Chapter Three
CHAPTER THREE
NASA biyahe na sila pero wala pa ring kaide-ideya si Heleyna kung saan sila pupunta. Papaano ba naman kasi parang hindi naman siya nag-i-exist sa tabi ng Tristan na ito.
Masyado itong seryoso bukod sa inborn yata ang pagkasuplado. Bitter ba ito sa mundo?
May kasalanan pa nga pala ito sa kanila. Gusto nitong alisan sila ng tirahan. Pero bakit pa rin siya sumama dito? Baka mamaya pa nga ay may masama itong balak.
Huh, akala naman niya magtatagumpay siya, 'no!
"Ba't ganyan ka makatingin?" sita nito sa kanya.
Doon lang siya natauhan. Masyado na pala siyang obvious.
"Eh kung sabihin kong trip ko lang, aangal ka ba?"
"Teacher ka ba talaga?"
"Aba, siyempre. Ikaw tao ka ba talaga?"
Pinukol siya nito ng masamang tingin at pagkatapos ay hindi na pinansin. Lihim siyang napangiti.
Pikon?
Malayo-layo rin ang ibinyahe nila hanggang sa makarating ang kotse sa isang exclusive subdivision at tumuloy sa gate ng isang magarang mansiyon.
Napalunok pa si Heleyna habang nakasilip sa bintana ng kotse.
Hindi maniniwala si Corrine dito...
Hindi tuloy niya namalayan ang unang pagbaba ni Tristan. Umikot ito at ipinagbukas siya ng pinto. Nagtanggal siya ng seatbelt at bumaba.
"T-thank you," sabi niya.
"Sumunod ka sa 'kin," sabi naman ni Tristan at tinalikuran siya.
Nagngingitngit na inambahan niya ito ng suntok.
Walang manners!
Tumuloy na sila sa magarang sala ng bahay.
"Good afternoon, Sir. Good afternoon, Ma'am," bati sa kanila ng mga katulong.
"Good afternoon din po," tugon ni Heleyna.
"Si Lolo 'asan?" tanong naman ni Tristan.
"Nasa taas po, sa Library. Doon na lang kayo dumiretso," sagot ng isang katulong.
"Sa taas tayo."
Pumanhik sila sa grand staircase. Marami silang nadaanang pinto. Huminto sila sa isa sa mga iyon at kumatok si Tristan.
"We're here," anito.
"Tuloy kayo," sagot iyon mula sa loob.
Binuksan nito ang pintuan.
"Mauna ka," anito kay Heleyna.
Alanganing tumuloy ang dalaga. Nadatnan niya ang isang matandang lalaki na sadyang naghihintay sa kanila.
"Heleyna," tawag nito sa pangalan niya.
Nagulat siya.
Bakit ba hindi niya naisip ito agad? Si Don Genaro at Tristan ay parehong De Vera! Bakit hindi man lang niya naisip na posibleng magkaugnay ang dalawa?
"Kayo po si Don Genaro? Kayo po ang kaibigan ng Lolo ko?"
"Mabuti at natatandaan mo pa 'ko."
"Imposibleng makalimutan ko ang bestfriend ng Lolo ko. Kamusta po kayo?"
Lumapit siya at hinawakan ang kamay nito.
"Mabuti, hija. Masaya ako at nagkausap na rin tayong dalawa."
Pasimple naman silang iniwan ni Tristan para hayaang makapag-usap.
"KAMUSTA ang pakikitungo ni Tristan sa'yo, hija?" tanong ni Don Genaro. Magkaharap sila sa mesa ng opisina nito.
"Hindi ho maganda. Suplado ho siya at ayaw ko sa ugali niya," sagot niya.
"He may be rude but that doesn't mean that he's not a good guy. Intindihin mo na lang sana siya. You see, hindi biro ang mga responsibilities na hina-handle niya."
