Chapter Seven

CHAPTER SEVEN

ISINAMA ni Heleyna si Philip sa bakanteng lote kung saan naghihintay na sa kanila ang mga batang excited sa bago nilang leksiyon sa linggong iyon.

"Good morning, Ate Heleyna," bati agad ng mga ito.

"Good morning din, mga bata! Ito nga pala si Kuya Philip niyo. Nagprisinta siya na tulungan akong turuan kayo para marami pa tayong matutunan. I-welcome natin siya."

"Welcome po, Kuya Philip!" bati naman ng mga ito.

"Thank you, kids. Masaya akong makasama kayo," sabi naman ni Philip."So pa'no, start na tayo!"

Nauna na si Heleyna sa discussion. Nagdikit siya ng tigdadalawang pictures ng mga magkakatulad na bagay pero magkakaiba ng bilang. Nang magsimula na siyang magturo ay napansin niyang parang naku-conscious ang mga ito sa hindi niya malamang dahilan.

"Kids, kapag mas malaki ang bilang sa kaliwa, ano nga 'yong symbol? Hindi ba madali lang 'yon? Bakit ayaw niyong sumagot?"

"Eh kasi, Ate, may nanonood sa 'min, eh," sagot ni Binsoy.

"Ha? Sino?"

"Siya po," turo naman ng mga bata sa bandang likuran niya.

Napalingon naman siya para lang magulat. Nakatayo si Tristan ilang metro mula sa kanya na nakapamulsa pa.

"Tristan?"

Iniwan niya ang mga bata at naka-krus ang mga brasong nilapitan ang binata.

"Ang akala ko kanina ka pa nakaalis?" nakataas pa ang kilay na tanong niya dito.

"Bigla akong tinamad pumasok, eh. Tsaka naaaliw akong panoorin ka," he answered sheepishly.

"Mr. De Vera, paano naman 'yong isang libong empleyado mo na kailangang suportahan ang pamilya nila?"

"Miss Jacinto, paano naman 'yong sinabi mo na 'wag kong masyadong i-pressure ang sarili ko? Tsaka minsan lang naman ako magpa-late, eh. Hayaan mo na 'kong panoorin ka, please?"

"Tristan," aniya at bumuntong-hininga.

"Yes?"

"Behave."

"I promise," maluwang ang ngiting tugon naman ng binata.

Magkahawak-kamay silang bumalik sa mga bata.

"Kids, meet your new classmate, si Kuya Tristan. Be nice to him, ha?"

"TRISTAN, ayon bookstore. Tara daan tayo," bulalas ni Heleyna at hinila si Tristan.

Kakatapos lang nilang magsimba at naisipan nilang dumaan ng mall.

Saktong tumunog ang cellphone ng binata.

"Mauna ka na sa loob, sasagutin ko lang 'to," anito.

"Sige."

"Yes, hello," ani Tristan sa coordinator ng pinapa-organize niyang ground breaking.

"I just want you to know, Sir, na all-set na po ang venue ng party pati na rin ang finishing touches. Itatanong ko lang po sana just in case may gusto po kayong ipadagdag?"

"Ah, wala na, Betty. Just make sure na makakarating lahat ng guests. Thank you."

Ibinaba na niya ang phone at lumabas naman si Heleyna sa bookstore.

"Tara na."

"Wala kang gustong bilhin?"

"Tumingin lang ako ng mga activity at story books. Kapag yumaman na 'ko bibilhin ko lahat ng 'yon at tiyak na matutuwa ang mga estudyante ko sa barangay namin. At kapag mas yumaman pa 'ko, bibigyan ko silang lahat ng scholarship hanggang college! Pero malayo pa 'yon. Halika na."

"HELEYNA, daan tayo dito," yaya naman ng binata nang mapadaan sila sa isang sikat na jewelry shop.

"Ano naman ang gagawin natin diyan?"

"Welcome, Ma'am, Sir," bati sa kanila ng babaeng nagbabantay.

"You want a ring, Heleyna?"

"Ha?" gulat na anas niya."Malayo pa naman ang engagement natin, ah? Tsaka tingnan mo nga, o. Ang mamahal ng mga nandito."

"Nakalimutan mo yatang mayaman ang husband-to-be mo," sa halip ay nakangiting sabi ni Tristan.

"Gusto niyo pong isukat ang mga singsing namin, Ma'am?" tanong pa ng babae.

