Chapter Nine
CHAPTER NINE
"MISS, excuse me," pansin ni Heleyna sa pamilyar na babaeng nakaupo sa desk nito. Ito 'yong empleyadong nanginginig nang unang tapak niya sa opisina ng mga De Vera noon.
"Ahm, yes, Ma'am, what can I do for you?" magiliw na tanong nito at base sa mukha ng babae ay na-recognized naman siya nito.
"Nasa opisina ba niya si Tristan ngayon?"
"Yes, Ma'am. Sandali lang po ipapaalam ko lang sa kanya."
"Pakisabi si Heleyna."
Nginitian siya nito sabay dampot sa telepono. Ilang sandali pa ay sinabihan siya nitong tumuloy na sa opisina ng boss nito. Nagpasalamat naman siya.
Napabuga siya ng hangin habang papalapit sa pintuan ng opisina nito. Hindi maiwasang kumabog ng dibdib niya at pakiramdam niya ay nasa lalamunan na niya ang puso niya.
Pagpasok niya sa loob ay nakita niya si Tristan na nakatayo sa harap ng isang malaking kwadradong photograph.
Napalunok siya nang wala sa oras at pakiramdam yata niya ay maiiyak pa siya. Na-miss talaga niya ito nang sobra.
"H-hi."
Agad itong humarap sa kanya at hindi niya inaasahan na hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito pagkakita sa kanya.
Hindi ba siya nito na-miss gaya ng pagka-miss niya dito?
"Gusto mo raw akong makausap?" tanong nito sa pormal na tono.
Napatikhim siya para alisin ang namuong bara sa lalamunan niya.
"K-kamusta ka na? Ang tagal nating 'di nakapag-usap. Hindi mo naman ako tinitext o tinatawagan man lang kaya hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa'yo. Nami-miss na kita."
Heleyna, 'wag kang iiyak. Huwag kang iiyak. Huwag.
"Sinabi ko naman sa'yong busy ako, 'di ba?"
"Tristan, kung may problema sabihin mo naman sa 'kin. Hindi 'yong ganito, basta ka na lang hindi magpaparamdam."
Sa sinabi ay biglang tumalim ang tingin sa kanya ng binata.
"Nang may nangyari ba noong nakaraang araw nagsabi ka sa 'kin?"
"A-ano'ng ibig mong sabihin?"
"Of course, you know what I mean, Heleyna. Kahit mahirap para sa 'kin ang magtiwala ulit, pinagkatiwalaan kita. Akala ko talaga iba ka. Bakit, Heleyna?"
"Tristan, hindi kita maintindihan," naguguluhang sabi niya.
"Nang hindi ko mahanap si Travis, all along tinulungan mo pala siya at hindi ka man lang nag-abalang magsabi sa 'kin kahit noong gabi pa lang nag-usap na tayo."
Natigilan siya.
"P-pa'no mo nalaman?"
"I was there. In fact, nakita ko kayong nagyayakapan ng kapatid ko. Hindi mo lang siya basta pinatuloy, pinatulog mo pa siya sa bahay mo."
Hindi siya makapaniwala. Kung ganoon tama nga ang sinabi sa kanya ni Dondon noon.
"Oo, sumama ang loob ko sa'yo but I still gave you the benefit of the doubt. Hinintay kita na ikaw mismo ang mag-open up sa 'kin pero naghintay lang pala ako sa wala. Do you know how much I value trust and honesty, Heleyna? Kung hindi mo kayang maging honest sa 'kin sa mga simpleng bagay, pa'no pa kita tuluyang pagkakatiwalaan?"
"Tristan, hindi mo kasi naiintindihan."
Tinangka niya itong hawakan pero maagap na umatras ang binata at pakiramdam niya ay may sumaksak sa dibdib niya.
"H-hindi naman 'yon katulad ng iniisip mo. Makinig ka sa 'kin, magpapaliwanag ako. Naglihim ako sa 'yo kasi gusto kong respetuhin ang desisyon ng kapatid mo. Kung dumating ka lang magpapaliwanag naman sana kami ni Travis sa'yo."
"'Yon na nga, eh. Kung dumating ako magpapaliwanag kayo. So ibig niyong sabihin, aamin lang kayo kapag nahuli ko kayo? At dahil hindi, 'di bale na lang ganu'n?"