"Gusto ho niyang paalisin kami sa lupang tinitirhan namin at sa tingin ko hindi makatarungan ang ganun. Kapag napaalis ang mga tao do'n, wala na silang mapupuntahan. Karamihan po sa amin mahihirap, 'yong iba hindi na makapagpatayo ng maayos na tirahan at hindi na nga mapaaral 'yong mga anak nila tapos 'yon pa po ang mangyayari? Bakit, hindi pa po ba sapat na mayaman kayo at kailangan niyo pang manggipit ng mga mahihirap na kagaya namin?" diretsang saad ng dalaga.
"Hindi ka lang basta matalino, may malasakit ka din sa kapwa mo," sa halip ay nakangiting wika ng Don."Hindi nga ako nagkamali, ikaw ang babaeng nararapat kay Tristan."
Natigilang napatitig dito si Heleyna.
"A-ano po ang sinasabi niyo?"
"Kaya kita gustong makausap ay para ipaalala sa'yo ang kasunduan namin ng Lolo mo matagal na panahon na. Kapag pareho na kayo ni Tristan na nasa tamang edad, kailangan niyong magpakasal na dalawa."
Her mouth dropped.
"Hindi!" mariin pang tanggi niya."Hindi pwede ang sinasabi niyo!"
"Akala ko ba malinaw sa iyo ang bilin ng Lolo mo bago siya namatay?"
"Oo nga po at nangako akong tutupad. Pero kung sa Tristan na 'yon pala , ibang usapan na po!"
Siya, magpapakasal sa Tristan na 'yon? Maging burol muna ang Mt. Everest!
"Wala na tayong magagawa, hija. It was a dying wish at hindi maaaring baliin o ano pa man."
Wala na siyang nagawa kundi ang manlumo. Hindi niya ma-imagine ang sariling magpapakasal sa taong mas matigas pa yata sa bato. Paano naman siya makikitungo sa lalaking katulad ni Tristan?
Nawalan siya ng sasabihin. Ano ba itong kakaharapin niya?
"Pag-isipan mo ito, Heleyna. Pwede tayong gumawa ng set up na pabor sa inyong dalawa. Kung may hihingin kang kondisyon, walang problema basta't labas sa usapan ang annulment kapag kasal na kayo."
"P-pag-iisipan ko po itong mabuti..."
"Magkikita pa tayo ulit. Sa susunod maari mo bang dalhin ang huling sulat na ginawa ni Hilarion?"
"O-opo."
NAPAIYAK na naman si Heleyna matapos mabasa ang sulat ng Lolo niya. Nakasaad doon kung gaano kasaya ang Lolo niya na magkaroon ng matalik na kaibigan na katulad ni Don Genaro, kung gaano nito kamahal sila na natitirang pamilya nito at sila ni Elinah na pinakamamahal na apo nito. Nakasaad din doon na kung sakali mang matuloy ang kasal ay inaasahan nitong mapapabuti siya at magiging masaya. Ngayong nakilala na niya si Don Genaro at ang apo nito, hindi na siya sigurado.
Hindi lang ito basta isang simpleng sakripisiyo. Kailangan niyang gamitin ang utak niya.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang mama niya.
"Ma."
"Heleyna, anak."
"Ang hirap po pala talaga ng hinihiling ni Lolo."
"Ano'ng ibig mong sabihin? May nangyari ba?" alalang tanong naman ni Helen.
"Nakapag-usap na po kami ni Don Genaro. Ipinaalala niya sa akin ang kasunduan nila ni Lolo."
Ilang sandaling hindi umimik ang Mama niya sa kabilang linya.
"Ma?"
"Ano ba ang plano mo, hija? Pwede naman tayong umatras kung ayaw mo. Pangako walang pipilit sa'yo."
"ANO'NG nangyari kahapon, Heleyna? Sa'n ka dinala ni Tristan De Vera at tungkol saan ang pinag-usapan niyo?" sunod-sunod na tanong ni Corrine sa kanya habang papunta na sila sa playground para sa flag ceremony.
"Ang dami naman nu'n, Corrine. Isa-isa lang, o, pwede?"
"At paano naman kayo nagkakilala?"
