Chapter One
CHAPTER ONE
NAPAKUNOT-NOO si Heleyna habang papunta na siya sa classroom niya nang umagang iyon. May nadaanan siyang batang lalaki na mag-isang nakaupo sa bench at nanghahaba ang nguso. It was the first day of school and her first day of being an elementary teacher.
"Hi," bati niya nang lapitan ito.
"Hello po," bati din nito nang mag-angat ito ng tingin.
"Ako si Heleyna. Ano'ng pangalan mo?"
"Johnrey po,"
"Ano'ng grade mo?" tanong niya.
"Grade one po."
"O, eh bakit hindi ka na pumasok sa classroom mo? Hindi ka dapat nandito. Malamang na nagsisimula na ang klase mo."
"Ayoko po, Miss," sagot ni Johnrey."Nahihiya po ako tsaka mas gusto kong maglaro na lang dun sa 'min. Nakakatamad po kasing mag-aral,eh,"
"Hindi totoo 'yon,ah," anang dalaga."Masaya kung papasok ka. Makakakilala ka ng maraming kaibigan at matututo ka pa. Ano ba ang gusto mo maging paglaki mo, ha?"
"Maging pulis po,"
"O, 'yun naman pala,eh. Kung hindi ka mag-aaral, pa'no ka pa magiging pulis?"
Napaisip naman ang bata.
"Kaya halika na," ani Heleyna at hinawakan ito sa kamay."Sasamahan na kita sa classroom mo. Grade one ka 'ka mo? Pwes ako pala ang magiging teacher mo."
"Talaga po?" ani Johnrey.
"Oo kaya tara na, okay?"
"Sige po!"
"ANO ba namang klaseng report 'to?" mataas ang boses na sabi ni Tristan at ibinagsak ang folder sa mesa niya.
Maaga pa pero mainit na agad ang ulo niya.
"Ulitin niyo 'yan ngayon din! Sabihin mo sa kanila kung ayaw nilang masisante ayusin nila ang trabaho nila!"
"Ay, o-opo, Sir!"
Tarantang kinuha ni Yvonne ang folder at dali-daling lumabas ng opisina niya.
Marahas na napabuntong-hiningang naupo siya sa swivel chair. Simula nang i-take over niya ang kompanya, sunod-sunod na problema na ang dumating sa kanya. Sa sobrang pressure, hindi na niya alam kung paano gagawing madali lang ang lahat. Ang hindi niya alam, kapag nagagalit siya ay pinag-uusapan siya ng mga empleyado niya sa labas.
"Nagalit na naman ang dragon?" tanong ni Lino kay Yvonne.
"Oo. Bumuga na naman ng apoy. Hay, tingin ko talaga hindi na 'ko makakatagal dito. O, sige, ipapaulit ko pa 'to."
Nasa ganoong pag-iisip si Tristan nang magring ang cellphone niya.
"What?" paangil na bungad niya.
"Hey, is that how you greet your brother? Kakarating ko lang, eh," ani Travis.
So he’s back from white water-rafting trip. Nakakabata niya itong kapatid. Mas bata ito sa kanya ng tatlong taon. Kapatid. Iyon nga ang tingin nila sa isa't-isa kahit ang totoo ay hindi naman sila tunay na magkadugo.
Ang katotohanang iyon ay tanging sila lamang ang nakakaalam at kahit na malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya ay walang kaide-ideya.
"Lucky you," ani Tristan.
"Hulaan ko, nakatikim na naman ng pagka-terror mo 'yong mga empleyado mo, 'no?"
"Kung inaayos ba naman nila ang trabaho nila edi wala sanang problema,"
"'Ayan ka na naman, Kuya. Di bale, dadaanan kita mamaya. Gimik tayo."
"Ano 'ka mo?"
"MUKHANG nag-enjoy ka sa first day mo, ah?" pansin ni Corrine nang mag-uwian na sila.
"Naku, sinabi mo pa! Ang babait naman kasi ng mga estudyante ko, 'no," ani Heleyna.
