami nang parami ang taong nakikiusyoso sa labas.
“Bilisan niyo lang dahil baka mag-aapela pa lang kayo, nabili na namin ang lupang ‘to,” sabi naman ni Tristan na hindi patitinag sa katapangan ng dalagang nasa harap niya.
“Hindi mangyayari ‘yon! At kung pwede sana ay umalis na kayo because I’m afraid na nagsasayang lang kayo ng oras niyo. Kahit ano pa ang gawin niyo, hinding-hindi niyo kami mapapaalis dito!”
“We will see,” mariing sabi ni Tristan.
Minsan pa niyang pinagmasdan ang dalaga bago ito tinalikuran.
“’Wag na kayong babalik dito!” sigaw pa ng mga tao.
“ALAM mo na ang ibig sabihin nito, Diego. Kailangan nating madaliin ang lahat. Hindi pwedeng mawala sa atin ang lupa or else we are going to lose a huge project,” sabi ni Tristan habang pabalik na sila.
“Opo, Sir,” tugon naman ni Diego. “Pero alam niyo, ang tapang ng babae kanina, ‘no?”
“Kilala mo ba ‘yon?”
“Hindi ho,eh. Ang lakas lang ho kasi ng loob niyang makipagtalo sa inyo. Siguro hindi kayo kilala nu’n.”
“Forget about her. Kahit ganun pa siya katapang, hindi pa rin niya tayo mapipigilan.”
Matapos ihatid sa opisina si Diego ay umuwi muna siya sa mansiyon.
“Kamusta, Kuya?” tanong ni Travis.
“Walang nangyari. Matitigas ang ulo ng mga tao sa lugar na ‘yon,’ yamot na sagot niya.
“Easy lang, Kuya. Mas ihanda mo dapat ang sarili mo sa isa pang bagay. Lolo is coming tomorrow at dala na niya ang profile ng wife-to-be mo.”
Lalong nadagdagan ang pagkayamot niya.
“Isa pa ‘yon.”
“DAPAT sa cases na ganyan, idinadaan sa maayos at malinis na proseso para naman fair sa both parties. Por que rich and powerful sila, sila na lang ang may right sa lupang ‘yon? Fight for it, girl!” litanya ni Corrine nang magkwento siya dito.
”Kaya nga, Corrine. At kahit umabot pa sa korte, hindi namin sila uurungan. Dapat makakuha kami ng magaling na abogado.”
“Ay, teka, sino ba ‘yong Taning na pumunta mismo at nakipagtalo sa’yo?”
“Aba malay ko.”
“Baka sakali lang kasi. May kilala akong mangkukulam. Ipakulam natin.”
“’Oy, ikaw,ha. Teacher ka pa naman. Bad ‘yan,” natawang pakli ni Heleyna.
“Sorry, na-carried away lang.”
“Hi, Heleyna. Hi, Corrine,” si Philip at sinabayan sila sa paglalakad.
“Good morning,” bati naman ng dalawa.
“MAY natitira pa ba ‘kong appointment ngayon?” tanong ni Tristan kay Yvonne.
“Wala na po bukod sa imi-meet niyo si Don Genaro dahil may importante daw kayong pag-uusapan.”
Shit!
Wala sa loob na ibinagsak niya ang kamay sa mesa na ikinapisik naman ni Yvonne. Batid niyang ninerbiyos na naman ito pero wala na siyang magagawa doon.
“Makakaalis ka na.”
“O-opo, Sir,”
Nang makaalis na si Yvonne, ilang sandali muna ang pinalipas ni Tristan bago ipinasyang lumakad. Uuwi siya sa kanila para kausapin ang nababaliw na nilang abuelo.
“Akala ko ay hindi mo na ‘ko sisiputin,” ani Don Genaro pagpasok niya sa study nito.
“Pwede ba naman ‘yon?” sarkastiko niyang tugon.
“Maiintindihan mo din kung bakit ko ginagawa ito, hijo.”
“Sana nga.”
“Her name’s Heleyna Jacinto,” umpisa ng matandang De Vera.’Young at twenty-one, she was an Education graduate and currently teaching in a public elementary school. She’s smart and she has a nice personality. Nang makita ko siya sa burol ni Hilarion, I found her simple. Iyon nga lang hindi kami nakapag-usap noon.”