"N-naku, niloloko lang ako nito, Miss. Ewan ko nga ba kung bakit dinala-dala pa niya 'ko dito, eh."

"Eh mukha naman pong handang bilhin ng boyfriend niyo ang buong shop para lang sa inyo, eh," may bahid ng panunuksong wika pa nito.

Alanganin siyang ngumiti.

"Kwintas na lang ang bibilhin ko para sa kanya kung ganu'n," sabi naman ni Tristan.

"Tristan, 'wag na!" kontra agad niya.

"Right away, Sir."

Naglabas ng iba't-ibang klase ng kwintas ang babae na pawang may makikinang na bato.

"I'll take this one," turo ni Tristan sa isang silver necklace na may butterfly pendant.

"Nice choice, Sir! For sure babagay 'yan dito kay Ma'am."

"Isuot natin sa'yo, Heleyna."

Wala nang nagawa ang dalaga. Hinawi niya ang buhok para maisuot sa kanya ni Tristan ang kwintas.

"Wow, Ma'am, bagay po sa inyo!"

Binigyan siya nito ng salamin para mismong makita niya ang sarili niya at mismong siya ay namangha.

"Beautiful," manghang sabi ni Tristan."Like it?"

"Yes, Tristan, pero--"

"Miss, I'll take it."

HANGGANG sa makalabas na sila ng jewelry shop ay hindi pa rin maalis ni Heleyna ang pagkakahawak sa pendant sa leeg niya.

"May problema ba, Heleyna?" tanong sa kanya ni Tristan nang sakay na sila ng escalator pababa.

"K-kasi Tristan, naa-appreciate ko talaga na binili mo pa 'tong kwintas kahit napakamahal at sobra akong nagpapasalamat para dito. Kaya lang kasi marami nang school supplies at pagkain ang pwedeng mabili sa halaga nito, eh, 'di ba?"

"Heleyna, you deserved that."

"I just think it's too much."

"Because you are more than enough. Please, Heleyna, hindi mo kailangang ma-bother. At isa pa gusto kong suotin mo 'yan bukas ng gabi para sa after party ng ground breaking."

"Party, Tristan? Hindi ako dumadalo sa mga ganyan," nag-aalangang sabi ng dalaga.

"I just want you to be there. And besides, Lolo is expecting us. Kung wala ka pang damit, ibibili din kita ngayon mismo."

"Hindi, Tristan," tutol pa niya."Sasama ako sa'yo pero ako ang magpu-provide ng damit ko. Tama nang binili mo sa 'kin ang kwintas na 'to."

"Ikaw ang bahala kung ganu'n," ani Tristan sabay pisil sa palad niya."Thank you, Heleyna."

"HELEYNA?"

Kasalukuyan siyang nakaharap sa salamin ng kwarto niya nang marinig ang boses ni Tristan kasabay ang pagkatok nito sa labas.

"Sandali na lang 'to, Tristan," pagbibigay-alam niya.

Pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon. She is wearing an above the knee white dress. Hindi niya binili ang damit dahil tinahi lang ito ng Mama niya na sinuot niya noong graduation ball niya. Bumagay naman dito ang kwintas na binili ni Tristan para sa kanya.

Mabilis siyang lumabas ng kwarto at pinagbuksan ang binata.

"Hi, ready na 'ko."

"You look great," sa halip ay manghang sabi ni Tristan who simply looked gorgeous in white shirt and black suit.

"Ikaw din naman, eh," napangiting sabi niya."Isasara ko lang 'tong bahay para makaalis na tayo."

HABANG nasa biyahe ay ipinaliwanag sa kanya ni Tristan kung para saan ang party na iyon. Pasisimulan na raw kasi ang planong project ng mga ito sa pagtatayuang lupa na nakuha ng mga ito imbes na sa Barangay Paru-paro.

Kakaupo pa lang nila pagdating nila sa venue pero marami na agad ang nagsilapitan sa kanila para batiin ang binata sa kahanga-hangang nagawa nito.

"You're such an excellent young man, Tristan. You always have a brilliant idea in mind," sabi ng nagpakilalang Mr. Alejar.

"No, Sir. I think it's having a hardworking team-" at tumingin si Tristan sa kanya."-and a beautiful fiancée that makes me excellent."

Hindi napigilang mamula ni Heleyna at marahan pang kinurot sa braso ang binata.

