Chapter Six
CHAPTER SIX
MUKHANG pinag-isipan ni Tristan ang sinabi niya dahil ilang sandali pa muna ang lumipas bago ito muling nagsalita.
"Hindi ako sigurado, Heleyna. That would mean I have to trust you."
"Ano naman ang masama kung pagkakatiwalaan mo 'ko?"
"I have learned to distrust women."
Nagtatakang napatitig siya sa binata.
"Sa ano'ng dahilan, Tristan? Gusto kong malaman."
Nagpakawala ng buntong-hininga ang binata bago tumingin sa kanya.
"I once fell in love, Heleyna. Five years ago, when I was about to graduate college, I met Sophie. To me she's the most beautiful lady in the world. Niligawan ko siya, sinagot niya 'ko, naging kami. I loved her so much that I trusted her everything. Sinabi ko sa kanyang ampon ako at hindi ko alam kung sino ang totoo kong mga magulang. At alam mo ba? Hindi niya nagustuhan ang nalaman niya. Parang hindi niya tanggap na hindi ako totoong De Vera. She became cold and I even caught her cheating on me. Willing ko naman sanang palampasin 'yon kaso she eventually broke up with me kasabay ng pagsampal niya sa'kin ng katotohanan na hindi naman talaga niya 'ko minahal. Na nakipaglapit lang siya sa 'kin kasi akala niya sigurado na ako na ang tagapagmana, na pera lang naman talaga ang habol niya. Alam mo ba kung gaano niya naapakan ang pagkatao ko dahil do'n, Heleyna?"
Parang may kung ano'ng pumiga sa puso ni Heleyna matapos marinig ang mga sinabi ni Tristan. Hindi siya makapaniwala. Gustuhin man niyang magsalita pero tila may malaking bara na namuo sa lalamunan niya.
"Oo, ampon lang ako. Pagkatapos ng nangyari, nagbago ako. Wala akong ginawa kundi ang magtrabaho at magpasok ng malaking pera sa kompanya taon-taon. And when the old man told me about you I always knew na sisirain mo lang ang mga plano ko and worse, ang mga pinaghirapan ko. Dahil in the first place, hindi mo din naman ako mamahalin kasi napilitan ka lang din namang magpakasal sa akin."
Napalunok siya nang wala sa oras at nag-iwas ng tingin.
"When you found out about me, naisip mo agad na katulad lang din ako ni Sophie, tama ba?"
"Yes."
"Masakit 'yon, Tristan. Hinusgahan mo agad ako dahil lang sa nangyari sa nakaraan mo. Pero alam mo, hindi ako galit sa'yo. Ikaw din naman hinusgahan ko kasi akala ko isa ka din sa mga mayayaman na manggigipit ng mahirap para lang magkapera. Hindi ka naman talaga ganu'n. At sinisigurado ko sa' yo, Mr. De Vera, hindi ako katulad ni Sophie na sasaktan ka. Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang pinakamayamang tao sa mundo, ang gusto ko lang mabalik na 'yong nawalang tiwala mo hindi lang sa mga babae kundi sa kahit na sino. Hindi naman por que may isang taong nagtraidor sa iyo ay tatraidurin ka na din ng mundo. Maraming nagmamahal sa'yo, Tristan, hindi mo ba alam 'yon?"
"You told me na baka walang magmahal sa 'kin," anito sa amused na tono bilang tugon sa huling sinabi niya.
"Hindi naman ako seryoso nang sabihin ko 'yon, eh. Nasabi ko lang 'yon dala ng emosyon ko. At Tristan, hindi naman mahalaga kung hindi dugo ng De Vera ang nananalaytay diyan sa ugat mo dahil walang nagtrato sa'yong iba ka. Totoong De Vera ka."
Sa unang pagkakataon ay nakita niyang may sumilay na ngiti sa mga labi ni Tristan. Pakiramdam niya parang may humaplos sa puso niya. And she realized, she wanted to see him smile all the time.