Batid niya ang hinanakit sa boses nito at hindi niya ito masisisi.
"Tristan, inaamin ko namang nagkamali ako, eh. Hindi mo ba 'ko pwedeng bigyan ng chance?" pagsusumamo pa niya.
Huwag kang iiyak, Heleyna, 'wag kang iiyak.
Tristan was about to speak nang may sopistikadang babaeng biglang pumasok ng opisina nito.
"Tristan, come on, magsa-start na ang game--oh, I'm sorry, may kausap ka pala."
"Hindi, Sophie. Actually, paalis na rin si Heleyna."
It was a sign na tinataboy na siya ng binata pero ang ikinagulat niya ay ang itinawag nito sa pangalan ng babae. Sophie.
"M-may date ka pala. Pasensiya na sa abala, Mr. De Vera."
Mabilis siyang tumalikod at patakbong lumabas ng opisina habang sobrang masakit na ang lalamunan niya kakapigil ng luha niya.
"Heleyna?" narinig niyang tawag ni Travis pero hindi man lang siya nag-abalang lumingon.
Mabilis niyang tinungo ang elevator at maagap naman siyang nasundan ng binata bago pa man iyon nagsara.
"Hey, what's wrong? Tell me," anito at hinawakan siya sa pisngi.
"Travis..."
Hindi na niya kinayang pigilan ang sarili. Sumubsob siya sa dibdib nito at humagulgol ng iyak.
Sa kotse sila nito nag-usap. Kinumpirma din sa kanya ni Travis na ang babaeng nakita niya sa opisina ni Tristan na tinawag nitong Sophie ay siya ring Sophie na minahal nito five years ago. Nagbalik na daw ito galing Madrid.
"I'm so sorry, Heleyna. It was all my fault. Sa akin dapat siya nagalit, nadamay ka lang," nakukonsensiya pang sabi nito.
"Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ayaw niya 'kong pakinggan. Tama siya, Travis. Binigyan niya 'ko ng pagkakataon pero binale wala ko lang."
"Tumahan ka na muna, Heleyna. Made-dehydrate ka nito, eh."
"Masakit talaga, Travis, eh. Ano'ng gagawin ko? Pa'no pa 'ko mapapatawad ni Tristan?"
"Kakausapin ko si Kuya. Gagawin ko lahat malinawan lang siya."
"Iuwi mo na 'ko, Travis, gusto kong magpahinga."
"Fine. If that's what you want."
Habang nasa biyahe ay maririnig pa rin ang mahinang paghikbi niya. Nagbeep ang cellphone niya at hindi niya inaasahan ang text na matatanggap niya mula kay Tristan.
SIMULA NGAYON MALAYA KA NA.
"LOLO, kailangan mo 'kong tulungan," may bahid ng pagkadesperado sa boses nang sumugod si Travis sa opisina ng abuelo niya.
"Lagi naman kitang kailangang tulungan, apo," ani Don Genaro.
"Hindi seryoso 'to, Lo. Ayaw makinig ni Kuya sa 'kin and he even broke up with Heleyna. Ano'ng dapat kong gawin para maging okay na uli sila?"
"Ngayon nakita mo na ang resulta ng ginawa mo?"
"Oo at nagsisisi na 'ko! Ano, tutulungan mo ba 'ko o hindi?"
"Travis, madali lang naman ang solusyon diyan. Bukas na bukas din iharap mo sa 'kin ang dalawang 'yon at ako na ang bahala."
"MARE, okay ka lang ba? Mukha kang may sakit baka mamaya mahimatay ka na lang diyan, ha," alalang pansin sa kanya ni Corrine pagpasok na nila.
"Okay lang ako, Mare, wala akong sakit," matamlay niyang sagot.
"Hindi pa rin kayo nagkakabati ni Tristan?"
Sumigid na naman ang kirot sa puso niya pagkarinig sa pangalan ng binata.
"Nakipaghiwalay na siya sa 'kin, Corrine," aniyang pumiyok.
"Ha? Nakipaghiwalay agad?" gulat na anas ng kaibigan niya.
"Bumalik din 'yong babaeng unang minahal niya. Malakas ang kutob ko na nagkabalikan na sila."
Niyakap siya ni Corrine.
"Kaya mo 'yan, Mare. Nandito lang ako."