Iniabot nito ang isang folder sa binata.
“Tingnan mo siya, Tristan. Alam din niya ang tungkol sa kasunduan. Gusto kong ikaw mismo ang magdala sa kanya sa akin.”
Napipilitang tiningnan ni Tristan ang folder para lamang magulo ang kanyang sistema. Ang babaeng nasa larawan ay ang mismong babaeng nakipagtalo sa kanya kahapon!
“No way,”usal niya.
At kaya pala parang pamilyar ito sa kanya ay dahil sa ito rin ang teacher na nakita niya noon na may inaalalayang matanda sa pagtawid.
“Why, have you met her, hijo?”
“Ang babaeng ito ang isa sa mga nakatira doon sa lupang kakailanganin natin para sa susunod nating project. And take note, nakipagtalo siya sa akin dahil ayaw nilang umalis! Do you really think na magkakasundo kami nito?”
“Why not? You two have met, not bad at all,” anang Don na may naglalarong kakaibang ngiti sa mga labi.
“You’re crazy!”
“Bakit kasi hindi mo muna subukan? Take her to me at isi-set natin ang lahat.”
“Ayoko. Busy ako.”
“Tristan!”
“Fine! Tomorrow, I will.”
“WHOA, Kuya. Ito na ba siya?” hindi makapaniwalang tanong ni Travis habang tinitingnan ang profile ni Heleyna.
“Siya na nga ‘yan. Ang babaeng gugulo sa buhay ko at siyang sisira ng mga plano ko,” ani Tristan.
“Ito? But, Kuya, look at her. She’s charming and she looks so innocent. At isa pa, she’s a teacher. I admire teachers.”
“You don’t understand.”
“Hindi talaga. Just be nice to her at walang magiging problema.”
“Yeah. Just wait ‘til you meet her.”
“I’m really looking forward to that. And just in case ayaw niya sa’yo, pwede bang sa’kin na lang siya?”
NAG-AABANG na sina Heleyna at Corrine ng masasakyan nang hapong iyon nang may humintong magarang sasakyan sa tapat nila.
Siniko siya ni Corrine.
“Look, ang gara ng wheels. Sino kaya ang may-ari niyan?’
Umibis ang driver ng kotse na naka-coat pa at natigilan si Heleyna. Ito ‘yong lalaking pumunta sa barangay nila noong isang araw para sila palayasin! Ano naman kaya ang ginagawa nito sa eskwelahan nila?
“Miss Jacinto, pwede ka bang sumama sa ‘kin?” walang kangiti-ngiti nitong tanong.
“Heleyna,” si Corrine na sobrang gulat. “Magkakilala kayo ni Tristan De Vera?”
“Sino’ng Tristan?” takang tanong niya.
“Siya! Siya si Tristan De Vera.”
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa binata. Papaanong kilala ito ni Corrine?
“Sinasabi ko sa’yo, Mr. De Vera, hinding-hindi magbabago ang isip namin. Magkamatayan na pero hindi mo kami mapapaalis sa tirahan namin!”
“Ano’ng sinasabi mo, Heleyna?” si Corrine.
“Hindi iyon ang ipinunta ko dito . Sumama ka sa’kin, tapos ang usapan,” mariing sabi ni Tristan.
“Una sa lahat wala akong tiwala sa’yo kaya bakit ako sasama?” pagmamatigas naman ni Heleyna.”Tsaka malay ko ba kung saan tayo pupunta?”
Marahas na napabuga ng hangin si Tristan at tila mauubusan na ng pasensiya.
“Ayoko sa lahat eh ‘yong nasasayang ang oras ko. May gustong kumausap sa’yo kaya dadalhin kita sa kanya. Now please,” anitong binuksan ang tabi ng driver seat. “Get in because I don’t have the time in the world.”
“Suplado,” mahinang ngitngit ni Heleyna ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng binata.
“Mag-iingat ka, Mare,” sabi naman ni Corrine.
Tumango lang siya at nginitian ito para ipaalam na magiging okay siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top