"That was exactly what I wanted to hear from Sophie."
"Willing ka na bang pagkatiwalaan ako?"
Tiningnan siya nito sa mga mata.
"Yes, Heleyna, I want to give it a try," sabi nito sa magaang tono na tila ba may nabawas sa bigat na dinadala nito.
"Ayos," aniyang napangiti na rin.
"Please tell me what to do."
"Ito ang mga kondisyon ko. Una, if you still can't forgive Sophie then learn it in your heart to. Everyone deserves second chances o higit pa, Tristan. Five years is five years and it's all in the past. Pangalawa, huminga ka naman sa trabaho mo kahit minsan lang. Daig mo pa 'ko magalit kapag may regla ako. Kawawa tuloy mga empleyado mo. Pangatlo, 'wag mo naman masyadong i-pressure sarili mo, nakakapangit kasi 'yon, eh. At tsaka wala ka namang dapat patunayan sa kahit na sino. Pang-apat, ngumiti ka naman nang gumaan ang mundo para sa'yo. Tristan, twenty-seven ka pa lang tandaan mo 'yan. Hindi naman lahat ng bagay nadadaan sa init ng ulo."
"Ang dami naman nu'n," nakakunot-noong reklamo nito.
"At panglima, iwasan mo 'yang pagkunot ng noo mo. Mahal daw magpabanat ngayon."
He sighed in surrender.
"Sige na nga. Lahat ng sinabi mo gagawin ko para maging karapat-dapat akong fiancé mo."
"Ganyan. Madali ka naman palang kausap, Mr. De Vera, eh."
"Nilalamig ka ba?" tanong pa nito.
"Medyo."
"Gusto mo yakapin kita?"
Manghang napatitig siya dito.
"Yayakapin kita kung okay lang sa'yo."
Nag-init na naman ang pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin.
"O-okay lang naman."
Umusog siya palapit dito. Agad naman siya nitong ikinulong sa mga bisig nito at inihilig sa dibdib nito. Pakiramdam niya, walang sino man ang makakapanakit sa kanya habang nakakulong siya sa mga bisig nito. Hindi lang iyon, gusto rin niya ang amoy nito.
Sana 'wag nang tumila ang ulan...
"KAMUSTA, Mare? Buti hindi ka nagkasakit, 'no?" tanong ni Corrine habang papunta na sila sa play ground para sa flag ceremony.
"Malakas yata ang resistensiya ko, Mare," sabi naman niya.
"Hinatid ka ni Tristan hanggang sa bahay niyo, 'no?"
"Oo."
"Kayo na ba nu'n? Aminin..."
"Nandito na pala si Miss Jacinto, Engineer."
Napahinto sila nang makita nila si Mrs. Apolinario na kausap ang isang lalaking nakita na ni Heleyna na kasama ni Tristan noon.
"Good morning po, Ma'am," bati nilang dalawa ni Corrine dito.
"Miss Heleyna, natatandaan niyo pa po ba 'ko? Ako po si Engineer Diego Rosales," sabi ng lalaki.
"Siyempre po natatandaan ko kayo. Bakit nga pala kayo napasyal sa eskwelahan namin?"
"Ipinadala ako ni Sir Tristan, Ma'am."
"Can you believe it, Miss Jacinto? Nagsponsor ang company ni Mr. De Vera para patayuan ng covered court ang playground para daw kahit umuulan eh hindi maabala ang mga school activities natin," masayang sabi ng prinsipal.
Hindi makapaniwalang nagkatinginan sina Heleyna at Corrine.
"Ayaw daw ho kasi ni Sir Tristan na nababasa kayo ng ulan, Ma'am, eh," sabi pa ni Diego.
Hindi naman alam ni Heleyna ang sasabihin. Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Tristan ang ganu'n.
"W-wow," aniya."Maraming estudyante ang makikinabang nito panigurado."
"Miss Jacinto, pwede mo bang ipaabot ang pasasalamat namin kay Mr. De Vera para sa kabaitan niyang ito?" si Mrs. Apolinario.