"Siya na ba 'yan?" nakangiting tanong naman ng mga kasama ni Mr. Alejar.

"Ah, no wonder, kailangang mag-pause sa kalagitnaan ng meeting ni Tristan.

Pakiramdam ni Heleyna ay liliyab na ang pisngi niya anytime.

"I'd like you to meet Heleyna Jacinto, gentlemen."

Nang kamayan at batiin siya ng mga katrabaho ni Tristan ay sobra siyang na-overwhelm sa mga ito. Sa katunayan ay hindi na niya marehistro sa utak ang mga pangalan ng mga ito. Ang nagmarka talaga sa kanya ay kung paano daw niya napaamo ang dati'y masungit na CEO.

NANG iwan na sila ng ibang mga guest ay saka lumapit sa kanila si Don Genaro at agad na nagmano si Heleyna dito.

"Kamusta po? Bakit ngayon lang po uli kayo nagpakita?"

"Nalibang kasi ako sa pakikipaglalaro ng golf sa mga kaibigan ko, hija. Ang totoo kagagaling ko lang sa Baguio kaninang umaga," nakangiting sagot naman ng Don.

"Bumata yata kayo, ah?"

"Hindi naman. You look lovely tonight and you two really look good together, by the way."

"Thank you po."

"I supposed you're having a great time then. Nakita niyo ba si Travis?"

"Kilala mo naman si Travis, Lo. Hindi nakakasurvive 'yon dito," sagot ni Tristan.

"Kung ganu'n maiwan ko na muna kayo. Simula nang dumating kayo eh hindi na kayo nakapagsolo," at tumayo na ito."Tristan, gusto ko ang nakikita kong pagbabago sa'yo."

"Nakita mo 'yon?" manghang sabi ni Heleyna.

"Let's get out of here," sabi naman ni Tristan.

"Bakit?"

"Mag-uusap lang tayo. Tara."

Napunta sila sa malawak na garden ng venue. Hindi katulad ng nasa loob, tahimik doon.

"Ano 'yong pag-uusapan natin?" tanong niya.

"Wala. Gusto lang talaga kitang masolo," sabi naman nito at ikinulong siya sa mga bisig nito.

"Ikaw talaga," napangiting sabi niya.

Tristan planted a soft kiss on her crown. She smelled of apricot and sunflower. Just the sight of Heleyna, gumagaan na ang pakiramdam niya and having her in his arms ay sapat na para humiling pa siya ng kung ano pa man.

"Do you want me to sing for you, Heleyna?"

"Yes, Tristan. Gusto kitang marinig kumanta."

Ikinawit niya sa leeg ang mga kamay ng dalaga at nasa beywang naman nito ang mga kamay niya na tila magsasayaw sila.

They started swaying slowly.

"And every little piece of her is right. Just thinking about her takes me through the night..."

Naaaliw na pinagmasdan ni Heleyna ang mukha ni Tristan.

"Everytime we meet, the picture is complete. Everytime we touch, the feeling is too much. . ."

At ang ganda ng boses nito. If he didn't become a CEO, he would probably be a boyband member.

"She's all I ever need to fall in love again. I knew it from the very start. She's the puzzle of my heart."

"Nice one, Mr. De Vera. Hindi ko akalain na ang masungit na boss na gusto kaming paalisin sa tirahan namin dati ay magaling palang kumanta," maluwang ang ngiting sabi niya.

"Did you like it?"

"Yes but I would want you to sing for me more often kapag ikinasal na tayo."

"Yon lang pala, eh. Gusto mo ubusin ko pa 'yong album ng Westlife."

Nagkatawanan pa silang dalawa.

"Heleyna," pagkuwa'y sumeryoso si Tristan.

"Yes?"

"We both know na napaka-weird ng dahilan kung paano tayo napunta sa sitwasyong ganito. We used to be total strangers nang sabihin ni Lolo na magpapakasal tayo. I know this would be weird of me, too, but...will you be my girlfriend?"

Hindi makapaniwalang napatitig si Heleyna dito. In an instant, she was speechless. Then suddenly, it seemed like her heart was on her throat.

Napalunok siya nang wala sa oras.

"Y-yes, I think that's weird of you, Tristan and yes, I want to be your girlfriend!"

"Whew!"

Halos mapisa naman yata siya nang yakapin siya nang mahigpit ni Tristan. Pero wala siyang pakialam, ang alam lang niya, pareho silang masaya nang mga sandaling iyon.