"Ano kasi, Corrine...ang totoo ang hirap paniwalaan. Kahit ako nahihirapang magpaliwanag. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya mahirap magkwento sa ngayon."
"Pero sila nga ba ang gustong magpaalis sa inyo sa lugar niyo?"
"Oo sila nga."
"TUNGKOL saan ang pag-uusapan natin?" tanong ni Tristan kay Abbigaile. Nag-invite kasi ng lunch ang huli na pinaunlakan naman niya. Kilala na niya ang ugali ni Abbigaile. Kapag tumanggi siya ay hindi rin siya nito tititgilan sa pangungulit.
"Gusto kong malaman. Sabihin mo sa 'kin ang totoo, Tristan. I just hope that Travis was only kidding me. Totoo bang magkasama raw kayo ng fiancee mo kahapon?"
Hindi siya sumagot.
"Papaano'ng nangyari 'yon, Tristan? Wala ka namang girlfriend, 'di ba? Bakit bigla ka na lang nagkaroon ng fiancee? Sino siya, Tristan?"
"Look, Abby, biglaan ang lahat. It was an arranged marriage. Naipit lang ako sa kasunduan ni Lolo at ng namayapa niyang kaibigan."
"Sana tumanggi ka!"
"I'm afraid hindi maaari."
"This can't be, Tristan!" naiyak na sabi ni Abbigaile.
"You're overreacting, Abby. Stop it. Nakakahiya sa mga tao dito. Ano ba ang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman dapat umaasta nang ganyan."
"Ang manhid-manhid mo naman kasi! Sa tingin mo, bakit nga ba ako nagre-react nang ganito?"
"I'm sorry I have no idea."
"My gosh, Tristan! Wala ka na bang ibang alam bukod sa maging galit at seryoso sa lahat ng pagkakataon? Kailan ka ba tutubuan ng totoong emosyon?!"
Marahas na tumayo si Abbigaile at tuloy-tuloy na nag-walk out.
"SAYANG si Tristan De Vera, 'no?" sabi pa ni Corrine."Napakagwapo pa naman sana at tsaka matalino kaso wala namang puso."
Papunta na sila sa canteen para mananghalian.
"Pa'no kaya siya pinalaki ng mga magulang niya?" sabi naman ni Heleyna."Alam mo 'yong para siyang robot at parang makina? Wala siyang pakiramdam. Hinding-hindi ako papayag na mapaalis kami. Dapat talaga sa isang 'yon tinuturuan ng leksyon, eh!"
At hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko na magpapakasal ako sa kaya!
"May girlfriend na kaya 'yon?"
"Wala," mabilis niyang sagot.
"Sa gwapo niyang 'yon, Heleyna?"
"Sigurado ako do'n dahil duda ako kung may babaeng makakatagal sa ugali niyang 'yon."
“MUKHANG kasalanan ko pa yata, ah,” ani Travis. “Kung hindi ko sinabi sa kanya malamang na hindi naman siya magkakaganun. Sorry, Kuya, ha? Sinabi ko lang naman ang totoo. Alangan naming bawiin ko pa.”
Gaya ng dati, nag-inuman na naman sila sa mini bar ng mansiyon.
“Kung nakita mo lang sana kung paano siya nagreact. Hindi ko siya maintindihan,” sa halip ay sabi ni Tristan.
“Bakit naman hindi mo ma-gets, Kuya? Nagalit si Abbigaile kasi nagseselos siya. Kasi mahal ka niya.”
“Ano, si Abby mahal ako?” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Ano ba kasi ang ginawa mo buong buhay mo, ha? Ikaw ba naman magkaroon ng fiancée out-of-the-blue? Alam mo, it’s high time na sarili mo naman ang isipin mo. Ang tagal mo nang hindi nagmahal ulit, Kuya. And you know what I’m thinking? That this Heleyna could help you.”
“Hindi!” mariing tutol agad niya. “Guguluhin lang niya ang buhay ko at sisirain lang niya ang mga plano ko.”
PALABAS na ng gate sina Heleyna at Corrine para umuwi nang may mahagip ang tingin ng huli.