"W-wala pong problema, Ma'am."
"Mamayang hapon daw po sisimulan na namin ang construction."
Naramdaman niya ang marahang pagsiko ni Corrine sa kanya.
"Tatawagan ko po si Tristan mamaya," napangiting sabi niya.
Talagang tatawagan niya ito dahil kailangan nitong magpaliwanag.
HININTAY na muna niyang maglunch break kung saan tinantiya niyang hindi na busy si Tristan at tinawagan na ito. Nasa harap siya ng classroom ni Corrine habang hinihintay niyang matapos ang kaibigan.
"Hi, Tristan, busy ka ba?"
"Nasa kalagitnaan ako ng meeting, bakit?"
Napasinghap siya.
"Naku, sorry, sorry! Sige tatawag na lang ako mamaya--"
Narinig niya itong nagsalita malayo sa telepono.
"Wait lang, gentlemen, na-miss ako ng fiancée ko."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Hindi, Heleyna. Ano ba'ng gusto mong sabihin?"
"Mamaya na lang ako tatawag kapag wala ka nang meeting."
"Sige na, makakapaghintay naman sila, eh."
"Ahm, k-kasi nagulat ako na nandito si Diego kaninang umaga. Patatayuan mo daw ng covered court ang eskwelahan?"
"Yup. Para wala nang may isa diyan na matigas ang ulo na susulong sa ulan."
She blushed.
"Gusto ko lang sabihin na napakalaking bagay nito, Tristan. Maraming estudyante ang makikinabang dito. Maraming-maraming salamat talaga!"
Ang totoo, she was so touched that she almost wanted to cry pero pinigilan lang niya ang sarili niya.
"Anything that could please my fiancée."
Nahimigan niyang nakangiti ito.
"Thanks, fiancé," sabi naman niyang kinikilig."Bye."
"Bye."
"Si Tristan ang kausap mo, 'no? Aminin..." tukso ni Corrine na nasa tabi na pala niya.
"N-nagpasalamat lang ako sa kanya," sabi naman niya.
Narinig kaya nito ang pagtawag niya kay Tristan ng 'fiancé'?
"Ang haba ng hair ng isa dito! Tara lunch na tayo!"
"HELEYNA."
Nakatayo si Heleyna sa labas ng gate ng eskwelahan Biyernes ng hapon nang lapitan siya ni Philip. Mag-isa lang siyang aabang ng masasakyan dahil maagang umuwi si Corrine dahil may emergency sa bahay nito.
"Philip."
"Buti naabutan kita. I want to propose something."
"Tungkol saan naman?"
"Nasabi sa akin ni Corrine na every Saturday daw nagtuturo ka sa mga batang hindi nakakapag-aral doon sa inyo?"
"Ah, oo! Bukas nga may lecture na naman ako."
Saktong may humintong pamilyar na kotse sa tapat nila.
"I decided na tulungan ka. How about pumunta ako sa inyo bukas and then sabay tayong magturo sa mga bata?"
"Talaga?" hindi makapaniwalang anas ni Heleyna."Sige, sige! Punta ka bukas ng eight. Tiyak na matutuwa ang mga estudyante ko. Alam mo nakakabilib 'yong mga 'yon."
"Yeah, I think so," nakangiting sang-ayon naman ni Philip.
"Ngayon pa lang nagpapasalamat na 'ko sa'yo."
"Heleyna."
Pareho silang napatingin kay Tristan na nasa tabi na pala ng dalaga at madilim ang anyo nito.
"Tristan!" ani Heleyna at ipinakilala pa ang mga ito sa isa't-isa.
"Tara, sumabay ka na," sabi ni Tristan pagkuwan.
"Sige. Pa'no, Philip, una na kami, ha?"
"See you tomorrow," tugon naman ng isa.
"AYOS ka lang ba?" tanong ni Heleyna nang nasa biyahe na sila.
Para kasing hindi maipinta ang mukha ni Tristan at hindi man lang siya kinikibo nito.