"Alam mo, for sure masaya na ang Lolo mo kung nasa'n man siya ngayon. Teacher ka na,eh."
"Oo nga,eh. Sayang nga lang at hindi man lang niya 'kong nakitang g-um-raduate noon."
"Siguro ang wish na lang nu'n para sa'yo eh 'yong magkaroon ka na din ng boyfriend."
"Hindi rin," pakli ni Heleyna.
"Aba'y bakit?"
"May isa pa kasi akong ipinangako kay Lolo noon."
"Na magiging old maid ka ganun?"
"Hindi naman sa ganun. Sayang naman 'tong ganda ko kung tatandang dalaga na lang ako. Tsaka hindi 'yon gugustuhin ni Lolo. Umuwi na nga lang tayo."
"HOY, ano ka ba naman?" pansin ni Travis sa kanya. Maingay sa bar nang gabing iyon pero hindi man lang kakitaan si Tristan ng kahit na ano'ng enjoyment.
"Sana kasi hindi na lang ako sumama sa'yo,eh," aniya.
"Ang KJ mo talaga kahit kailan. Kaya hindi ka nagkakagirlfriend,eh. Wala kang social life tapos puro na lang opisina ang inaatupag mo. Sa totoo lang hindi mo naman kailangang magpakahirap sa ganyan. Dapat easy ka lang."
"'Wag mo nga 'kong igaya sa'yo."
Tumawa si Travis.
"Eh talaga namang masarap ang feeling kapag nagagawa mo ang gusto mo. Subukan mo namang mag-enjoy kahit minsan lang. Para naman malaman mo kung gaano kasarap ang buhay."
"Marami akong responsibilidad, Travis, kaya malabong gawin ko ang sinasabi mo."
"Ewan ko sa'yo."
“Hi, hottie! Care to dance with me?” tanong ng isang socialite na lumapit sa tabi ni Tristan habang may hawak itong inumin. Matamis ang ngiti nito na tila nang-aakit pero hindi man lang nagbago ang mood ni ng binata.
“Why don’t you just get lost?” angil pa niya.
“Sungit,” napaismid naming sabi ng babae at agad na tumalikod.
NAGLULUTO si Heleyna ng hapunan niya nang tumawag ang Mama niya.
"Hello, Ma," bungad niya.
"Heleyna, anak, kamusta? Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Naghahanda pa lang po. Kayo?" inipit niya ang ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat niya nang hanguin ang ulam sa kawali.
"Katatapos lang naming kumain. Unang araw mo kanina, kamusta naman?"
"Awa ng Diyos ho, Ma, naging maayos naman," dinala na niya ang bowl sa mesa."Ang saya nga ho,eh. Ang ko-cute ng mga estudyante ko."
"Masaya akong malaman, hija. Hindi ka ba natatakot na mag-isa ka na lang diyan ngayon?"
Kasama niya dati ang ina at nag-iisang kapatid sa inuupahang maliit na bahay na iyon pero nang mamatay ang Lolo niya na isang retiradong heneral, umuwi ang mga ito para pangalagaan ang mga naiwan nitong ari-arian sa probinsiya bilang mga natitirang kamag-anak.
"Hindi na ho, Ma," at naupo na siya sa mesa."Kilala ko na naman po ang mga tao dito kaya 'wag na ho kayong mag-alala."
"Siguro naman natatandaan mo pa si Don Genaro De Vera?" pag-iiba ni Helen.
"Opo naman."
Kaibigan ito ng Lolo Hilarion niya. Martial Law pa lang ay matalik nang magkaibigan ang mga ito. Maraming kwento ang lolo niya tungkol sa Don at nang mamatay ito'y isa ang matandang De Vera sa mga nalungkot at nakiramay.
Nagsimula raw ang pagkakaibigan ng mga ito nang mailigtas ng Lolo ni Heleyna ang buhay ni Don Genaro mula sa pananambang kung saan nagkaroon ito ng utang na loob sa Lolo niya.