"AKALA ko ba magsisimba tayo?" takang tanong ni Heleyna nang hindi naman papuntang simbahan ang daang tinatahak ng kotse ni Tristan.

"Magsisimba tayo, relax. May gusto lang akong ipakita sa'yo kaya magtiwala ka lang sa 'kin, okay?" sa halip ay nakangiting sagot ni Tristan.

Ngumiti na lang din si Heleyna.

"So, mahilig din palang mang-surprise ang boyfriend ko, ha."

Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay huminto sila sa tapat ng isang building na may pangalang Little Angels Orphanage.

"Bakit tayo nandito?" naiintrigang tanong niya.

"Ikukwento ko sa'yo sa loob."

Pagkababa ay agad na kinuha ni Tristan ang kamay niya at pumasok sila sa bakuran ng bahay-ampunan.

"Dito sa ampunang ito ako nanggaling," umpisa nito habang papunta sila sa direksiyon ng gilid ng building."Sabi ni Mother nakita daw nila 'ko sa tabi ng basurahan at napakataas daw ng lagnat ko. Nagkataong nandoon din ang mga magulang namin ni Travis kaya pinagamot nila 'ko and eventually inampon."

Mataman namang nakinig si Heleyna dito.

"Kaya nga kapag may pagkakataon ako, dumadalaw ako dito para magdala ng mga donations para sa mga bata. It's my simple way of giving back at proud ako na nanggaling ako dito."

"At proud din ako na hindi ka nakakalimot sa pinanggalingan mo," nakangiting wika ng dalaga."I always knew you have a good heart, Tristan."

"You think so?" bakas ang amusement sa boses nito.

"Oo naman. Naalala mo 'yong dalawang batang kumatok sa kotse mo dati? Hindi mo sila tinaboy at binigyan mo pa sila ng pagkain. At alam mo kung ano ang nasiguro ko? Na lagi kang may dalang pagkain sa kotse mo."

Nagpakawala ng tawa si Tristan.

"You always give me the benefit of the doubt, don't you?"

Tumuloy sila sa parang chapel kung saan maraming mga bata ang nakaupo at nakasuot silang lahat ng puti. Nandoon din ang lahat ng mga madre at ang pari ay inaalalayan ng sakristan nito sa pagsisimula ng misa.

"Magandang umaga, Mother Superior," bati ng binata at agad na nagmano sa isang partikular na madre.

"Magandang umaga po," bati naman ni Heleyna at nagmano din dito.

"Magandang umaga din. Kaawaan kayo ng Diyos. Masaya ako at hindi mo na naman kami binigo, Tristan," nakangiting sabi pa ng madre.

Ipinakilala pa ni Tristan si Heleyna dito.

"Magandang bata, hijo. At sa tingin ko ay mabait din," komento pa ni Mother Sarrah.

"She's actually fond of kids, too, Mother. I am sure she'll make a perfect wife and a mother in the future," nakangiti namang sabi ni Tristan at nginitian siya.

"Okay lang, Tristan, hindi mo na kailangang mambola," pakli naman ni Heleyna na nag-init pa ang mga pisngi.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang misa. Magkatabi silang naupo ni Tristan sa unahan habang hindi nito inaalis ang pagkakaakbay sa kanya. The priest happened to have a very good sense of humor kaya naman hindi nila napigilan ang pagtawa habang nagbibigay ito ng sermon.

"Nakakatuwa talaga si Father Ramos," ani Heleyna.

"I was thinking, siya na lang kunin nating pari sa kasal," sabi naman ni Tristan malapit sa tenga niya.

Manghang napatitig siya sa mukha nito.

"Are you serious, Mr. De Vera?" mahina niyang tanong dahil baka maka-distract sila sa misa.

"I'm serious at everything, Heleyna. I'm serious about you, about us and about our future together. In fact I could marry you right here, right now," he said sincerely.

Pakiramdam ni Heleyna ay may humaplos na naman sa puso niya. Hinawakan niya sa pisngi si Tristan at tinitigan ito sa mata.

"Gusto ko ring magpakasal sa'yo, Tristan. Kahit saan at kahit kailan basta 'wag lang ngayon. Hindi prepared ang mga tao dito, ano ka ba?"

Mahina itong tumawa at pagkuwa'y hinalikan siya sa noo.