"Oo naman," sagot nitong hindi man lang siya sinulyapan.
"Nagsisinungaling ka, eh. 'Yong usapan natin, Tristan."
"Nililigawan ka ba ng Philip na 'yon?" sa halip ay tanong sa kanya ng binata na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit, mukha ba kaming nagliligawan kanina?"
"Eh bakit magkikita kayo bukas?"
"Nagprisinta kasi siyang tulungan akong magturo sa mga bata bukas. Siyempre, alangan namang tanggihan ko 'yon. May fiancé akong tao tapos magpapaligaw ako? Ano ba 'yon?"
"Sige na nga, hindi na kung hindi," anitong umaliwalas ang gwapong mukha.
"Ano'ng meron bakit mo 'ko sinundo?" tanong pa niya.
"Mag-o-overnight ako sa bahay mo since weekend na rin naman."
Nanlaki ang mga mata niya.
"As in ngayong gabi mismo?"
"Oo, bakit? Wala namang masama do'n sa tingin ko kasi mag-fiancé naman tayo."
Mukhang seryoso nga ito. Tingin niya ay hindi na siya makakatanggi pa dito.
"B-basta ba 'wag mo 'kong aartehan kasi hindi kasing ganda ng mansiyon niyo ang bahay ko."
"Walang problema. 'Yon lang pala, eh."
A JERSEY shirt and walking shorts. Iyon ang unang pagkakataon na makita ni Heleyna si Tristan na hindi naka-coat and tie. Hindi ito mukhang boss, mukha itong bum.
"Naninibago ako sa'yo, Tristan. Hindi ka mukhang intimidating sa ayos mo," manghang sabi ng dalaga.
"Sa'n ako mas gwapo?"
"Nagugutom ka na ba?" sa halip ay tanong niya na dumiretso ng kusina at sumunod naman ang binata.
"Hindi pa naman."
"Eggplant omelet ang ulam natin. Dinalhan kasi ako ng cute kong estudyante ng maraming talong nu'ng Nutrition Day, eh," aniya at kumuha ng dalawang itlog sa maliit niyang ref. Naihanda na niya kanina pa ang talong.
Naupo naman si Tristan sa isang monobloc at napangalumbabang pinagmamasdan ang mga kilos niya.
"Ano'ng paborito mong ulam?" tanong pa niya.
"Eggplant omelet. Depende kung ano'ng niluluto mo 'yon na lang ang favorite ko."
Napa-make face siya.
"Okay ka lang ba diyan?" tanong pa niya.
"Oo naman. Para lang akong nanonood ng live cooking show nito, eh."
"'Andun sa sala, o, may TV. Hindi nga lang cable."
"Mas gusto ko nga ang live," giit naman ni Tristan.
"Sorry naman kung mapilit ako."
"Madalas mo din ba 'kong ipagluluto kapag mag-asawa na tayo?" tanong pa nito.
"Kapag siguro magkakasundo tayo at kapag okay lagi ang mood mo."
"At kung hindi?"
"Gugutumin kita."
Nagpakawala ng tawa si Tristan.
"Kung dadalasan mo ba naman ang pagtawa edi mas maganda," napangiting sabi ni Heleyna.
Lumapit naman siya sa stove at gumawa ng apoy saka ipinatong ang kawali. Sumandal muna siya sa mesa habang hinihintay itong uminit.
Tumayo naman si Tristan at humakbang palapit sa kanya. Napatingala siya dito at agad na bumundol ang kaba sa dibdib niya nang hawiin nito ang buhok niya at inipit sa likuran ng tenga niya.
Hahalikan ba siya nito?
Nang unti-unting bumaba ang mukha nito ay napapikit siya. Hahalikan nga siya nito.
Hayan na, malapit na. . .
Pero biglang may tumunog mula sa bulsa nito.
Narinig niya ang mahinang pagmura nito at gusto niyang matawa.
"Sagutin mo na mukhang importante."