"Itinanong ka niya sa akin noon pa. Hindi ko lang agad nabanggit sa'yo dahil mabigat pa ang loob mo dahil sa pagkawala ng Lolo mo."
"T-tungkol po ba 'to sa pakiusap sa 'kin ni Lolo bago siya namatay?"
"Oo, anak. Gusto ko lang sabihin sa'yo na kung ako lang ang masusunod ay 'wag ka na lang tumupad."
Wala sa loob na napabuntong-hiniga siya.
"Ma, pwede po bang 'wag na lang nating isipin 'yan sa ngayon? Hindi ko po personal na kilala si Don Genaro kaya mangyari na lang sana ang dapat mangyari."
"Kung ganun, ikaw ang masusunod. Tutal naman nasa tamang edad ka na."
Ang pagkakaalam ni Heleyna isa ang De Vera Builders sa mga pinakakilalang developers sa bansa na pagmamay-ari ng Don. Sila rin ang nasa likod ng ilang sikat na housing projects, subdivisions, malls, hotels and resorts at marami pang iba.
"TRISTAN!" bungad nang magandang si Abbigaile sa opisina ng binata. Kasunod nito ang nag-aalangang si Yvonne.
"Sir, sorry po. Nagpumilit ho si Miss Abbigaile,eh," anito.
"It's okay, Yvonne. You can leave us," kaswal na sagot ni Tristan.
"Sige po," at lumabas na ito.
"I missed you!" anang dalaga at sinugod siya ng yakap.
"So you're back from Paris."
Abbigaile is an international model. Nakilala ito ni Tristan nang pakiusapan siya noon ng dating kaklase niya na maging photographer ng mga modelong ipi-feature nito sa isang fashion magazine. Nagsisimula pa lang siya noon sa kompanya nila at kakahiwalay lang nila noon ng first girlfriend niya.
Lantaran ang pagkagusto sa kanya ng dalaga at ito lamang ang nakakatagal sa kasungitan niya. Hindi rin yata nito alam ang salitang pagsuko kahit ilang beses na niya itong sinabihan na wala itong aasahan sa kanya.
"Yeah, last night lang. Hey, aren't you happy to see me?"
"Happy, of course."
"Siguro nagpapakalunod ka na naman sa work mo, 'no? Tara let's have lunch!"
"Sorry, Abby. You see, I'm busy."
"Oh, c'mon, Tristan. 'Wag mo naman akong tanggihan. Parang lunch lang,eh. Please?"
"GOOD morning, Ma'am."
Kahit sinong makasalubong ni Heleyna ay iyon ang bati sa kanya. Palabas na siya ng maliit nilang lugar para mag-abang ng masasakyan papasok sa eskwelahan.
"Ibang-iba ka na ngayon, Heleyna," ani Dondon nang sabayan siya sa paglalakad."Hindi na kita ma-reach."
"Sira. Ano'ng hindi ma-reach? Maging masaya ka na lang para sa'kin kasi tingnan mo naman teacher na rin ako sa wakas."
"Ang sexy mo nga diyan sa uniform mo,eh."
"Tse."
"Siguro may boyfriend ka na, 'no?"
"Nagsisimula pa nga lang ako boyfriend na agad? Hindi ko na muna iniisip 'yang mga ganyan sa ngayon, saka na lang. Sige," aniya nang may humintong traysikel.
"Ingat!"
Nasa tapat na siya ng pedestrian lane at ready nang tumawid nang may makasabay siyang matandang babae na may hawak na baston at bayong. Nag-stop light na kasi at nasa kabilang kalsada lang ang pinapasukan niya. Unahan sa pagtawid ang mga taong nagmamadali pero siya napangiting nilapitan ang lola at hinawakan ito.
"Sabay na ho tayo?"
"Naku salamat, Ineng," napangiting sabi ng matanda.
"Tara na po,"
Napasungaw si Tristan sa bintana ng kotse habang hinihintay niya na mag-go signal. Napasunod ang tingin niya sa isang teacher na nahuli sa pagtawid at may inaalalayang matandang babae.