Nang hapong iyon, nagulat siya nang makita si Travis na naghihintay sa labas ng eskwelahan para raw sunduin siya.
Namalik-mata pa nga siya kanina dahil akala niya ay si Tristan iyon.
"Pinapasundo ka ni Lolo. May importante daw siyang announcement. Ewan ko lang kung ano," at pinagbukas siya nito ng pintuan sa tabi ng driver seat."Sakay na po, Ma'am."
"Salamat, Travis," tugon niya at pilit na ngumiti.
Nang dumating na sila sa mansiyon ng mga ito ay nadatnan nila si Tristan na kausap na si Don Genaro.
"Maupo kayong tatlo," mwestra nito sa sofa.
Tahimik naman silang sumunod. Napagitnaan siya ng magkapatid. Sinubukan ni Heleyna na hulihin ang tingin ni Tristan pero sinasadya nitong maging mailap sa kanya.
"Kamusta kayong dalawa?" nakangiting tanong ni Don Genaro sa kanila.
Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita.
"I would assume then na hindi mabuti."
"Ayoko nang ituloy ang engagement."
Hindi inaasahan ni Heleyna ang maririnig kay Tristan. Pakiramdam niya ay pinipiga na naman ang puso niya. Bumuka ang bibig niya pero agad din niyang itinikom dahil hindi niya alam ang sasabihin.
Mukhang matagal nang pinag-isipan ng binata ang desisyon nito.
Mariin siyang napapikit.
"K-kung 'yon po ang gusto ni Tristan, huwag na lang po nating ituloy ang engagement, Don Genaro."
"Heleyna, " hindi makapaniwalang sambit ni Travis.
"Madali naman akong kausap, mga apo. 'Yong pinangako ko sa 'yo, Tristan, na papayagan kitang ipagpatuloy ang photography sa Spain, tutuparin ko iyon. You can ask to schedule your flight anumang oras mula ngayon at si Travis na ang magte-take over sa kompanya. However, itutuloy pa rin ang engagement. But this time, imbes na si Tristan, si Travis na lang ang pakakasalan ni Heleyna."
Natigilan si Heleyna sa narinig niya.
"What?!" react naman ni Travis na hindi makapaniwala.
"Aalis na 'ko, nakuha ko na ang kailangan ko," sabi naman ni Tristan at dire-diretsong lumabas ng opisina ni Don Genaro.
"Tristan!"
Mabilis na tumayo si Heleyna at sinundan ito. Narinig pa niya ang sumbat ni Travis habang palabas siya ng silid na iyon.
"Akala ko ba tutulungan mo 'kong ayusin 'to? Bakit lalong nagkagulo?!"
"Tristan!"
Hilam na sa luha ang mga mata niya nang maabutan niya ang binata sa tapat ng isa pang silid. Sinugod niya ito ng yakap mula sa likuran.
"Tristan, please 'wag mong gawin 'to. Pakinggan mo naman ako," pagmamakaawa niya.
"Let me go, Heleyna. Hindi pa 'ko handang kausapin ka," malamig namang sabi nito.
"Tristan, maniwala ka, hindi ko gustong magsinungaling sa'yo. Mahal kita."
"Kung mahal mo 'ko inisip mo sana ang mararamdaman ko. I told you, malaya ka na, bakit mo pa 'ko ginaganito?" may pait sa tonong sumbat ng binata.
"Tristan," at hinigpitan niya ang pagkakayakap dito.
"I said bitiwan mo 'ko!"
Marahas na tinanggal ni Tristan ang mga kamay niya dahilan upang mapaatras siya. Mabilis naman nitong tinungo ang hagdan.
"Tristan!"
Sinundan pa rin niya ito. Halos hindi na niya makita ang dinadaanan dahil sa panglalabo ng mga mata. Ang mahalaga ay maabutan niya ito para humingi ng tawad. Kahit wala man silang pag-asang magkabalikan na dalawa, ang mahalaga ay makuha man lang sana niya ang kapatawaran nito.
Nakalabas na ng pintuan si Tristan at nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang magmintis ang paa niya sa susunod na baitang. Huli na kaya tuloy-tuloy siyang nahulog pababa at bumagsak sa sahig.
"Heleyna!"
Narinig niya ang pagtawag ni Tristan sa pangalan niya at pagkatapos ay nagdilim na ang paningin niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top