“Heleyna,” siko nito sa kanya. “Were you expecting him?”
Naroon kasi si Tristan sa tabi ng kotse nito at halatang siya ang hinihintay.
“Hindi,” sagot naman niya.
“Ano na naman kaya ang sadya niya sa’yo this time?”
“Ewan ko,” nasabi na lang niya.
Signature na yata nito ang pagkaseryoso ng mukha at ang napaka-unfriendly na dating. Pagkalapit na pagkalapit nila ni Corrine ay agad itong nagbukas ng pintuan ng kotse.
“Get in,” walang ngiting sabi nito.
“Baka naman gusto niyo munang mag- good afternoon, Mister?” ani Corrine.
“Corrine,” saway naman ni Heleyna. “Sige na. Magkita na lang tayo bukas.”
“Ingat ka.”
“Ikaw din.”
HINDI na naman sila nag-usap habang nasa biyahe.
Hindi lang siya basta unfriendly, napaka-unaccommodating pa!, ngitngit niya.
Nahinto sila nang mag-stop light. Walang nagbago sa katahimikan nila at napukaw lang ang atensiyon nila ng dalawang madudungis na bata na kumatok sa bintana ng kotse.
“Palimos po,” anang mga ito.
Agad namang naawa si Heleyna. Kukuha na sana siya ng pera nang magsalita si Tristan.
“Hindi pera ang kailangan ng mga ‘yan,” sabi nito.
“Wala na kasi akong ibang pwedeng ibigay. Kawawa naman kasi sila.”
“Ako na,” anitong may kinuhang paperbag mula sa likuran ng upuan at iyon ang ibinigay sa mga bata.
Manghang napatitig dito si Heleyna. Tiyak niyang pagkain ang laman ng paperbag na iyon.
“Hati kayo diyan, ha?”
“Salamat po!” tuwang-tuwang sabi ng mga bata at agad na umalis.
“What?” sita naman nito sa kanya na marahil ay nailang sa pagtitig niya. Bumalik na naman ito sa pagkawalang manners.
“W-wala.”
SA isang restaurant nila kinatagpo si Don Genaro. Ibinigay dito ni Heleyna ang sulat ng Lolo Hilarion niya tulad ng bilin nito noong nakaraan.
“Thank you for being cooperative, hija.”
“Kahit ano basta po para sa Lolo ko,” sabi naman niya.
“So ano, can we proceed to your wedding plans?”
“Bakit ba parang ang dali lang sa’yo ng bagay na ‘to?” sabat ni Tristan.
“Bakit, hijo? Hindi ba’t ang bagay na katulad nito ay hindi naman pinapatagal? I thought you hate delaying everything?”
“Don’t give me that crap, old man. Kasal ang pinag-uusapan natin dito!”
“I know. Kaya nga pag-uusapan natin ngayon mismo para mapaghandaang mabuti,” kalmado namang turan ng matandang De Vera at nakuha pang ngitian si Heleyna.
Nakuyom na lamang ni Tristan ang kamao.
“Easy ka lang, hijo,” sabi pa nito at muling binalingan ang dalaga. “Tatanungin kita, hija. Pumapayag ka na bang magpakasal kay Tristan alang-alang sa alaala ng pinakamamahal mong Lolo na si Hilarion?”
Heto na, ani Heleyna at napahugot ng malalim na paghinga.
Wala na nga itong atrasan pa.
“Kung pababayaan na niya ang lupa sa mga taga-Barangay Paru-paro at hindi na niya babalaking kunin sa mga tagadoon, sige,” at napalunok pa siya. “Pumapayag akong mag…magpakasal sa k-kanya.”
“No way!” kontra naman agad ni Tristan at matalim siyang sinulyapan.
“You heard her, Tristan,” anang Don.
“Alam na alam mo talaga kung paano mag-take advantage, ‘no?” sarkastikong sabi pa nito sa kanya.