"May utang ka sa 'kin."
"Bilis, labas na."
Naiiling na ipinagpatuloy naman niya ang pagluluto.
"DITO mo 'ko sa sala patutulugin?" reklamo ni Tristan nang maglabas siya ng ilang unan at kumot mula sa kwarto niya at dinala sa sala.
"Pasensiya ka na. Hindi ko pa kasi nalilinis 'yong kwarto dati nina Nanay kaya dito ka na muna. Tsaka hindi ba nangako ka sa 'kin na hindi mo 'ko aartehan? O kung gusto mo naman ako na lang dito tapos ikaw na lang do'n sa kwarto ko."
"I was expecting na magtatabi tayo."
"Tristan!" aniyang pinanlakihan ito ng mata.
"Nagbibiro lang. Okay na 'ko dito. Thank you, fiancée."
"Inaantok ka na ba?"
"Hindi pa. Maaga pa naman, eh. Pagtiya-tiyagaan ko na lang 'tong TV mong walang cable."
Kunwari ay inirapan niya ang binata. Bumalik naman siya sa kwarto niya para kunin ang ilang mga gamit niya sa paggawa ng lesson plan.
Umupo siya sa sahig at ipinatong sa maliit na mesa ang mga gamit at nagsimulang magsulat habang tahimik namang nanonood ng news si Tristan.
Ilang sandali pa ay umalis ito sa kinauupuan nito pero hindi siya nag-abalang pansinin ito at agad din naman itong bumalik.
Tapos may narinig siyang nagclick. Nang tumingin siya kay Tristan ay may nagclick uli. May hawak nang maliit na camera ang binata.
"Ano'ng ginagawa mo?" gulat na tanong niya.
"Say cheese!" at pinindot na naman uli nito ang camera nito.
"Tristan, itigil mo nga 'yan!" aniyang napatakip ng lesson plan sa mukha.
"Alisin mo nga 'yan sa mukha mo," sabi naman nito.
"Huwag mo 'kong kunan naiilang ako."
"Bakit?"
"Basta! Sige ka masisira 'yang camera mo."
"Look, Heleyna, may potential kang maging subject," anitong tinitingnan ang mga kuha nito sa kanya.
"Burahin mo nga 'yan, nakakainis ka," ingos naman ng dalaga.
"No, I'll keep these."
"Tristan, behave."
Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa.
"Pangarap mo ba talagang maging teacher?" tanong pa nito.
Napahinto siya at tumingin dito.
"Oo naman. Bata pa lang ako gusto ko nang magsuot ng uniform ng mga teacher at magturo sa mga bata. Naniniwala kasi ako na kapag may sapat na kaalaman ang isang tao, walang rason para lamangan siya ng kapwa niya. Kaya nga naaawa ako sa mga anak ng iba kong kabarangay dito. Sa sobrang hirap ng buhay maraming bata ang hindi nakakapag-aral. Oo may public school nga, problema pa rin 'yong uniporme at pambaon sa araw-araw. So ang ginagawa ko, nagtuturo ako sa kanila isang araw sa isang linggo. Alam mo, minsan, iniisip ko na sana mayaman na lang ako para masolusyunan ko ang mga problema nila."
"Wow," amused namang komento ng binata.
"Ikaw, pangarap mo ba talagang maging CEO at magtayo ng mga ka-ek-ek-an?"
"No. Ito talaga ang pangarap kong gawin," tukoy nito sa hawak na camera."Yes, photography. Mahilig kasi akong kumuha ng mga interesting na nakikita ko."
"Eh bakit ka naging CEO?"
"Inampon ako ng mga magulang namin ni Travis kasi akala nila hindi na sila magkakaanak. But after three years, dumating si Travis. Our mom died of giving birth, unfortunately. Tapos twelve years ago naman, namatay ang dad namin sa car accident. Si Lolo na lang ang naiwan sa amin at matanda na siya. Sino pa ba ang aasahan niyang magtake over sa kompanya kung hindi kami ni Travis? Wala akong choice. I have to give up my dream."