"You're right."

Pagkatapos ng misa ay nagkaroon ng salo-salo sa chapel na pinagtulungan pang ihanda ng mga madre at ng mga volunteers ng orphanage.

Hindi halos magalaw ni Heleyna ang pagkain niya sa mesa dahil naaaliw siyang pagmasdan ang mga bata na nag-i-enjoy sa pagkain.

"Okay ka lang?" pansin naman ni Tristan sa kanya.

"Nakakatuwa sila, Tristan. Hindi ko naranasan ang maging ampon kaya hindi ko maiwasang magtanong kung ano ba ang maging nasa kalagayan nila pero dahil marami ang nagmamahal sa kanila, sigurado na 'kong hindi sila malungkot."

"Kagaya ko."

Dinampian niya si Tristan nang mabilis na halik sa pisngi.

"Kagaya mo."

"I love you."

Her heart skipped a beat. Iyon ang unang pagkakataon na sinabi ni Tristan sa kanya iyon. Pakiramdam niya ay maiiyak pa yata siya.

"I love you, too, Tristan."

PAGKATAPOS ng masaganang pananghalian ay pinanood naman nila ang mga batang maglaro sa loob. Habang abala si Tristan sa pagkausap kay Mother Sarrah ay naisipan naman ni Heleyna na lapitan ang isang grupo ng mga bata na abala sa mga coloring books at nasa sahig pa ang mga ito.

"Ay, ubos na 'yong green ko," sabi ng isang batang babae na sa tingin niya ay nasa anim o pitong taong gulang lang.

Umupo siya sa sahig sa tabi nito.

"Paghaluin mo na lang at blue at yellow," aniya.

Tiningala siya nito.

"Pwede po ba 'yon?"

"Oo naman. Subukan mo," nakangiti pa niyang sabi.

Pinanood niya ang bata nang paghaluin nito ang dalawang kulay at naging green na rin ang bukid na dinu-drawing nito.

"Ang galing naging green nga!" sabi pa ng bata.

Tiningnan naman ng mga kasama nito ang drawing at maging ang mga ito ay bumilib din.

"Ang galing mo naman, Ate. Teacher ka po ba?" tanong naman ng batang lalaki.

"Oo. Tinuturuan ko ang mga batang cute na cute na katulad niyo."

Tinulungan niya ang mga bata sa drawing ng mga ito at hindi niya naiwasang hilingin na sana ay may mga drawing materials din ang mga bata doon sa barangay nila.

"Heleyna," tawag ni Tristan na umuklo sa tabi niya."I think we need to go now."

"Ngayon na?" aniyang medyo nadismaya.

"Aalis na po kayo ni Kuya Tristan, Ate?" tanong naman ng batang babae na si Sherly.

"Oo, eh," may panghihinayang na sagot ni Heleyna.

"Balik po kayo, ha?" sabi naman ng ibang mga bata.

"Oo naman. Pangako 'yan," at tumingin muli si Heleyna kay Tristan."Babalik tayo, 'di ba?"

"Siyempre naman," nakangiting sagot ng binata.

MAY kakaiba sa mga batang tinuturuan ni Heleyna nang Sabadong iyon.

"Mga bata, sa'n niyo nakuha ang mga activity books na 'yan?" takang tanong niya.

"Ganda 'no, Ate? May nagbigay po sa 'min ng mga 'to," si Binsoy.

Mukhang alam na yata niya kung sino.

Tapos biglang may tumakip sa mga mata niya mula sa likuran.

"Hulaan mo kung sino."

When she recognized Tristan’s voice, bigla na lang bumalong ang mga luha mula sa mga mata ni Heleyna.

"Hey."

Agad na tinanggal ni Tristan ang mga kamay niya at pinaharap ang nobya.

"What's wrong? Why are you crying?" alalang tanong nito.

"Ikaw, Tristan. Pinapaiyak mo 'ko!"

"Bakit? I was just trying to make you happy."

"'Yon na nga, eh. Umiiyak ako kasi ang saya-saya ko! Hindi mo naman kaano-ano ang mga batang 'to pero tinutulungan mo sila. Ayokong isipin mo na nagti-take advantage ako kasi boyfriend kita at mayaman ka pero hindi ko talaga mapigilang matuwa."