Ibang klase, saloob niya. May natitira pa palang kagaya niya?
"SIR, good morning po," bati ni Yvonne sa kanya pagdating niya.
"Ano'ng meron?" tanong niya in his signature tone.
"'Yong Lolo niyo po naghihintay na sa office niyo."
"Si Lolo?" takang ulit niya."Ano namang gagawin niya dito?"
Agad siyang dumiretso sa opisina niya.
"Hello, grandson," ani Don Genaro na nakatayo at nakatingala sa isang framed photograph.
Tristan shot it himself. Bago siya naging president and CEO ay isa talaga siyang free lance photographer. Napakalayo ng pinag-aralan niya sa posisyon niya ngayon at kung paano siya napunta sa ganoon ay napakahabang istorya.
"This is a surprise. Bakit kayo napasugod nang ganito kaaga?"
"May mahalaga akong sasabihin sa'yo, Tristan."
"Tungkol saan naman?" tanong niyang naupo sa swivel chair niya.
"Naalala mo pa ba 'yong matalik kong kaibigan na madalas kong ikwento sa'yo?"
"The one who passed away, right?"
"You already know na ilang dekada na rin kaming magkaibigan at nagsimula iyon nang iligtas niya 'ko sa ambush. We made an agreement noon, Tristan, for the sake of our friendship at ngayong wala na siya, balak ko na iyong tuparin."
"I don't get it. Ano naman ang pakialam ko kung may ginawa kayong agreement? Ano naman ang kinalaman ko do'n?"
"Kapag nagkaroon na kami ng mga apo, ipagkakasundo namin sila."
"Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin?"
"You're getting married, Tristan."
"What?!" gulat na bulalas ni Tristan at marahas na napatayo."Are you serious?"
"Hindi kita sasadyain kung magbibiro lang ako sa'yo, Tristan. I'm serious. I want you to marry me Hilarion's grand daughter."
"No way!" mariing kontra niya.
Kung makapagsabi lang ito na pakakasalan niya ang kung sinong apo ng kaibigan ng Lolo niya ay tila sinasabi lang nitong pahiramin muna niya ng damit si Travis dahil nabasa ito ng ulan.
The old man must be out of his mind. Papaano nito nagawang ipagkasundo siya sa kung sino mang babaeng iyon? Bakit siya pa ang kailangang madamay sa kasunduan ng mga ito? Nahihirapan na nga siyang kayanin ang responsibilidad sa kompanya tapos may dadagdag pang isa.
"At bakit hindi?"
"Hindi pa ba sapat na g-in-ive up ko ang bagay na gusto kong gawin dahil mas gusto mong tutukan ko ang negosyo? Ngayon naman ito? How could I marry someone na hindi ko kilala? Bakit ako? Ano ba ang mapapala ko? Now tell me you're not manipulating my life again!"
"Alangan namang si Travis. At isa pa, kayong dalawa lang naman ang apo ko, hindi ba? Kung papayag kang magpakasal sa apo ni Hilarion, bibigyan kita ng chance na ipagpatuloy ang bagay na gustong-gusto mong gawin. I will give you a break."
Napatitig si Tristan sa abuelo. Mukhang seryoso nga ito maging sa bagay na handa nitong ibigay bilang kapalit.
"Pwede ba kaming magpa-anull ng kasal kapag hindi kami nagwork out?"
"I'm afraid not."
"At bakit?"
"Once nagpakasal kayo, you are bound to live forever. Kung maghihiwalay lang din kayo, ano pa ang silbi ng kasunduan namin ng Lolo niya?"
"This is really crazy!" protesta niya at galit na ibinagsak ang kamay niya sa mesa."Sinisigurado ko sa'yo, hindi kami magwu-work out!"
"Wag ka naman sanang magsasalita ng tapos, Tristan. Pag-isipan mo itong mabuti. I'll give you the chance to know her."
"I won't!"
"One of these days makikilala mo na siya," anang Don at tinungo ang pintuan."Whether you like it or not."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top