Hayun na naman ang pakiramdam na parang may kumurot sa puso ni Heleyna nang marinig ang pagbahagi ni Tristan tungkol sa sarili nito.
"Ang laki pala ng isinakripisyo mo," she sighed.
"Para naman sa pamilya ko 'to kaya wala akong karapatang magreklamo. At isa pa, maraming empleyado ang kailangang masuportahan ang mga pamilya nila."
"Maling-mali nga ako sa pagkakakilala ko sa'yo, Mr. De Vera," amused na sabi niya.
"Isang shot pa nga."
"Tristan!"
WALA si Tristan sa sala nang magising siya kinaumagahan.
"Tristan?" tawag niya dito.
"'Andito ako," sagot nito mula sa labas.
Naroon nga ito sa balkonahe at nakatayo habang nakamasid sa labas.
"Good morning," bati niya.
"Good morning din," tugon nito.
"Kanina ka pa gising?"
"Hindi naman masyado."
"Kamusta nga pala ang tulog mo?"
"Okay naman although medyo sumakit ang likod ko," napangiwing sagot ni Tristan na napahawak sa likod nito."Ang hirap bumaluktot."
Natawang hinampas ito ng dalaga sa braso.
"May kasabihan nga tayo, 'di ba?"
"Hindi naman kumot 'yong maiksi, eh," parang batang reklamo pa nito.
"Magluluto na 'ko ng breakfast tapos ikaw maligo ka na. Yong banyo nandito sasamahan kita."
Sumunod naman ito sa kanya.
"Pagpasensiyahan mo na din 'tong banyo kasi balde at tabo lang, ha?" sabi ni Heleyna nang buksan niya ang maliit niyang banyo.
"Walang heater?"
"Wala."
"Malamig 'yong tubig kung ganu'n."
"Magpapakulo ako ng tubig, gusto mo?"
"Hindi na, maabala ka pa," ani Tristan pero nakakunot naman ang noo.
Pinigilan ni Heleyna ang matawa.
"Sige na, bilisan mo na. Ang boss hindi dapat nali-late."
AGAD na dinampot ni Heleyna ang cellphone na nasa maliit na mesa ng sala nang magring iyon.
"Yes, Philip?" bungad niya.
"Malapit na 'ko diyan, Heleyna," sabi naman ng co-teacher niya.
"Sige, sige, hihintayin kita. Actually, naghahanda na rin ako. Hihintayin na lang kita dito sa bahay ko. Bye, Philip."
"Sige, see you!"
"Sino'ng kausap mo?" tanong ni Tristan pagkababa niya ng cellphone. Galing ito sa kwarto niya at inaayos nito ang neck tie nito.
"Si Philip. Papunta na daw siya dito. Ito na nga palang coat mo, o."
Kinuha niya ang coat na nakahanger sa dingding at tinulungan itong magsuot. Naplantsa na niya iyon habang nagbibihis ito kanina.
"Thank you," sabi naman ni Tristan.
"Ayan, bagay sa'yo," ani Heleyna at inayos-ayos ang coat nito na tila ba sanay na siyang gawin iyon."Ngiti ka naman para maganda ang simula ng araw mo."
Tristan let out a shy smile that warmed Heleyna's heart.
"Ayan, ganyan. Nakakaalis ng bad vibes 'yan. Ingat ka, Tristan."
"Ikaw din. I'll go ahead."
Hinatid niya ito hanggang sa labas.
"Bye," sabi niya.
"I think may nakalimutan ako," sabi naman ng binata.
"Ha? Ano 'yon at babalika--"
Hindi niya natuloy ang sasabihin nang dumapo sa pisngi niya ang mga labi nito.
"Bye, fiancée," paalam pa ni Tristan na nakangisi at mabilis siyang tinalikuran.
Saka lang siya natauhan at wala sa loob na napahawak sa pisnging hinalikan nito.
"Bakit sa cheeks lang?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top