"Hay naku, kaya naman pala," ani Tristan at masuyong pinahid ng mga kamay nito ang mga luha niya."Pasensiya ka na kung ganu'n. Oo tama ka, hindi ko nga kaano-ano ang mga batang ito pero mahalaga sila sa'yo kaya mahalaga na rin sila sa'kin. You told me gusto mo silang tulungan kahit sa ganitong paraan lang and here it is."

"Ate Heleyna, sinabi din ni Kuya Tristan na pag-aaralin niya kaming lahat sa susunod na pasukan. Matutupad na din ang pangarap kong maging artista," sabi pa ni Binsoy.

"Ako, Ate, magiging nars ako!" si Luning.

"Binigyan mo din sila ng scholarship?"

"Yes. Hanggang college."

Natutop naman niya ang bibig.

"I love you, Heleyna. Kahit ano gagawin ko para sumaya ka."

Nayakap naman ito bigla ng dalaga.

"I love you, too, Tristan. Thank you for doing this."

"Philip, kaloka ka. Itong scene na lang ang naabutan natin!" nanghihinayang na sabi ni Corrine na kararating lang kasama si Philip.

NANG tuluyang tumahan si Heleyna ay saka pa ni-resume ang lecture at apat silang nagtulungang magturo. Nang humirit ang mga bata ng story telling ay nahati sila sa dalawang grupo. Naturalmente, isang grupo sina Tristan at Heleyna at Beauty and the Beast pa ang request ng mga bata na ikwento nila.

"Si Ate Heleyna bagay na maging Belle," sabi ng isang bata at sumang-ayon naman ang mga kasamahan nito.

"Ako si Beast ganu'n?" sabi naman ni Tristan.

"Opo!"

Gayon na lamang ang pagsalubong ng kilay nito.

"Pangit ako, ganu'n?"

"Hindi naman po sa ganu'n," si Binsoy."Dati kasi para kayong si Beast sa kasungitan pero nang makilala niyo si Ate Heleyna, bigla na lang po kayong bumait at tinulungan niyo pa po kami."

"Aminin mo, tama siya," napangiting siko dito ni Heleyna.

"Kapag lumaki na 'ko liligawan ko si Ate Heleyna."

"Diyan naman ako hindi sang-ayon sa'yo," ani Tristan na sumeryoso."Hindi mo pwedeng ligawan si Heleyna, naiintindihan mo?"

"At bakit hindi pwede?"

"Kasi akin lang siya. Akin lang. Narinig mo 'ko?"

"Hoy, bata lang 'yan, ano ka ba?" siko uli dito ni Heleyna.

"Eh aagawin ka niya sa 'kin, eh."

"Nagiging kamukha mo na naman si Beast, sige ka."

Nagkatawanan pa ang mga bata.

PAGKATAPOS ng halos isang buwan ay natapos na rin ang pinagawang covered court ni Tristan para sa lahat ng mag-aaral ng Juancho Manansala Elementary School. Ang buong teaching staff ay nag-organize ng isang thanksgiving mass at ribbon-cutting at si Tristan bilang panauhing pandangal.

"Salamat at naisingit mo sa schedule mo 'yong ribbon-cutting," wika ni Heleyna habang magkahawak-kamay sila ni Tristan papunta sa covered court.

"Nagsimula na ang training ni Travis sa kompanya kaya panatag ako na maha-handle niya habang wala ako sa opisina. And besides, how can I miss this for my girlfriend?"

"Naku, 'ayan tayo, eh," natawang pakli naman niya.

Dinala nito ang kamay niya sa labi nito.

"I love you, Heleyna."

"I love you, too."

"May thanksgiving mass lang din naman, eh, bakit hindi na lang natin isabay ang kasal niyo?" kunwari ay sita ni Corrine sa kanila.

Nagkatinginang natawa naman ang dalawa.

NAISIPAN ni Heleyna na dumaan sa isang convenience store bago umuwi para bumili ng ilang stocks na kakailanganin niya sa linggong iyon.

Tumitingin-tingin siya sa shelf ng mga canned foods nang may biglang humahangos na bumangga sa kanya.

"Aray," aniyang nasapo ang balikat.

"Miss, sorry," sabi naman ng lalaki.

Pagkatapos ay pareho silang natigilan.

"Travis?" gulat na anas ng dalaga.

"Heleyna."

"Ano'ng nangyari sa'yo?"

Luminga-linga ito sa paligid.

"Heleyna, napa-trouble ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top