“Bakit, Mr. De Vera, ano’ng mahirap sa kondisyong hinihingi ko?” ani Heleyna at matapang na sinalubong ang mga tingin nito. “Hindi naman para sa akin ang kondisyong ‘yon kung hindi sa mga nakatira doon. Ikaw na rin ang may sabi, hindi ito magiging madali.”
“Labas dapat ang isyung ‘yon dito. Ano ba ang gusto mong palabasin, ha?”
Kung nakamamatay nga lang talaga ang tingin malamang ay napulbos pa ang dalaga.
“Hindi ko na babawiin ang sinabi ko. ‘Yon ang gusto kong kondisyon Don Genaro.”
“I can’t believe this!”
“Ako na mismo ang magsasabi sa’yo, Tristan. Huwag mo nang ituloy ang project na iyon and leave the land to the residents who deserved it,” saad naman ng Don.
“Ganun na lang ‘yon? Hindi ba’t ibinigay mo na ang approval mo do’n? Marami na kaming plano sa project na ‘yon!”
“Pwes binabawi ko na. I realized kawawa naman ang mga tao doon kung mapapaalis sila at wala silang mapupuntahan.”
Napailing si Tristan at muling tiningnan nang matalim si Heleyna.
“Alright, let’s proceed to your set up,” pagkuwa’y sabi pa ng Don.
Sana nga lang ay tama ang desisyong ginawa ng dalaga. Wala sa loob na napabuntong-hininga siya at napasulyap pa sa aburido ngunit gwapo pa ring si Tristan.
Talaga bang magpapakasal ako sa kulugong ‘to?
Parang hindi naman niya yata kailanman in-imagine ang sarili. Napakabata pa niya sa edad na twenty-one para magpakasal. Gusto sana niya ay iyong limang taon pa mula ngayon at sa lalaking mahal niya. Hindi sa kung sino’ng businessman na ang alam lang ay magpayaman.
“SIGURO naman masaya ka na?” sarkastikong sabi ni Tristan habang nasa biyahe na sila.
Nagsimula na ang set up nila sa araw na iyon at dapat siya nitong ihatid sa bahay na tinutuluyan niya.
“Sabihin mo nga, may dapat ba ‘kong ikatuwa sa nangyari?”
“Pwede ba ‘wag ka nang— ”
“Sandali hindi pa ‘ko tapos. Bakit nga ba ‘yong tirahan namin ang pinagdidiskitahan niyo, ha? ‘Yon na nga lang ang meron kami. Nananahimik kaming mga nakatira doon tapos bigla na lang kayong susulpot at basta na lang kaming paaalisin? Ano’ng karapatan niyo?”
“I’m a businessman. It’s what I should do!”
“’Yon na nga, eh! Por que businessman ka hindi ka na magiging tao? Ikaw kaya ang maging mahirap tapos paalisin ka sa tirahan mo at wala kang mapuntahan? Ano kaya sa pakiramdam mo, ha, Mr. De Vera?”
Hindi siya sinagot ni Tristan at sa halip ay nanatili lang itong nakatutok sa daan kung saan inabot na sila ng gabi.
Napasiksik na lang siya sa upuan niya. Ano naman kaya ang iniisip nito? Kanina nang mabasa nito ang sulat na ginawa ng Lolo niya ay hindi man lang niya ito kinakitaan ng anumang reaksiyon.
“KAMUSTA, Kuya?’ tanong ni Travis nang dumating na siya. “I supposed things were already cleared up.”
“Unfortunately, lalo lang gumulo, Travis. I was right. Siya ang malaking hadlang sa mga plano ko. Alam mo bang hiningi niyang kondisyon na ‘wag nang pakialaman ang lupang tinitirhan nila?”
“And?”
“And the project was dissolved, of course! I still can’t believe it! At ano’ng karapatan niyang pangaralan ako?”
Natawa naman si Travis.
“Well, what do you expect from a teacher?”
“Walang nakakatawa do’n,” angil ni Tristan.
“Believe me, Kuya. Nakakatawa ka.”
Naiiling na nag-walk out ang binata.
“Wala ka talagang kwentang kausap.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top